Chereads / Hector I Love You / Chapter 30 - CHAPTER 29

Chapter 30 - CHAPTER 29

Pagkatapos mailibing ang ama ni Eric sinabi niya sa akin na uuwi siya rito sa lalong madaling panahon. Naibalik pa rin namin sa dati ang lahat kahit na't pareho kaming nakaranas nang pagsubok from this past few weeks.

Hinatid niya ako sa ospital na palagi niyang ginagawa tuwing umaga. I kissed him on the lips bago bumaba nang kotse. Nilakad ko ang main entrance at nakarating sa lobby. Binabagtas ko ang hallway patungo sa aking klinika nang may sumalubong sa akin.

"Good morning doktora. Sa wakas nandito na kayo," bati ni Maya. Huminto ako sa paglalakad.

Bumaling ang aking mata sa kanyang likuran at bigla nalang bumilis ang tibok nang aking puso. Kasama niya si Hector pati na ang kanilang anak, tumayo sila mula sa pagkakaupo sa waiting chair.

Ilang araw akong nag-meditate para mapag-aralan ang aking magiging reaction kapag nakita ko siyang muli. Pero hindi ko pa rin maiwasang mangulila. May kirot akong naramdaman and I knew it's a normal reaction.

Mabilis kong binaling ang aking mga mata kay Maya. "Ka – kamusta ka?"

"Okay lang, siya nga pala kasama ko si Marco," sa kanya pa rin nabaling ang atensyon ko.

Nagkalaman si Hector, pero hindi nagbago ang gwapo niyang mukha. Ang haba nang kanyang buhok na kung pwede lang sanang pagsabihan ko siya na magpagupit naman.

Na-miss ko yung clean-cut niya dati.

Na-miss ko ang kanyang mukha.

Na-miss ko siyang makitang muli.

"Good morning doktora," wika niya. Pilit akong ngumiti. Ang wierd lang dahil yung boses na araw-araw kong naririnig noon na madalas magsabi sa akin nang "I love you" ngayon boses na nang isang tao. Hindi na niya kasi ako kilala. "Lagi kaming nandito last week pero wala kayo. Buti naabutan namin kayo ngayon,"

Yung ngiti niya, dati pa rin na parang walang problema sa mundo. Samantalang heto ako, ngumiti sa kanya pabalik nang ubod pait, nasasaktan ako dahil nangungulila ako sa mga ngiting iyon.

"Pasensya na huh, marami kasi akong inasikaso nung nakaraang linggo," pagsisinungaling ko.

Hindi ko siya magawang titigan nang matagal. Naisip ko pa nga, papano kung bigla nalang siyang sumigaw at sabihing kilala niya ako. Kinabahan ako saglit but I tried to contain my poise, ilang araw ko itong pinag-aralan. Natatawa na nga lang ako sa loob-loob ko kasi kung ano-ano na naman ang pumapasok sa aking isip.

Pinapasok ko sila sa aking klinika habang sinisimulan ang pinaka-masaklap na reyalidad ko ngayon. I hope I can make it through this day. Kaylangan ko nang tapang para harapin siya nang hindi ako masasaktan. I grabbed whatever the pieces that still inside of me to move on, taking this ordeal. Hindi ko na inisip kung hanggang saan mapupunta ang lahat.

Mas minabuti ko nalang na ipagpatuloy ang dati kong nakasanayan. To accept the fact na wala na si Hector sa aking buhay kahit na't naririto siya sa harap ko at buhay na buhay. Na isa na lamang akong estranghero sa kanyang paningin at ako, nagpapanggap na hindi ko siya kilala.

"Gusto ko munang malaman kung kaylan mo unang naramdaman yang pananakit nang ulo mo?" tanong ko kay Hector. Naka-upo ako sa aking easy chair. Kaharap ko silang tatlo sa mahabang sofa.

"Hindi ko alam doktora," sagot niya. Nag-puff na naman ang kanyang lower eyelid habang tensyonado ang kilay. "Matagal ko nang nararamdaman ito, pabugso-bugso kung minsan,"

Napakunot ako nang noo, na-alala ko tuloy yung aksidenteng kinasangkutan niya seven years ago. Papaano siya nakaligtas doon? At sino yung natagpuan nang mga pulis na inakala nilang si Hector? His speech is normal pero napansin kong may kakaiba sa kanya, para na talaga siyang ibang tao.

Sumingit si Maya sa amin. "Gaya ng sinabi ko doktora may sugat siya sa ulo nung una ko siyang makita,"

Napansin kong nagsalubong ang kilay ni Hector, bumaling siya kay Maya at tinitigan ito nang masama. Nag-alala ako sa kanila kasi biglang naging seryoso ang mukha nito. Sinesenyasan naman siya ng kanyang asawa na kumalma lang.

