Napangiti ito. "Salamat. Sayang dahil nabuwag din 'yon after fourth year graduation dahil nag-aral kami sa iba't ibang Universities."
"Ayaw n'yo na bang mabuo uli 'yong banda n'yo?"
"Busy na kasi kami sa kanya-kanyang buhay pero malay natin." Nakangiting sabi nito. "Ang hirap kasing pilitin ni Grant na sumali uli, may pagka-KJ kasi 'yon." natatawang sabi nito.
"May pagka-weird ba si Grant?" curious na tanong niya.
"Minsan may pagka-indifferent saka masungit." Nakangiting sabi nito.
"Eh, si Tycho?"
"Ang bansag namin dati kay Tycho ay Tycho the Psycho, kasi magka-rhyme," natatawang sabi nito. Si Grant naman ay Grant the hunk daw, si Troy ay Troy the playboy at ako—" napatigil ito sa pagsasalita saka napailing. "Never mind." Naiiling na sabi nito.
"Ang daya! Sabihin mo na!"
"Ayoko! Ang loko-lokong si Troy lang ang nagbansag n'yon sa akin, e, wala namang katotohanan." Defensive na sabi nito. Natawa siya dahil ngayon lang niya ito nakitang todo depensa.
"Nacu-curious tuloy ako lalo." Aniya. "Sige na, please? Please?" pangungulit niya. Kinulit niya ito nang kinulit hanggang sa bumuga na lamang ito ng hangin bilang pagsuko sa kanya.
"Huwag kang matatawa at maniniwala, ha?" pauna na nito, mabilis na siyang tumango. "Ako daw si Gray the... green-minded." Pikit-matang sabi nito. Hindi tuloy niya napigilang matawa. "Akala ko ba hindi ka matatawa?" nakasimangot na sabi nito.
"Sorry, sorry, ang cute mo kasi, e." natatawang sabi niya.
"Eh, kasi naman si Troy e, may pinanood kasi kaming Hollywood romcom movie no'ng high school, may nasabi lang akong medyo green, tapos 'yon na ang ibinansag sa akin." Naiiling na sabi nito.
"Don't worry, hindi ko paniniwalaan ang bansag na 'yon sa 'yo, you seem so gentle and a nice guy." Nakangiting sabi niya.
Mabilis namang ngumiti ito at tumango sa kanya. "Thanks for believing in me."
Natawa tuloy siya. "You're welcome." saka niya inabot ang inalog niyang coke in can sa binata. "Cheers?" nakangiting tanong niya.
Kinuha nito sa kanya ang coke in can at nakipag-toss sa kanya, pinauna niya itong binuksan ang inumin at nagulat na lang ito nang biglang bumulwak sa binata ang laman ng coke, kaya nabasa ang mukha at damit nito, mabilis naman nitong natakpan ang inumin, hindi niya napigilang matawa.
"Ah, gano'n ha," anitong tila nahuhulaan ang kalokohang ginawa niya saka nito inalis ang kamay na nakatakip sa can at itinatapat 'yon sa kanya, akmang tatakbo siya pero mabilis siyang hinila nito, niyakap siya sa baywang para dalawa silang mabasa, pakiramdam tuloy niya ay umakyat ang init na nagmumula kay Gray sa kanyang katawan.
Ang bilis ng kabog ng dibdib niya at hindi na siya makahinga dahil sa pagkakalapit nilang dalawa, dinig na dinig niya ang malakas na halakhak ng binata, ngunit para siyang na-engkanto dahil sa pagkatulala, hindi na nga niya namalayan na nasa kamay na rin ni Gray ang hawak niyang inumin kanina at bumubulwak na 'yon sa kanilang dalawa.
Basang-basa at nanlalagkit na siya pero hindi na niya 'yon inintindi dahil mas nangingibabaw ang magkakahalong nararamdaman niya; kaba, excitement at saya.
