Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Hector I Love You

πŸ‡΅πŸ‡­Aedecember
52
Completed
--
NOT RATINGS
134.3k
Views
Synopsis
Matapos ang pitong taong pagdurusa dulot nang pagkamatay ni Hector ay natutunan ni Clarang bumangon at muling lumigaya. Sa kanyang puso at isipan batid niyang hindi na mibabalik pa ang lahat sa dati. Nagising siya mula sa bangungot at muling nagpatuloy sa buhay. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, sa isang iglap ang nakaraan ay muling nagbalik. Hindi siya makapaniwalang nagbalik ito sa paraang unti-unting dinudurog and kanyang puso.
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE

Sino nga ba si Hector sa aking buhay?

Nagsimula ang lahat valentine's day 2004 at nasa third year High school ako noon. Oras na nang uwian.

Nag-text si Hector sa kasagsagan nang aming klase na hihintayin niya raw ako pagdating nang uwian. Tumanggi ako pero kinuha niya pala ang aking reaction paper sa history subject ng hindi ko nalalaman. Ibibigay niya lang daw ito kapag nakipag-kita ako sa kanya pagkatapos nang klase. Wala akong nagawa, mahalaga kasi sa akin yun.

Salubong ang aking kilay at inis na inis sa kanyang ginawa. Sinabi pa niya na wala raw dapat maka-alam sa buong klase na magkikita kami mamaya. Napaka-pilyo talaga ni Hector at bukas talaga isusumbong ko siya sa adviser namin.

Pero kahit ganoon siya, marami ang nagkaka-crush sa kanya sa campus. Aaminin ko, pati ako may crush din sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag na lokohin niya ng ganun ganun nalang.

Na-iwan akong mag-isa sa classroom at siniguro kong wala na ang lahat, saka palang ako lumabas. Sumugod ako patungo sa quadrangle. Humanda siya talaga sa akin.

Naraanan ko pa ang pasilyo nang aming school building na puno nang kulay pulang cut-outs na heart shape sa bawat dingding. Kanina may valentines day program pero hindi ako nanuod. Wala akong interes sa mga ganoon. Mas gusto kong maiwan sa classroom at gumawa nalang ng homework.

Hapon na at halos wala ng katao-tao sa campus. Kabado pa ako nang sandaling iyon kasi malapit nang dumilim kaya mas lalo akong nainis talaga sa kanya. Bakit kaylangan niyang ibigay ng ganitong oras, aawayin ko talaga siya kapag nakita ko mamaya.

Kulay orange na ang langit sa background nang marating ko ang quadrangle. Napatigil ako nang tumunog ang aking 3310. Siya pala yung tumatawag, inis ko itong sinagot.

"Ops! Ops, diyan ka lang," wika niya.

Huminto ako sa gilid nang quadrangle at huminga nang malalim. Sa aking right side ay puro halaman at puno, malapit na ito sa bakod nang aming campus. Lingon ako nang lingon sa paligid, inis at kaba na ang aking nararamdaman kasi nga ang tahimik na ng paligid.

"Clara!" narinig ko ang kanyang boses. Hinawakan ko ang aking 3310 at humakbang pasulong habang paikot-ikot ako ng paningin. Sumulpot siya mula sa matandang puno nang acacia ilang metro ang layo sa akin.

Kanina nakakapagtataka lang halos lahat kasi nang mga kaklase kong babae may red rose na nakuha. Pero hindi ko naman in-assume na may matatanggap ako, hindi naman ako nanuod nang valentines day program kanina.

Pero ngayon nasorpresa talaga ako kay Hector. May hawak siyang isang red roses at teddy bear, bit-bit din niya ang aking reaction paper. Susugurin ko sana siya at sasampalin sa mukha pero nawala ang lahat ng ito dahil bigla akong kinilig. Namula pa ata ako lalo na nang makita kong ang gwapo nang kanyang ngiti habang papalapit sa akin.

Napa-diin ang paghawak ko sa strap nang backpack kong kulay pink. Hindi na kasi ako mapakali, panay pa ang ayos ko sa palda kong plaid na uniform. Nang nasa harapan ko na siya, hindi na ako maka-kilos. Bumibilis ang tibok nang aking puso. Mabuti nalang talaga wala na ang aming mga kaklase kundi baka maging tampulan ako nang tukso nang lahat bukas kapag nakita nila kami sa ganitong tagpo. Hindi ko kakayanin yun.

"Uhm...kaya kita inaya dito. May gusto sana akong sabihin sa iyo,"

Hindi ako makatingin sa kanya nang deretso. Ang lambing nang kanyang baritone voice at hindi nga ako makapaniwalang kaharap ko siya ngayon. Kani-kanina lang, siya ang bukambibig nang mga babae at beki sa campus namin, kumanta kasi siya sa valentines day program. Natawa pa nga ako dahil sintunado kaya ang boses nito.

"Pwede ba kitang maging...girlfriend ko?"

Mas lalo akong kinabahan. Nabalot ako nang matinding tensyon. Binigay niya ang rosas at teddy bear pati na ang reaction paper. Kinuha ko ito na halos hindi na makapag-salita.

