Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Three Jerks, One Chic, and Me

🇵🇭Yulie_Shiori
74
Completed
--
NOT RATINGS
1.4m
Views
Synopsis
Haley Miles Rouge described herself as oblivious and unflinching-- isang mataray na babae. Pero ang gusto lang naman niyang malayo sa gulo at magkaroon ng tahimik na buhay. Kaya para tuluyan nang makaiwas, lumipat siya sa Enchanted University.  Mula noon, inasahan niyang magiging tahimik na ang takbo ng buhay nya-- walang gulo o unfortunate events.  Pero noong makilala niya sina Harvey, Jasper, Keiley, at Reed, mas lumala pa ang sitwasyon.  Sa una lang ba ito? O magiging daan din sila para makuha ang hinahangad ni Haley?  Saan nga ba patungo ang itinadhana nilang pagkikita?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chance Meeting

Chapter 1: Chance Meeting

Haley's Point of View

Mahimbing akong natutulog sa malambot kong kama. Bugbog ang katawan dahil sa walang kwentang pinag gagagawa ko kahapon-- Ang Martial Arts.

Sinasabi ko lang na wala s'yang kwenta pero napaka necessary s'ya sa daily life ko.

"Haley!" malakas na tawag ni mama nang buksan niya ang pinto ng kwarto ko. Bumalikwas ako sa kama dahil sa pagkagulat.

"Ano pa'ng ginagawa mo riyan?! Tanghali na! Maghugas ka ng mga plato sa baba! Linisin mo ang kwarto mo! Naku, ikaw talagang bata ka!" kinamot ko ang aking ulo at dahan-dahang tumayo.

Tiningnan ko ang orasan na nasa pader at inis na bumuntong-hininga, "Ma! Hindi pa naman tanghali ang 7 o'clock!" daing ko nang makalingon ako sa kanya.

Lalong nagdikit ang mga kilay niya, kaya lumunok ako ng sariling laway at dali-daling lumabas ng kwarto. "Ito na nga po, eh"

Bumaba ako ng hagdan. Medyo sumasakit pa ang aking mga hita kaya medyo dinadahan-dahan ko lang ang paggalaw.

House chores ang madalas kong gawin pagkagising ng umaga. Kahit nakakatamad kumilos ay kailangan kong gumalaw.

Ang sabi kasi ni mama, babae raw ako kaya responsibility kong gawin ang mga trabahong iyon. Eh, kung maging lalaki kaya ako? Tingnan natin kung hindi pa niya ako uutusan.

Pumunta ako sa kusina noong makababa ako at nakasalubong ang aking ama na nagkakamot pa ng dibdib. "Good morning, anak!" nakangiti nitong bati nang ibaba ang kanyang kamay.

I smiled back, "Morning, papa" dumiretsyo na 'ko sa lababo para makapag hugas na.

Hindi naman ganoon karami ang hinugasan ko kaya madali akong natapos. Sinunod ko na ang kwarto ko. Ngunit nang makabalik naman ako ay si mama na 'yong nag-aayos ng mga nakakalat kong gamit. That's nice.

"Hindi na ako nagluto at bumili na lang ng pagkain sa fast food kaya kumain ka na at ako na ang mag-aayos ng kwarto mo" sabi niya habang pinapagpagan ang kama ko.

Tumango ako at pumayag na lang dahil kumakalam na rin ang tiyan ko. Hindi kasi ako kumain kagabi.

Bumaba ulit ako at bumalik sa dining room para kumain. Naroon sa mesa ang pagkain na binili nila kaya 'agad ko 'yong binuksan at kinuha mula sa plastic para masimulan ko na ang pagkain.

Mabuti na nga lang at naka-styro ito dahil hindi ko na kakailanganin pang maghugas ulit.

Dumating si papa na ngayon ay may hawak na tasa ng kape. May nakasabit ding tuwalya sa balikat niya dahil maliligo na rin siguro ito pagkatapos magkape.

"Ah, papa... Kumain ka na?" tanong ko.

Umupo na muna siya bago sagutin ang tanong ko. "Oo anak, maaga rin ang alis namin ngayon" bumaba ang aking balikat.

