Chapter 13 - 13

OPLAN: Seducing my boss step eight: New look; new hairstyle and makeup.

"Wow! Friendship, is that really you?" nakangiting sabi ni Liza sa kanya, saka siya sinipat mula ulo hanggang paa. Naglagay siya ng kumikinang-kinang na hairclip, girly make up at bagong stilettos—pati ang pamilya niya ay natuwa kanina sa kanyang hitsura, ang hula nga ng mga ito ay in love na siya.

Sa buong buhay niya, ngayon lang siya gumastos ng gano'n para sa sarili niya, madalas kasi inilalaan lang niya ang sahod niya para sa kanyang pamilya, sa allowance ng mga pamangkin niya at sa mga libro pero ngayon ay time naman para sa kanyang sarili.

"Yes, it's me, Michelle Saballa." Nakangiting sabi niya saka siya umikot sa harapan nito.

"Blooming ka friendship," masayang sabi nito sa kanya saka nito tinusok ang tagiliran niya. "May nangyari ba sa 'yo—o sa inyo ni Boss no'ng nagpunta ka kahapon sa condo niya nang hindi mo naikukuwento sa akin?" tuksong tanong nito.

Nang maalala niya ang mind-blowing kiss na pinagsaluhan nila ni Gray ay biglang nag-init ang pakiramdam niya. Hindi niya ini-expect na hahalikan talaga siya ni Gray, parang panaginip ang lahat. Medyo nailang sila for a few minutes pero naging maayos din ang lahat. Si Gray din ang nag-washing at dryer ng dress niya.

Habang nasa washing area ito ay panay ang selfie niya dahil sa suot niyang damit ni Gray, amoy here and there pa siya, kinikilig at kulang na lang ay magsisisigaw at magtatatalon siya. Gustong-gusto na niyang tawagan si Liza nang mga sandaling 'yon kaya lang bigla siyang nahiya.

Pagtapos i-washing at dryer ni Gray ang dress niya ay plinantsa muna nito 'yon saka ibinigay sa kanya kaya nagpalit din siya agad ng damit. Hindi pa siya nakauwi agad dahil nag-early dinner na siya sa condo nito ng mga alas sais at ito mismo ang naghanda ng dinner nila.

Ang sarap ng paella at mechado na niluto nito, he's so able and very gorgeous, kaya ang swerte talaga ng babaeng magiging asawa nito—na nahiling niyang sana siya na lang, mahal na kasi niya kasi ito mula ulo hanggang paa—lalo na ang puso nito.

Siguro kung nakikita niya nang mga sandaling 'yon ang mga ex-grilfriends nito, pagsasampalin niya ang mga dahil sa pang-iiwan sa binata pero at the same time, magpapasalamat siya dahil kung hindi nakipag-break ang mga ito, hindi posible ang sa kanila ngayon ni Gray—baka nga mayakap pa niya ang mga babaeng ito.

Dapat din ay ihahatid siya ni Gray sa bahay nila since pupunta din naman daw ito sa bahay ng mga magulang nito para ihatid ang cookies na ginawa nila—kaso tumanggi siya, instead, nagpahatid na lamang siya sa paradahan ng mga taxi papunta sa kanila.

At kagabi nga ay hirap na hirap siyang dalawin ng antok dahil buhay na buhay pa rin sa isipan niya ang lahat ng mga nangyari—ramdam na ramdam pa rin niya ang mainit at malalambot na mga labi nito sa kanyang mga labi—ala una na nang madaling araw ay active pa rin ang utak niya, actually, na-miss na niya agad si Gray.

Maaga pa siyang nagising kanina, gladly, nadaan sa concealer ang eyebags niya dahil sa puyat at dahil nga in love siya, mas nag-bloom ang face niya kaysa maging haggard—nakakaganda nga pala talaga kapag in love. Feeling niya tuloy kamukha niya si Anne Curtis!

"'Uy friendship, mag-kuwento ka naman, ang daya mo, e!" anito.

Mabilis na lang niyang inilabas ang phone niya at ipinakita ang mga selfies niya sa kaibigan, napasinghap ito nang makita nito na nakasuot siya ng malaking shirt ni Gray na hanggang tuhod—hindi na siya nag-short dahil kasing haba lang naman n'yon ang dress na suot niya.

Napangiti din siya kahapon dahil nang makita siya ni Gray sa gano'ng suot ay nakailang lunok ito. Pakiramdam niya ay naapektuhan din niya ito. Ngunit nag-iiwas din ng tingin, siya pa nga itong lapit nang lapit, kaso mas nanaig ang pagiging maginoo nito—muntik pa nga yata siyang takpan nito ng comforter nito dahil nadi-distract ito sa mga legs niya.

"May nangyari sa inyo ni Boss?" amazed na bulong nito sa kanya.

Natawa naman siya at umiling sa kaibigan. "Pinahiraman lang niya ako ng damit niya dahil nabasa ako."

"Ng?"

