Chapter 8 - 8

"Ganyan din ang sabi ng mom ko sa akin, `yong mga kabataan daw na nakikita niya sa high school ay may sarili ng pamilya, samantalang ako na may stable job ay ni girlfriend wala pa ako." natatawang sabi nito. "Mahilig lang daw akong makipag-friends sa mga girls, pero ang totoo ay hindi ako marunong manligaw ng babae, my mom is really a bully."

"Ang cute naman ng mom mo." Nakangiting sabi niya.

"Yeah and also my dad is strict pero magka-vibes kami, siya ang nagtatanggol sa akin kay mom." Natatawang sabi nito.

"Ay buti ka pa may kakampi, ako kasi pinagkakaisahan na ipakilala sa kapitbahay naming single na Engineer pero hindi ko `yon type.

Ngumiti ito sa kanya. "That's good for you, ako kasi since nakipaghiwalay sa akin `yong last girlfriend ko, nag-rest muna ako sa pakikipag-relasyon, I was always the one who left behind." Kuwento nito.

"Sa guwapo mong `yan?"

"Hindi ko rin alam kung ano'ng mali sa akin, e." natatawang sabi nito.

"Walang mali sa `yo, nasa mga babaeng `yon ang mali!" affected na sabi niya at nasobrahan yata siya! "Joke lang," nangingiting kambiyo niya. "Baka masyado lang silang selosa sa mga admirers mo o `di kaya mga blurred visions at hindi nila makita ang kahalagahan mo."

Napangiti ito. "Thanks, Michelle. Gumagaan ang pakiramdam ko sa mga sinasabi mo."

"You're welcome." Nakangiting sabi niya. "And thanks din sa pagpapasakay mo sa akin dito sa kotse mo at sa foot massage kanina." Ngumiti din ito sa kanya.

Hindi niya akalain na ang dami nilang pagkakapareho ng binata—pakiramdam tuloy niya ay talagang itinadhana silang dalawa ni Gray na muling magkita at gamutin ang sugat ng bawat isa. At kinilig siya sa ideya niyang `yon.

Nang makarating sila sa parking lot ng Mall ay mabilis siyang ipinagbukas ng pintuan at sabay na silang pumasok sa loob, nalungkot siya nang tuluyan na itong nagpaalam sa kanya. Gusto na lang sana niyang sumunod sa lalaki dahil hindi naman talaga siya manonood ng sine, e.

Ngunit may maganda siyang ideya. Sinundan niya ng palihim ang binata sa coffee shop na pinuntahan nito, nakita niyang kumaway ito sa dalawang lalaking nasa isang table, kung hindi siya nagkakamali ay sina Tycho at Troy ang mga `yon. Umupo si Gray sa tapat ng dalawa saka nagtawag ng waiter para um-order ng coffee nito.

Pumasok din siya agad sa coffee shop at naupo sa di-kalayuang table—`yong sakto lang para marinig niya ang usapan ng mga lalaki. Nakatalikod noon si Gray kanya at siya naman ay nakaharap dito. Mabilis siyang nag-order ng black coffee sa waiter at saglit pa ay nai-deliver din agad sa mesa niya.

"Tinanong ko last time si Grant kung kailan siya dadalaw dito sa atin, mukhang abalang-abala ang isang `yon." Ani Tycho, nakasuot ito noon ng dark suit, mukhang galing din ito sa company nito, gano'n din si Troy na nakasuot ng blue suit at denim pants. Gano'n pa rin ang hitsura ng mga ito tulad no'ng high school pero mas nag-matured lang at mas lalong gumuwapo.

"Baka nag-iipon na para magpakasal." Dinig niyang sabi Troy.

"Magpapakasal? Eh, wala namang girlfriend `yon, e, `di ba iniwan din siya ng girlfriend niya? Magkapareho kayo ni Grant ng kapalaran, Gray." Ani Tycho.

"Huwag nga kayo, maayos na ang buhay ko, naka-move on na ako, `no." natatawang sabi ni Gray.

"Oo nga naman Tycho, baka nga mauna pang maikasal itong totoy natin kaysa kay Grant," ani Troy, kaya muntik na niyang mabitawan ang kapeng hawak niya, mainit-init pa naman `yon.

"Gusto ni mom na magka-girlfriend na ako pero hindi naman ako katulad mo Tycho, na naipares na agad sa kaibigan ng parents." Ani Gray.

