Chereads / Hector I Love You / Chapter 10 - CHAPTER 9

Chapter 10 - CHAPTER 9

Nasa hallway ako at kalalabas ko lang ng studio nang lapitan ako ni Philip, isa sa mga staff at barkada ko na rin. "Dok Ara! may nagpa-pabigay sa inyo,"

May hawak siyang isang boquet nang red roses. Yung boses niya parang nanunukso pa. Nagtaka tuloy ako. Kinuha ko ito sa kanya. "Kanino to galing Phil?"

He shrugged his shoulder at nag malay ko sign. Chubby siya kaya naging double chin siya lalo.

"Naku! yan na nga ba ang sinasabi ko," nagulat ako sa pagsulpot ni kuya Drei sa aking likuran. na-tensyon pa ako kasi number one alaskador yun. "May secret admirer na ang ating magandang residence psychologist,"

Sinigaw talaga niya sa buong hallway kaya yung mga naroroon nabaling ang atensyon sa akin. Mas lalo akong na-alaska nang lahat, nahampas ko tuloy siya ng mahina sa braso. Nakita ko pa sina Melay at Denver na naka-silip sa bintana sa isang kwarto na kinikilig. Binilisan ko nalang ang lakad at nagmamadaling umalis sa lugar na iyon.

Nasa loob ako nang kotse at abot-langit ang aking mga ngiti dahil meron na naman akong ganito. Napansin kong may letter na naka-ipit sa boquet. Kinuha ko ito at binuklat, kay Eric pala ito galing.

Until now, I could not believe that the woman I met on that awkward situation sa may Binurong point ay ang babae palang magpapagaling ng sakit sa puso ko, ngayon naniniwala na talaga ako sa destiny – just kidding.

P.S I hope to see you again! Thank you.

I turned serious at huminga nang malalim, another soul. Marami-rami na rin ang mga lalakeng nagbigay sa akin nang bulaklak after Hector. Ngayon heto na naman, may bagong pintuan na nagbukas. Umiling tuloy ako habang pinagmamasdan ang letter sa aking kamay.

Ten nang gabi at naka-uwi na ako nang aking unit. Pilit kong inabot yung left upper part sa aking likod kasi masakit, magpa-spa massage kaya ako one of this days. Pagod ang aking katawan pero masaya pa rin dahil may na-accomplished na naman ako ngayong araw.

Nilapag ko sa study table yung white tote at bouquet nang red roses. Hindi ko maiwasang mapa-ngiti pa rin habang pinag-mamasdan yung bulaklak. Naisip ko, naka move on na ba siya? Magpapasalamat lang siya sa akin pero bakit red roses? Kapag na-aalala ko yung gwapo niyang mukha, may kilig na akong nararamdaman. Ganito ba talaga ang mga lalake? Nagkaroon tuloy ako nang curiosity sa kanya dahil sa nalaman ko ang kanyang life story.

Hindi na muna ako nagpalit nang damit, dali-dali akong kumuha nang walang lamang plorera sa sala. Pagkakuha, nilapag ko ito sa study table at kinuha ang bouquet.

Hindi ko sinasadyang matabig ang isang maliit na bagay na naka-patong din doon. Bumagsak ito sa sahig at tumalsik ang laman, eto yung sing-sing na nasa red velvet na kahon na nakuha ko after ng aksidente ni Hector. Nagulat ako kasi this is the first time na nakita ko ang laman nito. Never kong binuksan yung kahon na iyon kasi nga nasasaktan ako kapag nahahawakan ko ito.

Pero hinanap ko pa rin yung sing-sing na gumulong sa sahig ng aking kwarto. Nakita ko ito at pinagmasdan sa unang pagkakataon. Napansin ko yung name kong Clara sa gilid nang ring, solid platinum kasi ito.

Natawa ako bigla, wala talagang taste si Hector. Hindi ko gusto yung design nang ring, I think about diamond ring kasi. Pero napa-seryoso rin bigla ang aking mukha. Hindi ko sinasadyang mabaling ng paningin sa puting study table na nasa aking harapan. Etong lamesang ito ay may malaking bahagi rin kasi nang ala-ala ni Hector at malinaw pa ang mga ala-alang iyon sa aking isip.

