Chapter 20 - 20

Nakita niyang nalungkot ang mga mata nito saka din ito agad tumango. "Okay, get well." akmang hahawakan nito ang kamay niya ay mabilis niyang inilayo dito, hindi na niya ito niligon nang magpaalam ito sa kanya.

Napakagat na lang siya sa ibabang labi niya para pigilan ang iyak at kalungkutan na bumabalot sa kanya—ayaw na muna niyang mag-isip at malungkot, mas lalo lang siyang magkakasakit, e, papasok pa naman na siya bukas sa trabaho.

NAGULAT siya nang makarating siya sa airlines kinabukasan ay nakaabang na si Gray sa kanya sa entrance gate. Nakatitig ito sa kanya na para bang ayaw na siyang lubayan nito, nang makalapit siya sa entrance gate ay mabilis siyang hinarang nito papasok.

"May sinabi sa 'yo si Micth, 'di ba?" pagko-kompirma nito sa kanya.

"Ayoko munang mag-isip at ma-stress sir, kaya kung pwede pong makikiraan muna, dahil mali-late na po ako sa trabaho ko." saka niya nilagpasan ang lalaki ngunit mabilis pa rin itong humarang sa harapan niya.

"What did she tell you?" tanong nito sa kanya, ngunit hindi niya ito kinibo. "Ang sabi sa akin ni Liza ay kinausap ka daw ni Mitch last time at ipinalagay kong may kinalaman 'yon kung bakit ganito ang pagtrato mo ngayon sa akin."

Napabuga siya ng hangin. "Sir, sa tingin ko mas okay po talaga kayo ni Mitch dahil magkapareho kayo ng estado sa buhay at magkakilala na ang mga pamilya, swak na swak na po ang relasyon n'yo kung tutuusin, sumingit lang naman ako sa eksena."

"What are you saying?" kunot-noong tanong nito.

"Hindi mo na kailangang itago sa akin ang tungkol sa naging usapan n'yo, alam ko na magpapakasal na kayong dalawa at magpapa-annul din—pero bakit pa kayo kailangang magpa-annul kung pwede namang kayo na lang hanggang huli dahil matututunan mo rin naman siyang mahalin, e."

"What are you saying? I thought you love me? Ipinamimigay mo na ba ako sa iba?"

"I love you that's why I'm doing what's the best for you. And she's the best for you."

"What?" naguguluhang sabi nito. "Yes, napag-usapan nga namin ang tungkol dito dahil sa sakit na prostate cancer ng daddy ni Micth pero naayos na namin ito at walang kasalang magaganap dahil wala akong nararamdaman para kay Mitch at naintidihan ako ng parents niya. Inaamin kong nagtampo sa akin ang daddy ko pero ipinaliwanag ko naman sa kanila nang husto ang lahat at sinabi ko na may mahal na akong iba—at ikaw 'yon."

"Sabi ni Micth, magpapakasal kayo..."

"Sinabi lang siguro niya 'yon para pakawalan mo na ang feelings mo sa akin para mapakasalan niya ako but I'll talk to her later," anito, saka nito hinawakan ang kanyang mga kamay. "Nawala ako nang isang linggo dahil inayos ko ang tungkol dito, sa work and business deals tapos kinailangan ko pang ayusin ang lahat ng pangangailangan dito sa Airlines at nag-extend pa ako ng isang linggo dahil mahirap ang trabahong tinanggap ko pero nakayanan ko at kakayanin ko pa ang mga susunod, just promise me you'll stay with me."

Hindi na niya napigilang mapaiyak kaya mabilis na niya itong nayakap. Sinungaling talaga ang Mitch na 'yon, bagay talaga nito maging kontrabida sa isang teleserye, kung bakit ang bilis niyang naniwala.

"I love you so much, Michelle. Hindi ko alam kung kailan nag-start pero ang alam ko ay mas lumala pa ang nararamdaman ko nang halikan kita sa mga labi mo dahil you were so irrestible and kissable that time and I know I was head over heels in love with you when we've attented the surprise party of Grant for Jo, kaso naisip ko na baka masyado ka lang affected sa mga nababasa mong romance novels kaya ka sweet, caring at affectionate." Madamdaming sabi nito. "I am really so happy and feel so lucky because in million of people around the world, it's me who's given the chance to be with you and I hope to spend forever with you, I love you." Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya para ilayo sa katawan nito, saka siya hinalikan sa kanyang noo.

"They said, love cannot be explained, it can only be felt and I feel that love when you touch me. And I so love you too, Gray Rance Montefalco!" muling tumulo ang luha sa kanyang mga mata. "Dati crush lang kita, e, ngumiti ka kaya nahulog na sa love." Nakangiting sabi niya. "Sa malayo lang kita no'n nakikita ngayon nayayakap na din kita,"

"At nahahalikan," anito, saka siya mabilis dinampian ng halik sa kanyang mga labi. "With just your smile everything will be alright."

"I have confession to make," aniya, saka siya tumingkayad para bulungan ito. "May ginawa akong oplan na may kinalaman sa 'yo."

"Ano 'yon?"

"It's called 'Oplan: Seducing my boss', that is to make you fall in love with me," nahihiyang pag-amin niya, nanlaki ang mga mata nito saka ito napanganga bago nakabawi. "Kaso ako naman ang unang nahulog sa bitag ko."

"Ano-ano 'yong mga ginawa mong pang-aakit?"

Natawa siya. "I'll tell you later." Saka sila luminga sa paligid. "Ang dami na pala nating viewers, e." natatawang sabi niya.

