Tondo, Maynila, Pilipinas
Abala ang buong pamilya Gusman sa paghahanda. Ang kanilang bunso ay paalis papunta ng Japan kung saan ay magtatrabaho siya bilang isang assistant sa isang malaking kumpanya.
Hindi pa rin makapaniwala si Ashley Gusman na mapipili siya sa dinami dami ng mga aplikante na nag apply.
Kaya naman hindi sya makapapayag na maiwan ng eroplano papunta sa kanyang magandang kinabukasan...
"Ano ba! dalian nyo naman!" Sigaw ni Ashley sa sobrang inip, "Ayokong maiwan ng eroplano!" Habang makikita mo ang pagkabalisa sa kanyang magagandang mga mata.
"Nandyan na! Kailangan ko lang mahanap ang aking telepono," sigaw ng kanyang ina na si Fely Gusman mula sa silid sa itaas. "Hindi ko maalala kung saan ko ito naiwan," sabi niya habang patuloy na naghahanap.
"Andyan na! eto kase naman si Kuya Arman, ang tagal sa banyo. nagdasal pa yata eh!" Sigaw naman ng nakatatandang kapatid nya na si Arthur.
Umiling iling lang si Ashley sa pagkadismaya habang ang kanyang mga magulang at kapatid ay nagmamadali pababa ng hagdan.
Sa wakas, ay matutuloy na rin ang matagal nya ng pinapangarap na makapangibang bansa.
'Eto na ang simula ng aking bagong buhay.' sa isip ni Ashley habang atras-abante syang naglalakad sa sala habang nag aantay sa buong pamilya nya na mag hahatid sa kanya papuntang airport.
Habang nag aantay si Ashley at hindi mapakali, hindi nya maiwasang maisip ang nakaraang hirap na dinanas nya para lang matupad ang kanyang pangarap.
Mula't sapol pa mula noong kanyang kamusmusan, pinangarap na nyang makarating ng ibang bansa at doon magtrabaho. Ito ang kanyang bukang bibig halos araw-araw.
Pero kahit bata pa sya, nakikita na ng mga magulang nya na meron syang diterminasyon.
At kung anuman ang kanyang pangarap, siguradong ito ay matutupad. Kaya naman siniguarado naman ng kanyang mga magulang na igapang ang kanyang pag-aaral at sa pribadong eskwelahan pa.
"Nay, Tay, paglaki ko po, ako ay magtatrabaho sa ibang bansa. At lahat ng sasahurin ko, ipapadala ko sa inyo para di na kayo maghirap sa pagtitinda sa palengke at pamamasada ng Jeep. Antayin nyo lang po, pagdating ng araw, papatayuan ko kayo ng napaka laking bahay. Isang Mansion na kasing laki ng Malacanang Palace."
Sabay ngiting napakatamis ni Ashley sa kanyang mga magulang at mga kapatid habang sila ay nakaupo sa hapag kainan.
Maluha-luhang niyakap ni Fely ang kanyang bunsong anak na anim na taong gulang pa lamang noon.
"Ikaw na bata ka, ni hindi ka pa nga tumutungtong sa grade-one eh, kung makapagsalita ka, para ka ng malaking tao. Hahaha!"
"Oo, na! Alam namin na kaya' mo gustong makapag abroad, eh' para bigyan kami ng maginhawang buhay. Pero anak, bago yun kailangang mo munang kumain at mag palaki. Okay! Tingnan mo ang plato mo, puro kanin at walang ulam, pano ka lalaki nyan?" Biro ng kanyang Ama na si Susing [Jessie Gusman]
Sabay-sabay nag-tawanan ang limang nakatatandang kapatid ni Ashley at isa-isang naglagay ng ulam sa kanyang plato.
"Ayan, kailangan mong kumain din ng ulam, hindi puro kanin lang para lumaki kaagad." Pabirong sinabi ng pina matanda nyang kuya na si Arman.
Si Ashley ang bunso at nag iisang babae na anak ng mag asawang Jessie at Fely. Kaya't di hamak na prinsesa ang turing sa kanya ng buong pamilya.
Sa simula pa lang nang sya ay ipinanganak halos hinde sya madapuan ng langaw, At kahit anong hingin nya, basta't makakayang ibigay ng kanyang mga magulang, ginagawan ng paraan para lang sya ay maging masaya.
Lahat ng kanyang mga kuya sa publikong paaralan lamang nagsipag-aral, samantalang si Ashley ay sa isang pribadong Pre-school at Kindergarden nag-aaral. Ganyan sya kamahal ng buo nyang pamilya.
Pero kahit na si Ashley ay tinatratong prinsesa sa kanilang bahay, ni minsan hindi naging masama ang kanyang ugali. Alam nya na middle class lang sila. Kayat hindi sya naghahangad ng mga bagay na hindi kayang ibigay ng kanyang mga magulang.
Lumaki si Ashley na may magandang ugali at takot sa panginoong diyos, kaya naman ng siya ay nakapagtapos ng pag-aaral na hindi man lang nagkaroon ng kahit isang nobyo.
Bagamat nagkaroon sya ng crush or paghanga, hindi pumasok sa kanyang isipan na magkaroon ng relasyon hangat hindi natutupad ang kanyang mga pangarap...
Ang pamilya niya ay nasa kategorya na medyo nakakaluwag sa buhay , bagamat kumakain sila ng tatlong beses sa isang araw at nakakakyanan ng kanilang ama at ina na itaguyod ang kanilang pagaaral.
Hindi pa ang mga ito nakapag bakasyon sa ibang bansa kahit minsan.
Ito ang pangarap ni Ashley na ibigay sa kanyang magulang. Ang maranasan ng kanyang Ama at Ina ang lumabas ng bansa upang mag bakasyon at isang marangyang kabuhayan.
Matutupad lang ito kapag siya ay nakapag abroad at kumita ng dolyar...~~~
***
A/N:
Kung may oras po ka kayo, baka naman pwedeng pa add sa library nyo ang bago kong libro. Ang title of ay:
1] THE BILLIONAIRE SON MEETS THE TYCOON HEIRESS [Kasali sya sa contest]
2] TORN BETWEEN TWIN BROTHERS
Maraming salamat po!