Chereads / Hector I Love You / Chapter 21 - CHAPTER 20

Chapter 21 - CHAPTER 20

Pauwi na ako at minamaneho ang Honda accord. Kagagaling ko lang nang NAIA terminal three. Pagkatapos nang dalawang linggong nakapiling ang aking pamilya, heto mag-isa na naman ako. Hinatid ko silang lahat pabalik na nang Canada.

Ako ang mas naging emosyonal kasi hindi ko alam kung kaylan ko na naman sila makikitang muli. Nangako silang pupunta sa aking kasal next year. Ginawa kasi namin ni Eric na one year ang preparation.

Nangako rin ako sa family na dadalaw kami sa kanila kapag naging maayos na ang pagsisimula namin bilang mag-asawa. Marami pa kasi akong aasikasuhing papers niyan makapunta lang sa bansang yun.

Nag-ring ang aking android phone at sinagot ito gamit ang aking Bluetooth earpods. "Tita Cecile napatawag po kayo?"

Tumigil ang sasakyan nang mag-traffic sa aking dinadaanan sa EDSA.

"Pwede bang dito ka na matulog hija, tonight, request kasi ni Eric. Makikipag-chat siya mamaya sa Skype,"

"Okay, sige po, pero uuwi muna ako kukuha lang ako ng damit,"

"Antayin kita, dito ka na mag-dinner. Na-ihatid mo na ba ang family mo?"

"Yeah tita, medyo na-delayed pa nga. Pero natuloy pa rin, na-miss ko agad sila," bumuntong hininga ako.

"Ganun talaga Ara. Nandito ang work mo, wala kang choice,"

"Oo nga eh, buti nalang nandiyan kayo ni Eric. Kayo ang family ko away from my real family,"

"Hay naku! Nagiging emosyonal ka na riyan. Pumunta ka na rito, pag-usapan natin yan. Ingat sa pag-drive,"

Natutuwa ako at nakilala ko si Eric pati na ang kanyang pamilya. Na ang isang katulad ni tita Cecile na kahit hindi ko kadugo ay nagmamalasakit sa akin nang totoo. Ngayong ikakasal na kami ni Eric, mas lalo akong mapapalapit sa kanila.

Nasabik ako dahil gusto ko nang makita ang itsura niya ngayon, halos puro boses lang kasi niya ang naririnig ko kapag natawag siya sa akin. Two weeks ko na siyang ma-miss.

***

"Matatagalan pa ang pag-uwi ko. Comatose ang dad ko ngayon. Na-stroke siya, nandito ang mga uncle at aunt ko sa side niya," wika ni Eric.

Halata sa kanyang mukha ang puyat at exhaustion. Pinagmamasdan ko siya sa monitor nang laptop na nakapatong sa coffee table. Katabi ko si tita Cecile at pareho kaming naka-upo sa sofa.

Nag-aalala tuloy ako sa kalagayan niya ngayon. "Alagaan mo ang sarili mo. Mukhang puyat ka pa ata. Huwag mo hayaang ma-stress ka ng husto baka ikaw naman ang magka-sakit. I miss you so much. Pag-pray namin ni tita Cecile ang daddy mo,"

This is the time Eric needed me the most but I can't do anything. Matagal kasi ang pag-process nang U.S visa sa bansa natin kaya imposibleng madamayan ko siya roon. Mabuti nalang talaga may skype at iba't ibang uri nang technology para makausap siya, hindi ko maiwasang maapektuhan na rin sa nararanasan niya ngayon.

Minamasahe ko ang aking sentido nang lumapit sa akin si tita Cecile na may dalang cup of coffee. Two na nang madaling araw matapos ang video chat namin.

Kinuha ko ang coffee sa kanya at nilapag sa table. "Worried ako kay Eric. Mukhang hindi ako makakatulog nito,"

"Chill kalang Ara," wika ni tita Cecile. Tumabi siya sa akin at hinimas ang aking likod. "Hindi makakatulong yang pag-aalala mo,"

"Kamusta naman po si tita Carol?" I asked her.

Napa-buntong hininga siya at nalungkot. "Worried din siya katulad ni Eric pero wala rin kasi siyang magagawa. May galit ata yung lola ni Eric sa kanya hanggang ngayon. Pero pareho lang silang may kasalanan sa isa't isa. Irreconcilable differences ang dahilan kung bakit sila nag-hiwalay,"

"Na-aawa ako kay Eric, siya kasi ang sumasalo – "

I stopped talking nang bigla kaming makarinig nang malakas na katok sa may pintuan. Nagkatinginan kaming dalawa ni tita Cecile. Tumayo siya and hurried herself to open the door, sumunod ako.

Nang mabuksan ang pinto may narinig akong boses nang babaeng balisang-balisa. "Itago iyo po kami! Parang awa niyo na, nariyan na siya,"

Nataranta si tita Cecile, pinapasok niya yung babae. Doon ko nalamang sila yung mag-iina dahil kasama niya yung kanyang anak na umiiyak. Pareho silang nanginginig sa takot, bumilis tuloy ang tibok nang puso ko kasi naapektuhan ako sa aking nakita. Sumulpot din sina Derek at Hans na nagising ata.

