NAPABUSANGOT si Michelle nang mabalitaan niyang nag-leave ng dalawang araw si Gray dahil dumating daw ang kaibigan nitong Grant mula sa Manila at para dumalaw din sa hacienda Montefalco—may kalapitan din naman 'yon sa Hacienda Mondragon—naudlot tuloy ang mga plano niya para sa araw na ito. Nag-ayos at nagpaganda pa naman siya nang bongga pero useless pala ang lahat.
"Okay lang 'yan friendship, magkikita pa naman kayo sa susunod na araw, e." konsula ni Liza sa kanya.
Napabuga na lamang siya ng hangin. "Pero friendship, posible nga kayang wala pang nagugustuhang babae si Gray? Kasi imposibleng walang magkagusto sa kanyang babae na magaganda, mayayaman at sexy."
"Ramdam ko wala, kasi kung meron, e, di sana may kasa-kasama siyang babae, alam mo na, kapag guwapo ang boyfriend, nagiging territorial ang mga babae kasi alam nilang maraming mang-aakit at magkakagusto sa boyfriend nila. He's super friendly with girls but he's not yet committed at nandyan ka para punan ang buhay pag-ibig niya."
"Sa tingin mo kakayanin ko talaga?"
"Naman! Sa ganda mo ba namang 'yan?" nakangiting sabi nito. Napangiti din siya at nakipag-high five sa kaibigan, marami ngang nagsasabi niyon ngayon sa kanya, kahit na ang pamilya niyang nagugulantang sa pag-aayos niya—natanong nga ng mga ito kung dinapuan daw ba siya ng sakit dahil bigla siyang nag-ayos nang bongga, hindi man lang naisip ng mga ito na nagpapaganda siya marahil dahil in love na siya.
Wait, in love? Agad-agad? Crush lang niya si Gray, 'no, super crush. Wala pa siya sa stage na hulog na siya sa lalaki—ang gusto niya ay sabay silang mahuhulog ni Gray sa isa't isa, para all is fair in love. Baka mamaya maiwan na naman siya sa ere, mahirap na.
"Ngapala friendship, may nakalap akong informative news tungkol sa ideal girl ni boss, baka 'kaku gusto mong malaman." Nakangiting sabi nito.
"Where did you get that news? Ibang klase ka talaga!" natatawang sabi niya.
"Ako pa ba?" natatawang sabi nito. "I got it from a good source,"
Patango-tango naman siya. "So, ano ang ideal girl niya?" curious na tanong niya.
Tumikhim ito at napakamot ng ulo. "Ahm, gusto niya ng mga babaeng matangkad, may magaganda at mahahabang legs, morena, mahaba ang buhok, maganda ngumiti, may dimples at marunong kumanta."
Muntik nang mahulog ang panga niya sa mga binanggit na katangian ng ideal girl ni Gray Rance Montefalco—ni isa man kasi sa nabanggit ay hindi niya taglay! Matangkad? Petite siya! Maganda ang legs? Flawless naman ang mga legs niya pero ang ikli ng mga 'yon! Morena? Well, medyo morena naman siya. Mahaba ang buhok? Hindi pa nga abot sa balikat 'yong buhok niya. Maganda ngumiti?
Ngumiti siya sa harapan ng kaibigan niya. "Friendship, maganda ba ako ngumiti?" tanong niya.
"Para sa akin panalo ang mga ngiti mo," nakangiting sabi din nito, pero hindi naman nito ka-taste si Gray, e. May dimples? Wala siyang dimples kahit saan mang parte ng katawan niya at lalong hindi siya marunong kumanta! Kumakanta naman siya sa CR pero madalas nga siyang sitahin ng mama at papa niya dahil baka daw magka-lindol.
"Cheer up, friendship! Pwede mo namang pag-aralan 'yong iba doon, e." anito.
"Susuko na lang ba ako nang hindi lumalaban?" aniya.
Mabilis itong umiling. "Ano ka ba, nandyan ka na e, wala nang balikan. Saka sinabi ko lang naman sa 'yo ang mga 'yon para mapalitan mo ang ideal woman niya—at ipalit mismo ang sarili mo. Hindi naman madalas nasusunod ang standard ng isang tao kapag na-in love na, e." nakangiting sabi nito.
