Chapter 19 - 19

HALOS ISANG linggo nang hindi nakikita ni Michelle si Gray at ang balita niya kay Liza ay nagtungo ito sa Manila para sa isang business meeting at deal sa mga bagong clients nito. Ang sabi ni Gray sa kanya last time ay hintayin niya ito kaya lang ay hindi niya maiwasang mangamba.

Gayunpaman, sa tuwing naaalala niya ang masayang naganap sa kanila sa blue bamboo resto, a week ago, ay hindi niya maiwasang maging masaya at kiligin nang bongga.

Alam na rin ng buong pamilya ang tungkol sa damdamin niya para kay Gray at lubos na nasiyahan ang mga ito dahil sa wakas ay muli daw tumibok ang puso niya—ang buong akala ng mga ito ay nagka-trauma na siya sa love dahil sa dalawang epic failed na relationship, ngunit nagawa niyang tawirin ang pangyayaring 'yon sa buhay niya at naging handa uli sa larangan ng pag-ibig dahil kay Gray, ito ang muling nagturo sa kanyang magmahal uli at maniwala sa pag-ibig—ngayon ay hindi na lamang siya sa mga romance book kikiligin dahil may Gray na din na nagpapakilig sa kanya.

"Miss ko na siya." saka siya napabuga ng hangin. Break time nila noon sa work at nasa canteen sila ni Liza para mag-meryenda, ngunit parang wala siyang ganang kumain dahil mas ma-e-energize sana siya kung makikita niya si Gray o makataggap ng anumang balita tungkol sa binata.

"Ano ka ba friendship, nagpapaka-workaholic si boss para sa future n'yo kaya relax ka lang dyan, sabi naman niyang hintayin mo lang siya, 'di ba? Tiwala lang!" anito.

Kumagat siya sa waffle niya saka nginuya 'yon at nilunok bago uminom ng softdrinks. "Ewan ko ba, ang weird kasi ng nararamdaman ko, e."

"Dahil na naman ba doon sa babaeng may mahahabang legs?"

"Oo, e. Para kasi siyang kontrabida na anytime ay gustong manira ng isang relasyon at hindi ko maiwasang mangamba." Pagtatapat niya.

"Huwag kang mag-alala, sa mga pelikula lang nangyayari ang mga gano'ng drama—"

"Michelle, right?"

Sabay silang napalingon sa kanan niya—sa babaeng nagsalita at nagbanggit sa pangalan niya. Speaking of the devil. Ano'ng ginagawa ng babaeng ito dito? At bakit siya kinakausap nito? Ano'ng kailangan nito sa kanya? Kapag talaga tina-topic ang isang tao, bigla na lang sumusulpot sa kung saan. Yes, it's Mitch!

"Y-Yes?" bigla siyang kinabahan.

"Can I talk to you, alone?" saka ito bumaling sa kaibigan niya na tila itinataboy, nang mahulaan din ni Liza ang gustong ipahiwatig ng babae ay saka naman tumayo ang kaibigan at nagpaalam na mauuna na sa working place nila na tinanguan na lang niya.

"Ano'ng gusto mong sabihin sa akin?" tanong niya. Alam niyang tungkol kay Gray ang gustong sabihin nito—at hindi pa man ito nagsasalita ay nadagdagan na naman ang kaba niya.

"I want you to stay away from Gray." anito, na gaya sa mga nababasa niyang books na sinasabi ng mga villains sa heroines at mga teleserye.

"B-Bakit ko naman gagawin ang sinasabi mo?"

"Dahil hindi kayo bagay, kailanman ang isang katulad mo ay hindi nababagay sa mga katulad ni Gray." Mas lalo itong nagmumukhang kontrabida sa hitsura at linya ng mga sinasabi nito. Hindi niya akalain na makakarinig at makaka-experience talaga siya ng mga ganitong eksena sa totoong buhay.

"Hangga't hindi galing kay Gray ang mga salitang 'yan, wala akong dahilan para sundin ang mga sinasabi mo, kaya umalis ka na, nag-aaksaya ka lang ng panahon." Matapang na sabi niya.

Ngumisi ito sa kanya at umiling. "Alam mo ba kung ano ngayon ang ginagawa ni Gray sa Manila?" tumawa ito. "Ang totoo niyan, kadarating ko lang from Manila, magkasama kami buong linggo ni Gray with our parents, you know why? Dahil pinag-uusapan na namin ang tungkol sa nalalapit na engagement na gaganapin sa malaking hotel na pag-aari ng pamilya ko." Taas-noo na sabi nito. "At masayang-masaya ang parents ni Gray dahil kami ang magkakatuluyan, bukod sa magkakilala na ang mga parents namin, kapag nag-combine ang mga businesses namin, mas lalong mapapalago ang mga buhay namin. Kaya mo bang sirain ang magandang samahan ng pamilya namin? O nang pag-asenso ng buhay namin—lalo na ni Gray?" anito.