"Naglaro kami ng basahan ng coke. I shook the coke in can and when he opened the can—boom!" natatawang kuwento niya.

Natawa ito. "Naughty! Gusto mo lang namang makita ang abs ni Boss, e."

"Sayang nga, hindi siya naghubad sa harapan ko." Aniya, pero baka tuluyan na nga siyang nahimatay kapag naghubad talaga ito sa harapan niya.

"Walang something na nangyari?" pag-uusisa nito sa kanya, saka siya nito pinaningkitan ng mga mata. Nag-iwas siya ng tingin, pero sinundan pa rin siya nito, kinulit-kulit siya nito hanggang sa huli ay sumuko din siya ay nasabi ang tungkol sa kiss na 'yon—na ikinatili nito, kaya mabilis niyang tinakpan ang bunganga nito. "Oh God, friendship! Masayang-masaya talaga ako sa inyo, sobra!" anito, na hinawakan pa ang kanyang mga kamay. "Ramdam ko nang malapit nang maging kayo."

"Sa tingin mo?" kinikilig na tanong niya.

Mabilis naman itong tumango-tango. "Ang galing mo! Hindi ko alam na marunong ka palang mag-seduce, mukha ka lang simple pero malupit." Natatawang sabi nito.

Tumango-tango naman siya. "At gagawin ko ang lahat para makuha ko ang puso niya—hindi pwede kung kailan nakuha na niya ang puso ko."

Muli itong napatili. "Mahal mo na siya?"

Tumango-tango siya at ngumiti dito. "Wala akong nagawa nang tuluyan nang nahulog ang puso ko sa kanya." Pag-amin niya.

She gently tapped her shoulder. "Okay lang 'yan, pasasaan ba't mahuhulog din naman siya sa 'yo—soon!" nakangiting sabi nito.

"You think so?" kinikilig na wika niya.

Tumango-tango naman ito at ngumiti pero dahan-dahan nawala ang mga ngiti nito kaya sinundan niya ang mga mata nito at nakita niya si Gray na noon ay may kasabay maglakad na magandang babae, mas lalo pang nanikip ang dibdib niya nang makita niyang umabrisyete ang babae sa binata.

"Baka bagong kliyente ni Boss." Ani Liza.

Kliyente? May kliyente bang uma-abrisyete sa employer? Pero sino nga kaya ang babaeng 'yon? Kamukha nito si Sam Pinto; matangkad, mahahaba at magaganda ang mga legs, mahaba ang buhok na parang pang-commercial sa TV at mas lalo pa siyang pinanghinaan ng loob nang ngumiti ang babae; mas lalo itong gumanda at kung marunong itong kumanta—then she must be the ideal girl of Gray Rance Montefalco, kakasa pa ba siya?

Unti-unting nanamlay ang kanina ay hyper na nararamdaman niya. Ang bilis namang mawala ng tuwang nararamdaman niya, napalitan agad ng kalungkutan at insecurities. Hindi naman siya talaga nai-insecure sa magaganda noon—kahit na sa mga ipinalit ng mga exes niya sa kanya—pero ngayon, nanliliit siya sa babaeng kasama ni Gray! She's too perfect!

Nang bumaling sa kanya si Gray at ngumiti ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Masakit ang puso niya—'yon ang tanging alam niya, palibhasa ay nagseselos siya nang sobra.

Napabuga siya ng hangin. Naramdaman niyang hinagod ni Liza ang kanyang likuran para damayan siya sa biglang pagtamlay niya. At kahit anong pagpapasaya at pagpapalakas ng loob nito sa kanya, hindi niya magawang alisin sa isip niya ang kalungkutan, mas lalo tuloy nilang napatunayan ng kaibigan niya na hindi lang siya basta nahulog sa binata—as in hulog na hulog—as in sa pinaka-malalim na hulog.

Five PM ang uwian niya pero mag-aalis sais na siya nang makarating sa bahay nila. Matamlay na matamlay ang pakiramdam niya. Naging abala kasi si Gray sa babae kaya hindi niya ito nakita, tapos mga alas tres ito lumabas ng opisina kasama ang babae at sabay pang umalis, ni hindi na nga niya ito nahintay na bumalik. Basta ang sama-sama talaga ng pakiramdam niya—sa sobrang sama ng pakiramdam niya, masasapak talaga niya ang sinumang kakausap sa kanya.

"Hi, Michelle—"

Sa gulat niya ay mabilis niyang nasuntok sa mukha si Gary na bahagyang nakayuko at biglang sumulpot sa kanyang likuran. Nakita niyang mabilis itong napahawak sa ilong nitong natamaan niya—siya ngang sumuntok ay nasaktan—tiyak mas lalong nasaktan ang sinuntok niya.

"Sorry, sorry," aniya. Saka niya mabilis dinaluhan ito at tinignan ang tinamaang mukha nito. Namumula na 'yon. "Sorry talaga, bigla ka na lang kasing sumusulpot dyan, e."