"Business?" tanong ko kahit na alam ko naman ang sagot. Wala naman silang ibang pinupuntahan kundi ang pinagtatrabahuhan lang nila, eh.

Pero kung aalis na naman sila kahit na Linggo ngayon, mag-isa na naman pala ako rito sa bahay.

"Pero maaga ang uwi namin kay—"

"Don't worry, Pa. Okay lang ako rito kaya gawin n'yo na lang po ang dapat na gawin sa office," nakangiti ko pang sabi at sinimulan na lang ang pagkain. Hindi ko kadugo ang taong nasa harapan ko pero kung mag-alala siya ay parang tunay ko siyang ama.

Hindi naman sa sumakabilang buhay ang nauna kong ama. Sadyang marami lang talagang nangyari kaya wala siya sa tabi ko.

Pero kung ako ang tatanungin, hindi ko na siya gusto pang makita.

'Pag umalis ka, panindigan mo. Huwag ka ng bumalik pa.

***

KUMAWAY AKO kina mama na nakasakay na ngayon sa taxi bilang pamamaalam hanggang sa umandar na ang kotse palayo. Ibinaba ko na ang kamay ko at malakas na nagpakawala ng hininga.

Isinarado ko ang pinto at naglakad papunta sa bisekleta ko. Pupunta ako ngayon sa department store para bumili ng mga kulang ko pang school supplies.

Bukas na kasi ang pasukan kaya kailangan ko nang maghanda. Inilabas ko na ang bike ko at isinara ang gate. Ngunit bago pa man ako makasakay, tumingin-tingin muna ako sa paligid dahil nawawala talaga ang magaling kong pusa. Nasa'n nanaman kaya 'yon?

Baka nandoon nanaman 'yon sa kapit-bahay namin.

"Pst! Hi, babe!"

"Pahingi number mo"

Narinig ko ang pangbabastos sa akin ng mga lalaking hindi ko kilala. At hindi pa nakuntento dahil sumipol pa ang mga ito.

May pumitik sa noo ko at kusa na lang gumalaw ang mga kamay ko papunta sa basket ng bike ko kung nasaan ang kamatis na siguro ay nahulog mula sa supot. Bumili kasi ako kahapon nito at hindi napansing may naiwan pa pala ako rito.

"Sa'n punta m--" bago pa man matapos ng gunggong 'yon ang itatanong n'ya ay ibinato ko na sa mukha n'ya ang kamatis, sumabog iyon sa pagmumukha niya.

Nagulat ang mga kasama niya habang nakasuot lang ako ng pokerface.

Hindi man halata pero galit na galit talaga ako sa pangbabastos nila. Ayoko sanang gawin iyon pero sa tuwing lalabas kasi ako ay sila kaagad ang bumubungad sa akin, nasisira tuloy ang araw ko.

Nag pedal na ako at hindi na pinansin ang pinagsasasabi ng mga lalaki.

Ang alam ko nagbakasyon dito si Kitty Duterte, eh? Dalaw kaya ako do'n tapos isumbong ko sa tatay niya ng patayin na rin 'yung mga lalaking bastos para kakaunti na lang ang manyak sa mundo?

Nakarating na ako sa dapat kong puntahan kaya iniwan ko na ang bike sa parking area. Naglagay ako ng padlock para hindi ito makuha ng kung sino. Hindi naman kasi katulad sa Japan ang Pilipinas na pwede mo na lang iwan ang bisekleta mo basta-basta na walang magtatangkang kumuha.

"Miss!" tiningnan ko ang guard na nasa gilid ko. "Motorcycle lang po ang pwedeng i-park dito"

Pinagtaasan ko siya ng kilay, "Magbigay ka ng limang rason para pagbawalan ang bike ko na mag park dito." Umiling iling siya ng ilang beses. Kinuha ko na ang wallet kong nakalagay sa basket ng bike at inirapan siya nang madaanan ko siya.

Pumasok na ako sa department store. Ramdam dito ang lakas ng aircon dahil medyo nagmo-moist ang mga salamin at nakasuot lang ako ng shorts ngayon kaya ramdam ko talaga ang malamig na hangin.

Wala na kasi akong pantalon dahil nasa labahan na lahat. No choice kundi ang mag-shorts.