Mabilis na sinara ni tita Cecile ang pinto at ni-lock. "Kumalma ka lang ate. Tatawag tayo nang pulis,"

Hirap na hirap sa paghinga ang ina nang bata at may napansin akong red marks sa kanyang kaliwang pisngi. Nabalot ako ng tensyon at bumaling ng tingin sa batang umiiyak. "Ano ang nangyari?"

Hindi kumikibo ang bata, iyak lang ito nang iyak at nanginginig pa sa takot. Mas lalo akong nag-alala.

"Ma! Lalabas ako. Tignan ko kung ano ang nangyari," singit ni Derek.

Sinaway siya ni tita Cecile. "Hay naku! Tumigil ka Derek. Baka mapahamak ka,"

"Ako mapapahamak. Sa laki kong to, kaya ko yun,"

"Derek tama ang mom mo," sinegunduhan ko si tita Cecile. Napansin kong kuyom ang kanyang palad. "Tatawag nalang tayo ng pulis. Sila na ang bahala,"

Sumunod siya sa akin pero may kumatok na naman at ngayon napaka-lakas nito na para bang sisirain na ang pinto.

"MA! LABAS NA KAYO RIYAN, PLEASE!" nakakatakot yung boses pero nagmamaka-awa ito.

Napayakap ang ina nang bata kay tita Cecile. She struggles her breathing. Sumugod na talaga si Derek sa pinto.

"Derek ano ka ba! huwag mong buksan yan," sigaw ni tita Cecile.

Hinawakan niya sa kaliwang braso ang anak dahil yung kanan niya nakayakap sa ina nang bata. Umawat na rin ako pati na si Hans. Hinamon niya ang boses sa labas. "Ma! Palabasin niyo ako. Tuturuan ko lang nang leksyon. Huwag kayong mag-alala kaya ko yan,"

Tuluyang nabuksan ang pinto and we all screamed. Natigilan si Derek, nakarinig ako ng maraming boses sa labas ng unit. Hindi ko makita ang nangyayari kasi nahaharangan nang door ang aking view, yakap ko pa ang bata na walang tigil sa pag-iyak.

"Kapag hindi ka tumigil. Tatawag kami nang pulis! Ipakukulong ka namin," an old man's voice popped out. Naka-dungaw si Derek at Hans habang dinala namin ni tita Cecile ang mag-iina sa sofa.

"Patawad po! Gusto ko lang maka-usap ang asawa ko. Hindi ko po siya sinasadyang masaktan," narinig ko sa labas.

"Hijo! Hindi namin sila ipapa-kausap sa iyo. Bumalik ka muna ng unit ninyo kapag nasa matino kanang pag-iisip,"

Nagkatinginan kaming muli ni tita Cecile. Tulalang naka-upo ang ina nang bata na namamaga ang mata. Yakap siya nang kanyang anak na hanggang ngayon iyak pa rin nang iyak. Iniwan ako ni tita Cecile nang makita naming tuluyang lumabas si Derek.

"Parang awa niyo na gusto ko silang maka-usap! Ma, I'm sorry," nag-echo ang boses nang ama at may halong pag-hikbi iyon.

Lumingon sa pintuan ang babae. Nagbalik-diwa ata ito. "Kakausapin ko siya,"

Tatayo na siya from the sofa ngunit pinigilan ko. I grabbed her right hand. "Miss wag na muna para di lumala ang gulo. Hayaan mong tumawag sila ng pulis para maayos ito,"

Bigla siyang bumulalas nang pag-iyak, nagmamaka-awa naman siya ngayon sa akin. "Ma'am wag niyo pong gawin yan. Lalabas ako kakausapin ko siya,"

"Tignan mo ang anak mo. Takot na takot siya, huwag mo siyang iwan," wika ko. Maligalig ang kanyang pag-iisip. I tried to observe her moves and reaction. "Hindi sa nakeke-alam ako, please! Huwag ka munang lumabas. Aayusin muna nila ang gulo mag intay ka lang. Para sa kaligtasan niyo ring dalawa ito,"

Bumalik sa sofa ang babae at niyakap nang mahigpit ang anak.

Nabaling ang aking paningin sa pinto kasi narinig ko ang boses ni tita Cecile. "Hindi mo makikita ang mag-iina mo! Hindi maganda ang ginawa mo sa kanila. Ipa-pupulis ka namin. Don Brando ilayo niyo po yan dito,"

Marami nang mga boses pa ang sumulpot, malala na ang tensyon sa labas. An old lady came in at lumapit sa amin.

"Okay na ba sila? Ano ba kasi ang nangyari?" malumanay niyang wika. Hindi siya sinagot nang babae, yakap niya ang kanyang anak at naka-tingin na naman sa may kawalan.

I clear my throat at ako ang sumagot. "May anxiety disorder po ata siya ma'am. Pakalmahin po muna natin siya pati ang anak niya. Dito muna sila sa amin, ilayo niyo muna ang asawa at pakibantayan sana nila,"

The old woman nodded at hinaplos ang buhok nang bata bago lumabas. Bumuntong hininga na naman ako at pinagmasdan silang dalawa. Hindi nga ako nagkamali sa naging hinala ko. Bilang isang babaeng nagmamalasakit sa ina nang bata, marami ang tumatakbo sa aking isipan. I wanted to help her, may traumatic experience na sila ngayon. Nagkaroon ako nang hindi inaasahang responsibilidad sa kanilang dalawa.