Nang kumaway si Gray sa lahat ay saka nagtilian at nagpalakpakan ang mga taong hindi nila namalayan na nakapalibot na pala sa kanila. At nakita niyang isa sa mga naroon ay si Liza na panay ang kindat at thumbs up sa kanya.

"So, sinasagot mo na ako? Tayo na ba sa lagay na 'to?" nangingiting sabi ni Gray.

"Naman! Nagka-I love you-han na nga tayo e," nakangiti ring sabi niya.

"Yes! Kami na!" sigaw ni Gray, kaya muling nagpalakpakan ang mga tao at humiling ng kiss, nagulat siya nang mabilis siyang dinampian ng halik sa kanyang mga labi.

"Yes! Maid of honor ako!" narinig niyang sigaw ni Liza, kaya natawa sila ni Gray.

AFTER SIX months ay naganap ang birthday ni Michelle. Hindi niya maiwasang kabahan dahil medyo na-trauma na siya sa mga ganitong pangyayari. Nag-off siya ng araw na 'to para mag-celebrate kasama ng pamilya niya, si Liza, Gary at Gray, ang kaso ni isa yata sa mga ito ay walang nakaalala sa birthday niya. Sa pagkakatanda niya ay nasabi niya kay Gray na ngayon ang birthday niya o baka gusto na rin nitong makipaghiwalay sa kanya?

Pero alam niyang hindi gano'ng klase ng lalaki si Gray, sa anim na buwan nila together ay nakilala na niya ito nang husto—malayong-malayo ito sa dalawang naging boufriends niya! Pero nasaan na ang mga mahal niya sa buhay? Bakit wala siyang makitang sinuman nang pagbaba niya mula sa kuwarto? Nakaligo at nakabihis pa naman na siya at Sunday naman ngayon, ah!

Napabusangot siya. Buti na lang kahit papaano ay masaya ang buhay niya dahil after makipag-usap ni Gray nang masinsinan kay Mitch ay bumigay din agad ang babae—ang akala niya ay magmamatigas pa ito—nakonsensya din daw kasi ito sa ginawa nitong pagsisinungaling sa kanya. Tapos nakilala na din niya ang parents ni Gray at naging kasundo ang mga ito.

Muli siyang nalungkot. Siguro talaga ay walang nakaalala ng birthday niya. Mukhang siya na lang muna ang lalabas ngayon at saka na lang siya magpaparamdam sa mga ito kapag may nakaalala na sa mga ito sa birthday niya.

Pagbukas niya ng pintuan palabas ng bahay ay nagulat na lang siya nang...

"Happy birthday!" malakas na bati ng lahat, saka may party popper na pinutok kaya nagulat siya. "Akala mo siguro nakalimutan ka na namin, 'no?" anang mama niya, na may dalang pansit.

"Mama," aniya, saka niya ito niyakap, sunod naman niyang niyakap ang papa niyang may dalang maja blanca, ang ate niyang may salad sa lap nito, si Jay na may hawak na bowl ng spaghetti, si Roi na may dalang mga balloons at si Gary na buhat ang dalawang 1.5L na rocky road at vanilla ice cream.

Napangiti din siya at mas lalong naluha nang makita niya si Gray na may dalang cake at flowers para sa kanya, mabilis niya itong sinugod ng yakap.

"Akala ko talaga kinalimutan mo na din ang birthday ko at nagbabalak ka ng makipag-hiwalay sa akin," natatawang biro niya. Naramdaman niyang humalik ito sa ulo niya.

"'Yon ang hinding-hindi ko gagawin," anito, kumalas siya sa pagkakayakap dito. "Mahal na mahal kita at nag-iisa ka lang sa mundo kaya bakit pa kita pakakawalan?" nakangiting sabi nito.

"Haaaay..." sabay-sabay namang sabi ng pamilya niya at ni Garry na tila inggit na inggit na sa ka-sweetan ng kasintahan sa kanya.

Inabot ni Gray sa kanya ang bouquet of red roses. "Happy happy birthday again and I'll promise you right infront of your family that I will love you forever and ever, baby." Nakangiting sabi nito, nang bumaling siya sa pamilya niya ay nakangiting tumango-tango ang mga ito, kitang-kita ang kaligayahan ng mga ito sa kani-kanyang mga mata. Masaya ang mga ito para sa kanya! "The amount of love and happiness you have filled in my life cannot be measured."

Napaiyak na naman uli siya. "Being in love with you makes every morning worth getting up for, I so love you too, baby." Aniya.

"O siya, tama na ang kakesohang 'yan mga anak, dahil gutom na kaming lahat." natatawang sabi ng mama niya.

"Mamaya naman uli." Segunda naman ng papa niya.

"Pasok na tayo!" Sabi naman ng ate niya, mabilis naman niyang tinulungan ni Gray na itulak ang wheelchair ng kapatid niya.

"Kainan na!" kapagdaka'y masayang sigaw ng mga pamangkin niya.

"Sandali, late ako!" sabay habol nang karadating lang na si Liza, na may bitbit ding isang plastic na naglalaman ng softdrinks in can. Napangiti na lang siya. She felt so happy and very contented. Marahil ay maagang nagising ang mga ito para sa pa-birthday surprise niya. Thank God.

Love is a noble act of self-giving. The more you love, the more you lose a part of you. Yet you do not become less of who you are, but end up being complete. Marami siyang favorite love stories na nabasa, ngunit wala nang makakatalo sa love story nila ni Gray!

WAKAS