"BAKIT BA tayo tinipon dito sa conference room, ano'ng meron?" nagtatakang tanong ni Michelle kay Liza, basta sinabihan na lang sila ng head nila during breaktime na sila ng kaibigan niya ang representatives sa department nila para sa isang meeting.
"Ang balita ko ipapakilala na ang bagong boss natin, kaya tayo nandiritong lahat at excited na ako!" nakangiting sabi ni Liza.
Sa bandang gitna sila naupo ni Liza at marami na rin no'ng mga co-employees nila ang naroon. Pero kahit puno na noon ang room ay naagaw pa rin ang atensyon niya ng isang guwapong lalaki, na no'n ay nakaupo sa unahang bahagi sa bandang kanan niya—at nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala kung sino 'yon—'yon ay 'yong lalaking nakakahiyang kinawayan niya na inakala niya ay siya ang nginingitian!
Hindi na niya 'yon ikinuwento kay Liza dahil baka tawanan lang siya nito. Pero bakit nandito rin sa pagtitipon ang lalaki? Namumukhaan niya ang mga empleyado doon pero ngayon lang niya nakita ang lalaki.
"Friendship, nakikita mo ba 'yong guwapong lalaking 'yon?" sabay nguso niya sa guwapong lalaki, na kanina pa rin pinagtitinginan ng mga co-employees nilang babae.
"Ay oo naman friendship, feeling ko nga kanina namamalik-mata lang ako, sobrang guwapo kasi e, nakaka-starstruck!" kinikilig na sabi nito. "Pero hindi ko din siya kilala."
"Hindi kaya siya ang—" naputol ang sasabihin niya nang may magsalita na sa harapan.
"He was a freelance model in States, a businessman, a musician, adored by every woman and believes in the sacred of marriage. He also used to be a varsity player of rugby and in love with cars. The unico hijo of the Montefalco and our new President, ladies humawak na kayo sa inyong kinauupuan dahil baka matangay kayo," natatawang pagpapakilala ng Manager nila. "Let's give a warm of applause to Mr. Gray Rance Montefalco." Pagpapakilala nito, saka mula sa harapang upuan ay tumayo ang guwapong lalaki at ngumiti sa lahat. Nagpalakpakan naman ang lahat samantalang sila ni Liza at saglit na napatulala.
"So, the handsome guy was our new boss." Manghang sabi ng kaibigan niya.
"Hello everyone!" masayang bati ni Mr. Montefalco sa lahat saka ito ngumiti at napakaguwapo talaga nito kahit saang anggulo!
He really really looks familiar! At parang kilala ko ang Gray Montefalco na pangalan! Konklusyon niya. Saka niya hinalukay ang pinakailalim na alaala niya kung papaano naging familiar sa kanya ang lalaki, it took her twenty plus minutes hanggang sa... "Oh my gosh! Siya nga!" aniya. Mabilis siyang nagtakip ng bunganga nang maglinungan ang lahat ng mga tao sa kanya dahil sa lakas ng boses niya—even their handsome boss.
Nahihiya siyang humingi ng sorry sa lahat. Gusto na lang niyang itago ang kanyang mukha dahil sa labis na kahihiyan—dalawang beses na siyang napapahiya sa guwapong nilalang na 'yon.
"Bakit, Chell?" pabulong na tanong ni Liza sa kanya.
"Kilala ko si boss! Natatandaan ko na kung saan ko siya unang nakita at nakilala." aniya.
"Kilala mo? Naging ex-boyfriend mo ba? Paano mo nakilala? Please explain further." Atat na tanong nito.
"He was my high school crush," aniya, saka siya napangiti sa kaibigan. "Hindi ko siya kaklase o personal na kakilala at bilang lang sa daliri ang times na nakita ko siya, second year high school ako at fourth year siya—nag-aral siya sa isang private school samantalang ako sa public school na malapit lang din sa school nila, may mga kasama din siyang guwapong friends noon; sa pagkakalam ko ay magkababata sila at friends ang mga parents, kaso 'yong isa bago mag-start ng first year year high school ay nag-transfer na agad sa Manila, sikat na sikat sila no'ng high school kami. Sa malayo lang ako no'n nakatingin sa kanya kasi napaka-unreachable niya saka hindi rin pwede ang outsiders sa school nila pero balita ko dati may banda nga sila ang 'the Keso band'. Apat silang miyembro pero naging tatlo na lang dahil nag-aral 'yong isa sa Manila." nakangiting kuwento niya.
Naalala nga niya ang unang beses na nakita ang lalaki, naglalakad siya noon para magtungo sa bus stop dahil uwian na galing sa school nang tumigil ang magarang sasakyan nito sa gilid niya dahil traffic, binuksan nito ang bintana sa backseat ng sasakyan at dumungaw para tingnan kung gaano kahaba ang traffic and she was stunned for his appealing charm.
Nakita niya ang logo ng damit na suot nito, kaya nang mga sumunod na araw ay naipagtanong-tanong niya ang tungkol sa lalaking guwapo na matangkad mula sa private school na 'yon hanggang sa nalaman niyang Gray Montefalco ang name nito!
