Chereads / Hector I Love You / Chapter 43 - CHAPTER 42

Chapter 43 - CHAPTER 42

Kinabukasan nagtungo ako sa studio ni Eric sa Boni. Pagpasok ko sa loob, isang gulat na mukha ang bumungad sa akin mula sa kanyang mga staff. Naroroon siya nang araw na iyon. Na-ilang ako kung kaya't agad din akong lumabas. Nag-antay ako malapit sa may pintuan nito. I didn't text him, mas ginusto kong makita siya nang personal.

Nagulat ako nang yumakap nalang siya bigla, mula sa aking likuran. "Baby I miss you!"

Namula ako sa kanyang ginawa, nasa pasilyo kasi kami malapit sa lobby. May mga taong dumaraan at napapatingin, ngunit wala siyang pake-alam.

"Pwede ba sa pribadong lugar tayo mag-usap?" mahina kong wika sa kanya.

Dinala niya ako sa isang café na madalas naming puntahan. Naka-upo kami sa corner na katabi nang malaking glass window. We sat face to face sa isang pabilog na lamesa. Ako ang umorder nang coffee para sa aming dalawa.

Habang nilalapag ko ito sa lamesa, pinagmamasdan ko siya. Mukha siyang pagod at puyat, dark circles are visible around his hazel eyes. Nakipagkita ako para makipag-ayos sa kanya at humingi nang tawad. Aminadong ako ang may mali kung bakit siya nagkaganon.

"I'm sorry sa nangyari last time. Huwag mo na sanang ulitin yung paglalasing na ginawa mo," wika ko.

Hinawakan niya ang aking kamay, hinagkan niya ito na maluha-luha pa. Naawa ako sa kanyang itsura, mahal talaga niya ako. Pero bakit hindi ko ito matumbasan nang katapat na pagmamahal. Am I still the selfish girl I used to be na si Hector lang ang bukod tanging nakaka-unawa ng aking personality.

Akala ko talaga, tanggap ko na sa aking sarili na eto na ang bago kong buhay, ang reyalidad. Pero bakit hindi ko pa rin maramdaman na si Eric na ang nasa tabi ko. Na nawalan ako nang direksyon nang biglang dumating si Hector sa aking buhay at hindi ko napansin ito sa aking sarili.

"Promise hindi ko na gagawin yun. I love you," pagsusumamo niya sa akin. Nasaktan ako dahil sinasaktan ko siya. "I always care about you, please don't hate me,"

Naging isang malaking challenge tuloy ang naging relationship namin ngayon. Lumuluha si Eric, hinawakan ko ang kanyang pisngi at inalis ang mga luhang iyon, mas lalo tuloy akong na guilty. Hinawakan pa niya ang aking kamay na parang ayaw niyang alisin ito sa kanyang mukha. I felt so weak, I will do my best para maayos muli ang lahat sa amin.

***

Hinalikan ako ni Eric sa pisngi bago bumaba nang sasakyan. Tuluyan na akong bumitaw sa mga pananagutan ko kay Hector magmula nang malaman kong ititigil na ang treatment niya sa ospital namin. Nag-failed man ako sa naunang goal ko pero okay lang sa akin iyon. Ang mailayo naman siya sa akin ang mas nakakabuti para sa aming dalawa.

Ngayon, hindi na ako nanghihinayang, nabawasan na rin ang bigat na nararamdaman ko sa aking sarili. After kong makipag-ayos kay Eric, naging okay na ulit kami. Tinuloy namin ang plano for our wedding at kinalimutan na ang naging mis-understanding.

Hinatid niya ako na palagi niyang ginagawa, tamang-tama naman iyon kasi nasa carwash ang kotse ko. Lumabas ako nang ford ranger at nagpa-alam sa kanya. Naglakad ako patungo sa second entrance nang hospital building, sa parking area kasi kami tumigil, nasa kabilang side kasi ang main entrance.

"Clara!" napatigil ako sa paglalakad mula sa boses na iyon.

I glanced back at nagulat nang makita ko si Hector na nakatayo ilang metro ang layo sa akin. Hindi ako maka-kilos, he called my name sa dati kong nakagisnan. Hindi ko nga napansing tumakbo siya patungo sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Natulala na kasi ako. Nakayakap siya sa akin pero hindi ko magawang magpumiglas man lang.

"Hector, anak please halika na! Kaylangan na nating umalis dito," narinig ko si mommy Gloria.

Nakita ko siyang lumapit sa aming dalawa at inawat si Hector. Para kasi siyang batang ayaw nang bumitaw.

Bumulalas si Hector. "Ayokong mawala ka sa akin," mas lalo akong nanghina.

Ngunit pinilit kong matauhan at saka ako muling nagpumiglas. Pero bakit yung puso ko ninanam-nam pa rin ang mga yakap niyang iyon.

Nagulat nalang ako nang may humatak kay Hector mula sa pagkakayakap at mabilis siyang bumitaw sa akin, si Eric pala ang may gawa nito.

Napa-sigaw ako ng bigla niyang suntukin sa mukha si Hector. Namumula sa galit ang kanyang mukha. "Eric huwag!" bulalas ko.

Wala siyang naririnig, kinuwelyuhan niya si Hector na nakahandusay na sa sementadong daan. "Don't you fucking touch my girl!"