"Wala naman masama, e. Malay mo makapalagayan ko ng loob `yong ipinapares ni mommy sa akin," natatawang sabi ni Tycho. "Okay lang akong mauna, huwag lang si Nessie, ang bata pa niya." anito.

"That li'l sister of yours, manang-mana talaga sa `yo, may pagka-psycho, e, palibhasa puro stuffed toys ang nakakasalamuha." natatawang sabi ni Troy.

"At least matino pa rin kami, lalo na ako at hindi playboy katulad mo." Natatawang sabi ni Tycho. Natawa din naman sina Gray at Troy.

"So, kumusta ang Airlines, Gray?" pag-iiba ni Troy nang usapan.

"It's okay, eh, ang mga kompanya n`yo?" ani Gray.

"Okay naman ako sa Arenaz food corporation," ani Tycho.

"Okay din ako sa Perez group of companies," segunda din ni Troy. "Never kong naisip na tayo talagang apat ang magmamana sa mga businesses ng mga daddies natin, pangarap lang natin no'n bumuo ng banda, pero mga businessmen na tayo ngayon."

"Exactly!" magkasabay na sagot nina Gray at Tycho.

"So, wala ka pang idini-date ngayon, Gray?" tanong ni Tycho, kaya naging mas attentive siya sa usapan ng magkakaibigan.

"Hanggang friends lang muna ako with girls." Tipid na sagot nito.

"Why? Takot ka na namang maiwanan? C'mon, hindi lahat ng babae pare-pareho" ani Troy.

"Hindi naman kasi ako katulad mo na ang bilis makahanap ng iba, `no." natatawang sabi ni Gray.

"Pati ang panunood at pagbabasa ng mga romantic movies ay ipinagbawal mo na sa buhay mo dahil sa mga babaeng nang-iwan sa `yo, e." dagdag pa nit Troy.

Saglit siyang natigilan. So, hindi pala dahil sa hectic ang sked nito kaya hindi na ito nakakapagbasa ng romantic novels—`yon ay dahil may kinalaman sa pagkabigo nito sa pag-ibig. Gusto tuloy niyang awayin ang mga babaeng nanakit sa lalaking gusto niya!

"Huwag n`yo nga akong hina-hot seat, nandito tayo para mag-chill." Ani Gray.

"Pero ikaw lang ang kilala naming iniwanan ng girlfriend na hindi halatang broken hearted, hindi katulad ni Grant na halos pagsakluban ng langit at lupa." Ani Troy.

"Ayoko lang maging affected si mommy sa drama ko sa pag-ibig." Ani Gray.

"Sa bagay, talagang napaka-concern ng mga mommies natin sa buhay pag-ibig natin." Ani Tycho.

"Sinabi n'yo pa." ani Troy. "Sinabihan pa nga ako na kapag hindi ko daw itinigil ang pagiging babaero ko, talagang magkaka-shotgun wedding na, e." natatawang sabi nito.

"Itigil mo na kasi." Magkasabay na sabi nina Gray at Tycho.

"Eh, ang mga babae naman ang kusang nag-offer ng kanilang mga sarili e, ano'ng magagawa ko?" natatawang sabi ni Troy, napailing-iling na lang ang dalawang kaibigan nito.

"Ngapala guys, may natatandaan ba kayong girl na may name na Michelle Saballa? Kalapit-school daw natin no'ng high school." Kuwento ni Gray, kaya kumabog ang puso niya sa pagkakarinig ng pangalan niya.

Saglit namang natahimik at nag-isip ang dalawa bago umiling ang mga ito. "Wala kaming matandaan, e. Why?" magkasabay na sabi ng dalawang kaibigan.

"Wala naman, nagta-trabaho kasi siya sa Airlines ngayon, actually, kasabay ko siyang nagpunta dito sa Mall."

"Type mo?" magkasabay na tanong nina Tycho at Troy, muntik na tuloy siyang mahulog sa kinauupuan niya, naramdaman yata nina Troy at Tycho na nakatingin siya sa direksyon ng mga ito, kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

"Type? She's my employee, guys!"

"Oh bakit, bawal bang magkagusto ang boss at employee sa isa't isa?"

"Mga siraulo!" naiiling na lamang na sabi ni Gray sa dalawa.

Napabusangot siya. Baka nga talaga hindi siya ang type na babae ni Gray! Gayunpaman, nagsisimula pa lang naman siya sa plano nila ni Liza, hindi pa siya dapat sumuko, marami pa siyang balang natitira.

Humanda ka sa akin sa susunod nating pagtutuos, Gray Rance Montefalco!