Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Seducing my Boss (Finished)

🇵🇭Missrxist
--
chs / week
--
NOT RATINGS
78k
Views
Synopsis
Michelle Saballa is a believer of true love; dala na rin nang pagkahilig niya sa pagbabasa ng mga romantic pocketbooks at panonood ng mga romantic movies. Sa pagkakaalam niya ay sweet at caring siya, kung bakit lagi siyang hinihiwalayan ng mga nakakarelasyon niyang lalaki—sa mismong kaarawan niya! One day, she bumped into someone; her new boss and childhood crush Gray Montefalco. Kung guwapo na ito no'ng nasa high school, nadagdagan pa 'yon ng isang-daang beses at malakas pa rin ang epekto nito sa kanyang puso. He's a charmer and a chick magnet, ngunit ayon sa mas nakakakilala sa lalaki ay pihikan daw ito sa mga nakaka-relasyon nito. Kung gano'n, paano niya mabibihag ang puso nito? Kung gagamitan ba niya ito ng Art of Seduction, bibigay kaya ito sa kanya?
VIEW MORE

Chapter 1 - 1

"ANAK NG tokwang isinawsaw sa tuyo! Nakakakilig!" tili ni Michelle, saka niya kinikilig na niyakap ang pocketbook na binabasa niya. Sa mga panahong tulad ngayon, pocketbook na lang talaga ang nakakapagbigay ng kilig, saya at excitement sa buhay niya.

Minsan nga ay pinangarap na lang niyang makapasok sa loob ng pocketbook at doon na lang magka-lovelife dahil buti pa ang mga heroines sa binabasa niyang mga libro ay nagkaka-forever, hindi tulad ng lovelife niya na pang-fictional book ang dating—dahil puro imahinasyon.

Napaka-ironic din kung paano natapos ang dalawang naging relasyon niya; una si Paul, nakilala niya ito sa Joycomp—isang computer shop, kung saan siya unang nag-trabaho after college graduation, for seven long years—ngayon kasi ay sa Montefalco Corporation na siya nagta-trabaho, na isa sa pinakamalaking Airline Corporation sa Palawan—bilang isang Customer service agent at magli-limang buwan na rin siya doon, so far, so good, in-introduce siya doon ng isang kaibigan niya from college at nalaman na maganda ang sahod, kaya pinatos na niya—nagtagal ang relasyon nila ng lalaki ng isang taon at nakipag-break ito sa kanya sa mismong kaarawan niya! May nakilala kasi itong mas young and fresh na babae; eh, fresh pa rin naman siya sa edad niyang twenty eight at mukha pa namang bata sa height niyang five feet.

Then after two years, nakilala niya si Ivan, kaibigan ito ng pinsan niyang lalaki na si Arthur, ang dalawang lalaking naka-relasyon niya ay parehong less than a month na nanligaw sa kanya, bago siya bumigay, palibhasa feeling niya ay ka-poreyber na niya ang mga ito dahil bukod sa cute ang mga ito ay gentleman at sweet din, parang sa mga nababasa niyang romantic pocketbooks na since high school ay kinahihiligan na niya—pero lechon de leche! Hindi rin nakatagal sa kanya ang lalaki dahil nakipaghiwalay din ito sa kanya nang sumunod na taon—at ang nakakaloka dahil sa mismong kaarawan din niya!

Natanong tuloy niya sa sarili niya, may balat ba siya sa puwet? O may sumpa ba ang birthday niya? Minsan natatakot na tuloy siyang sumubok uli sa pakikipag-relasyon dahil baka maulit na naman ang nangyari sa kanya.

Pero umaasa ang mga magulang niya na sana ay makahanap na siya ng seryosong lalaking mamahalin siya dahil malapit na daw siyang mawala sa kalendaryo at baka hindi na daw magkaapo ang mga ito, nasa sixty na din ang mga ito na kapwa nagta-trabaho sa kiskisan ng palay; na pag-aari din ng kanilang pamilya.

Nakipaghiwalay si Ivan sa kanya dahil nagkagusto ito sa isang co-worker nitong sexy at maganda, palibhasa ay hindi siya sexy; walang malaking hinaharap, walang coca-cola body, walang pang-modelong height at legs at makinis at maputing balat.

Iilan na lang siguro 'yong lalaking sa ugali at character nakatingin sa isang babae, dahil mas bet na ng karamihan ang physical appearances. Maganda siya sabi ng pamilya at mga kaibigan niya at naniniwala din siyang maganda siya, sadyang hindi lang makita ng mga lalaking 'yon .

