Chereads / Hector I Love You / Chapter 17 - CHAPTER 16

Chapter 17 - CHAPTER 16

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Nag-iba ata ang aking kwarto, naging kulay puti kasi ito. Huminga ako nang malalim kasi naririto na naman ako sa puting silid. Natanaw ko na naman ang puting pintuan sa di kalayuan.

I think it's open ajar, tumayo ako at naglakad patungo rito. I took a peek pero hindi pa ako nakakalapit nang biglang maglitawan mula roon ang maraming paro-paro. Pa unti-unti itong pumapasok sa loob nang kwarto.

Napa-atras ako at napa-upo sa sahig dahil tuluyan nang nag-bukas ang pintuan. Muli na namang may lumitaw na imahe nang lalake sa kumpol nang mga butterflies. Nanlaki ang aking mga mata, this is unbelievable.

Si Hector na naman ito at nakatayo siya habang nakapamulsa. Nakatitig siya sa akin na may magandang ngiti sa labi at serene ang mga ngiting iyon. Napa-pikit ako at hinawakan ang aking noo. "Tama na please!"

Di ba tinapos ko na ang lahat tungkol sa atin. Natanggap ko na ito nang buo sa aking puso at isipan. Nang buksan kong muli ang aking mga mata, nagliliwanag ang imahe ni Hector.

Bigla nalang siyang nagpalit anyo, naging isang sunog na tao. Tumayo ang aking balahibo at nanginig ang aking katawan sa kilabot. Bigla itong umupo at sinunggaban ako nang mahigpit na yakap. Tumili ako nang ubod lakas at para na akong mababaliw sa kilabot na aking nararamdaman.

Bigla akong nagising, I almost jumped out of my bed. Nang magbalik-diwa ako niligoy ko ang aking paningin sa paligid. Huminga ako nang malalim, nakahiga ako sa aking kama at madilim ang buong kwarto. Binabangungot na naman ako, umupo ako mula sa pagkakahiga.

Tahimik ang kwarto maliban nalang sa tunog nang aircon. Katabi ko pala si Eric na nakatagilid at nakatalikod sa akin, wala siyang saplot sa buong katawan. Tinaas ko ang blangket at kinumutan siya, hindi ba siya giniginaw? I looked at his face while he sleeps, hinaplos ko ang kanyang pisngi. It's been months matapos kong sagutin si Eric akala ko tuluyan ko nang napalaya si Hector. Nagkakaroon pa rin kasi ako nang bangungot.

Bumangon ako sa kama at saka ko napansing wala rin pala akong saplot sa katawan. Napahawak ako sa aking sentido at natatawa. Nagtungo ako sa closet at kinuha ang aking bathrobe. Madilim pa rin pero wala na akong balak pang matulog.

I ambled toward the living room and stood at the balcony. Four na pala nang umaga nakita ko sa wall clock, unti-unti nang nagkakaroon nang traffic sa baba nang condominium building. Malamig ang hangin kasi katatapos lang nang ulan kaninang gabi. Nagsisimula nang magkulay gray ang kaninang itim na kulay ng langit.

Bigla akong pumasok sa loob at umupo sa sofa. I grabbed the tablet sa coffee table at nag-open nang wi-fi. Naging curious na naman ako tungkol sa aking masamang panaginip. Nag hanap na naman ako sa google tungkol sa iba pang meaning nito.

Door – a door in your dreams means new opportunities and changes in your life, a chance to do something different. It also symbolizes a transition from one stage of your life to another.

Napahilamos ako nang mukha and brushed my hair with my fingers. Tinuloy ko ang pagbabasa habang kunot ang aking noo.

Visitation Dreams – a visitation dream is not created by your subconscious mind, it happens when a non-physical being communicates with you while you are sleeping, it differs from regular dreams because they are real, vivid and you will feel that someone you loved that gone really visited you.

I took a deep sign. Si Hector ay isa nalamang bakas nang kahapon. Unti-unti ko na siyang nalilimutan kaya siguro yung mga dreams na ito ay sumisimbolo nang pagbabago at pag-laya.

Sometimes loved ones communicating in visitation dreams appeared to be perfect or much younger and free of sickness, which conveyed reassurance.

Nagulat ako nang may dalawang kamay ang humaplos sa aking balikat. "Ang aga mo ata nagising?" si Eric pala.

I glanced my head around at napansing naka-boxer short siya pero topless pa rin. Banayad niyang minasahe ang aking likod at hindi ko maiwasang mapa-pikit nang mata.