May mga bumabating empleyado pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at hindi sila tinatapunan ng tingin.

Hindi ko kailangang magsayang ng laway para batiin sila pabalik. Kung mataray ang tingin nila sa akin, then fine with me. Basta 'wag lang nila akong pakialaman.

Dumiretsyo ako sa hindi ganoong malawak na section at kumuha ng basket.

Tiningnan ko ang listahan ng kailangan kong bilhin at napangiwi. "Magkakasya kaya 'yong pera ko?" tanong ko sa sarili at tinupi na lamang ang papel.

Makalipas ang ilang minuto, nakuha ko na ang mga kailangan ko para bukas.

Ang kulang na lang ay ang kakainin ko mamaya. Pumunta na ako sa food area dahil mayroon naman dito sa loob ng department store.

Nang makita ko ang hinahanap ko, 'agad kong nilapitan 'yon. Nag-tiptoe ako para mas maabot ng aking kamay ang Koaded. Ayun 'yung paborito kong kainin na pagkain.

"Tsk, how can I get this?" inis kong sabi at nagpalingon-lingon sa paligid.

Wala bang pwedeng mag-assist sa akin dito? Hay naku! Sino ba naman kasing tanga ang maglalagay ng pagkain d'yan? Paano makukuha ng maliliit na customer 'yan? Naglagay sana sila ng ladder...

But I'm not saying na maliit ako. 5'2 ang height ko, hindi flat at hindi bababa sa 5.

Bumuntong-hininga ako at tumingala para tingnan 'yong Koaded. Huwag ko na lang kaya kunin? Pero sayang naman dahil nag-iisa na lang ito.

Muli akong nag-tiptoe at pilit na inaabot ang pagkain na iyon, "Ugh, hindi ko maabot..." pagkasabi ko 'non ay may taong kumuha ng Koaded dahilan para mapahinto ako sa pag-abot n'on.

"Nag-iisa na lang 'to kaya akin na lang, ah?" ngiting sabi sa akin ng lalaking hindi ko kilala. What did he just say?

Humarap ako sa kanya na mahahalata sa mukha ko ang sobrang inis. Magka-edad lang yata kami ng lalaking ito.

Matangos ang kanyang ilong, maputi ang balat at itim na itim ang mga mata. Mayroon din kulay ang kanyang buhok na parang sa akin.

Ang pinagkaiba lang ay dark brown ang kanya habang medyo light ang sa akin. Gwapo siya ngunit sinira niya ang tingin ko sa kanya.

"Hoy, nakikita mo na ngang kinukuha ko tapos kukunin mo pa? Bastos lang?" hindi ko makapaniwalang sabi.

Dumistansya siya ng kaunti at may kinuha sa kanyang bulsa.

"I will just give you my money" sabi niya at may inabot sa aking isang perang papel, "...Oh, bumili ka na lang sa iba" tiningnan ko ang pera sa kanyang palad tapos tumingala para tingnan siya nang masama.

Mayamaya ay marahas kong tinabig ang kamay niya dahilan para mabitawan niya ang hawak na pera.

Napanganga siya sa nagawa ko at dahan-dahang napatingin sa akin, "Hindi ko tatanggapin 'yan, kahit maging mahirap ako ay hindi ako tatanggap ng pera sa taong katulad mo." sabi ko at binangga s'ya noong makapaglakad na ako. Hindi ko na kinuha 'yong Koaded, isaksak na lang niya 'yon sa baga niya.

Sa paglalakad ko ay napahinto ako nang tawagin niya ako, "Panyo mo miss, nahulo--" pagkaharap ko sa kanya ay saktong natapilok siya. Sa hindi malamang dahilan ay parang nag slow motion ang paligid.

Hala nahulog. Log. Log. Log.

Puny*ta, nahulog nga.

Nakadagan siya sa akin at nakasubsob ang mukha sa may tiyan-an ko.

Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na nakahawak ang isa niyang kamay sa kanan kong dibdib. Tumaas ang dugo papunta sa mukha ko at itinulak siya palayo sa akin.