Ayon sa mga kaklase niyang babae ay mabait daw at approachable ang lalaki at mahilig makipagbiruan, kaya madami rin itong admirers. Kaso nang matapos itong mag-aral ng high school ay natapos na din ang balita niya sa lalaki dahil nag-aral na ito sa Manila. Naging abala na rin siya sa school and home works at tuluyan nang kinalimutan ang damdaming itinatago niya sa lalaking una niyang naging crush no'ng high school.
Pero ngayon, what a fate! Muli niyang nakita si Gray at usual ay napaka-head turner pa rin nito, ever. Mas gumuwapo pa ito ng isang daang paligo at mas naging makisig ito, my gosh, kapag siguro makita uli ito ng mga kaklase niya no'ng high school, pagkakaguluhan pa rin ito—pero sorry na lang ang mga ito, dahil may asawa na ang karamihan sa mga kaklase niya—at isa na lang siya sa natitirang single and very much available.
Sad thing, hindi man lang siya nakilala ni Gray noon pero natitigan naman siya nito no'n nang tatlong beses. Pero ngayon maaari na niya itong malapitan at makausap. Ginawa ba ito ng tadhana para magawa na niya ang mga hindi niya nagawa noon, tulad nang; pagpapakilala sa sarili at pakikipagkaibigan dito?
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng excitement sa mga naisip niya—at ang isa pa sa ikinatutuwa niya, maaari na muli niya itong pangarapin since single daw ito ayon kanina kay Liza—'yon lang, ang layo pa rin ng gap nila sa isa't isa; boss niya ito, empleyado naman siya. Pero wala naman sa batas ng pag-ibig ang nagsasabi na hindi maaaring mag-ibigan ang dalawang magka-ibang mundo, 'di ba?
Pero paano mai-in love si Gray sa kanya, e, wala namang nakaka-in love sa kanya? Siguro puwede niyang maipagmalaki ang baking skills niya pero hindi pa rin sapat, eh, ang pagiging bookworm niya? Eh, ang cute niyang mga mata and sexy lips? Nah, dream on! Forget about him! You're no match!
Napabuga na lang siya ng hangin. Tama! Mangangarap na lang siya, tutal 'yon na lang ang libre ngayon sa mundo.
"Crush mo pa din si Boss?" nakangiting tanong ni Liza sa kanya, nahuli kasi siya nitong nakatitig lang sa lalaki.
At ipokrita na lang siya kung sasabihin niyang hindi. "Oo naman." Pagtatapat niya sa babae. Bumalik kasi ang lahat ng damdamin niya sa pagkakakita sa binata. "Pero hanggang pangarap ko na lang uli siya." Walang ka-energy-energy na sabi niya.
"Cheer up! Malay mo naman despite of all the girls na naghahabol sa kanya, mapansin ka niya, 'di ba?"
"Imposible yata." Natatawang sabi niya.
"Eh, kung gano'n, ikaw na ang gumawa ng move."
"Move? Eh, ano naman?"
"Magpapansin ka!"
"Ayoko! Nakakahiya. Nakaka-two strikes na ako kay boss ngayong araw."
"Oh! So, na-meet mo na siya kanina?" nakangiting tanong nito saka niya ikinuwento dito ang experience niya sa lalaki. Tawa ito tawa pagtakapos niyang magkuwento.
"Kaya hindi ko agad sinabi sa 'yo, kasi alam kong pagtatawanan mo lang ako." nakalabing sabi niya, muli itong natawa.
"By the way guys," agaw-atensyon ng guwapong si Gray sa lahat, kaya mabilis silang bumaling ni Liza sa kanilang boss. Nakangiti ito kaya mas lalong nagwala ang puso niya. Bakit kasi mas gumuwapo pa ito? "I'm gonna treat everyone for a dinner, later. Sana makapunta kayo sa Greenville restaurant. Thank you again and God bless." Nakangiting sabi nito saka ito saglit na nakipagkamay at nakipag-usap sa mga heads na naroon bago naglakad palabas ng room.
Gusto sana niyang habulin ito para ipakilala ang sarili dahil baka natatandaan nito ang mukha niya, pero inihatid na lamang niya ito ng tanaw.
"Okay lang 'yan friendship, makikita mo naman na siya araw-araw e, boss na natin siya ngayon!" masayang sabi ni Liza. "At hindi lang 'yon, may libreng dinner tayo mamaya sa famous Greenville buffet resto. At narinig ko sa mga empleyado sa likuran natin na ni-rentahan daw ni boss ang buong resto para sa lahat nang pupuntang empleyado ng Airlines ngayong gabi. Ang bongga! Super guwapo na, mabait at galante pa!" nakangiting sabi ni Liza.
"Totoo 'yan friendship," nakangiting sabi niya sa kaibigan saka siya napahawak sa magkabilang pinsgi niya. "Baby, now that I've found you, I won't let you go..." pakantang sabi niya.
"Wow! Seryosohan na ba 'yan, Chell?"
"Hindi, kumakanta lang ako." natatawang sabi niya.