Natigilan siya sa mga sinabi nito. Marahil marami ngang maaapektuhan sa pinasok niyang buhay ngunit hindi siya agad-agad bibigay, mahal niya si Gray at sinabi nitong hintayin niya ito dahil may aayusin lang ito—hindi kaya isa ito sa mga aaysuin ng binata?

Mula sa masungit na mukha ng babae ay agad lumambot 'yon at nagmukhang kaawa-awa. Nagulat siya nang mabilis nitong hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Sorry, nadala lang ako sa mga sinabi ko," biglang kambyo nito, saka ito yumuko saglit at pag-angat nito ng mukha ay nakita niyang may luha na sa mga mata nito. "My dad has been diagnosed to have a stage four prostate cancer," malungkot na sabi nito. "At ang huling gusto niyang mangyari bago siya mawala sa mundo ay makita niyang maikasal ang unica hija niya sa pinagkakatiwalaan niyang pamilya pero mukhang wala nang pag-asa dahil simula nang dumating ka sa buhay ni Gray, nagulo na ang lahat." malungkot na sabi nito, walang bakas nang pagsisinungaling sa mga mata nito, kapagdaka'y inilabas nito ang phone nito at ipinakita sa kanya ang bedridden nitong daddy. "Ako na lang ang kaligayahan ng daddy ko at kapag hindi natupad ang munting kahilingan niyang magkatuluyan kami ni Gray, dadalhin niya 'yon hanggang sa kabilang buhay." Malungkot na sabi nito. "Sorry, kung sinasabi ko ito sa 'yo, hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko. I wanted him to be happy before he dies."

Saglit na nagulo ang isipan niya. Mahal na mahal niya si Gray, ito lang ang nagbibigay ng kaligayahan sa kanya, ngunit magagawa ba niyang lumigaya kahit alam niyang may isang buhay na malapit nang mawala sa mundo na lubos na umaasa sa kaligayahan ng anak nito? Nakaramdam siya ng kurot sa puso niya.

Ano'ng gagawin niya? Nalilito na siya!

"I promise, ikakasal lang kami ni Gray at maipakita kay daddy na okay na ang buhay ko at pagkatapos—" tumigil ito at yumuko, saka nag-angat ng tingin. "Kapag wala na si dad, magpapa-file din ako agad ng annulment."

"Pero dapat ay alam din ni Gray ang tungkol dito—"

"Of course he knew about this, napag-usapan na namin ito, kaya lang ay hindi nito masabi-sabi sa 'yo dahil baka ayaw mo. Hindi pa naman kayo, 'di ba?"

"Pumayag na siya sa set up na 'yon?" mabilis itong tumango.

"So, are you willing to help?"

Saglit siyang nag-isip, nalilito pa rin siya hanggang sa tuluyan din siyang napatango. "Pero kailangan ko pa ring kausapin si Gray—"

"You don't have to, kaya ako nandito dahil sinabi ko sa kanya na ako na ang kakausap sa 'yo, gladly, pumayag siya." saka pinisil ang kanyang mga kamay. "I'm sorry if I scared you a while ago, nadala lang ako sa emosyon ko." Tumango-tango siya. "Masyado pang magulo ang isip ni Gray ngayon, kaya dumistansya ka muna sa kanya. And please, don't tell this to anyone, to your co-employees, nakakahiya." Anito.

"I-I won't." aniya.

Ngumiti at tumango ito. Kapagdaka'y tuluyan na rin itong nagpaalam sa kanya. Naiwan na lamang siyang nakatulala doon habang binabalikan ang mga pinag-usapan nila ng babae. Tama nga ba siya ng desisyong ginawa? Pero alam naman daw ni Gray ang tungkol doon at hindi lang daw nito masabi-sabi sa kanya ang tungkol doon.

Marahil ay ito ang sinasabi ni Gray sa kanya na aayusin nito—magpapakasal ito kay Mitch—at kailangan niyang maghintay dito. Nalungkot siya dahil sa sitwasyon niya. Paano kung sa pagpapakasal ni Gray sa babae ay matutunan na rin nitong mahalin ang babae? Paano kung hindi na pumayag si Mitch o ang mga magulang ng binata na magkaroon ng annulment pagkatapos?