"Hey, are you okay?" narinig niyang tanong nito sa kanya, saka siya nito binitiwan, saglit pa ay nakaharap na ito sa kanya. Napangiti ito nang makita siyang basang-basa ngunit mabilis nitong pinunas ang kanyang mukha gamit ang tinuyong kamay nito. "That was fun!" natatawang sabi nito.
"Y-Yeah," tipid niyang sagot, habang pinapakalma ang kanyang puso. This is her plan, pero parang nawala siya sa kanyang plano dahil siya naman ang naaapektuhan dito.
Oplan: Seducing my boss step seven: Be straightforward.
Pinakalma muna niya ang sarili bago muling nagsalita. "Ahm, G-Gray, h-have you ever tried a mind-blowing kiss?" lakas-loob na tanong niya.
No'ng una ay parang nagulat ito sa katanungan niyang 'yon—siya man ay nagulat din sa lumabas na tanong sa kanyang bunganga. Kapagadaka'y umiling ang binata saka bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi, napalunok din siya nang mariin nang mapatingin siya sa mapupulang mga labi nito.
"I-I've kissed my ex-girlfriends before but I couldn't consider it a mind blowing kisses." Sagot nito habang nakatitig pa rin sa mga labi niya, nahuli niya itong napalunok nang mariin.
"W-Why?"
"I-I admit that it was a good kissed but that wasn't extremely exciting like the one I've read in some romantic books before. H-How about you?" anito.
"I-I've been kissed but never had that mind-blowing kiss." Aniya, ang bilis ng kabog ng puso niya. Muli siyang napalunok nang makita niyang dahan-dahang bumababa ang mukha ng binata sa kanya.
"Can we discover what it feels like to have a mind-blowing kiss?" tanong nito sa kanya na mabilis din niyang tinanguan. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang hapitin nito ang baywang niya saka dahan-dahang inilapit ang mga labi nito sa kanyang mga labi.
Parang bumagal ang pag-ikot ng mundo; dahan-dahan nitong hinawakan ang kanyang pinsgi saka unti-unting inilapat ang mga labi nito sa kanyang mga labi kaya mabilis siyang kumapit sa leeg nito para hindi matumba sa panlalambot ng kanyang mga tuhod. Naging malumanay ang paghalik nito sa una hanggang sa pakiramdam niya ay hindi na niya mahabol ang kanyang hininga dahil sa magkahalong kaba at intense. She didn't know how to kiss like Gray, para itong isang expert sa paghalik, kaya ang ginawa niya ay ginaya niya ang bawat kilos ng mga labi nito. He has the softest and sweetest lips in the world.
The kiss was incredible, amazing, and inconceivable! Inabot din siguro nang mahigit limang minuto ang paghalik nito sa kanya at kung hindi pa sila kinapusan ng hininga ay parang wala na itong balak huminto pa sa paghalik sa kanya.
"W-Wow! That was superb!" amazed na sabi nito.
"Y-Yeah, maybe that was a mind-blowing kiss."
"Yeah, I guessed so." Amazed pa ring sabi nito.
Hanggang nang mga sandaling 'yon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari—they have shared a kiss—a sweet and mind-blowing kiss. Para siyang nasa isang magandang panaginip na ayaw na niyang magising pa.
Saka lang siya binalikan ng kaluluwa niya nang maramdaman niyang hinila siya ng lalaki papasok sa kuwarto niya—kumabog ang puso niya dahil iniisip niyang baka magka-round two, kaya lang ay mabilis din siyang na-disappoint nang sabihin nitong magpalit muna siya damit nito, dahil iwa-washing lang daw nito ang damit niya, sino ba naman siya para tumanggi, 'di ba?
Bawing-bawi ang dalawang kabiguan niya sa pag-ibig dahil sa sobrang sayang nararamdaman niya nang mga sandaling 'yon, wala nang makakasira ng mood niya! I think, I already have fallen for him! Ayaw man niyang maunang ma-in love dahil gusto sana niya ay mauna ito—o sabay sila, pero hindi na niya napigilan ang sarili niya.
I love you na talaga, Gray!