Chereads / Hector I Love You / Chapter 16 - CHAPTER 15

Chapter 16 - CHAPTER 15

"HAPPY BIRTHDAYY!" bulalas naming lahat.

Nagulat pa si tita Cecile pagbukas nang pinto nang kanilang unit. "Ay kalabaw!"

Natuloy pa rin yung birthday plan ni Eric kahit hindi ako sang-ayon dito. Ang kulit kasi nang ginawa nilang tatlong magpipinsan. Kawawa naman si tita Cecile kasi pina-akyat pa nila ito nang rooftop yun pala prank lang ang lahat.

Nadatnan niyang kumpleto kami nang barkada kasama nila Derek at Hans. Naroroon din si Eric na pasimuno nang prank at yung mom niya na ngayon ko lang nakita. Siya yung older sister ni tita Cecile pero mas mukhang bata sa kanya, she's a very sophisticated woman.

Lumapit ito sa kanya. "Happy birthday Cel,"

Niyakap ito ni tita Cecile nang mahigpit, na-miss ko tuloy si ate Mia. Nadala na rin ako sa kanila.

"Iiyak na yan! Iiyak na yan," Alaska nang lahat kaya bigla akong natawa.

Bumitaw si tita Cecile at humarap sa amin. "Tse! Magsitigil nga kayo,"

Nilapitan niya si Eric na bigla niyang binatukan. Hindi rin nakatakas sina Hans at Derek. "Letse kayo, pinagod niyo pa ako,"

I could not imagine kung anong effort ang ginawa ni tita Cecile sa paniniwalang nasa taas nga talaga ang suprise. Pero doon naman talaga gaganapin yung maliit na salo-salo and kami nila Denver ang nag-prepare nito.

Seven nang gabi nasa roof top na kaming lahat at inaya si tita Cecile. May isang space roon na pwedeng i-rent at tanaw na tanaw ang buong mandaluyong skyline. Naglagay kami nang divider, LED lights at balloons para walang maligaw na ibang tao. Nag-order din kami nang foods like pancit and spaghetti, ang mom ni Eric ang sumagot nang lahat nang foods.

Magkaiba sila nang personality ni tita Cecile kasi siya taklesa habang si tita Carol mahiyain, pero they were both sweet in their own way. Huli silang magkapatid na pumasok sa lugar.

Napatakip nang bibig si tita Cecile nang makita niya ang isang gitarang nakapatong sa isang mono block chair. Eric told me na nung dalaga pala siya ay mayroon siyang band at doon sila nagkakilala nang kanyang asawa. Siya yung guitarist habang sa keyboard naman ang asawa niya. That could explain her fashion style.

Tutol daw ang mga magulang ni tita Cecile na mag-asawa sila kasi nga akala nila wala silang magiging magandang future but they proved them wrong. Nagkaroon sila nang business about music instrument na nag-click naman, not until na mamatay ang kanyang asawa sa cancer. Marami pala siyang pinag-daanang struggles after mamatay ang kanyang asawa.

Kung ako single palang nang namatay si Hector what more pa pala si tita Cecile kasi may dalawa na siyang anak that time.

Napa-takbo siya patungo sa gitara at niyakap ito. "Eto yung gitara na pina-tutugtog ko kapag may tampuhan kami nang asawa ko," wika niya.

Tahimik kaming nakikinig, muntik pa nga akong maiyak. Naka-relate kasi talaga ako sa kanya. Isa-isa niya kaming niyakap at nagpasalamat nang sobra dahil para sa kanya eto ang birthday na hindi niya malilimutan.

***

Eight na nang gabi at katatapos ko lang kumain. I stood near the railings at pinagmamasdan ang maliwanag na city lights sa aking harapan.

"Incredible isn't it?" dinig ko sa aking likuran. Lumingon ako and Eric approached.

May binigay siyang plastic cup na may margarita. Kinuha ko ito and I sipped a little.

"Na-iiyak ako kanina kay tita nung yakapin niya yung gitara. Sobrang halaga siguro nun sa buhay niya," wika ko. Muli na naman akong naging emotional.

"Yeah, may sentimental value talaga iyon," sambit niya. Sumandal siya sa railings. May hawak naman siyang plastic cup na may punch. "Kaya nga I suggested that. I don't know why tita hide that thing away from her sight,"

Hindi ako makasagot, kami lang ni tita Cecile ang nakaka-alam nun. Yung sa akin nga tinapon ko pa, kasi ayokong mag-dwell nang maraming pain sa mga bagay na iyon.

Pinilit kong ibahin ang usapan kasi ayokong maiyak sa tabi niya. "I'm glad you called your mom,"

Nagulat talaga ako na siya mismo ang nag-invite sa mommy niya na magtungo rito sa pinas for her sister's birthday.

"I guess she's my mom after all,"

"Pinasaya mo si tita Cecile pati na ang mom mo ngayon Eric," I murmured.

Yumuko siya na naka-ngiti. Nilapit niya ang kanyang labi sa akin tenga. "Clara I'm crazy for you,"

Hindi na naman ako makasagot. Bumilis ang tibok nang aking puso. And that was the start of everything for both of us.

