Chereads / Hector I Love You / Chapter 49 - CHAPTER 48

Chapter 49 - CHAPTER 48

Paulit-ulit ang pagtunog nang doorbell sa pintuan ng aking unit. Alam kong si tita Cecile ito. Kung masasampal niya akong muli, okay lang, heto na ang huling ugnayan ko sa pamilya nila. Sasabihin ko sa kanya ang totoo, kahit ayaw niyang maniwala and I'm fine about it.

Ilang araw na naman akong nagkulong at hindi pumasok sa trabaho. Napabayaan ko nga si Hector eh, nangako pa man din ako na muli kong itutuloy ang treatment niya.

I stood in front of my doorway at huminga nang malalim. Hinawakan ko ang door knob at binuksan.

"Ma! Ate?" bulalas ko nalang pagbukas nang pinto. Bumungad kasi sina mama at ate Mia sa aking harapan, nasa likod nila si tita Cecile. Humagulgol ako sa pag-iyak at niyakap ko silang dalawa nang mahigpit.

"Alam mo Ara...may tampo sana ako," wika ni tita Cecile. "Pero napalapit na ang puso ko sa iyo. Kaya hinanap ko sila at pina-uwi rito. Sila ang higit na kaylangan mo ngayon,"

Humihikbi akong tumingin sa kanya. "Salamat tita – I'm sorry,"

Mabuti pa si tita Cecile naisipan ang ganito. Ang selfish ko ba na pati yung mabigat kong pinagdadaanan ay sinasarili ko pa.

"O sige na nga, I have to go. Maiwan ko na ho kayo," paalam ni tita Cecile sa amin and she walked away. Salamat tita Cecile sa pag-unawa, I pray na sana mahanap ni Eric ang taong nararapat para sa kanya.

Pumasok kaming tatlo sa loob nang unit at tinulungan ko silang dalhin ang isang travelling bag. Sinermonan kaagad ako ni mama pero I miss that. "Ano ka ba naman Ara! May nangyayari na palang hindi maganda sa iyo dito hindi mo kami ini-inform,"

Yumakap akong muli sa kanya at ayoko nang kumawala pa rito. "I'm really sorry ma...ayoko kasing mag-alala kayo,"

"Totoo bang buhay si Hector?" tanong ni mama.

"Oo ma," mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Wala na kami ni Eric – wala nang mangyayaring kasal,"

Hinagod ni ate Mia ang aking braso. "Ara gusto namin siyang makita,"

"Hindi niya kayo makikilala ate – may amnesia siya," bumitaw ako sa pagkakayakap. Pinahid ang mga luha sa aking mga mata. I glanced at them habang napatakip nang bibig si mama dahil sa gulat. "Na-aalala niyo pa ba yung aksidente noon. Nakaligtas siya pero burado ang mga ala-ala tungkol sa akin. Ngayon mas lalo itong lumala, nagkaroon siya nang multiple amnesia,"

I ambled away at napa-upo sa sofa, nakayuko ako ang stared at the floor. "Nagkaroon siya nang pamilya. May anak siyang lalake – last week kalilibing lang nang asawa niya na namatay sa cancer,"

Naramdaman ko ang pagtabi ni mama sa akin, inakbayan niya ako. "Ara, we have no idea na ganito na pala ka-kumplikado ang nangyayari sa iyo ngayon. Patawarin mo sana kami kung hindi naming binusisi ang buhay mo rito,"

It was all my fault at the first place. "Don't worry ma...look at me, buhay pa ang anak niyo," alibi ko.

"So desidido ka nang huwag magpakasal? Babalikan mo si Hector?" singit ni ate Mia.

I looked at her. "Oo ate, nangako akong muli sa pananagutan ko. Eto rin kasi ang habilin nang asawa niya sa akin nang malaman niya ang tungkol sa nakaraan namin,"

Nang sabihin ko iyon ay ngayon ko lang naramdaman ang relief sa aking puso. Going back at him is the only cure sa sakit na matagal nang ayaw umalis sa sistema ko at ngayon ko lang ito na-realize.

"Matatanggap mo ba ang anak niya?" tanong muli ni mama. "Ang amnesia niya...hindi ka naman niya nakikilala?"

"Ma! Mahal na mahal ko si Hector,"

Kahit wala na siyang ibigay pa sa akin na kahit anong kapalit, maligaya akong makasama siyang muli. Tahimik na tumango si mama, maski siya, alam niya kung gaano ko kamahal ang taong iyon.

"Ako ang tumutulong sa treatment niya ngayon," maluha-luha kong wika. "Tanggap ko ang anak niya – hindi na mahalaga yun – ang mahalaga...were together again. After all these years...kami pa rin talaga,"

***

Kinabukasan nagtungo kami sa bahay nila sa Paranaque. Naging emosyonal ang naging pagtatagpong iyon, dalawang pamilyang na-apektuhan dahil sa biro nang aming kapalaran. Kinilabutan pa nga sina mama at ate Mia nang makita nilang muli si Hector. At naninibago sila kasi hindi na siya yung dati nilang kilala na makulit at palabiro.

