Chereads / Hector I Love You / Chapter 24 - CHAPTER 23

Chapter 24 - CHAPTER 23

"Huwag muna natin kasuhan yung Marco," wika ko. Kaharap ko si ma'am Yolly habang ilang metro ang layo ni tita Cecile sa amin na abala sa pakikipag-usap sa kanyang smart phone na may kinalaman sa kanyang trabaho bilang real estate agent. "Sabi kasi ni Maya, may sakit daw siya. Ipagpalagay nga nating totoo, na baka may koneksyon ito sa kanyang aggressive behavior,"

"Anong ibig mong sabihin? Mentally incapacitated siya?" kunot noong tanong ni ma'am Yolly.

"Yun ang gusto kong malaman. Pwede naman hindi makasuhan ang isang tao kapag may problema sa pag-iisip. Gusto ko silang tulungan. I think matutulungan ko sila,"

"Hay naku, sa totoo lang nakaka-awa yung tatay. Kung tutulungan mo sila for a treatment pwedeng maka-laya pansamantala si Marco, then kung ma-confirm na may sakit talaga siya hindi na natin siya kakasuhan, pero kailangan natin i-inform si hepe dito baka ang women's desk naman ang magsampa ng kaso,"

"Kaya tulungan niyo po akong maka-usap yung Marco. Pumunta po tayo rito bukas," paki-usap ko sa kanya." Kausapin natin siya na wala ang kanyang asawa. Nag-aalala rin kasi ako kay Maya, may anxiety disorder siya, "

"Sige samahan kita bukas, kakausapin ko muna si hepe. Alam mo dok Ara bilib na bilib talaga ako sayo. Kung papaano kayo tumulong sa mga taga-pakinig ninyo ganoon din kayo sa totoong buhay,"

Napa-ngiti niya ako kahit papaano sa munting papuring iyon. Nagkakilala kami ni ma'am Yolly dahil minsan siyang humingi nang tulong sa akin tungkol sa dalawang batang niligtas nila mula sa hindi magandang sinapit sa amain nito. Nagbigay ako ng free counselling para sa dalawang bata.

Buo ang paniniwala kong wala akong ginawang masama kaynila Maya. Naging totoo rin ako sa aking nararamdaman. Pala-isipan ngayon sa akin si Marco de Leon. Bakit ito humingi nang tulong sa amin pagkatapos makikilala ko pala siyang sinasaktan ang kanyang mag-iina. Nagkaroon tuloy ako ng interes sa kanilang pamilya.

After we talked, nagbalik kaming tatlo sa loob. Kalmado na si tita Cecile, sabi niya na-aawa pa rin siya kay Maya kahit papaano. Na ang totoo niyan ay sa bata talaga kami nag-aalala. Kahit wala pa akong anak ay alam kong hindi maganda para sa isang bata ang mga nararanasan niya ngayon mula sa kanyang mga magulang. Dadalhin kasi niya ito hanggang pag-laki at yung trauma, may masamang epekto sa kanya pag-tanda. Maari siyang maging bully o di kaya'y gawin niya rin ito sa kanyang magiging asawa.

Umiiyak pa rin si Maya nang madatnan namin. Kamot pa nga nang kamot sa ulo yung pulis na nakikipag-usap sa kanya. Si ma'am Yolly na ang kuma-usap para sa akin. Nakatingin na naman kasi sa may kawalan si Maya.

"Maya huwag kang mag-alala. Tutulungan kayo ni dok Clara," paliwanag niya. I smiled at her nang lumingon siya sa akin. "Ma-aaring hindi makasuhan ang asawa mo. Kaylangan lang niyang mag-undergo sa treatment, kung meroon talaga siyang sakit. Kaylangan lang ni dok ng inyong kooperasyon, "

Tumabi ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay. Gusto kong ipakitang sincere ako sa aking ginagawang pagtulong.

"Maya alalahanin mo ang anak mo. Nakakasama sa bata ang palagi ka niyang nakikitang umiiyak. Tibayan mo ang loob mo, patawarin mo sana ako uli, tutulungan ko ang asawa mo sa sakit na sinasabi mo. Kaylangan ko lang siyang maka-usap, "

Nagka-titigan kaming dalawa ngunit hindi pa rin siya kumikibo. Inalis niya ang luha sa kanyang mga mata at bumaling sa kanyang anak. Niyakap niya ito nang mahigpit at pinatahan.

Nag-sorry siya sa aming dalawa ni tita Cecile. Isinakay namin siya sa kotse nang magpasya na silang umuwi.

Nagpa-iwan si ma'am Yolly pati na ang kanyang dalawang kasama. Nakipag-usap pala sila sa hepe para sa binabalak namin bukas.