Nagkagulo kaming lahat, si mommy Gloria napa-iyak at hindi alam ang gagawin. May mga taong nakakita na sa pangyayari. Mas lalo akong nagulat nang gantihan ni Hector si Eric nang isa ring suntok. Hindi ako makapaniwalang kaya niyang mag-response sa ganoong sitwasyon.

Napatumba niya si Eric pero sinunggaban siya nito. Nagpagulong-gulong silang dalawa sa konkretong kalsada at nag-uunahang maka-suntok sa bawat isa.

I screamed in horror, bakit wala akong magawa. "Please! Itigil niyo yan,"

Sumasabay si mommy Gloria sa pagtili sa akin. We both stand and freeze as we watched the two in our shocked stricken face.

Mabuti nalang may mga security na dumating, apat na lalake ito. Hinablot nila ang dalawa at pinag-hiwalay. Dalawa ang umawat sa bawat isa, pumagitna na ako. Nagtungo ako ay Eric, nagpupumiglas ito at hindi mawala-wala ang galit sa mukha.

Nakita kong tumakbo si mommy Gloria kay Hector. "Halika na, umalis na tayo,"

Sumulpot si daddy Ben out of nowhere. "Ano ang nangyari? Anak bakit – " nagulat siya nang makita ang mukha ni Hector.

"Dad! Ilayo niyo po si Hector please," pagmamaka-awa ko.

Daddy Ben glanced at me and pabalik kaynila mommy Gloria. Muli siyang bumaling sa amin at bumulalas. "You! What have you done to my son,"

Susugod sana siya pero hinawakan siya ni mommy Gloria. "Dad, halika na isakay na natin si Hector sa kotse, umalis na tayo rito,"

Mas lalong nagkatensyon nang sumagot pa si Eric. "Ask your son! Wala siyang karapatang yakapin ang pag-aari ko," mas lalong hinigpitan nang dalawang security ang pagkakahawak sa kanya.

"Eric tumigil ka na!" mangiyak-ngiyak kong saway sa kanya. Marami na palang nakiki-usyoso sa paligid namin. "Halika na, pumasok na tayo sa loob,"

Lumayo sina mommy Gloria sa amin. Tinignan ako ni Eric sa mukha bago siya kumalma.

"Get off!" bulalas niya sa dalawang security. Bumitaw ito sa kanya, niyakap ko siya at inakay patungong hospital building.

"Clara! Na aalala ko na," bulalas ni Hector.

Natigilan ako at huminga nang malalim. Hindi na ako lumingon pa. Nagpatuloy kami ni Eric sa paglakad papasok.

***

"Galit ka ba?" tanong ni Eric, nililinis ko ang kanyang sugat. Laglag ang kanyang balikat dahil napagod siya at nasugatan pa ni Hector.

"Bakit mo kasi sinuntok agad?" asik ko. Nilagyan ko nang band aid ang parte nang mukha niyang nasugatan.

"Bigla ka niyang yayakapin habang naroroon ako. Hindi ako manhid para magalit," bulalas niya. Binaling niya ang tingin sa ibang direksyon. Hindi na ako sumagot, nakakapagod na kasing magpaliwanag pa. Muli siyang bumaling nang tingin sa akin. "Pasyente mo lang siya di ba? Bakit ka niya biglang niyakap? Tell me what's going on between both of you?"

Huminga ako nang malalim. "Heto na naman ba tayo,"

"Huwag mong sabihin yan, explain it to me?"

"Gusto niya lang magpa-alam Eric. May amnesia siya, disoriented ang kanyang pag-iisip,"

Pero bumaling lang muli ng tingin si Eric sa ibang direksyon. Napapakamot siya sa ulo.

Tumunog ang aking android phone at sinagot ko ito kaagad nang makitang si mommy Gloria ang tumatawag. Lumayo ako kay Eric nang ilang metro.

"Sino yan?" tanong niyang may tonong pagdududa.

"Ang mom niya," I answered honestly.

Napangisi si Eric at minuwestra ang dalawang kamay. "Great! So yung mom niya, mom din ang tawag mo. Someone you used to know,"

Nagsalubong ang aking kilay pagtingin ko kay Eric. "Eric, enough! Ayoko nang makipagtalo," asik kong muli. Tinalikuran ko siya and spoke at the phone. "Hello mom, kamusta na si Hector?"

"Great!" bulalas ni Eric. Napalingon ako sa kanya at nakitang naglakad siya palabas nang clinic.

Hindi ko siya pinansin. "Ara, we had decided na putulin na ang ugnayan namin sa iyo," sagot ni mommy Gloria. Dinig ko pa ang paghikbi niya. "Pasensya na huh, eto na talaga ang huling pakikipag-usap ko sa iyo. We don't want this matter to get much worser, pare-pareho tayong nahihirapan na,"

"Sorry po sa inyo ni dad, nasaan po kayo?"

"We went to a different hospital. Ginagamot yung wound niya, don't worry hindi naman na-apektuhan ang ulo niya," napa-pikit ako nang aking mga mata at nagpasalamat sa loob-loob ko.

Maluha luha akong magsalitang muli. "Mom – I guess – this will be the last time,"

"Oo Ara, I'm gonna miss you, again, thank you for the memories,"

Sa ikalawang pagkakataon, pakiramdam ko parang namatay muli si Hector sa aking buhay. Na parang nagsimula akong muli na kaylangan ko nang lumigaya na naman.

"Makakasanayan ko rin ito Hector," wika ko sa aking sarili. Hindi ako makapaniwalang nagtapos sa ganito ang lahat nang pagmamahalan namin.