Nang sunduin siya kanina ni Gray ay na saglit itong natigilan nang makita siya, kaya lihim siyang napangiti; nagpaganda kasi talaga siya para dito dahil gusto niyang maging ka-level sa kaguwapuhan nito para hindi siya magmukhang kawawa.
Syempre pa magaganda rin ang dalawang partners ng mga kaibigan nito. Si Troy ay dumating na kasama ang dalawang magagandang babae, kaya lang ay bigla na lang nag-appear sa eksena si Nessie, ang super cute at nakababatang kapatid ni Tycho.
Si Tycho naman ay kasama ang anak ng business partners ng parents nito, si Yram Joyce, maganda din ito at palangiti at ang napakagandang si Josephine na fiancée ni Grant. Nakilala na niya ang mga ito kanina, and they really seemed so nice and approachable.
At ang yacht na kinaroroonan nila ay pagmamay-ari ni Grant na iniregalo nito sa fiancée. Na-supresa nga si Josephine na makita ang sweet surprise nito at kitang-kita niya sa mga mata ng dalawa ang labis na pagmamahalan.
Kinilig din ang lahat ng friends ni Gray nang malaman ng mga ito na empleyado din siya ni Gray, umaasa din ang mga ito for another employee-boss love story na nginitian lang nila ni Gray.
Kumain muna sila ng masasarap at mukhang mamahaling dinner bago sila nagkasiyahan. Kinilig siya nang isayaw siya ni Gray ng sweet dance sa isang rock na song at todo tuksuan din ang iba sa kanilang dalawa na lihim niyang ikinakilig.
Nasa mesa na siya noon kasama ang mga nakilala niyang girls at nagkakakuwentuhan nang bigla na lang tumambad sa harapan nila ang mga lalaking dates nila na may dala-dalang sari-saring music instruments; si Tycho ay dala nito ang mini-keyboards, kaya pala may sini-set up na ding drums kanina si Troy, si Gray ang guitar at si Grant ang vocals at bass guitar.
Narinig niyang tumili si Nessie, saka nito i-ch-in-eer ang mga binata, kaya nakigaya na din siya.
"Tonight... I just want to take you higher, throw your hands up in the sky, let's set this party of right..." pauna ni Grant, saka ito ngumiti sa kanila. They are performing the song of Bruno Mars '24K Magic', napangiti siya at kinilig nang kumindat sa kanya si Gray, kung wala lang siyang mga kasama siguro ay napatili na siya ng malakas, mas lalo itong gumuguwapo sa kanyang mga mata. Ngumiti naman siya sa binata at nag-flying kiss bilang ganti dito.
"Players put yo' pinky rings up to the moon. Girls, what y'all trying to do? 24 karat magic in the air. Head to toe soul player, uh, look out!"
Habang tumutugtog at kumanta ang mga binata ay sinasabayan din ng mga ito ng ngiti at indayog, mas lalo tuloy nakakatuwang panuorin hanggang sa mapasayaw na rin silang mga babae maliban kay Yram Joyce.
Nang matapos kumanta ang mga ito ay humiling pa sila ng isa pang kanta ni Bruno Mars ang kinanta bago hinayaan si Grant na magsalita sa harapan. Umupo naman agad ang mga kaibigan nito sa tabi ng kani-kanyang dates.
"Ngayon na lang uli ako kumanta sa harapan ng mga tao," nahihiyang sabi ni Grant. "But you already heard me singing and even saw me dancing," dagdag pa nito, na nakangiting nakatingin sa fiancée nito, na nginitian din ni Josephine. "I love you so much that I would want it to shout to the world, pero baka makita ka nila at agawin pa, kaya isasapuso ko na lang." nakangiting sabi nito, nagpalakpakan naman ang lahat. Ang sweet ni Grant, halos maiyak-iyak si Josephine sa message nito.
"How was our performance?" bulong sa kanya ni Gray. Tinayuan siya nang balahibo dahil sa init ng hininga nitong tumama sa leeg at tainga niya.
Naglakas-loob siyang nilingon ito at nginitian, alam niyang malapit na ang mukha nito sa kanya at ang bilis ng tibok ng puso niya pero ginusto naman niya ito, e. Nag-init ang buong mukha niya sa pagkakalapit nila ng binata at kitang-kita din niya ang pamumula ng mukha nito at ang pagbagal ng paghinga nito.