Dahan-dahan akong umuupo sa sahig habang mabilis naman siyang gumapang paatras. Pulang pula ang mukha habang nakatakip sa sariling bibig gamit ang likurang palad.

How dare him to blush like that?!

"Miss, I didn't do that in purpose! Swear! Cross my heart!" wika nito na parang nanunumpa, tapos ginawa niyang heart shape 'yong kamay niya kasabay ng paglagay nito sa harap ng dibdib niya.

Wala pang nakakahawak ng boobies ko kundi ako lang, tapos ngayon mangyayari ito sa akin?! Eh, halata namang sinasadya niya iyon?!

"What's going on here?"

"It's Reed, right?"

Tumayo ako at matalim na tiningnan ang lalaking na sa harapan ko, "Reed, huh?" pinatunog ko ang aking mga daliri.

Reed's Point of View

Nang patunugin niya ang kamay niya ay 'agad akong napatayo at humingi ng tawad sa kanya. Hindi ko naman talaga intensiyon na mahawakan 'yon, eh! It's just an accident!

"Walang gagalaw! Amin na ang mga pera ninyo!" nanlaki ang mata ko at napalingon. Tama ba 'yung narinig ng tainga ko o sadyang kung anu-ano lang ang pumapasok sa isip ko?

Naglakad palapit sa akin 'yung babae. Itinaas niya ang kamao niya at handa na sana akong sapakin nang agad akong umurong.

"Wait! Listen to m—" yumuko ako nang manipa siya. Phew! Muntik na ako do'n, ah?!

"Shut up! Shut up! I don't need any of your explanation!" mabilis siyang lumapit sa akin, pero dahil sa mukha siyang seryoso sa pananakit ay tumakbo ako palayo sa kanya. Pero hindi pa rin naman kami lumalabas ng supermarket at nandoon pa rin kami sa loob ng department store.

Naririnig ko ang mga tili at sigaw ng mga tao, pero patuloy lang kaming dalawa sa paghahabulan na akala mo'y walang nangyayari sa paligid.

"Stop right there, you piece of sh*t!"

Hindi naman ako makapaniwalang napalingon sa kanya. "Piece of sh*t?!! Me?!" Sino ba itong babaeng ito para pagsabihan ako ng ganyan? Sumusobra na siya, ah?

Humingi na nga ako ng sorry tapos galit pa rin?

"Hoy! Kayong dalawa!" turo sa amin ng lalaking may hawak na baril. F*ck! May baril! May baril! "Tumigil kay—"

Binato ng babaeng na sa likuran ko ang nadaanang de-lata sa holdaper, na sakto namang sumapul sa mukha nito.

Pumikit ang isa kong mata nang makita ang pagtalsik ng dugo sa kanyang bibig.

Grabe, kaya niyang ibato ng ganoong kalakas iyon?

"Dumapa kayo! Kundi, papatayin ko kayong pareho!" babala ng isang kasama ng holdaper. Nakatutok na sa amin ang baril kaya napatigil kami sa aming pagtakbo.

Seryoso ba ito? Akala ko, sa TV ko lang mapapanood 'yung ganitong eksena!

"Humph, how absurd!" rinig kong sabi ng babae na ngayon ay nasa tabi ko.

Tiningnan ko siya. Mahahalata sa mukha ko ang pagtataka. Alam na nga niyang nanganganib kami, nagawa pa niyang sabihin iyon.

Lumapit ang holdaper sa kanya at asar na hinablot ang pulso niya. "Dadapa ka o tutuluyan kita?!" pasigaw nitong tanong at ipinutok ang baril sa kisame, dahilan para mas lalong tumili ang kababaihan.

Ito na nga ang sinasabi ko, eh.

"K-kuya, pasensya na... Hindi na namin uulitin kaya bitawan n'yo na siy—"

"Anong konek ng pagdapa namin sa pagkuha niyo ng pera?" panimulang tanong ng babaeng iyon dahilan para lingunin ko siya at sawayin. Ngunit hindi niya ako pinansin at nakatuon lang ang tingin niya sa taong nasa harapan namin. Walang bakas na takot sa mata niya at buong tapang lamang niya itong tinitingnan. "Hindi ba pwedeng kunin niyo 'yung mga kailangan niyo habang nakatayo kami?"

