Chereads / Hector I Love You / Chapter 9 - CHAPTER 8

Chapter 9 - CHAPTER 8

Sinabi sa akin ni Eric na sa Singapore siya nakatira with her mom. After nang divorce sa kanyang American father ay mas pinili niyang sumama sa kanyang ina na panganay na kapatid nang kanyang tita Cecile. Nagkaroon nang lamat ang kanilang relationship nang muling mag-asawa ito ng isang pranses at nagkaroon pa siya nang stepbrother dito. It made a huge impact sa kanyang naging buhay. Namuhay siyang loner at anti-social sa bansang iyon.

Then came the girl name Cindy Nurdyasah Hermann, a dutch Indonesian model. Nagkakilala sila sa isang photo-shoot nang isang fashion magazine sa Singapore kasi isa siyang freelance photographer by profession doon. Nagkaroon sila nang sparks sa isa't isa and ended up dating together.

Si Cindy daw ang sumalo sa masalimuot niyang buhay na akala pa nga niya an almost perfect relationship, hanggang dumating ang isang insidente na nagpabago nang lahat. She left him in Singapore with no reason kaya sinundan niya ito sa Jakarta. Dito niya nalamang buntis pala siya at ang kanyang former childhood friend ang ama. Cindy ended up their relationship in front of him that left him devastated.

Pinagmamasdan ko ang mukha niya sa kanyang buong kwento. Nararamdaman ko rin kasi yung sakit sa kanyang pag-iyak. Nasasaktan tayo pagkatapos ng isang relasyon dahil hindi natin matanggap na tapos na ito.

Relationship is like drug addiction na kapag nawala, may withdrawal din na maitatawag. Patuloy na hahanap hanapin nang ating puso kahit alam nating nasasaktan na tayo at nakakasama na sa ating pagkatao.

Nang ilabas niya ang lahat ng pain sa kanyang puso habang nagkwe-kwento, naramdaman kong hindi niya ito na-open sa kanyang mga mahal sa buhay.

"Ano ang nararamdaman mo ngayon? " I asked him in a low tone of my voice.

"Masakit pa rin, para akong walang silbi," humihikbi siya habang yung kanyang brow area may tension. "Hindi ko siya nagawang ipaglaban man lang,"

I grab my journal and started to take down notes. Nagkakaroon tayo ng low self-esteem after ng break-up. Madalas nating sisihin ang ating sarili.

"Umaasa ka pa bang babalik pa siya sa iyo?"

Napahilamos siya nang kanyang mukha. "Wala ng aasahan pa. Buo na ang kanyang desisyon, wala na akong babalikan,"

"May nag-bago ba sa iyo ng iwan ka niya? "

"I guess! I'm a loser after all, "

I know medyo awkward yung tanong ko pero gusto ko kasi makuha yung totoong nilalaman nang kanyang saloobin. And then, I shifted to a different subject. "Ma-iba tayo ng usapan, tell me about photography?"

Napatitig siya sa akin at ang tagal niyang sumagot. "Photography is my passion. Hindi ko ma-explain ang kaligayahang naidudulot nito sa aking sarili, "

"Now tell me, may pagkaka-iba ba ang photography mo nung mga panahong wala pa si Cindy sa iyong buhay at ang panahong dumating na siya? "

"Mas naging inspired ako ng dumating siya," bumuntong hininga siya. Pinahid niya ang mga luha sa kanyang mata. "But I guess I'm happy both of those times, "

"Kung pareho kang nakaka-dama ng kaligayahan sa photography mo with or without Cindy. I think you should pursue your passion. If you believe you have your worth on that profession," paliwanag ko. "Mawala man si Cindy sa buhay mo ngayon nandiyan pa rin ang mga pangarap mo. Stick to it and master your craft. Yan naman ang unang minahal mo di ba? "

Self-contraction, kaylangan nating bumalik muli sa ating sarili.