I wrote the first sentence of his journal, napapatigil pa nga ako kasi nabahid talaga ako nang pag-aalala.

"Nagpa-tingin na ba kayo sa isang brain specialist? Sa isang neurologist?" I asked them.

Sumagot si Hector. "Hindi pa eh,"

Lalo akong nabahala na parang ako pa ata ang nadismaya. "Sa tagal nang panahon, bakit hindi mo pina check-up agad?"

Gusto kong magalit kay Maya at sisishin siya. Sumingit na naman siya sa amin. "Di ba sinabi ko naman sayo papa, na ipa check-up natin,"

"Shut up!" nagulat ako nang sumagot si Hector. Nag iba ang timbre nang kanyang boses. Napahawak ang anak nila sa braso ni Maya. "Ako ang kinakausap hindi ikaw,"

Pansamantala kaming natahimik. Yumuko si Hector at ginulo ang buhok, alam kong naiinis siya.

"I'm sorry ma," sambit niya.

Niyakap niya si Maya na nakatingin sa may kawalan. Sanay na siguro siya sa ganoong pag-uugali nito. Mas lalo akong hindi maka-kibo, nag-sorry kasi siya pagkatapos, ganoon kasi siya dati. Huminga ako nang malalim at yumuko. Binaling ko nalang ang aking atensyon sa pagsusulat, I must act as if I'm insensitive about what is happening around me.

"Kaylangan mong magpa CT scan Marco," wika ko. "Delikado yang kalagayan mo baka may head trauma ka o di kaya'y concussion,"

"Yun ba ang dahilan kung bakit hindi ako maka-alala?"

"Oo, para malaman ko kung anong klaseng amnesia meroon ka, base sa kwento ni Maya,"

"Kwento?" nagsalubong na naman ang kanyang kilay at bumaling kay Maya. "Ma! Di ba sinabi ko wag kang masyadong mag-kwento ang tigas talaga nang ulo mo,"

Sumagot si Maya. "Pa! kaylangan kong gawin yun,"

"Kaylangan kong malaman yun Marco," segunda ko. Mabilis nang uminit ang kanyang ulo. "Kaylangan kong malaman kung ano ang puno't dulo nang sakit mo at sa tingin ko organic ang dahilan nang am – "

"Alam ko na! Alam ko na. Gagaling ba ako ngayong nalaman mo na," putol ni Hector.

Nagulat ako dahil ako naman ang pinag-taasan niya nang boses. Naging aburido siya.

"Pa! ano ka ba, pasensya na doktora," saway ni Maya.

"Dami pa kasing paliwanag eh,"

Bumaling siya nang tingin sa ibang direksyon at muli na naman niyang ginulo ang kanyang buhok. Gusto kong maiyak sa harap nila, hindi na kasi siya ang Hector na nakilala ko noon. Ibang iba na talaga siya ngayon. Pero sinabi ko na sa aking sarili na kaylangan kong maging matapang. Nag-aalala ako sa kalagayan niya at kaylangan kong malaman ang lahat.

"Hindi ka kasi pwedeng mag-undergo sa treatment kung hindi natin mapapasuri muna yang ulo mo," mariin kong paliwanag. Kung pwedeng makipagtalo sa kanya gagawin ko. "Yan ang concern ko ngayon. Sa tagal na hindi mo pinasuri yan,"

Nagulat na naman ako dahil bigla siyang tumayo. "Okay," matipid niyang sagot.

Hindi pa ako tapos magpaliwanag. Hinatak niya ang kanyang anak at naglakad palabas nang kwarto.

"Pa! Ano ka ba. Huwag kang ganyan," saway ni Maya. Tumayo siya para habulin ito.

Nag-freeze ako sa aking easy chair, pero alisto akong bumaling nang tingin kay Maya. "Maya, mag-usap muna tayo saglit pwede ba?"

She stopped in front of the doorway at lumingon pabalik sa akin. Bumalik siya at muling umupo sa sofa.

"May trabaho ba si Marco?" tanong ko.

"Hindi ko siya pinagtratrabaho. Dati kasi nung nasa Bulacan pa kami may na-ipundar akong maliit na grocery store at siya ang madalas mag-tao roon kapag may sideline akong trabaho. Dahil sa pagiging bugnutin niya, madalas siyang may nakaka-away, natakot ako kaya sinara ko yun. Nagpasya kaming manirahan dito sa Maynila. Sa totoo lang naging mapanghamon ang sakit niya sa estado nang pamumuhay namin, hindi rin maayos ang pag-aaral nang anak ko,"

Hindi ko alam kung papaano ako mag-rereact sa kanyang kwento. Nasasaktan ako pero nakikisimpatya pa rin sa nararanasan ni Maya. Gusto kong malaman kung hanggang saan ang nawalang ala-ala ni Hector at kung may iba pa bang memory receptor sa isip niya ang naapektuhan. Intact pa rin ang kanyang mga mannerism maski ang kanyang pagsasalita, maayos pa rin kahit papano.