Hindi ko maintindihan. Bakit ba siya nang-aasar?

Itinutok ng lalaki ang hawak na baril sa sentido ng babaeng 'yon, kaya wala sarili akong napaabante. "Idiot! Just stop talking! Don't you realize that you are putting yourself in trouble?"

Hindi siya nagbigay ng kahit na anong reaksiyon pero kita ko naman ang kaunting pagtaas ng kanyang kilay.

"Tutuluyan? What do you mean?" she said with a confused on her face. Mas lumukot ang mukha ng lalaki kaysa kanina.

What the hell? Bakit nagtatanga-tangahan ka riyan?!

Ikinasa na ng holdaper ang kanyang baril at handa na sanang iputok ang bala sa babaeng iyon nang mabilis siyang kumawala sa hawak ng lalaki sabay sipa sa sikmura. Bumagsak ang holdaper sa sahig at nabitawan ang baril.

Nagulat ang lahat ng nakakita. May iba na nanlalaki ang mata at may iba namang halos mahulog ang panga.

Aba, sino ba namang hindi magugulat sa ginawa niya? Napatumba niya 'yung lalaking may hawak sa buhay naming lahat ngayon.

Tiningnan niya ang baril na nadampot niya sa sahig at saka patalikod na ibinato 'yon sa akin.

Muntik ko pa nga itong hindi masalo dahil sa pagkabigla pero mabuti na lamang at alerto ako. "W-what am I going to do with this?" tukoy ko sa baril na hawak ko.

"Subukan mong iputok sa ulo mo, baka makatulong pa sa pagpapadali ng buhay mo," sagot niya bago pa man niya malakas na inapakan ang Junjun ni Kuya. Muli akong napapikit gayon din ang mga kalalakihan.

Mayamaya lang ay may dalawang lalaking dumating. Mukhang sila 'yung back-up ng lalaking ito.

"Ikaw! Ano'ng ginawa mo?!" tanong ng isa na may suot na bandana sa noo. Nagmukha pa tuloy itong albularyo.

Nilingon naman ng amazonang babae ang mga bagong dating at mas inapakan pa ang Junjun ng naunang lalaki.

"Ahhhh! T-tama na! Masakit!" pagmamakaawa ng lalaki.

Pero bago pa man ito pakawalan ng babae ay binigyan na muna ito ng isang malakas na suntok sa mukha na agad namang nagpatulog sa holdaper.

Tumataas ang balahibo ko dahil sa nakikita ng mga mata ko. Ang lamig ng aura ng babaeng ito. Parang hindi siya 'yung katulad ng ibang ordinaryong babae na makikilala mo. Mapanganib na nilalang ito, nakakatakot lapitan.

Tumayo na siya ng maayos at hinarap 'yong dalawa. "Oh? Gusto niyo ring makipaglaro?" tanong niya at iniunat ang mga braso. "...sabihin niyo lang, ready ako." Hindi umimik ang mga ito at tumingin lang sa kasamang nilang na sa sahig.

"B-boss..." tawag no'ng isa habang nanginginig.

May narinig kaming mga wang-wang sa labas kaya napatingin kaming lahat sa lugar kung saan nanggagaling 'yon.

Ngunit bago pa man kami madamay ay agad kong hinila ang babaeng 'yon paalis sa lugar na ito.

Kita sa kanya ang pagkagulat pero hindi ko iyon pinansin at hinila lang siya nang hinila. Ngunit hindi pa nga kami nakakalayo ay marahas siyang kumawala sa pagkakahawak ko.

Lumingon ako sa kanya. "What the f*ck are you doing?! May mga tao pang naroon!" tukoy niya sa pwesto namin kanina.

Humarap ako sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang balikat, "Naroon na ang mga police. Malaki na ang naitulong m—"

"Sino ka ba para gawin 'yon, huh?!" napaatras ako ng isang hakbang dahil sa kanyang sinabi lalo na rin sa ibinibigay niyang tingin. Bakit parang nagmukha pa akong masama?

Asar niyang tinanggal ang mga kamay ko at bumalik sa pwesto namin kanina. Tiningnan ko ang mga kamay ko at ikinuyom iyon.