Napagpasyahan ni Eric na magtayo nalang nang studio dito sa Pinas, suportado na siya nang kanyang mom ngayon. Maganda na pala ang na-establish niyang portfolio sa Sinagpore kasi yung mga obra niya laman nang mga magazine doon like Cosmopolitan at Reader's Digest Asia. May nag-aya nang magtayo siya roon nang sarili niyang studio pero ngayon nagbago na ang kanyang mga plano. At ginawa niya iyon para sa akin, sinagot ko siya a month ago.

Sabi niya ako raw ang kanyang inspirasyon ngayon. Ang sarap pakinggan pero inspirasyon ko rin naman siya dahil nakawala na ako nang tuluyan mula sa bakas nang nakaraan ni Hector.

After nang birthday celebration ni tita Cecile, araw-araw na kaming nagkikita and ended up officially together. Hindi ako makapaniwalang napagtagumpayan ko ang hamon. Na burahin si Hector sa puso at isipan ko nang tuluyan.

***

"Ano ang masasabi mo?" tanong ni Eric.

Nasa loob kaming dalawa nang isang kwartong walang laman. Nasa ground floor ito nang condominium building na tintirahan nila Eric, isang commercial unit na for rent.

"I like it, maganda ang location and at the same time malapit sa tirahan mo, very convenient," I answered.

"Kapag settled na ito. I'm planning to lease another unit sa taas para magkaroon ako nang sariling unit," wika ni Eric. Yumapos siya sa akin from behind. "Nakakahiya naman kaynila tita Cecile. I wanted to have my own personal space. Para di ko rin sila na-aabala,"

Nagulat ako kasi dinampi niya ang kanyang labi sa kaliwa kong tenga.

Bumulong siya that thrills me. "So that, we can also have a privacy together,"

Hindi ko siya magawang pigilan, nag-eenjoy na ako kapag ginagawa niya iyon. Mas lalo akong kinabahan nang unti-unti niya akong hinahalikan sa leeg habang dahan-dahang umaangat ang kanyang palad papasok sa blouse ko, patungong dibdib.

I contained myself from surrendering. "Eric baka may pumasok dito,"

Bumitaw siya sa pagkakayapos at naglakad paharap sa akin, hinalikan niya ako sa noo.

"I think tita Cecile wouldn't mind, pamangkin ka niya. dont feel bothered," wika ko. Napakalma ko ang aking sarili. "You have a good job kaya hindi ka abala sa kanila. Maganda rin na may older brother sina Derek at Hans,"

"From a psychologist point of view. Should I say more," sagot niya. Nakikita ko ang kinang sa kanyang mga mata. "Matatagalan pa naman iyon. And it's my personal decision. I still have to save more money muna,"

"Okay, if that what you want. Naririto lang ako para suportahan kita," hinawakan ko ang kanyang baba kasi bigla akong nang-gigil sa kanyang kagwapuhan.

"May resto ba rito? Gutom na kasi ako," I added. Hindi kasi ako nakapag-breakfast. Nine nang umaga ngayon at nanghihina na ako sa gutom.

"Oo nga pala, may coffee shop dito na paborito namin ni Derek," sagot niya. naka-point ang kanyang hintuturo. "Masarap ang pasta run, tara punta tayo,"

Lumabas kami nang kwarto kasabay nang pagdating nang isang staff nang condominium building, kinandado nito ang kwartong iyon.

Naglalakad kami sa labas nang building nang bigla akong mabunggo nang isang batang tumatakbo. Nabuwal ang bata at nabitawan nito ang isang maliit na plastic bag na dala niya. Nataranta ako, lumapit ako sa kanya at tinayo. Pinagpag ko ang kanyang pyjama at pinulot naman ni Eric ang plastic bag, napansin kong mga kahon ang laman nito.

"Okay ka lang ba?" tanong ko na may halong pag-aalala.

Hinaplos ko ang maliit niyang braso. Sumagot yung bata na parang nahihiya pa, yung boses niya walang buhay. "Okay lang po ako,"

Hindi ko maiwasang titigan ang mga mata nito kasi yun ang pumukaw nang aking attention. Nag-curve ang labi ko pataas.

"Sinong kasama mo kid?" putol ni Eric. Binigay niya ang maliit na plastic bag.

"Ako lang po," inabot nang bata ang plastic bag sa kanya at kumaripas nang takbo patungo sa condominium building. Napansin kong balisang-balisa ito.

"Naka-ngiti ka na riyan," Eric snapped me nang umakbay siya sa aking balikat.

"Huh, wala ito. Don't feel bothered,"

Nagsalita na naman siya sa akin nang malapitan. "Alam ko na. Iniisip mo na sana magkaroon tayo nang anak na kasing cute nung bata,"

Natawa ako sa sinabi niya at umiling. "Ano ka ba, just don't mind it. Tara na saan na yung sinasabi mo,"

Napakamot siya sa ulo at inaya akong maglakad ulit. Hindi ko maiwasang sulyapang muli yung bata pero nakapasok na siya nang building. Muli akong napa-ngiti nang ma-alala ko ang kanyang mata. Bumuntong hininga ako at kumapit nang mahigpit sa kamay ni Eric.