Nag-ibang muli ang kanyang facial expression. Napansin ko pa ngang mas lalo siyang naging rosy cheeks. Binaling niya ang kanyang tingin sa carpeted floor.

"Pero tutol ang mom ko rito. Mabuti nga si tita sinusuportahan ako,"

"Then prove her wrong! Ganun lang talaga ang mga magulang natin pero kapag nag-tagumpay ka naman sa karera mong yan matatanggap din niya ito later, and your tita. She's really helpful, surround yourselves with those kind of people na hindi pabigat sa nararamdaman mo, "

Nasilayan kong muli ang magandang ngiti sa kanyang labi. I asked him again. "May sample ka ba ng work mo? "

"I have here on my phone," inangat niya ang kanyang I-phone at may binay-bay. Pinakita niya ito sa akin and now he looked calm.

Sa isang break-up talaga hindi maiiwasan ang negative reaction at doon tayo minsan talo.

I grab his phone on his left hand at nagbay-bay. "I don't have any idea about visual art like photography but masasabi kong hindi ka nag-kamali sa pag-pili ng iyong profession, Mr. Ross, "

Habang nagbabay-bay ako may nahagip na isang pictures. Nagulat ako dahil stolen shot ko ito sa Binurong point. So kinuhanan talaga niya ako nang picture. I glanced at him in second at kunot noong pinagmasdan ang larawan. Medyo ang creepy kasi para siyang stalker but flatter at the same time. Binaybay kong muli yung I-phone at binalik sa kanya para hindi niya isiping nakita ko ito. Umayos pa ako nang pagkaka-upo.

"Huwag mong tawaging useless ka at loser Mr. Ross. Minsan talaga magka-iba ang karera sa personal na buhay. May mawala mang taong mahalaga sa atin, pero yung mga pangarap natin naririyan at palagi nating kasama,"

Bigla akong tumigil sa pagsasalita and stared in an absent gaze.

***

"Bakit hindi mo sinabi sa akin!" bulalas ko kay Hector. Magkatabi kami sa ibaba nang double-deck na kama. Magkasama kami sa kanyang dormitoryo at kaming dalawa lang ang nasa loob. "Bakit sa iba ko pa nalaman,"

"Dahil alam kong masasaktan ka lang!" paliwanag ni Hector. He's rubbing his palms, ganoon siya kapag tensyonado. "See umiiyak ka na,"

Back then napaka-childish pa nang ugali ko. "Sige magpa-petisyon ka na, iwan mo na ako. Ayoko na sayo, ang daya mo,"

Napa-hilamos siya nang kanyang mukha. Niyakap niya ako pero I shoved him away. Hindi ako mahinto sa pag-iyak dahil I'm so afraid at that moment, afraid of losing him.

"Mommy! mommy! makinig ka," hinawakan niya ang magkabila kong balikat. Nakaharap siya pero hindi ko siya tinitignan. "Promise me, pag-wala na ako rito sa pinas. Ipag-patuloy mo pa rin ang mga pangarap mo. Pilitin mong mag-tapos. Naririto lang ako sa tabi mo, kahit malayo ako hindi kita pababayaan,"

Pero ayaw itong tanggapin nang aking utak, ganon din kasi yun, iiwan niya rin ako. "Ewan ko sayo! Mag-hanap ka ng kausap mo. Huwag ka nang makipagkita pa sa akin,"

I grabbed my black bag-pack at iniwan siyang mag-isa. Nakita ko pang ginugulo niya ang kanyang buhok. I pissed him off pero mabuti nga sa kanya. Naiinis kasi ako, aalis nang pinas hindi man lang ako ininform.

***

"How can I let go of the pain? "

Muli akong nagbalik-diwa. Tinatanong pala ako ni Eric. "Hayaan mo lang siyang pagdaanan. May timeline ang sakit na nararamdaman natin Eric, soon enough sasabihin din ng ating puso na if it's time to let go. Kaya wag mong isuko ang mga pangarap mo para lang dito, "

Natawa pa ako sa loob-loob ko, timeline? Pero bakit patuloy pa rin akong nagdurusa? I asked myself.