Gray believes in the sacred of marriage. Kung gano'n aasa pa ba siya na babalik ito sa kanya? Maghihintay pa ba siya dito para ayusin ang dapat nitong ayusin? Hindi niya napigilang malungkot at masaktan dahil sa nangyayaring ito sa love story nila ni Gray.

A WEEK later. Hindi pa rin niya nakikita si Gray na mukhang sobrang abala pa rin sa buhay at sa trabaho. Hindi rin sanay si Liza sa walang kabuhay-buhay na Michelle dahil nami-miss na nito ang masiyahin at maingay na kaibigan.

Kinabukasan ay doon niya nakitang pumasok sa kompanya si Gray ngunit mabilis din siyang nag-iwas ng tingin dahil kasama nito si Mitch, masaya ang mga ito habang naka-abrisyete ang babae sa binata. Gusto na tuloy niyang mag-walk out at umuwi na lang sa bahay, tutal wala din naman siya sa mood magtrabaho.

At dahil nga pakiramdam niya ay lalagnatin na siya dahil sa magkahalong sama ng nararamdamn niya at stress, nagpa-relieve muna siya sa isa pa nilang kasama doon at tuluyan na siyang umuwi. Pasakay na siya sa taxi nang marinig niyang may tumatawag sa kanyang pangalan—paglingon niya ay si Gray, mas lalo niyang binilisan ang pagpara ng taxi at agad na sumakay doon, hindi na siya naabutan nito! Sa ngayon, gusto na lang muna niyang magpahinga at kumawala sa stress na nararamdaman niya.

PAGDATING niya sa bahay nila ay dumiretso siya agad sa kanyang kuwarto, buti na lang at nasa kiskisan ng palay ang parents at ate niya at nasa school pa ang mga pamangkin niya, walang magtatanong sa kanya kung bakit ala una ng hapon ay nasa bahay na siya.

Kinabukasan ay nag-emergency leave siya dahil tuluyan na nga talaga siyang trinangkaso—dahil na 'yon sa pag-skip niya ng meals at patong-patong na stress. Nag-alala ang parents niya sa kanya pero sinabi niyang dala lang ng pagod.

The next day habang nagpapahinga siya sa kuwarto niya ay dumalaw sa kanya si Gary, nagbigay ito ng mga prutas sa kanya—huwag daw siyang mag-alala dahil pure friendship na lamang ang habol nito sa kanya, na siyang nakapagpangiti sa kanya.

Habang nagkukuwentuhan at nagkakatawanan sila ni Gary ay may malakas na tumikhim sa harapan ng pintuan—kumabog ang puso niya nang makita niyang nakatayo doon si Gray at nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Gary. Mabilis naman tumayo si Gary at nagpaalam na sa kanya mukhang pati ito ay natakot sa kunot-noo ni Gray.

"Nalaman ko kay Liza na hindi ka nakapasok dahil trinangkaso ka." saka ito lumapit sa kanya at inilagay sa ibabaw ng mesa niya ang basket of fruits—itinabi nito ang dala kanina ni Gary saka nito itinabi ang cookies.

"Okay na ako." tipid na sagot niya.

"Kahapon pa ba masama ang pakiramdam mo kaya ka nag-half day?" hindi siya sumagot kaya muli itong nagsalita. "Balak kitang sundan kahapon kaya lang may emergency—"

"Hindi mo naman kailangang magpaliwanag dahil hindi naman kita boyfriend, e." aniya.

Saglit itong natigilan bago sumagot. "Sorry kung hindi ako nakapagparamdam sa 'yo ng ilang araw, masyado kasi akong madaming inasikaso at kinausap na ka-deal pero tinawagan kita, kaya lang hindi ka sumasagot." Anito.

Tumawag? "Sa 'yo 'yong may zero-zero ang last na digit?" aniya.

Mabilis itong tumangot. "Tinawagan na din kita noon kaso binabaan mo ako dahil hindi ako nagsasalita sa kabilang linya." saka niya naalala 'yong time na may tumawag sa kanya na hindi nagsasalita sa kabilang linya.

"I-Ikaw 'yon? Teka, bakit mo ako tinawagan noon?"

"K-Kumustahin lang kita, ipinakuha ko sa secretary ko ang number mo sa HR kaso abala ka no'n sa bisita mo." Gary was her visitor way back. "Are you mad at me? You're giving me a cold shoulder."

"I'm just stressed with so many things."

"Okay ka na ba?"

"Yes, thanks sa pagdalaw." saka na siya umayos nang pagkakahiga. "But I think I still need a rest kaya magpapahinga na muna ako, kung pwede?" aniya.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag