Chereads / Hector I Love You / Chapter 34 - CHAPTER 33

Chapter 34 - CHAPTER 33

Nabalitaan kong naging matagumpay daw ang surgery ni Hector. Inilagak siya sa isang private suite. Sinubukan ko siyang bisitahin nang magkaroon ako nang free time. Naabutan kong kausap ni dok Jeric sina mommy Gloria at Maya.

"Dok kamusta na po ang magiging kalagayan nang anak ko?" tanong ni mommy Gloria. Nasa pintuan na ako nang madatnan ko sila. Ngumiti si Maya sa akin ng makita ako. Sinuklian ko rin siya nang isang ngiti.

"He is okay," sagot ni dok Jeric na nabaling ang paningin sa akin habang nagsasalita. "Medyo may katagalan pa ang tuluyan niyang pag-recover. My advice is, manatili muna siya rito nang isang linggo,"

Sumingit si Maya. "Ahm, dok yung tungkol naman sa bayarin – "

"Don't worry hija, nakapag down na ako. Kami na nang daddy niya ang sasagot sa lahat nang gagastusin," sagot ni mommy Gloria.

"I have to go, huwag niyo sana siyang kausapin madalas kapag nagising. Hindi siya pwedeng ma-stress. May nurse na pupunta rito every hour," bumaling muli nang tingin sa akin si dok Jeric. "Good morning dok Ara," ngumiti ako bago siya naglakad palabas nang pintuan.

Pagka-alis ni dok Jeric, lumapit sa akin si mommy Gloria ngunit bigla rin siyang tumigil, balak niya sigurong makipag beso-beso sa akin.

"M – Mrs. Villanueva, hows your son?" pormal kong tanong kay mommy. Napag-usapan na namin na kaylangan magmukha kaming hindi magkakilala kapag nasa harapan namin si Maya. And thank God sumusunod naman siya nang mabuti.

"Maayos na siya doktora," sagot ni mommy Gloria. Huminga siya nang malalim mababakas ang kalungkutan sa mukha. Bumaling siya nang tingin kay Hector. "Wala naman siyang abnormalities sa katawan niya sa ngayon,"

Bigla akong hinawakan ni Maya sa aking dalawang kamay. "Dok Ara, maraming salamat talaga sa pagtulong mo sa amin,"

Ngumiti ako kay Maya nang may sinseridad, ngayon unti-unti ko na siyang nagugustuhan para kay Hector.

"Seven years," sambit ni mommy Gloria. Nabaling kami ni Maya sa kanya. Tinititigan niya nang mabuti si Hector. Isang tingin nang nangungulilang ina sa anak. "Lord thank you! This is such a wonderful blessing,"

Lumapit sa kanya si Maya at hinaplos ang kanyang likuran. Sinaluhan niya itong pagmasdan si Hector na natutulog. "Alam niyo po bang napatawad na kayo ni papa. Sabi niya magulang pa rin niya kayo kahit anong mangyari,"

Pinapanuod ko silang dalawa at wala akong balak na gumawa nang eksena, hindi kasi iyon ang plano ko. Hindi ko itinuring na isang laban ang nangyayari sa akin ngayon, tanggap ko nang talo na ako. Ang nasa puso ko nalang ngayon ay may magawang maganda para kay Hector sa huling pagkakataon.

Nagulat kami nang biglang dumilat ang mga mata ni Hector na akala mo nagising siya mula sa isang bangungot. Nataranta kaming tatlo at pinaligiran namin siya sa kama.

"Hector anak! Anong nangyayari sa iyo?" tanong ni mommy Gloria. Hinaplos niya ang kanyang mukha. "Kamusta na ang pakiramdam mo?"

Sinegundahan siya ni Maya. "Pa, bakit?" hinawakan niya ang kanyang kaliwang kamay.

Kunot ang noo ni Hector na para siyang nagbalik diwa. Tumingin siya pakaliwa at pakanan, nag-puff ang kanyang lower eyelid. Inaabangan ko ang unang salitang lalabas sa kanyang bibig.

"Si – sino kayo?" sambit niya.

Bumilis ang tibok nang aking puso. Natahimik kaming tatlo sa loob nang kwarto.

"Pa! ako to si Maya, asawa mo," takang wika ni Maya.

Sinegundahan siya ni mommy Gloria. "Ako naman ang mama mo anak,"

Hindi makapagsalita si Hector at mukha siyang batang naliligaw na hindi alam kung nasaan siya ngayon. Nagkatinginan kaming tatlo. Bigla siyang bumangon mula sa pagkakahiga, napahawak siya sa kanyang batok.

Mas lalong nataranta si mommy Gloria napahawak siya sa balikat nito. "Anak huwag ka munang bumangon,"

"Hindi ko kayo kilala," mariing wika ni Hector. Kahit bakas ang kalituhan sa kanyang pag-iisip, kalmado ang kilos nito na para bang naubos ang kanyang lakas.

Napansin kong kinakapos nang paghinga si Maya. Bigla siyang bumaling sa akin. "Dok Ara, ano ang nangyayari kay Marco? Bakit hindi niya tayo kilala? Lumala ata ang amnesia niya,"

Napahawak siya sa aking braso at napansin kong nanginginig ang kanyang kamay. Inaatake na naman siya nang kanyang anxiety disorder.