Halos tatlong taon na siyang walang boyfriend; oo, naiinggit siya sa mga sweet couples sna nakikita niya mga Malls pero siguro mas okay na din 'yong single siya para makapagfo-focus na muna siya sa work niya para makatulong siya sa pagpapa-aral sa dalawang pamangkin niyang anak ng ate niya na kapwa nasa gradeschool.

Simula nang maaksidente ang ate niya na ikinalumpo nito at ikinamatay ng asawa nito, two years ago ay siya na ang tumulong sa pamilya nito. Dalawa lang silang magkapatid ng ate niya at matanda ito sa kanya ng limang taon, malapit din siya sa dalawang lalaking pamangkin niya; sina Jay na ten years old at si Roi na seven years old.

"Haaay, sana ako na lang ang heroine ni Reid Alleje!" kinikilig na wika ni Michelle. She's reading the Stallion series book of Sofia. Actually, malapit na niyang ma-kumpleto ang set ng series nina Sofia at Sonia Francesca, kaunting push na lang!

"Tita, ayos ka lang ba?" nagtatakang tanong ni Jay at Roi sa kanya, habang nakatitig ang dalawang batang lalaki sa kanya—nakangiti kasi siyang nangangarap kay Reid Alleje.

Simula nang mamatay ang ama ng dalawang bata, bumalik na ang ate niya sa bahay nila para maalagaan nila ito ng mabuti kasama ng dalawang bata—though minsan ay dumadalaw naman ang dalawang bata sa pamilya ng ama, kasama siya.

"Kung puro libro na lang ang inaatupag mo imbes na maghanap ng dyowa, kailan ka pa magkakapamilya?" nakangiting sabi ng Ate Jeanette niyang noon ay nasa wheel chair at papalapit sa kanila. Day off niya ang araw na 'yon kaya nagpasya siyang imbes na lumabas ng bahay ay mag-reading marathon na lang.

"Ate, dito sa mga librong ito na nga lang ako nasisiyahan at kinikilig, kaya huwag mo na akong pigilan dahil hindi mo rin ako mapipigilan." Natatawang sabi niya. Mahilig din naman ang ate niyang magbasa ng romance book pati ang mama nila, pero ngayon ay mas gusto ng mga ito na makatotohanan ang mga lalaking sa buhay niya.

Nagta-trabaho dati ang ate niya bilang librarian sa silid-aklatan ng bayan—nagtapos ito sa kursong Psychology pero ngayon ay tumutulong na lang ito sa kiskisan ng palay ng pamilya nila bilang cashier.

"Malapit nang mag-high school ang mga pamangkin mo, kapag nanganak ka baka college na sila, ang layo na ng mga age gaps nila." Anito.

"Ate, hindi naman madaling maghanap ng lalaking magmamahal sa 'yo nang tapat e, sabi nga nila, ang love parang magnanakaw—hindi mo alam kung kailan darating at magpapakita, kaya wait-wait lang tayo, saka gusto ko naman ay 'yong pang-poreyber na talaga at hindi makikipag-break sa mismong birthday ko!" aniya.

Ang weird dahil hindi man lang napagtanto nina Paul at Ivan na birthday niya mismo ang araw na nakipaghiwalay ang mga ito sa kanya ngunit kapagdaka'y humingi naman ng tawad.

Nakapag-move on siya agad dahil na rin sa tulong ng pamilya, mga kaibigan at syempre pa ang pagbabasa niya ng mga romantic pocketbooks, though inaamin niyang halos dalawang buwan din siyang nagdamdam at halos sisihin si kupido dahil sa epic failure na pagpapana nito sa kanya.

Hindi pa rin naman siya nawawalan ng pag-asa sa pag-ibig at naniniwala siyang masaya ang ma-in love; nakikita niya 'yon sa parents niya at sa ate at bayaw niya noon. Kailangan lang niyang kilalanin nang mabuti ang lalaki bago muling bumigay dahil ayaw na niyang muling masaktan at luhaan sa kaarawan niya—malapit pa naman na ang kaarawan niya.

"Sabagay sis, tama ka naman. Basta tandaan mo na nandito kami lagi nina Mama, Papa at ng mga pamangkin mo, love ka namin." Mabilis naman siyang tumayo para yakapin ang kapatid.

