"Naku tita, wala po ang parents ko dito, nasa States po sila."
"Hi-tech na ngayon hijo, maaari nang mamanhikan sa internet, ano bang tawag doon..."
"Skype po, lola." Mabilis na sagot ni Roi.
"Tama! Sa skype." Nakangiting sabi ng Mama niya.
"Naku, hindi kaya masyado namang mabilis ang lahat, mahal." Sabi ng papa niya.
"Oo nga naman, 'ma." Segunda ng ate niya.
"Dapat nga next next week na agad, e. Mukha namang mabait at mapagkakatiwalaang bata itong si Gary, e." nakangiting sabi ng mama niya, napailing-iling na lang siya tumayo sa kinauupuan dahil hindi na niya naririnig ang nasa kabilang linya.
"Hello, sino nga 'to?" muling tanong niya sa kausap sa phone, nakailang tanong pa siya bago niya ipinasayang patayin na lang dahil hindi naman sumasagot 'yong nasa kabilang linya. Ayaw na sana niyang bumalik sa hapag-kainan dahil ayaw niya ng topic pero no choice siya, gutom na gutom na kasi siya, nawalan kasi siya ng gana kaninang lunch dahil sa babaeng kasama ni Gray sa opisina nito, kaya hindi na siya nag-lunch.
Nang matapos silang kumain ay nag-alok na maghugas ng pinagkainan si Gary, aalis na din sana siya para makapagpalit ng pambahay, pero pinasamahan ng mama niya ang binata, kaya sa huli ay dalawa silang naghugas ng mga pinagkainan. Panay ang kuwento ni Gary at siya naman ay panay tango. Pagkatapos nilang maghugas ay nagpaalam na siyang umakyat sa kuwarto niya, idinahilan niyang pagod na pagod siya.
At dahil nga wala siya sa mood mag-ilusyon ngayong gabi, pagkatapos niyang mag-hilamos at magpalit ng pambahay ay nagpasya na lamang niyang itulog ang anumang nararamdaman niya.
PAGKATAPOS nina Michelle at Liza sa trabaho ay sabay na silang naghintay ng taxi sa harapan ng airlines pauwi, ngunit pinauna na niyang sumakay ang kaibigan dahil iyak na daw nang iyak ang anak nito. At habang naghihintay uli siya ng taxi ay biglang may isang gray at magarang sasakyan ang huminto sa harapan niya—doon niya na-realize kung kaninong kotse 'yon—yes, kay Gray, mabilis namang bumukas ang bintana ng binata.
"Hi!" nakangiting bati nito sa kanya. "Pauwi ka na ba?" tanong nito.
Tipid siyang ngumiti dito at tumango. "Hindi yata kita nakita buong maghapon." Curious na sabi niya.
Mabilis naman itong bumaba sa sasakyan nito. "Nag-attend kasi ako ng business meeting sa isang hotel na malapit dito, actually, katatapos lang at napadaan lang ako dito dahil may ch-in-eck lang ako saglit."
"Ah, okay. Pauwi ka na?" aniya.
Tumango naman ito sa kanya. "Gusto mo bang ihatid ka kita?" anito. Mabilis naman siyang umiling. Baka matiyempuhan pa ito ng parents niya. "Bakit? May magagalit ba?" tanong nito.
Mabilis siyang umiling. "Wala 'no, baka ikaw, may magalit sa 'yo kapag may kasama kang ibang babae."
Natawa ito. "Wala din." Eh, sino 'yong kasama mong babae last time? Gusto sana niyang itanong, kaso baka magtunog nagseselos pa siya. Next time na nga lang niya 'yon itatanong. "Ahm, Chell, I've bought something," nakakamot sa ulo na sabi nito.
"Ano 'yon?" curious na tanong niya.
"Nasa bahay na, e." sagot nito, saka niya nakitang napakagat sa ibabang labi, naalala na naman tuloy niya ang mind-blowing kiss nila, pakiramdam niya ay nag-init ang magkabilang pinsgi niya. "'Wanna come to my condo?"
Saglit siyang natigilan sa pag-iimbita nito sa condo niya, pero lihim siyang napangiti. "W-Walang magagalit?" tanong niya.
"Wala nga." Natatawang sabi nito. Kaya sa huli ay nagpantangay na lamang siya sa kagustuhan ng puso niya.
NAKARATING din sila agad sa condo nito. Nagpaalam muna ito saglit na magbibihis ng damit, ipinahiram din sa kanya nito ang sapin sa paa nitong spongebob saka siya naupo sa sofa.
Pagbalik nito ay nakapambahay na ito; blue t-shirt at black na cotton short, nagtungo ito sa kusina para kumuha ng juice nila, saka ito nag-order ng early dinner nila sa isang fined resto na malapit sa condo.
"Ano pala 'yong sinasabi mong binili mo?" curious na tanong niya.