"Solid ka pa lang sumuntok, feeling ko nabali na ang ilong ko sa 'yo." Anito, matangos pa naman ang ilong nito. "My ice ka ba kayo sa bahay?" tanong nito, nag-alala naman siya agad, baka mahal ang magastos niya sa pagpapa-opera ng ilong nito.

"Meron," anito, kaya mabilis niya itong inakay papasok sa bahay nila, nagulat pa nga ang ate niya nang makita nitong akay niya si Gary, saka niya ipinaliwanag sa kapatid na nasuntok niya ang lalaki.

Nilagyan niya ng ice pack ang ilong ng binata at sising-sisi sa nagawa niya dito, nagulat lang talaga siya dagdag na badtrip siya kaya nasuntok niya ito.

"Okay lang ako, nakakagaling ng injury ang makita ka." Anito, saka ito ngumiti sa kanya.

"Huwag ka ngang magbiro dyan, baka masundan 'yang injury mo." Banta niya, injured na nga ito, nakuha pa nitong magbiro.

"Kumain ka na ba, Gary? Dito ka na lang kumain sa bahay." yaya ng ate niya, "Paparating na din sina Mama at Papa ngayon, nagpapalit na rin ng pambahay sina Jay at Roi."

"Kung mapilit ka ate, sige, salamat." Nakangiting sabi ni Gary, saka ito ngumiti sa kanya.

Mabilis siyang tumayo para tulungan ang ate niya sa paghahanda ng mga pagkain sa hapag-kainan. "Ate, bakit mo naman siya niyaya dito?" bulong na tanong sa kapatid.

"May kasalanan ka sa kanya, bilang bawi, in-invite ko siya para sa 'yo," nakangiting sabi nito. "saka hindi pa ba obvious na crush ka niya? Kita mong ngiting-ngiti kapag nakikita ka, panay din ang pagpapa-kuwento niya kay mama tungkol sa 'yo, kung ako sa 'yo, go na; guwapo na, successful pa at hindi nalalayo ang edad n'yo, thirty one na siya, ang balita ko engineer siya sa isang malaking firm dito sa bansa." Bulong nito sa kanya.

"Ate, hindi napipilit ang pag-ibig." Bulong din niya dito.

"Bunso, hindi nga napipilit pero natututunan naman."

"Ate, hindi ko pwedeng gustuhin si Gary kasi nga may special someone na ang puso ko." Pagtatapat niya. Napasinghap ito kaya mabilis siyang nagsalita. "This is a secret between you and me, alone, wala munang makakaalam kina mama at papa, baka maunsyame!" aniya.

Tumango-tango ito saka nag-thumbs up. "Eh, sino ba ang lalaking 'yon? Clue naman dyan!"

"Basta kahawig siya ni Jamie Dornan, ate." Kinikilig na sabi niya. Pero mabilis ding nawala ang pagkakangiti niya. "Kaya lang ay may babaeng panira at nakaharang sa daraanan ko patungo sa puso niya, kaya kailangan ko munang alisin 'yon bago tuluyan makapasok."

"Susuportahan kita dyan, bunso. Kaya mo 'yan!" anito.

Tumango-tango din siya dito. "Thanks, ate."

Saglit pa ay dumating na din ang mga magulang nila galing sa kiskisan ng palay, nauna lang umuwi ang ate niya na inihatid ng isa sa tatlong lalaking tauhan nila doon. Nang maihanda nila ng ate niya ang mga pagkain sa mesa ay tinawag na nila si Gary at ang mga bata para kumain na. Ngiting-ngiti ang Mama at Papa sa kanila ni Gary—magkatabi kasi sila ng upuan ng lalaki.

"Bagay kayong dalawa kahit namamaga 'yang ilong mo, hijo." Nakangiting sabi ng Mama niya kay Gary. Nalaman rin ng mga magulang niya na siya ang salarin sa pamamaga ng ilong nito.

"Mama!" saway agad niya.

Ngumiti naman si Gary sa mama niya. "Baka may boyfriend na po si Michelle, kaya huwag n'yo na po akong itinutukso sa kanya, tita."

"Oo, ramdam kong malapit na akong magka-boyfriend kaya hindi na ako available—"

Hindi niya naituloy ang sasabihin nang agad sumingit sa usapan ang kanyang mama. "Walang boyfriend 'yan hijo, ikaw yata ang hinihintay niyang tadhana." Anito, umugong tuloy ang tuksuan ng mga bata, kaya pinanlisikan niya ng mga mata ang mga ito.

Narinig niyang tumunog ang kanyang phone kaya mabilis niyang dinukot 'yon sa bulsa ng kanyang suot na tops, hindi naka-register ang numero ng caller. Ayaw sana niyang sagutin dahil wala talaga siya mood, pero sa huli ay sinagot din niya.

"Hello! Sino 'to?" bungad niya.

"Gary hijo, kailan mo ba liligawan itong si Michelle at nang sa susunod na buwan ay maaari na tayong maka-pamanhikan." Narinig niyang sabi ng mama niya, kaya pinanlakihan niya ito ng mga mata.