"Thanks ate, alam ko namang love n'yo ako, e, at ako din naman sa inyo." Masayang sabi niya.

Mabilis ding lumapit ang dalawang pamangkin niya at nakiyakap na rin sa kanila. "Tita Chell, kahit hindi ka na makapag-asawa, nandito lang kami ni kuya Jay para sa 'yo." Ani Roi.

"Oo nga tita Chell, hindi ka namin iiwan ni Roi at kami na lang mag-aalaga sa 'yo pagtanda mo." Sabi naman ni Jay, kaya napangiti na lang siya sabay yakap sa dalawang bata.

"Oh, ang su-sweet!" masayang sabi niya.

Ang weird naman kasi ng mundo e, kung kailan siya tumatanda saka naman siya nahirapang makatagpo ng lalaking makakapagpabilis ng tibok ng puso niya—'yong nararamdaman ng mga heroines sa mga stories na binabasa niya!

Naramdaman naman niya 'yon sa mga naging ex niya—pero mas gusto sana niya ay katulad sa book—'yong 'halos-lumabas-na-ang-puso-mula-sa-ribcage' feeling, meron nga kayang lalaking makakapagparamdam sa kanya n'yon?

"'UY CHELL, kumusta naman 'yong naging off mo kahapon? Saan ka namasyal?" tanong ni Liza sa kanya, kaibigan niya ito na siyang nagpasok sa kanya sa work at kasama as Customer service agent; sila 'yong nakikipag-interact sa mga customers in a very courteous, efficient, friendly and professional manner, nagpo-promote din sila at ipinagbibili ang air travel sa traveling public. Nagbibigay din sila ng assistance para sa mga check in and cargo ng mga passengers at kung anu-ano pa.

"Ayon, nagbasa lang ako ng romance pocketbook buong maghapon." Nakangiting kuwento niya sa kaibigan. Katatapos lang nilang mag-assist ng mga customers.

"What? Ang weird mo talaga, imbes na gumala at nagliwaliw ka, binuro mo lang ang sarili mo sa pagbabasa ng pockebook? Napaka-hopeless romantic mo talaga. Ganyan ba ang mga babaeng ilang taon ng tigang? Sa book na lang humuhugot ang kilig at excitement?" natatawang sabi nito.

Magaan niyang hinampas ang braso nito. "Grabe ka sa akin!" natatawang sabi niya. "Ang init kasi kahapon kaya tinamad na akong lumabas, kaya nagbantay na lang ako sa bahay at sa mga pamangkin ko at siyempre nagbasa since nagpunta sa kiskisan ng palay sina Mama, Papa at ate." Imporma niya, nakilala na nito ang pamilya niya nang minsan isama niya ito sa bahay nila. Ang kaibigan niyang ito ay ahead sa kanya ng isang taon, may asawa at isang anak na apat na taong gulang na.

"Buti hindi ka pa hinihingan ng apo ng mga magulang mo." Natatawang sabi nito.

"Anong hindi, lagi kaya nila akong kinukulit. Pakiramdam naman nila matutuyot na ang pagawaan ko ng egg cells at hindi na magkakaanak," naiiling na sabi niya. "May hinihintay pa kasi akong sign." aniya.

Nang may isang guwapong pilotong dumaan sa harapan nila ay nginitian siya nito kaya mabilis naman siyang ngumiti at kumaway.

"Crush mo ba 'yong si Pilot Albert?" nangingiting tanong ng kaibigan niya.

Guwapo ito and very crushable, ngunit hindi niya bet ang mga mas bata sa kanya. He's only twenty five! "Guwapong-guwapo siya pero hindi ko bet." Pag-amin niya, hindi rin niya makapa ang pagwawala ng puso niya dahil sa lalaki.

Actually, madaming guwapong mga lalaki ang araw-araw niyang nakakasalamuha; mga pilots, employees sa airlines at passengers, kaso 'yong hinahanap niyang sign ay hindi niya madama sa mga ito, kaya hindi niya magawang sunggaban ang pagkakataon, well, kapag naramdaman na niya ang pag-headbang ng puso mula sa ribcage niya—kahit siya na ang gumawa ng paraan para makilala at magustuhan ng lalaki.

"Ang choosy ni ateng!" natatawang sabi ni Liza sa kanya.

"Hindi naman ateng, hinihintay ko lang 'yong mabilis at pagwawala ng puso ko." Natatawang sabi niya, napailing-iling na lang ito.