Ngumiti ito sa kanya saka lumapit TV rack ay binuksan ang isang drawer, kapagdaka'y itinaas nito ang hawak na dvd movie. Napangiti siya. Ibig bang sabihin n'yon ay handa na talaga nitong kalimutan ang babaeng minahal nito?
Hollywood romantic comedy movie ang dvd na binili nito at hindi niya napigilang mapangiti sa excitement. Saglit pa ay dumating na rin ang dinner na in-order ni Gray saka nito inilapag ang mga pagkain sa mesita sa harapan ng TV bago isinalang ang movie.
"What made you change your mind?" nakangiting tanong niya.
"You."
"Me?"
"I wanna be like you, an optimistic and jolly person. You made me realize what I'm missing. Thanks for the company, hindi ako mabo-bore sa panunood nito." nakangiting sabi nito.
"My pleasure, Sir."
"We're not in work."
Napangiti siya. "My pleasure, Gray." Ngumiti din ito. Kapagdaka'y inabutan siya nito ng pagkain niya—at habang nanunood sila ay nagdi-dinner na din sila, hindi rin niya nakalimutang mag-text sa bahay nila, baka kasi bigla siyang hanapin doon.
Nauna silang natapos kumain at sunod na natapos ang isang magandang movie.
"I loved it! Nakakakilig." Aniya.
"Yeah, the movie made me want to fall in love again." Anito.
"Then fall in love again." Nakangiting sabi niya. The movie was about second chances with another person.
"Are you sure walang magagalit na nandito ka kasama ko ngayon? Wala kang boyfriend?" muling tanong nito.
"Wala. Zero. I'm single." Pang-e-emphasize niya.
"Then who was that—nah, never mind." Nakangiting sabi nito. "So, do you wanna be my movie buddy from now on?" alok nito.
"Sure!" masayang sabi niya.
Oplan: Seducing my boss step nine: Share fantasies.
Napangiti siya. "You know what," muling sabi niya. "Pingangarap ko 'yong ganitong eksena; 'yong manunood ng movie kasama ang lalaking mahal ko tapos magkuwentuhan about sa movie." Nakangiting sabi niya.
"Why? Hindi ka ba nakapanood ng movie with your exes?"
"Ang dali nilang ma-bore e, saka hindi naman nila iniintindi 'yong movie, e." aniya.
Tumango ito. "I love watching movies—gano'n din dati si Fatima, kaya kami mas lalong nagkasundo, pero dahil din sa kanya kaya nawalan ako ng ganang manood, until you came along." Tipid itong ngumiti at napabuga ng hangin.
"You seemed so tired." Puna niya.
"I'm just stressed with so many works, ang hirap pa lang mag-manage ng airlines, ang daming ginagawa, luckily, nandyan si mom and dad para sumuporta."
"Nandito din ako para mag-cheer sa 'yo," nakangiting sabi niya. "Fight, fight, fight lang!"
"Thanks, Chell." Anito. Ngumiti naman siya.
Oplan: Seducing my boss step ten: Massage.
Muli siyang napangiti sa susunod na gagawin. "Let me give you a massage." Aniya, saka siya mabilis tumayo para pumuwesto sa likuran nito bago sinimulang masahiin ang muscles nito sa likuran. Napaungol ito sa sarap ng kanyang ginagawa. Marunong din kasi siyang mag-masahe.
"It's so relaxing, thanks." Anito.
"Minasahe mo din ako no'n, kaya it's my turn." Nakangiting sabi niya. Saglit pa ay naging mas banayad na ang pagmasahe niya dito at pahaplos na niya ito kung hawakan.
Oplan: Seducing my boss step eleven: Appeal to his erogenous zone.
Hinaplos niya ng banayad ang leeg nito pataas sa tainga nito, nakita niyang nanigas ito sa kinauupuan nito, kaya napangiti siya, kung gayon ay apektado ito sa ginagawa niya. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa.
"Are you okay?" lumapit pa siya dito para bulungan sa tainga nito, nakita niyang namula ang mukha nito, muli siyang napangiti. Saka niya sinadyang kalabitin ng labi niya ang puno ng tainga nito, rinig na rinig niya ang mabigat at mabagal na paghinga nito. Hanggang sa hawakan nito ang kamay niya.
"T-Tama na! Okay na ako, salamat." Anito. Saglit itong tumitig nang kakaiba sa kanyang mga mata bago siya agad na binitiwan. Nakita pa niya itong napailing at magaang tinampal ang magkabilang pinsgi nito. Napangiti na lang siya, para kasing pinaglalabanan nito ang anumang nararamdaman sa kanya.
This time ay nag-insist na talaga itong ihatid siya sa bahay nila, pasado alas nuwebe na din kasi noon at baka wala na daw siyang masakyan pauwi, kaya sa huli ay sumang-ayon na lang din siya. Nang makarating sila sa bahay nila ay hindi niya ito hinayaang bumaba ng sasakyan, mamaya ay nag-aabang pala ang mga magulang niya at biglang makita si Gray—hindi pwedeng maudlot ang mga plano niya dahil ramdam niyang malapit na siya na finish line!