"Hindi na ako makatulog,"

"May problema ba?"

"Wala naman, don't mind it,"

Tinigil niya ang kanyang ginagawa at hinalikan ako sa noo. "Tara mag breakfast na tayo. We need to prepare a lot of things today,"

Tumango ako at iniwan ang tablet, magkasama kaming nagtungo sa kusina to cook our breakfast. Halos isang linggo na rin ang pagiging madalas ni Eric sa aking unit. Pakiramdam ko nga para akong umulit uli sa simula. Naninibago pa kasi ako sa kanya. Araw-araw niya akong hinahatid at sinusundo, siya na ang driver nang car ko ngayon.

Naghanda kami para sa binabalak naming pamamasyal sa Batanes. Eto kasi yung first time na kaming dalawa lang, walang ka-alam alam ang barkada tungkol dito. I wanted to spend more time with him at eto naman kasi ang gusto kong mangyari. Ang maging masaya bawat yugto nang aking buhay ngayon. Eto kasi ang nawala after seven years at gusto kong bumawi rito. I took away the worries about those bad dreams dahil naniniwala akong masaya na rin si Hector para sa akin kung nasaan man siya ngayon.

***

"Ano po ba ang dissociative identity disorder o mas kilala sa tawag na multiple personality disorder?" wika ko. Kasalukuyang sumasahimpapawid ang clinic online. "Ito po ay isang kondisyon kung saan nagka-karoon ng dalawa o higit pang pagkatao ang isang indibidwal. Actually hindi po ito matatawag talaga na disorder o sakit. It is more of psychological in nature. Kapag nakaranas nang physical o sexual abuse ang isang indibidwal lalo na noong bata pa siya,"

Sinegunduhan ako ni kuya Drei.

"Yung orihinal na tawag talaga riyan ay multiple personality disorder, pero noong 1994 pinalitan nilang dissociative identity disorder ang pangalan, para mas lalong maintindihan ng mabuti ang kondisyon nito. Noon kasi namimis-interpret ito as sakit talaga na nagmumula sa isang virus. Yung mga pasyente kasi nito noon dinadala nila sa mga mental institutions at binibigyan ng iba't ibang klaseng medical treatment na sa paniniwala nilang gagaling ito. Nang lumaon at dahil na rin sa masusing pananaliksik ng mga eksperto, dinebunked nila ang paniniwalang iyon,"

An ordinary day for me at sa ngayon masaya ako sa tinatahak nang aking buhay. Si Eric palagi nang sumusubaybay sa radio program namin kahit minsan nagbibiro siyang may boring parts daw. Ang totoo nito hindi raw kasi kumpleto ang araw niya kapag hindi naririnig ang boses ko. Tuwing Saturday siya hindi nagpupunta nang unit kasi yun ang araw na nilaan niya to meet his clients at since nasa radio station ako, mag-isa akong umuuwi.

"Magkaiba po ang DID sa schizophrenia at bipolar," paliwanag kong muli.

Napapatingin ako sa monitor nang aking desktop sa harap ko lang. May nag-comment kasi sa facebook live feed namin. Marco de Leon ang pangalan niya, napukaw ang atensyon ko kasi paulit-ulit yung comment niya.

HELP ME

Napa-kunot ang aking noo. Walang katapusan iyon kaya marami na rin ang nag-comment na naiinis sa kanya, may nag-report pa nga at ako hindi ko nalamang ito pinansin.

Tinuloy ko ang pagsasalita. "Marami pong treatment para sa DID nariyan ang psychotherapy, hypnotherapy at marami pang alternative therapy gaya nang hydrotherapy o herbal medicine,"

Napapalingon ako kay kuya Drei at nangungusap ang aming mga mata, maski siya bothered din. Nagsalita siya and I stopped explaining. "Mr. Marco de Leon, kung may problema po kayo maari niyo po kaming tawagan sa aming landline. Naka-post po ito sa aming facebook page. Handa po kaming makinig sa problema ninyo,"

Napa-iling nalang ako, marami talagang ganyang tao sa social media. Mga walang magawa sa buhay kaya attention seeker. Napansin kong nawala yung pag-comment niya, nag-response siya sa sinabi ni kuya Drei.

May staff kami sa window sa kabilang room na sumesenyas at may kausap sa landline. Na-sorpresa ako at hindi ko mapigilang tignan ang kanyang facebook profile. Pero I got disappointed nang malamang dummy account lang iyon. Huminga ako nang malalim and felt upset about it.