Chereads / Hector I Love You / Chapter 39 - CHAPTER 38

Chapter 39 - CHAPTER 38

Narating ko ang aking clinic. Saturday ngayon at sarado ito pero yun nalang ang pawang naisip kong paraan upang maka-alis sa ganoong sitwasyon.

Minsan parang gusto kong batukan ang aking sarili. Tinutulungan ko siya sa treatment pero naduduwag naman akong makatabi siya palagi. Pero hindi na kasi iyon ang goal ko ngayon, I have new plans and i must stick to it.

Binuksan ko ang pinto mula sa pagkaka-lock at pumasok. I turned on the light, nilapag ang cream tote at umupo sa bench malapit sa reception table. I brushed my hair with my fingers at pilit na pinakakalma ang aking sarili. Kapag kaharap ko siya palagi ang hirap pigilan nang bugso nang damdamin.

"Clara,"

Nagulat ako sa nagsalita. Nabaling ang aking paningin sa pintuan, nasorpresa ako dahil nakatayo siya roon. Papaano niya ako nasundan?

Mas lalo tuloy akong naging tensyonado. "Ba – bakit?" nauutal kong tanong.

May binigay siya sa akin at nanlaki ang aking mga mata, naiwan ko pala ang aking pitaka. I chuckled and put my left hands on my forehead, ano ba ang nangyayari sa akin ngayon? Inabot ko ito sa kanya. "Salamat, pasensya na nagmamadali kasi ako kanina,"

Hindi siya sumagot at para siyang robot na naglakad palabas nang pintuan. Tumayo ako mula sa bench. "Teka lang! Makakabalik ka pa ba?"

Lumingon siya sa akin na parang estatwa ang mukha. Na parang batang walang muwang. Kinandado kong muli ang pintuan nang aking clinic at sinamahan siya pabalik sa E.R.

***

Nakangiti ako habang nilalakad ang hallway, pabalik nang aking clinic at galing sa E.R. Natigilan ako dahil nadatnan ko si Eric sa tapat ng pintuan na nag-aantay ata sa akin. Nakasandal siya sa dingding at nakatingin sa akin habang nakapamulsa. He looked at me na para bang ang lalim ng kanyang iniisip nang makita ko.

"Nag-punta kasi ako sa condo mo," wika niya paglapit ko. Hinalikan niya ako sa noo. "Sabi run wala ka raw. So I think of this as my last resort,"

Nag-iba ata ang tono nang kanyang pananalita pero hindi ko nalang ito inusisa pa. Hinawakan ko siya sa kaliwang kamay. "Pasensya na baby – I didn't inform you,"

Bumitaw ako sa kanya at kinuha ang susi sa aking bulsa. Binuksan kong muli ang pinto at tuloy-tuloy na naglakad sa loob nang aking clinic.

"Pati ba naman sabado kailangan mong mag-punta rito," walang buhay niyang wika mula sa aking likuran. Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanya pabalik. "Di ba ito ang time natin para sa isa't isa,"

Na stress na nga ako kanina kay Hector may panibago na namang stress na dumating. Kaylangan kong magsinungaling. "I'm sorry, I have to extend my working hours. Kaylangan ko kasing mag-research,"

He answered me with a grunt at bigla nalang nagbago ang itsura nang kanyang mukha. Salubong ang kanyang kilay, pero tumalikod lang ako at nagtungo sa bench. Kinuha ko ang aking cream tote na nilapag doon. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin mula sa aking likuran.

"Lately, para bang, I always missing you a lot," bulong niya sa kaliwa kong tenga. I was not in the right mood kasi tensyonado na nga ako magmula pa kanina. Nagulat ako ng bigla niya akong dilaan sa aking kaliwang tenga.

"Eric please stop!" I protested.

Bumitaw siya sa akin mula sa pagkakayakap. Huminga ako nang malalim and walked away patungo sa kwarto nang aking office.

"Yung pasyente mo ba ang dahilan! " napahinto ako mula sa pagbukas sana nang pinto.

Sinabi niya yun na bigla nalang nag-iba ang tono ng kanyang pananalita. Lumingon akong muli at takang-taka ko siyang pinagmasdan.

Huminga siya nang malalim at napakamot pa sa ulo. "Tara lunch out tayo. May ipapakita ako sayo sa studio," wika niya at ngayon naging kalmado naman ito.

"I'm sorry hindi ako pwe – " he grabbed my left arm kaya naputol ang aking pagsasalita.