***

"Daddy pasaway ka! Hinahanap kita sa campus kanina, nandito kalang pala sa bahay," asik ko sa kanya. Kadarating ko lang sa bahay at nag-commute lang ako. "Hindi ka na naman pumasok?"

Sinalubong ako ni Hector sa gate nang bahay. Naka-jersey sando lang siya, jersey short at tsinelas. Mukha siyang naka-tira na talaga sa amin.

"Nan-dito ka na pala anak," sulpot ni papa. Kagagaling niya lang sa backyard.

Nag-mano ako sa kanya at muling bumaling nang tingin kay Hector. Hindi ko alam kung ma-iinis ba ako kasi yung ngiti niya abot langit. Nag-puff na naman yung kanyang lower eyelid, yun kasi ang weakness ko sa kanyang mukha.

"Pasok ka na sa kwarto mo mommy dali," wika niya na excited pa ang tono.

Hindi man lang ako sinagot at nagbigay nang dahilan kung bakit siya hindi pumasok ngayong araw. Pero sa tingin ko walang pake-alam yun. Napansin kong nagkatinginan sila ni papa at biglang nag-high five. I rolled my eyes at iniwan silang dalawa.

Gaya nang sinabi niya, dumeretso ako nang aking kwarto. Pagpasok ko sa loob, bigla akong napa-nganga. "Oh my gosh,"

Bumungad sa aking harapan yung bagong gawang white study table. Sabi kasi ni Hector aayusin niya raw ito at akala ko talaga nagbibiro lang siya. May sentimental value kasi ito sa akin. Birthday gift nila mama at papa sa akin nung nine years old ako. Eto yung table na naging katuwang ko sa aking pag-aaral kaya palagi akong nasa top ten nang klase noong elementary at high school.

"Anong masasabi mo?" sulpot ni Hector sa pintuan.

Naglakad ako palapit sa study table. Pinagmasdan ko ito nang mabuti na para bang isa akong quality inspector officer. Bigla akong natawa kasi sa right side naka-ukit yung pangalan naming dalawa na may heart shape pa sa gitna.

Tinignan ko siya. "Okay na sana, kaso kailangan talagang ukitan,"

"Luh! pasalamat ka inayos pa namin ni papa yan. Mag-hapon kaya kaming nag-effort diyan,"

I felt special dahil sa ginawa niya, nirerespeto niya ang aking sentiment. Kahit sa mga ganito kasimpleng bagay, ramdam na ramdam ko ang tunay na pagmamahal niya sa akin.

"Thank you daddy, kiss nalang kita. Wala kasi akong pambayad sa inyo,"

Nagulat ako nang lumapit siya at tinapat ang kanyang pisngi sa aking mukha, tawa ako nang tawa. Pag-halik ko bigla siyang humarap kaya yung lips niya ang nahalikan ko.

"Ang daya mo! Nakakainis ka," Hinampas ko siya sa kanyang braso. "Papa! hinalikan ako ni Hector," bigla niyang tinakpan ang aking bibig.

Tawa ako ng tawang mag-isa sa aking kwarto na hanggang sa maramdaman ko nalang na nagbalik-diwa na pala ako. Nakikita ko pa rin yung ukit nang pangalan namin sa gilid ng study table hanggang ngayon. Tumatawa ako sa aking pag-iisa.

Then it hit me hard again, nag-iisa na nga lang pala ako. Bigla akong napa-hagulgol nang pag-iyak.

Nilagay ko ang aking palad sa aking noo, pinahid ang mga luha sa aking mga mata. Lumingon ako sa kisame nang aking kwarto. Hindi ko sinasadyang sambitin ang katagang iyon sa unang pagkakataon.

"Hector, please – let me go,"

***

Nagsimula na naman ang Semana Santa. Natuloy talaga kami sa plano naming holiday trip sa Busuanga sa Palawan. Kalalabas lang namin sa arrival area nang airport terminal, ang daming tao. Karamihan sa mga nakikita ko mga foreign tourist.