Mabilis naman siyang nabuhayan ng dugo. "Totoo 'yan friendship, ang papa ko, ayaw no'n sa mama ko dahil maingay si mama, pero kita mo sila pa rin sa huli." nakangiting sabi niya.
"Kasi nga, kapag na-in love ang isang tao, kahit sabihin mo pang ayaw mo sa taong 'yon, hindi mo na masasaway at matuturuan ang puso mo."
"Kung makapagsalita ka, parang base on experience, ha." Natatawang sabi niya.
Mabilis naman itong tumawa at tumango. "I had six boyfriends, lahat sila taglay ang katangiang hanap ko—pero hindi naman nagtagal ang mga relasyon namin, pero dahil kay Anastacio, nabago ang lahat ng katangian ng lalaking gusto ko." Masayang kuwento nito.
"Wow! Love is indeed magical." Nakangiting sabi niya.
"And very unpredictable! Kaya habang hindi pa siya nakatali, fight lang nang fight, nandito lang ako sa likod mo."
"Salamat, friendship."
Tumango ito. "Para ito sa future inaanak ko! Kaya dapat magkatuluyan na kayo agad ni Boss para magkaroon na ako ng inaanak bago ka pa mawala sa kalendaryo."
"Aray naman, magpasintabi ka naman." Natatawang sabi niya, natawa na lang din ito sa kanya.
SA DALAWANG araw na hindi niya nakita si Gray pakiramdam niya ay ang lungkot-lungkot ng buhay niya. Ang weird lang dahil limang buwan naman siyang nakapag-trabaho sa airlines na wala ang binata pero ngayon ay hinahanap-hanap na ito ng kanyang mga mata.
Kaya nga muli siyang nag-ayos ng seductive and attractive nang araw na 'yon para mapansin nito. Maaga din siyang nag-bake ng cookies para sa lalaki dahil nasabi nga nito sa kanya last time na mahilig ito sa cookies, nauna na nga niyang nabigyan si Liza para mag-free taste, na masayang inaprubahan nito.
Nang makita niya si Gray na naglalakad papunta sa opisina nito ay kumabog ang puso niya. Daig pa niya ang nakapagbasa at nakatapos ng sampung magagandang romance book sa isang upuan dahil pagkakakita sa lalaki, ibang-iba talaga ang kasiyahang dulot nito sa kanya.
"'Ayan na si Boss, puntahan mo na." nakangiting sabi ni Liza sa kanya.
Mabilis niyang kinuha ang maliit na salamin niya para tingnan ang reflection niya doon, maayos pa naman ang make up niya at maganda pa naman ang pagkakaayos ng buhok niya, napangiti siya sa kanyang sarili bago saglit na nagpaalam sa kaibigan para iabot ang cookies sa kanyang boss.
Napapalingon ang mg co-employees niya sa maliit na cookie jar na hawak niya—baka mamaya isipin ng mga ito nag sumisipsip siya, naku, makarinig lang talaga siya ng negative feedback patungkol sa kanya—makakatikim ang mga ito sa kanya. This is for the sake of her future love life, kahit hindi naman ito mayaman ay magugustuhan pa rin niya ito dahil sa malakas na impact nito sa kanya, bonus na lang talaga na mayaman na ito, ubod pa ito ng guwapo; he must be a good person in his past life.
Oplan: Seducing my boss step four: Use body language.
Papasok na noon sa opisina ang boss niya nang mabilis niya itong binati ng magandang umaga, kaya ngumiti din itong bumati sa kanya. Napa-haaay siya sa loob-loob niya dahil ang guwapo nito lalo na kapag nakangiti.
"Naalala ko lang po kasi na favorite mo ang cookies, kaya nang mag-bake ako e, dinamayan na kita." Nakangiting sabi niya, pero ang totoo talaga ay gumawa siya para dito at ang pamilya at si Liza lang ang idinamay niya.
Ngumiti naman ito nang maluwang. "This is really so nice of you, Michelle. Thanks."
Mabilis din niyang inabot ang jar of cookies niya. "Sana po magustuhan n'yo." Nakangiting sabi niya.
"For sure," nakangiting sabi nito. "By the way, pasok ka." Yaya ng binata sa kanya sa loob ng opisina nito. "I also have brought some sweets with me, mula sa 'employee-slash-mukhang-girlfriend' ni Grant, gumagawa kasi siya ng mga sweets." Nakangiting sabi nito.