Nagulat ako sa ginawa niya. "No! Mag lu-lunch tayo sa labas – eto ang araw natin sa isa't isa. Itigil mo yan!" he burst out.

Natakot ako bigla, lalo na nang idiin niya ang pagkakahawak sa aking braso. I have no idea kung bakit nalang siya nagalit sa akin ng ganito. "Aray ko Eric! Ano ba – bitawan mo nga ako. Ano bang nangyayari sa yo?"

Nagpupumiglas ako bago niya ako binitawan. At that moment, I'm scared, hindi si Eric ang kaharap ko. "Bakit ka ba nagkakaganyan?" I asked him.

Hindi siya sumagot. He turned around and step away from me. Bigla niyang sinuntok ang reception table, I jolted out in terror.

"Eric!" bulalas ko. Halos mangiyak-ngiyak ako sa kanyang ginawa.

Hindi na siya lumingon pa sa akin. "Isara mo tong clinic mo ngayon, aantayin kita sa kotse," wika niya na walang buhay.

Dere-deretso siyang lumabas. I got confused habang napapahawak pa sa aking dibdib. Ngayon ko nakita ang ganoong side niya, yung sobrang galit. Pero I'm clueless kung bakit? Ano ang dahilan dahil ayaw naman niyang sabihin? Wala akong choice kundi sumunod nalang.

Kumain kami nang lunch sa isang malapit na restaurant sa ospital. Hindi siya kumikibo, I lose my appetite dahil kinakabahan pa rin ako sa kanya sa mga oras na iyon. Hindi ko gusto ang katahimikan naming dalawa. Nang matapos naming mag-lunch, naglakas loob akong kausapin siya.

"Akala ko ba, isasaama mo ako sa studio mo?" tanong ko sa kanya. Nasa loob kami nang kanyang ford ranger.

"I've changed my mind," sagot niya habang maingat na nagmamaneho. "Ihahatid na kita sa clinic mo. Nandun ang kotse mo di ba,"

Another long silence and I took a deep breath. "Eric may problema ba? Bakit ka ganyan ngayon?"

"Tanong mo sa sarili mo yan!" bulalas niyang sagot.

Kumunot ang aking noo dahil it doesn't make sense to question me about that. Wala akong ginagawang masama sa kanya.

"Bakit? Hindi kita maintindihan – masyado na ba kitang – napapabayaan?" pilit kong tanong muli. Hindi ako matatahimik buong araw kapag hindi ko nalaman ang dahilan. "I'm sorry kung nagkukulang na ako sa iyo,"

Humina ang boses ko sa pagsasalita, bigla akong napa-isip. May alam na ba siya? but i tried to cast away that thought in my mind.

"Dapat mong isipin na ang oras mo – ay para s akin lang," sagot niya.

Naguguluhan pa rin ako. "Galit ka ba – kasi pumasok ako ngayong araw na ito?"

He never answered back. Tuloy-tuloy lang siyang nagmaneho hanggang marating namin ang ospital. I get out of his car at bigla nalang siyang umalis ng hindi nagpa-paalam. He left me in front of the hospital portico na gulong-gulo ang pag-iisip. Hinahawi ko ang aking buhok pa-itaas and tried to guess some reasons na kung bakit siya nagkakaganon. Minabuti ko nalang na huwag siyang tawagan.

Kinagabihan, hindi na maalis sa isip ko ang nangyari. Nag-text si Eric sa akin at binasa ko ito bago matulog.

Baby, I'm sorry, I love you and I don't wanna lose you

Tumingin ako sa kisame at bumuntong hininga. May nalalalaman na nga siya, ayaw niya lang sabihin sa akin. Unti-unti nang nagkaka-totoo ang mga kinatatakutan ko.

Pakiramdam ko ngayon para akong napupunta sa may kawalan. Sa itinatakbo nang aming relasyon, I'm losing my direction. Oo, mahal ko naman si Eric eh pero dumating kasi si Hector at aaminin ko sa kanya ko binabaling ang aking buong atensyon ngayon. Baka nga may ginagawa akong masama kaya galit siya. Pero walang dapat sisihin dahil maski ako hindi ko rin ginusto ito.

Kaya kaylangan kong mag focus sa aking binabalak ngayon. Habang hindi pa lumalala ang gulo pipilitin kong lumayo si Hector sa akin. Gagawin ko ang lahat habang hindi pa huli ang lahat. Umaasa akong makakalabas din ako sa gulong ito.