Maalinsangan na ang panahon kahit seven pa lang nang umaga. Mamaya papalo na ito sa forty degrees kaya perfect talaga para maligo sa mga beach resorts dito.

Nasa sulok ako nang shaded portion sa labas kasama sina Melay at Audrey. Binabantayan namin yung mga bagahe namin na naka-lapag lang sa walk-way. Hinihintay namin yung dalawang boys at si Denver na naghahanap nang ma-aarkelahan naming van patungo sa hotel na tutuluyan namin.

Abala ako sa pagkuha nang video sa aking android phone nang may mapansin akong isang lalakeng panay ang sulyap sa akin sa di-kalayuan. Naka-hawaiian shirt siya at cargo short, may suot din siyang sunglasses. Bumaling siya nang tingin sa ibang direksyon nang maramdaman siguro niyang napansin ko siya.

Pinuntahan ko siya sa kanyang kinaroroonan at na-sorpresa ako dahil kilala ko siya. "Eric?"

"Dok Ara," nabaling ang tingin ko sa tumawag nang aking pangalan.

Nakita ko si tita Cecile na may kasamang dalawang binatilyo. Lumapit ako sa kanya at nakipag beso-beso.

"Tignan mo nga naman nag-kita pa tayo rito," masaya niyang wika. "By the way, eto ang dalawa kong chikitings. Si Derek ang aking panganay,"

Tinuro niya yung matangkad na binata sa kanyang left side. Semi Mohawk ang itim nitong buhok at pantay ang pagka-moreno nang balat. Magkahawig sila ni Eric nang mata na parehong chinito. Lean ang kanyang physique at bakas iyon sa suot niyang black sando.

"Hi po," bati niya sa akin. Nginitian ko siya.

"At eto naman si Hans ang bunso ko," dagdag niya. Inakbayan niya ito at ginulo ang buhok.

Hans is a typical nerd kid, may makapal na salamin sa mata, maputi at may resemblance kay tita Cecile. Napansin kong nairita ito sa ginawa nang kanyang ina. Nginitian ko rin siya at napansing namula ang kanyang pisngi.

Magsasalita sana si Eric pero pinangunahan siya ni tita Cecile. "Sino ang kasama mo doktora?"

Natawa si Eric at napa-kamot sa ulo.

Na-aliw ako sa pagiging taklesa ni tita Cecile. "Ara nalang po. Kasama ko po ang mga kaibigan ko. Saang resort po ba kayo pupunta?"

"We have no idea nga eh. Kasi etong si Eric biglang nag-decide na dito kami pumunta. Actually, we have other plans," napansin kong pinanlaliman niya nang tingin si Eric. "Pero majority wins. Ang dalawang boys pumabor sa kanya, ewan ko ba,"

"Sumama nalang kayo tita sa amin. May reservation kami sa isang resort. Dun nalang din kayo tumuloy,"

"That will be a great idea," singit ni Eric. Natawa ako kasi siniko siya ni tita Cecile bigla.

Inaya ko sila patungo sa aking mga barkada. Habang naglalakad, narinig ko pa si tita Cecile sa aking likod. "May dapat kang ipaliwanag sa akin Mr. Ross,"

May nahanap na palang sasakyan pagbalik ko at kanina pa nila ako hinihintay. Naki-usap ako sa aking barkada na may ida-dagdag at hindi naman sila tumutol, pinakilala ko sina Eric sa kanila.

Kinikilig sina Melay at Denver kasi raw may dalawang gwapo kaming kasama. Si tita Cecile nakagaanan din nila agad nang loob dahil sa pagiging taklesa at bungis-ngis nito.

Isang puting Isuzu I-van ang sinakyan namin at nagkasya kaming lahat. Nagkatabi pa kami ni Eric sa upuan. Natatawa ako dahil sa loob-loob ko, ang creepy nang first impression ko sa kanya. Pero ngayon unti-unti ko na siyang nagugustuhan, kinikilig na ako nang hindi ko maipaliwanag.