"Post-surgery side effect yan," paliwanag ko kay Maya. "Lalo na't sa utak siya inoperahan. Huwag kang mag-alala, ma-aari rin itong bumalik pag tuluyan na siyang naka-recover,"

Ako na mismo ang lumapit kay Hector. "Ano ang nararamdaman mo ngayon Hector?"

Hindi niya ako masagot nang maayos. "Bakit ako nandito?"

"Pa! inoperahan ka sa brain injury mo," singit ni Maya. Iba na ang tono nang kanyang boses, mangiyak-ngiyak na ito.

Napahilamos nang mukha si Hector. Hindi mawala-wala ang kunot sa kanyang noo. "Inoperahan?" namumula pa ang kanyang mga mata dahil bigla siyang nagising.

"Doktora please! Ano ang nangyayari sa asawa ko?" bulalas ni Maya. Unti-unti na siyang nagpapanic. Yung hand gesture niya panay ang kampay, tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata.

"Maya – Maya, kumalma ka lang," muli kong paliwanag. Hindi na rin tuloy ako makapag-isip nang maayos. "Magiging maayos din ang kalagayan niya kapag fully recovered na siya,"

Sumingit na si mommy Gloria sa amin. "Wag natin masyadong kausapin ang anak ko. Binilin di ba nang duktor kanina na bawal siyang ma-stress,"

Tumahimik si Maya habang kalmado si mommy Gloria.

Napansin kong nakatitig si Hector sa akin. Muli akong lumapit sa kanya at nagtanong. Napansin kong huminga nang malalim si mommy Gloria. "Wala ka bang natatandaan? Kahapon at nung isang araw?"

"W – wala," sagot niya pero habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa akin. Nakadama ako nang pagkailang.

"Parang...pamilyar ka sa akin," muli niyang sambit.

Natahimik ako kasi nagulat ako sa sinabi niya. "Pamilyar ang mukha mo," muli niyang wika.

Naunahan ata ako nang pagkabigla dahil ako naman ang nawala sa sarili.

"Kilala ka niya doktora, pero bakit kami hindi?" bulalas ni Maya nang lumapit siya sa akin. Bigla akong natauhan sa kanyang sinabi. "Ano ba talaga ang nangyayari sa asawa ko. Pwede ba namin maka-usap muli si dok Veloso," nabaling naman ako nang tingin kay mommy Gloria at kapwa kami nangungusap sa mata.

Lumapit siya kay Maya. Inaluhan niya ito. "Maya, nag-aalala rin ako sa kalagayan nang anak ko, maghunos dili ka nga,"

Ang daming pumapasok sa aking isipan. Imposible naman ata na bigla nalang niya ako makilala. Pinaghandaan ko na kasi ang posibilidad na yan kung baka-sakaling mapagaling ko si Hector sa aking gagawing treatment. Pero mukha atang nag-iba ang ihip ng hangin ngayon.

Bigla akong nagbalik diwa nang tapikin ako ni mommy Gloria sa balikat, natulala na pala ako. "Iwan ko po muna kayo rito. Pupuntahan ko muna si dok Veloso, "alisto kong wika.

Tatalikod na sana ako nang biglang hawakan ni Hector ang aking kaliwang kamay. Nanlaki ang aking mga mata. Binitawan ko iyon at agad akong tumalikod sa kanya.

Palabas na ako nang pintuan nang bigla siyang magsalitang muli. "Saglit lang,"

Huminga ako nang malalim, I never looked back. Napatakbo tuloy ako palabas nang kanyang suite. Gusto kong puntahan si dok Jeric pero hindi lang kasi isip ko ang naguguluhan sa mga oras na iyon pati na rin ang aking puso. Nahawa ata ako kay Maya kasi pati ang mga kamay ko nanginginig na rin dahil sa kaba.

Nagtungo ako sa private garden nang ospital dahil iyon ang unang pumasok sa aking isipan. I flopped on the wooden bench, hinang-hina ako. Napahilamos ako nang aking mukha. "Hindi sa ganitong pagkakataon Hector,"

Masyado pa kasing maaga para sa mga pinaplano ko. Nang muli kong ma-isip yung sinabi niyang kilala niya ako, masakit. Masakit kasi ang unfair lang, di ba dapat masaya ako. Napa-yuko ako at tinakpan ang aking mukha. Dahil sa sakit bigla akong napa-iyak.

"Ara," napa-angat ako nang ulo dahil may tumawag nang aking pangalan. Pinahid ko ang aking mga luha at nakita ang isang lalakeng palapit sa akin.

"Kuya Drei, ikaw pala," humihikbi kong wika.

Umupo siya sa aking tabi at takang-taka. "Ano ang problema? Bakit ka umiiyak?"

"Wala – wala to kuya," kahit kitang-kita na sa aking mukha at hindi na kaya pang magsinungaling.

Pinapatahan ko ang aking sarili kasi nahihiya ako kay kuya Drei. Sa dinami-dami nang makakakita sa akin sa ganoong tagpo, siya pa talaga. Pero mas lalo atang sumasakit, kinakain ang aking buong sistema nito. Bigla nalang akong yumakap sa kanya at mas lalong napahagulgol nang pag-iyak.