Imunwestra pa niya ang kanyang mukha sa aking harap kasi nga hindi ko siya tinitignan. Hinihintay niya ba akong sumagot? Yung mata niya naka-pungay, nag-puff yung kanyang lower eyelid at ang cute tignan. Kung pwede nga lang malusaw dito sa kina-tatayuan ko.

Hindi ko alam kung anong meron siya at na-hipnostismo akong sumagot. "O...okay lang".

Napa-pikit ako nang aking mata, napahilamos at napa-hawak muli sa aking palda. Hindi siya umimik, nagtaka ako kasi siya naman ang hindi gumalaw. Napatitig tuloy ako sa kanyang mukha, kumunot pa ang aking noo.

Nagulat nalang ako nang biglang magbago ang kanyang facial expression. Bigla siyang ngumiti, isang ngiting tagumpay. "Yes!"

Tumalikod siya sa akin and he raised his clenched fist in the air na akala mo nanalo. "Yes! Yahoo,"

Nagulat ako nang kumaripas siya nang takbo patungo sa gitna nang quadrangle at bigla nalang tumambling, natawa ako. Tumayo siya nang tuwid at lumingon sa akin mula sa di-kalayuan.

"Clara! I love you," sigaw niya.

Nakabuka ang kanyang mga kamay at braso. Namumula ako habang pinagmamasdan siya sa malayo. And that was the first time.

Si Hector ang nag-introduce ng love sa aking mundo. He is my first and sadly – my last.

Huminga ako nang malalim at nagbalik-diwang muli mula sa mahabang paglalakbay nang aking isipan. Bigla pa akong nagulat.

Ang orange na kalangitan sa aking itaas ay nag shapeshift at naging isang puting kisame. Nawala ang makulit na boses ni Hector at napalitan nang nakakabinging katahimikan. Naglaho rin ang malawak na quadrangle nang school campus at naging isang pader nang nagkikintabang lapida.

It hit me and realized na nasa loob pala ako nang isang columbarium. Nine nang umaga at Saturday.

Katabi ko ang isang matandang babae at kapwa kami nakatayo habang pinagmamasdan ang isang lapida.

Ang lapida ni Hector.

Siya ang kanyang ina at sinamahan ko siya sa pagdalaw dito. Kahapon nang gabi lang siya nakarating dito sa pinas kasi sa amerika na siya naninirahan. Eto ang unang-unang lugar na binibisita niya kapag nagbabalik-bayan. At everytime na pupunta kami rito, is a huge challenge. Wala kaming pinag-uusapan kundi ang mga happy memories about Hector nang nabubuhay pa siya. We tried to hold on our tears pero mahirap itong gawin kapag naririto kaming dalawa.

"Baka heto na ang huli kong pagpunta rito Ara," wika ni mommy Gloria.

Kahit makapal ang kanyang make-up hindi niya maitago ang kanyang kalungkutan. Mas lalo pa nga itong tumanda nang huli ko siyang makita.

"Okay lang po mom, madalas naman akong napunta rito," sagot ko.

Hindi ma-alis ang kanyang mata sa kakatitig sa lapida ni Hector. "Kaylangan ko kasing alagaan nang mabuti ang daddy ni Hector, naging sakitin na kasi ito. Ayokong pati siya mawala na rin sa akin,"

"Sorry kay dad huh, hayaan niyo hindi mag-iisa rito si Hector. Kahit araw-araw ko pa siyang dalawin dito gagawin ko,"

Naging habit ko na ang pagpunta rito kapag day-off ko sa aking trabaho. Pati ako naka-tingin na rin sa lapida niya. Ang tahimik nang kinalalagyan namin. The whole place is peaceful at ang linis. Ilang minuto kaming hindi nag-kibuan ni mommy Gloria sa isa't isa.

Naramdaman ko nalang ang malambot niyang palad na pinipisil ang aking kaliwang kamay.

"Hija...don't you think – " huminga siya nang malalim. "Panahon na para mag move on ka,"

May kumurot sa aking puso. Hindi ako makasagot at parang ayokong sagutin. Namuo ang luha sa aking mga mata. Move on, ang daling sabihin pero sa puso ko ang hirap gawin. Hindi ko na siya matignan sa mukha. Mas gusto kong pagmasdan nalang ang lapida ni Hector.

"Hindi maramot ang anak ko, alam mo yan. Naniniwala akong pinalaya ka na niya kung nasaan man siya ngayon,"

Napa-bulalas na ako nang iyak.

"Hindi nga siya maramot mom," lumingon ako kay mommy Gloria. "Pero ang daya naman niya! Bakit kasi ang hirap niyang malimutan,"

Parang bibigay na naman ako pero sinalo niya ako nang kanyang mga yakap. Kahit hindi ko siya tunay na ina at wala na kaming kaugnayan ngayon matapos mamatay si Hector ay ramdam ko pa rin ang kanyang sincerity. Pinapatahan niya ako pero hindi ko magawang tumigil.

Paulit-ulit kasi akong nasasaktan. Nagdurusa, nanghihinayang matapos mawala si Hector sa aking buhay. Hanggang ngayon hindi ko siya kayang kalimutan. Mananatiling buhay ang mga iniwan niyang ala-ala sa akin, lahat, lahat kung papaano kami nagmahalan noon.

Hector will always be my first and last. Kahit iniwan niya ako pitong taon na ang nakakaraan.