Hindi ko ma-explain ang concern na nararamdaman ko para sa kanilang pamilya. Siguro dahil sa na-aawa talaga ako at bata pa kasi ang nag-iisa nilang anak. Samahan mo na ang instinct kong tumulong, napalapit na ako kahit papaano sa mag-iina. Seryoso akong tulungan sila, naniniwala akong may solusyon para maayos ang kanilang pamilya.

Sabi nang pulis na nag-kulong kay Marco, tahimik daw ito at hindi sumasagot kahit anong tanong nila. Kaylangan ba akong mag-sorry sa kanya dahil nalaman kong may sakit pala siya. Hinanda ko nalang ang aking sarili kung ano ang tulong na maibibigay ko sa mga susunod na araw. I wanted to talk about this to kuya Drei pero huwag muna sa ngayon. Kaylangan ko munang maka-harap si Marco.

***

Naging maulan ang umaga at dahil daw ito sa habagat. Pero pinilit ko pa rin tumuloy at magtungo sa presinto. At gaya nang napag-usapan namin ni ma'am Yolly nagkita kami at pinakilala niya ako kay hepe.

He is a man of sixty na may katabaan pero mukha siyang masayahing tao. Kina-usap namin siya ng pribado at pumayag naman siyang huwag munang mag-sampa ng kaso para kay Marco.

May pulis na nagdala sa amin sa isang maliit na kwarto. Maliit na conference table at apat na silya lang ang kasangkapan nito. Kahit bagong pintura siya may naamoy akong upos nang sigarilyo. Umupo kami ni ma'am Yolly at nag-hintay sa loob, binuksan pa ng pulis ang ceiling fan. May nagbukas din nang casement window kaya yung malamig na hangin pumasok sa loob, tumigil na pala ang pag-ulan sa labas.

Mga ilang minuto kami nag-antay ni ma'am Yolly. My heart is beating fast dahil muli kong na-alala yung mukha ni Marco. Sinubukan kong mag-meditate kahit ilang minuto. Ma'am Yolly talked often para pakalmahin ako. Hanggang sa may naririnig na kaming sigawan sa labas nang kwarto.

"SAAN NIYO AKO DADALHIN? Bitawan niyo ko," a baritone voice echoed.

"Tumahimik ka! Meron lang gustong kuma-usap sa iyon,"

"ANG ASAWA KO ANG KAYLANGAN KO!"

"Pre! alalay kayo rito. Huwag niyong sasaktan,"

Napalunok ako at nagsimulang maging tensyonado. Panay ang ayos ko ng aking pagka-kaupo kaya nagulat nalang ako nang hawakan ni ma'am Yolly ang aking kaliwang kamay. She glanced at my side at ngumiti, she talked in her eyes telling me na kaylangan ko lang kumalma.

Apat na pulis na pala ang nagkakagulo para lang siya ma-ipasok sa loob nang kwarto. Sigaw kasi siya nang sigaw tungkol kay Maya. Sinasabi rin niyang sumasakit daw ang kanyang ulo.

Bigla nalang siyang lumitaw sa harap namin at napa-subsob sa lamesa. May pulis atang tumulak sa kanya. Napatayo kami ni ma'am Yolly at nagulat.

"Kuya huwag ganyan!" bulalas ni ma'am Yolly.

Bigla akong Nagtaka, ibang lalake kasi ang hinarap nila sa amin. May kahabaan ang kanyang buhok na nakatakip na sa kanyang mukha. Na para bang ilang buwang hindi nagpa-gupit. Huminga ako nang malalim, nagkamali pala ako nang taong inakala kong si Marco de Leon. Inisip ko pa, sino yung skin head na lalake na nakita ko sa hallway?

Hinawakan nang dalawang pulis si Marco, naka-posas kasi siya. Nang maka-upo siya nang maayos may dalawang pulis ang tumayo sa kanyang magkabilang gilid at nagbantay. Naka-yuko ito at wala atang ganang makipag-usap sa amin.

Ma'am Yolly looked at me again at tumango, hudyat na pwede na akong makipag-usap. Muli kaming umupo, bukod sa dalawang pulis ay may tatlo pa ang pasilip-silip sa labas ng pintuan.

"Hi Marco, ako si doktora Clara Montemayor," Pinilit kong ngumiti sa likod ng matinding kaba na aking nararamdaman. "Gusto kitang maka-usap...nasa panga-ngalaga ko sina Maya pati na ang anak mo,"

Hindi ko makita ang reaction nang kanyang mukha kasi mahaba ang kanyang bangs. I waited for his answer, napansin kong huminga muna siya nang malalim.

Inangat niya ang kanyang ulo. Nanlaki ang aking mga mata na para ba akong binuhusan ng malamig na tubig. I saw his face for the first time pero hindi ako pwedeng magkamali.

Tumayo ang mga balahibo ko sa aking katawan. Bigla akong napatayo sa aking kina-uupuan. Sumakit ata ang aking dibdib dahil sa pagka-bigla. Bumagsak nalang ako at nawalan nang malay.