"It was fantastic!" sagot niya, in a very seductive way. Nakita niya ang pagtaas-baba ng adam's apple nito. Napangiti siya nang mabilis itong naglabas ng panyo para punasan ang noo nito—hindi mainit sa lugar dahil nasa baybayin sila pero mukhang nag-iinit sa kinaroroonan nila.
Oplan: Seducing my boss step twelve: Have sexual confidence.
Dahan-dahan niyang inilalapit ang kanyang kamay sa kamay nito ngunit nagulat siya nang matabig niya ang juice na nasa harapan nito at natapon 'yon sa suot na jeans ng binata, mabilis itong tumayo at pinampag ang suot na pantalon.
"Sorry, I'm sorry." Epic fail na sabi niya.
Umiling ito sa kanya at tipid na ngumiti. "It's okay," nag-sorry din sila kay Grant na naabala sa speech nito, nag-excuse si Gray para magtungo sa bathroom ng yacht, agad naman siyang sumunod sa binata.
"What is going on with me? Damn!" narinig niyang sabi ni Gray, saka nito ginulo ang buhok nito at saka bumuga ng hangin. "Am I—am I already in love with—" hindi nito naituloy ang sasabihin nito nang mapansin nito mula sa reflection ng glass cabinet na nasa likod siya nito. "Michelle!"
"I-I'm really sorry," paumanhin niya.
Umiling ito. "K-Kanina ka pa dyan?" nauutal na tanong nito, na tipid niyang tinanguan. "I'm okay, matutuyo din ito, sige bumalik ka na sa labas."
"I don't want to..." Pagmamatigas niya.
"H-Ha?"
Mabilis siyang nakalapit sa binata at tinitigan ito sa mga mata nito, nakita niyang napalunok ito nang mariin. "D-Do you find me attractive?" tanong niya, hindi niya alam kung saan nanggaling ang salitang 'yon, ang lakas ng loob niya or even that husky voice.
Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito at muling tumaas-baba ang adam's apple nito. "M-Michelle..."
"M-Maaari bang magkagusto ang tulad mo sa tulad ko?" muling sabi niya.
Hindi ito nakasagot, kaya medyo nakaramdam siya nang kaunting lapirot sa puso niya. Hinaplos niya ng magaan ang guwapong mukha nito habang nakatitig pa rin sa mga mata nito.
"I think you've already occupied a big space here in my heart." Pagtatapat niya, muling nanlaki ang mga mata nito at saglit na nagbukas ang bibig nito, ngunit wala naman itong sinasabing kahit ano sa kanya. "Gray, I'm in love—"
Naputol ang sasabihin niya nang biglang may nagsalita sa likuran nila—si Tycho—at sinabi nitong naroon daw si Mitch sa labas at hinihintay siya. Napaisip siya kung sino'ng Mitch 'yon, ayaw pa sana nitong tumindig sa kinatatayuan nito nang ipaalala niyang may naghahanap dito, kaya nauna na rin itong bumalik sa labas—nakalimutan na nga rin nito ang sadya sa bathroom.
Pagbalik niya sa labas ay nakita niya ang babaeng kamukha ni Sam Pinto last time at magkatunog pa pala ang mga pangalan nila. Habang abala sa pakikipag-usap si Gray sa dalaga sa di-kalayuan ay tinanong niya si Tycho na malapit sa kinauupuan niya kung ano ang relasyon nina Gray at ng babae at napag-alaman niyang anak ng isa sa mga kaibigan ng daddy ni Gray, na ipinapares sa binata. At dagdag pa ni Tycho na pina-plano na din ng mga magulang ng dalawa ang pag-aayos sa engagement ng mga ito.
Nang malaman niya 'yon ay parang sinuntok nang malakas at malaking kamao ang puso niya, daig pa n'on ang makipag-break sa mismong kaarawan niya—at iwanan nang dalawang beses. Nanghina ang buong kalamnan niya at pakiramdam niya ay gusto nang tumulo ng kanyang mga luha.
Pagkatapos ng party ay nauna na silang nagpaalam ni Gray sa lahat, ipinakilala din silang dalawa ni Mitch sa isa't isa. Nainis siya nang mabilis siyang inunahan ni Micth na pumuwesto sa tabi ng driver's seat—ngunit agad din 'tong pinalipat ni Gray sa back seat na labis niyang ipinagbunyi.