Chapter 18 - 18

Nang makarating sila sa parking lot ng Mall ay kinuha nito ang bitbit niyang paper bag na naglalaman ng mga damit niya kanina saka 'yon inilagay sa compartment kasama na ng paperbag ding hawak nito, saka siya pinagbuksan sa passenger's seat at agad din itong pumuwesto sa driver's seat.

After more or less an hour na biyahe ay nakarating din sila sa isang magandang restaurant sa lugar nila sa Puerto Princesa—ang blue bamboo resto, mukhang ipina-reserved pa 'yon ni Gray dahil sila lang no'n ang tao sa lugar bukod sa mga nagsisilbing waiters na naroon.

It's past seven in the evening. Ang ganda sa relax zone ng restaurant at doon siya dinala ng binata habang hinihintay ang kanilang mga orders. Ang lugar ay napapalibutan ng mga maliliit na bombilya at sa mesa ay may tatlong malalaking kandila ang naroon, tanaw na tanaw din nila ang itim na kalangitan na punong-puno ng mga bituin, sariwa ang hangin na nagmumula sa mga halaman at puno sa paligid at ang kaaya-ayang tunog ng paghampas ng karagatang malapit sa kinaroroonan nila. The place was so romantic and very beautiful.

Gusto niyang magtititili sa kilig ngunit napangiti na lamang siya nang abot hanggang tainga, bawing-bawi ang lahat ng selos at sakit na naramdaman niya dahil sa nalaman tungkol sa kasunduan ng parents nito kay Mitch!

"Salamat sa pagdala sa akin dito sa lugar, sa internet ko lang dati ito nakikita." Nakangiting sabi niya.

Ngumiti at umiling naman ito sa kanya. "You're welcome." Saglit silang natahimik na dalawa, ang akala niya ay i-o-open na nito ang tungkol sa napag-usapan nila kagabi ngunit kinumusta lang siya nito at sinabi nito na baka maging abala ito sa mga susunod na mga araw.

Ngali-ngaling siya na ang magbukas ng topic na kanina pa niya iniisip—kaso bago pa man niya 'yon maisingit ay dumating na ang kanilang mga orders at dahil na rin sa gutom niya ay nawala na sa isipan niya ang itatanong niya.

Lahat ng specialties ng restaurant ay ipinaluto ni Gray kaya naman punong-puno ng pagkain ang mesa nila—at dahil gutom siya, wala muna sa bokabolaryo niya ang finesse, siguro naman ay maiintidihan din naman siya ng binata. Napangiti na lang siya nang makita niyang itinaas nito ang denim jacket na suot nito at game na game sa pagka-kamay.

Nang matapos silang kumain ay nagpasya silang maglakad-lakad sa baybayin, inalis nito ang suot na denim jacket para ipatong sa balikat niya at inalis din nila ang mga suot nila sa paa para pakiramdaman ang buhangin. Na-swe-sweet-an siya sa eksena nila naglalakad sila sa dalampasigan under the moon and the stars habang hawak-hawak ang kanilang mga sapatos.

"Thanks sa masarap at masayang dinner." Aniya.

"You're welcome. Thanks din sa masayang company." Nakangiting sabi nito. "You know what Chell, you're one of the reasons why I am so happy, you've changed my life for better and I hope we stay this way."

Napangiti siya sa sinabi nito. "I'm so flattered because I made you happy."

"You also made my life so meaningful. When you came to my life, an angel came to save me and show me a better way."

"And I also feel the same way too, Gray. Masaya akong nakita kang muli lalo na ang magkaroon ng chance na makilala at makausap ka—dati, sa malayo lang kita nakikita, ngayon, napakalapit mo na sa akin—"

Naputol ang gusto niyang sabihin nang mabilis itong humarang sa harapan niya, binitiwan ang mga sapatos na hawak nito saka siya mahigpit na niyakap. Ang bilis ng kabog ng puso niya at na-istatwa siya sa kanyang kinatatayuan.

"Without you, my life would never be complete." Madamdaming wika nito.

"Gray..." akmang kakalas siya para makita ang mukha nito ay mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"I want to be with you forever, because even eternity is not enough time for me to express what I feel for you."

"Gray?"

"But can you wait 'till I fix everything?"

"Ha?"

"You're the most precious treasure I have in my life, so, Chell, promise me that you'll wait for me 'till I fix everything I need to fix."

"Ano ba 'yong mga kailangan mong ayusin?" nagtatakang tanong niya.

"Magulo pa kasi ngayon kaya 'di ko masabi."

Saglit siyang hindi nakapagsalita bago tumango sa binata. "Okay, I'll wait for you." Hindi man klaro ang gusto nitong sabihin—ngunit naniniwala siya sa puso niya na may damdamin na rin ito para sa kanya.

Napangiti siya at napapikit nang maramdaman niyang hinalikan siya nito sa ibabaw ng kanyang ulo. Right there and then, she fell in love over and over again.