"Okay lang, sir." Nakangiting sabi niya. Kahit nga love, babe, sweet at kung anupang shorter o one word na endearment 'yan, masaya kong tatanggapin! "Sige sir, have a good day." Aniya, palabas na siya ng pintuan ng muli nitong tinawag ang pangalan niya.
"How about this coming Sunday, are you off?" tanong nito.
Oh God, yayayain na ba niya akong mag-date? Dahil sa isang pirasong cookie, na-in love na agad siya sa akin? Ibang klase pala ang kamandag ko!
"Ah yes sir, off ko sa Sunday, why po?" pigil-kilig na tanong niya.
"Yayayain sana kitang—"
"Opo sir, papayag akong makipag-date sa inyo." Mabilis na sagot niya. Saka siya kinikilig na napangiti. Talagang hindi na niya nahintay na kumpletuhin ni Gray ang sasabihin nito. Sorry na, excited, e!
Nakita niyang napangiting napakamot ng ulo si Gray. "Yayayain kita sa condo para turuan akong gumawa ng cookies for mommy and daddy." Pagkukumpleto nito sa sasabihin.
Medyo na-disappoint siya sa kanyang narinig but still, makakasama pa rin naman niya ang lalaki, hindi nga lang sa isang romatic dinner, kundi para turuan niya itong mag-bake ng cookies at sa condo pa nito mismo, pagkakataon na niya ito para mas lalo niya itong mabihag sa kanyang mga kamay!
Ang laki ng ngiti niyang lumabas mula sa opisina nito. Nahiling niyang sana ay mag-Sunday na agad para magkita na sila ni Gray.
"HUWAG MASYADONG umaasa sa lalaking mabait sa 'yo dahil baka sa huli, hanggang bait lang talaga ito at wala namang anumang ibig sabihin. Hashtag iwas asa, para iwas nganga Sunday."
Palabas na sana ng bahay si Michelle nang marinig niya ang sinabing 'yon ng isang Dj sa radyong pinapakinggan ng mga magulang niya, feeling affected tuloy siya dahil parang nakaka-relate siya.
Nagpaalam siya kagabi sa pamilya niya na may lakad siya kinabukasan—hindi niya sinabi sa mga ito na pupunta siya sa bahay ng boss niya, dahil baka i-spy pa siya ng mga ito. Nag-offer din na sunduin siya ni Gray sa bahay nila ng mga three o' clock in the afternoon dahil ito daw ang may kailangan ng tulong, ngunit mabilis siyang tumanggi—iniisip kasi niyang baka maudlot pa ang operation pang-aakit niya dito dahil sa pamilya niya—atat na atat na ang mga itong magka-lovelife siya, e.
Paglabas niya ng bahay nila ay nabungaran niya ang isang lalaking nasa katabing bahay na noon ay nag-aayos ng motor nito—naisip niyang marahil ay ito na ang kapit-bahay nila na pamangkin ng dating may-ari ng bahay, sa kulang dalawang linggo na pananatili nito sa katabing bahay ay ngayon lang talaga niya ito natiyempuhan.
Nang maramdaman yata nito ang presensya at pagtitig niya dito ay mabilis itong lumingon sa kanya at nang makita siya ay tumayo ito at ngumiti sa kanya.
"Hi! Ako nga pala 'yong bagong neighbor n'yo, Gary Lualhati." Nakangiting sabi nito. "You must be Michelle? Madalas kang ikuwento ni tita Nida." lihim siyang napailing, kahit kailan talaga ang mama niya; ikinukuwento siya madalas sa mga bachelors na kakilala nito.
"Hello, yes, I'm Michelle, nice meeting you, Gary Lualhati." Aniya. "Sige." Akmang maglalakad na siya paalis ay mabilis itong nakalapit sa kanya.
"May lakad ka?" anito.
"Obvious naman, 'di ba?" aniya, pero walang halong sarcasm ang pagkakasabi n'yon kaya natawa ang binata.