Ang unang kaylangan kong ibigay na tulong sa kanila ay yung tungkol sa pananakit nang kanyang ulo. Makakasama kasi ito sa kalusugan niya kung magpapatuloy pa ito.

"Sa ngayon habang hindi pa natin siya napapasuri mas nakakabuting patigilin mo muna siya sa kahit anong gawaing kinakailangan ng konsentrasyon ng pag-iisip. Apektado rin kasi yung pag-gawa niya ng desisyon, naguguluhan siya kapag may pinapaintindi sa kanya. Umiinom ba siya o naninigarilyo? "

"Minsan umiinom siya pero hindi ko siya nakitang nanigarilyo kahit kelan. Pasensya na ulit sa inasal ng asawa ko doktora palagi kasing ganun yun, " tahimik akong tumango, hindi niya talaga gawain iyon maski noon pa man.

Normal pa ang kanyang procedural memory tanging ang episodic memory niya lang ang naapektuhan. Ang pinagtatakahan ko lang yung pabago-bago nang kanyang mood, saang parte nang ulo kaya siya naapektuhan?

Naglakad ako patungo sa aking office table. May kinuha akong kahon at binigay kay Maya. "Eto, Tylenol yan, mas magandang gamot kapag muling sumakit ang kanyang ulo,"

Hindi ko maitatangging na-aapektuhan pa rin ako at ayokong balewalain ang nangyayari sa kanya ngayon.

"Salamat doktora," nilagay niya ang kahon sa kanyang shoulder bag. "Ooperahan ba ang asawa ko kung baka-sakali?"

"Malalaman natin sa neurologist. Puntahan mo siya at sabihing maghintay muna kayo sa lobby. Kakausapin ko ang radiologist para makapagpa CT scan na siya kaagad,"

Tumango siya na may malapad na ngiti sa labi. Nagpaalam siya sa akin at lumabas nang aking klinika.

Tinawagan ko ang naka-duty na radiologist at dahil kilala ako nito, hindi ako nahirapang humingi nang appointment. Sunod ko namang tinawagan ang neurosurgeon. Everything turned out to be easy, at laking pasasalamat ko rito.

"Pwede ka na bang magpa CT scan?" I asked Hector nang makita ko sila sa waiting area nang lobby. Kalmado na siya na para bang walang nangyari. "Tara na naghihintay na sila Marco,"

Sumama sila sa akin patungo sa radiology department. Wala akong imik at sa isip ko, heto nalang siguro ang maari kong gawin para sa kanya. Wala itong kapalit dahil wala nang pwede pang mangyari. Suntok sa buwan ang kapalaran namin ngayon.

"Pinakikilala ko nga pala sa inyo si dok Jeric Veloso ang neurosurgeon dito," wika ko kaynila Maya. Nasa waiting area kami nang radiology department. "Siya po si Marco de Leon dok, yung kinukwento ko sa inyo,"

"Dok, gagaling ba ang sakit nang ulo ko?" nagtanong agad si Hector. Nakikita ko sa mata niya ang determinsayon, na palagi kong nababasa noon.

"Yes, malaki ang posibilidad," ngumiti si Hector at tumango rito. "Pero kaylangan muna natin malaman kung saan, para mabigyan natin nang karampatang treatment. I need your cooperation hijo,"

Sumulpot ang radiologist malapit sa amin. "Sir Marco de Leon, pasok na po kayo,"

Nagpaalam naman si dok Jeric sa amin. Sinamahan ko si Hector sa loob samantalang naiwan naman sina Maya sa waiting area.

Hindi ko sinasadyang mahawakan ang kanyang braso and memories flashed in an instant. Na-aalala ko kung papaano ako yakapin nang mga brasong ito. Yung pakiramdam na protektado ako sa mga yakap niya. At ngayon it hit me again, na ibang tao na nga pala ang nakakaramdam nang mga yakap na iyon.

Pinahiga nila si Hector sa patient table at umilaw ang detection ring, nag-calibrate ito. Kinausap ako nang radiologist. "Doktora, pwede na po kayong lumabas,"

Tumango ako at naglakad patungong pintuan.

"Doktora," tawag ni Hector. I glanced back at him. "Sorry huh,"

Ngumiti siya sa akin that I almost freeze, pero mabilis akong tumango at tumalikod. Pagkalabas ko nang kwarto, nagpaalam ako kay Maya. I tiptoed back at my clinic. Dere-deretso ako sa banyo nang aking office. Sinara ko ang pinto at sumandal sa water closet.

Nag-sorry siya sa akin at na-alala ko yung huling araw na kung saan nag-away kami. Napa-ngiti ako pero bigla akong napa-iyak.

"Hector, pinapatawad na kita. Sorry din huh,"