"Naku, sir, hindi na." kunwari ay pagtanggi niya, pero once na yayain pa siya nito ay hindi na talaga siya tatanggi—kaya naman nang muli siyang pinapasok nito ay nauna pa siyang pumasok sa loob.
Iminuwestra nito ang visitor's chair para maupo siya, saka nito mabilis na binuksan ang attaché case nito at inilabas doon ang isang supot ng yema at pastillas.
"Masasarap ang mga ito, tikman mo." Nakangiting sabi nito.
Tumango naman siya at ngumiting tumango, saka binuksan ang supot ng yema, napangiti siya nang matikman 'yon, gano'n din sa pastillas. Magaan niya itong tinapik sa braso nito dahil nasiyahan at nasarapan siya sa kinain niya—pero ang totoo niyan ay sumi-simpleng da moves lang siya.
Ngumiti siya dito at nag-thumbs up. "Masarap nga po, sir." Aniya.
Tumango naman ito sa kanya. Saka mabilis binuksan ang jar of cookies niya at kumagat doon. "This also really tastes good." Puri nito sa gawa niya, na ikinangiti niya nang malaki.
"Thank you." Aniya.
"I really wanna learn to bake cookies for my mom. Hindi pwede kay daddy dahil may diabetes siya."
"Pwede po tayong mag-bake ng delicious diabetes-friendly cookies para sa daddy mo."
"Really?" amazed na sabi nito.
Mabilis naman siyang tumango. "Leave it to me, sir, yakang-yaka 'yan." aniya.
Ngumiti ito sa kanya at sinasalubong ang mga titig nito, nakaka-concious itong tumingin pero kinakaya ng powers. "Thanks really, Michelle, lately kasi ang daming bawal kay dad, kaya feeling niya lahat bawal na sa kanya, this is really a good news, mahilig din kasi si daddy sa cookies. Thank you." Anito, saka nito tinapik nang magaan ang balikat niya.
Oplan: Seducing my boss step five: Flirt.
Hindi man siya marunong mag-flirt—aba'y nilubos-lubos na niya ang pagngiti nang kaakit-akit, baka sakaling matamaan ito. May igaganda din naman siguro ang pagngiti niya para sa binata.
"Dalawang araw din po pala kayong wala." Kapagdaka'y sabi niya.
Tumango ito, at naglakad papunta sa table nito para ayusin ang gamit nito doon. "Dinalaw lang namin ng mga friends ko si Grant, dumating kasi siya kasama ng employee-slash-mukhang-girlfriend-niya."
Nagtataka naman siya sa pagbabanggit nito 'employee-slash-mukhang-girlfriend'. "Bakit nga po pala sinasabi n'yong employee-slash-mukhang-girlfriend ng kaibigan n'yo ang kasama niya?" curious na tanong niya.
Tumawa ito. "They were sweet and he was being possessive to Jo, tapos sasabihin niyang employee lang niya, I smelt something fishy."
Tumango-tango naman siya. "Ang sweet naman ng employee-boss relationship." Nakangiting sabi niya, emphasizing the last words, feeling naman kasi niya ay kapareho nila ang story nina Grant at 'yong employee-slash-mukhang-girlfriend ng lalaki.
"Wish ko lang makatagal si Jo kay Grant, he's always hot headed." Anito.
"Ikaw sir, bakit ang friendly mo sa lahat especially with girls?"
Natawa ito sa sinabi niya. "Dahil wala namang rason para mainis ako sa sinuman. Mas maganda mabuhay sa mundo kung wala kang kaaway at may sama sa 'yo ng loob."
"Pero paano po kung ma-misinterpret ng mga babaeng lumalapit sa inyo ang kabaitan n'yo?"
Ngumiti ito. "I know my limitations."
Tumango-tango naman siya. "Ah sige sir, salamat pala sa yema at pastillas. Idinaan ko lang talaga itong cookies para matikman n'yo." Paalam na niya.
"Thanks, Chell." Nakangiting sabi nito. Saglit siya napatigil sa narinig niyang sinabi nito, did he just call her—Chell? OMG! Close na sila? "Sorry, I just heard your friends calling you Chell; I hope its okay with you."