"Ngayon lang kasi kita nakita—at tama ang Mama mo, maganda ka nga pala talaga." Anito. Nakasuot siya noon ng cute blue above the knees dress na sleeveless.
"Salamat, ikaw din." Balewalang ganti niya, nagulat siya nang marinig niya itong tumawa. "Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"Ako din? Maganda?" anito.
"I mean, ikaw din, naikukuwento nila sa akin." Aniya. Well, guwapo nga talaga ang lalaki, matangkad na marahil nasa more or less six feet, maganda ang pangangatawan dahil sa suot na puting sando, para itong Zanjoe Marudo, pero sorry na lang ito, dahil may Jamie Dornan na siya sa katauhan ni Gray Montefalco.
"Sana positive ang mga sinasabi nila sa akin." Anito. "Pero alam mo ba, nang ikuwento ka ng Mama mo sa akin, gusto na kitang ma-meet agad no'n, kaso busy ka yata kaya hindi nagkakatagpo ang mga landas natin." Nakangiting sabi nito.
"Don't worry, positive naman ang mga sinabi nila tungkol sa 'yo." Sagot niya sa unang sinabi nito. "Ahm, by the way, it's really nice meeting you, Gary, I have to go." Aniya.
"Sige, ingat, nice meeting you Michelle." Narining pa niyang sabi ng lalaki, ngunit hindi na niya ito nilingon pa. Gwapo ito pero walang dating unlike Gray.
NANG MAKARATING siya sa address na ibinigay ni Gray ay huminga muna siya nang malalim at nag-sign of the cross. Kaninang umaga nang magpunta silang pamilya sa simbahan ay isa ito sa idinasal niya—na sana ay maging successful ang araw na ito sa kanila ni Gray—lalo na sa kanya, sana ay mamulaklak na ang pang-aakit na ginagawa niya dito.
Pinindot na niya ang doorbell at kumabog ang puso niya nang mabungaran niya agad ang guwapong binata—he was just wearing a white t-shirt and a black cotton short, ngunit nagmistula itong modelo sa harapan niya, ang guwapo! He also looks fresh and has a sweet-smell, ang sarap papakin! Mukhang bagong ligo dito.
Ngumiti ito sa kanya at mabilis na niluwagan ang pintuan saka siya pinapasok. Pinagpahinga na muna siya nito sa sofa at saglit itong kumuha ng juice, kaya pinalibot niya ang tingin sa kabuuan ng condo nito—it was huge!
Pang-mayaman ang condo nito, the architectural design were breathtaking with a striking glass façade cantilevered over tree-lined streets like elegantly lit chandelier. Bongga din ang mga kagamitan nito sa loob at mukhang famous painters pa ang gumuhit sa dalawang malalaking paintings na nakasabit sa isang corner ng bahay nito. May tatlong rooms at magandang kitchen.
"Juice." Nakangiting inilapag ni Gray ang baso ng juice sa mesa sa harapan niya.
"Thanks." Nakangiti ding sabi niya. "You got a very nice house." Puri niya sa bahay nito.
"Thanks." Nakangiting sabi nito.
"Marami ka na din sigurong nadalang friends dito—especially girls." Aniya, namimingwit lang siya ng information.
Ngumit ngumiti at umiling lang ito. "Bukod kina Tycho, Troy at sa family ko, ikaw pa lang ang nadadala ko dito."
Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat at syempre pa ay kinilig na naman siya. "Wow!" wala siyang masabi sa sobrang gulat niya.
"Thanks for being here, sana marami akong matutunan sa 'yo."
"My pleasure, sir."
"You can call me Gray, we're not in work." Nakangiting sabi nito, na nahihiya niyang tinanguan. "By the way, you look beautiful." Anito.
Muntik na siyang mapatili sa sobrang kasiyahan at kilig, kaya bago pa nito makitang kinikilig siya ay nagpaalam na siya agad para magtungo sa comfort room na iminuwestra nito. Nang makapasok siya sa loob ay pasimple siyang nagtatatalon at impit na napatili.
***