Inabot nang isang oras ang session. Bago ko tapusin ang lahat may binigay ako kay Eric.

"Bibigay ko sa iyo itong ballpen at notepad," paki-usap ko. "Gusto kong magsulat ka rito pagka-uwi mo,"

Napa-kamot sa ulo si Eric. "Seriously? May assignment ako,"

Natawa ako sa kanyang reaction. "No, ikaw ang gagawa ng sarili mong conclusion. Kung may na-realize ka ba? or kung ano ang magiging plano mo after nito? Then bumalik ka next week. Gusto kong basahin mo ito sa harap ko, kung okay lang sa iyo? "

"If it pleases you, I will, thank you, "

Hapon na at ilang oras nalang ay uuwi na naman ako. Tinapos ko ang aking session kanina kay Eric sa pagsusulat nang isang journal. I gathered all the information tungkol sa case niya. Naniniwala akong bubuti rin ang kanyang kalagayan. Gwapo siya at imposibleng hindi siya makahanap kaagad nang bago, kahit isa pa itong rebound. Kaylangan niya lang ayusin muli ang kanyang sarili.

I chuckled for a moment nang ma-alala ko yung aking picture sa kanyang I-phone. Interesado ba siya sa akin? Pero ayokong maging assuming, bigla akong kinilig. Na bigla nalang naglaho, kasi may na-alala na naman ako.

***

"Mommy, bakit hindi ka pumasok?" nakatayo si Hector sa harap nang pintuan ng aking kwarto. Bakas ang pag-aalala sa kanyang facial expression. Maghapon akong umiiyak, naka muk-mok sa aking kama habang naka-dapa.

"Nabura yung report na pinag-hirapan ko sa USB. Bukas na yun ipapasa," wala sana akong ganang kausapin siya. "Ayoko na, babagsak na ako, baka hindi ko na matapos tong sem ko, "

"Bumangon ka nga riyan. Akala ko naman kung ano ang nangyari," napalingon ako sa sinabi niya.

Nainis na naman ako. "Ikaw ang yabang mo. Kung sayo kaya mangyari to,"

Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at bigla akong dinaganan mula sa pagkaka-dapa. Mas lalo akong nainis, ang bigat kaya niya.

"Aray ko daddy, umalis ka nga! " asik ko habang pilit na nagpupumiglas. Para tuloy kaming nasa wrestling match.

"Hindi ako aalis dito kapag di ka bumangon," he murmured. "Para kang sira, para yun lang. Pwede mo namang ulitin yun,"

"Okay ka lang? Three days ko kayang ginawa yun, "

"Anong ginagawa ko rito. Pag-puyatan natin para ma-ipasa mo bukas," naramdaman kong umalis siya. "Bumangon ka na riyan para masimulan na natin,"

Wala akong buhay na bumangon. Sobrang devastated talaga ako sa nangyari. Para akong batang inagawan nang laruan. Pero siya tawa lang nang tawa habang pinagmamasdan ako.

Umupo siya sa kama at humarap sa akin. He wiped off my tears in my eyes. Hindi ako kumikilos kasi down na down talaga ako.

"Mommy wag kang susuko dahil lang sa pagkakamaling pwede namang ma-solusyunan," paliwanag niya. Pumupungay ang kanyang mga mata na nag-puff pa ang lower eyelid. "Tandaan mo hindi nagtatapos ang mga pangarap natin sa isang pagkakadapa lang. Marami pa tayong pagsubok na susuungin, kaya lumaban ka, kasama mo ako, "

Whenever I recalled those words, I'm back at my feet again, I'm strong again. Muli akong nagbalik-diwa, may patak na pala nang luha ang journal sa lamesa. Inalis ko ang mga luhang iyon at tumangong mag-isa.

"Oo Hector, tatandaan ko palagi iyon, "