Two weeks silang nag-stay sa aking unit at nakatulong ito ng malaki, nakapag-adjust kasi ako kahit papaano after ng breakup namin ni Eric. Nagbalik na rin ako sa trabaho at sinimulan ang muling pagpapatuloy nang treatment ni Hector. Muli akong nag-meditate, I clear my mind of past mistakes and reset everything to start all over again.

***

"Dok Ara, may gustong magpa-konsulta sa inyo," wika ni Rachel isang umaga. Napapakamot pa siya sa ulo.

"May napag-usapan ba kaming appointment ngayon?"

"Wala eh, bigla nalang pumasok – urgent daw,"

Kumunot ang aking noo. "Sige papuntahin mo rito...pa-upuin mo sa sofa," abala kasi ako sa pag-aayos nang aking table kaya hindi ko na inusisa pa ito masyado.

Narinig ko ang pagbukas at pag-sara nang pintuan. Tinali ko ang mahaba kong buhok and set it in a pony tail. I stood out of the cubicle at natigilan nang makita kung sino ang taong iyon.

Naka-upo siya sa sofa at nakatitig sa akin, nabalot ako nang matinding tensyon. "Bakit Eric?"

I walked slowly palapit sa kanya. He looked haggard, nanga-ngalo ang kanyang mga mata at halatang hindi nag-shave.

"I'm here for an advice," wika niyang walang buhay. Tumatagos ang tingin niya sa akin.

"Do you think it's necessary?" sagot ko. Napa-buntong hininga ako at nanatiling nakatayo ilang metro ang layo sa kanya. "Yun ba talaga ang pinunta mo – "

"Help me to forget the woman who broke my heart,"

I grabbed my easy chair at umupo sa kanyang harapan. "Eric may purpose ako at alam mo ang dahilan di ba – "

Ngumisi siya sa akin. "She broke my heart because of her selfish purpose – sana lang na guilty ka sa ginawa mo o sadyang manhid ka talaga,"

Nasaktan ako sa sinabi niya pero aminado naman akong selfish at na guilty din. Sige Eric, sabihin mo ang lahat nang masasamang salita tungkol sa akin pero wala nang assurance pa na magiging tayo pang muli.

"Eric, magalit ka na kung yun ang gusto mo," I break down crying. "Naniniwala akong hindi tayo magiging maligaya kapag nagsama na tayo. May higit akong minahal noon – ayoko na siyang iwan pa,"

Yumuko siyang kuyom ang palad. May patak nang luha ang bumabagsak mula sa kanyang mukha. May takot akong nararamdaman pero kaylangan ko pa rin ipaliwanag sa kanya ang lahat.

"Mas ayokong ma-guilty kung ipagpilitan ko ang aking sarili na maging masaya sa piling mo...I realized it now. Ayokong magmukha kang tanga. Ayokong dumating sa puntong pinaglalaruan ko na ang damdamin mo...I'm not that kind of girl – hindi kita kayang pag-araling mahalin habang ang puso ko umaasa sa iba – sa totoong minamahal ko. Ayokong lokohin ang sarili ko – ayokong lokohin ka,"

"Enough!" bulalas niya. Itinaas niya ang kanyang kaliwang palad. Hindi pa sapat ang paliwanag na iyon. Gusto ko kasing ma-realize niya rin ito sa kanyang sarili.

I kept talking and I know masakit ito sa kanya na tanggapin. "Matututunan mo rin akong malimutan – " I point my finger sa aking sarili. "I don't deserve to have a kind of love na meron ka – hindi ako nababagay dito. Napaka-bait mo sa akin – dapat ang magmamahal sa iyo ay katumbas din nang kaya mong ibigay...at hindi ako yun, come to think of it – mas matimbang ang pag-ibig ko sa kanya – alam mo yun,"

Hindi na kumibo si Eric pero dinig ko ang kanyang paghagulgol. My heart beat so fast kasi baka may hindi siya magandang gawin sa akin. Pinagmamasdan ko siya sa kanyang pag-iyak na pati rin ako ay ganun din, and then, he stopped.

"I guess eto na ang huling pagkikita natin," pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata at tumitig sa akin. "I let you go,"

Mas lalo akong naiyak and at the same time nakahinga nang maluwag, wala kasi siyang masamang balak. He stood up and walked away from me. Narinig ko ang pagsara nang pinto. Tinakpan ko nang aking mga palad ang aking mukha, at umiyak nang umiyak. I washed away all the guilt at pagkatapos nito magaan na muli ang aking pakiramdam.

"I'm sorry Eric," bulong ko sa aking sarili.

He is such an ideal man kasi napaka-mature niya para tanggapin ang sitwasyong hindi ko sinasadyang ibigay sa kanya. Ngayong pinalaya na niya ako nang tuluyan, unti-unti ko nang pupulutin ang mga nadurog na piraso nang aking pagkatao. This time, I'm back at Hector for real.