Chereads / Hector I Love You / Chapter 50 - CHAPTER 49

Chapter 50 - CHAPTER 49

Sa mga sumunod na araw, mas lalo akong naging tutok sa treatment ni Hector. I'm not hoping na tuluyang bumalik ang kanyang ala-ala pero yung psychogenic/dissociative amnesia niya ang aking labis na ikinababahala.

Gusto kong bumalik siya sa dati niyang muwang – bilang si Hector. Kuya Drei helped me sa iba pang pamamaraan nang treatment at muli rin nagbalik si Hector sa kanyang occupational therapist.

Napagpasyahan nila mommy Gloria at daddy Ben na mag-retire nang tuluyan sa kanilang trabaho. Mas pinili nalang nilang alagaan ang kanilang anak at apo. Tinuruan ko sila nang reminder method, isang simpleng paraan iyon upang araw-araw ay unti-unti nilang masanay si Hector to flex his memory at ng mabawasan ang kanyang short term memory.

Isina-ilalim ko rin sa psychotherapy treatment si Marco. Gusto kong mawala ang labis na traumatic stress na naranasan niya, ginawa ko ang sand therapy method. Mas lalo kaming naging malapit sa session na ito.

Naka-confine si Hector ngayon pansamantala sa ospital. Naki-usap ako kay kuya Drei na gawin munang confidential ang kanyang treatment hangga't wala pa kaming conclusion tungkol sa kanyang kaso.

"No pathological findings base sa kanyang general, physical and neurological examination." Wika ni kuya Drei. Nasa conference kami kasama si dok David ang occupational therapist. "Walang abnormalities na nakita base sa biochemical test at pangalawang MRI test, although may post-traumatic stress disorder pa rin siya kasi madalas daw siyang managinip nang mga flashback tungkol sa pagkamatay nang kanyang dating asawa,"

"Pasado naman ang kanyang mental examination kay masasabi kong normal ang kanyang IQ," dagdag ni dok David. "He is always alert at ngayon nakikilala na niya ang kanyang mga magulang,"

Natutuwa ako sa pinapakitang recovery ni Hector. Hindi naman pang matagalan ang dissociative amnesia dahil mas mabilis siyang makaka-recover sa autobiographical memory na nawala sa kanya.

"Hindi rin masyadong naapektuhan ang kanyang motor skills which is unbelievable," wika pang muli ni dok David. "Kung tutuusin, pwede na siyang magmaneho pero under supervision nga lang,"

"I guess that's all for today. Kaylangan ko siyang bisitahin for another examination. Kuya Drei I need you tomorrow sa clinic,"

"Sure Ara," tinapik niya ako sa balikat. Nangungusap siya sa akin gamit ang kanyang mga mata. "Alagaan mo si Mr. Villanueva,"

Sabay-sabay kaming lumabas nang conference room, dumikit sa akin si dok David habang naglalakad kami sa hallway.

"Dok Ara," mahina niyang wika sa akin. "Alam mo ba na maraming kumakalat na tsismis dito tungkol sayo ngayon. Kilala kasi kita, totoo ba?"

Napatigil ako sa paglalakad, kumunot ang aking noo. "Anong totoo dok David?"

Napatingin ako kay kuya Drei at napansin din niya ito.

"Na me relasyon daw kayo nung lalakeng yun?"

Nagpapasalamat talaga ako kay kuya Drei dahil lumapit siya kay dok David at umakbay.

"Dok David, may gusto akong i-discuss sayo," lumingon sa akin si kuya Drei at kumindat. "Tara sa cafeteria tayo,"

Tumango ako kay kuya Drei and walked away. Sumakay ako ng elevator dahil nasa six floor ang kwarto ni Hector. At habang ako'y nasa loob hindi ko maiwasang ma-alala ang pagpapang-abot nila minsan ni Eric sa parking area ng ospital. Hindi na rin ako nagtaka kung magiging usap-usapan ito dito. I talked to our director about it and hindi naman ito naging problema sa kanya.

Ngayon ko din lang na-realize kung papaano ako tignan nang mga nurse at staff nang magbalik akong muli rito. Pero I never mind it at all, ang mas imporatante sa ngayon ay ang treatment muli ni Hector. Wala sila sa posisyon to scrutinized me nang ganon-ganon nalang lalo na't wala silang alam sa totoong nangyari.

Lumabas ako ng elevator and walked to another hallway. Ilang metro nalang ang layo ko rito ng bigla akong mapahinto. Nagulat ako nang makita ko si Eric na lumabas sa isang kwarto. Nanlaki ang aking mga mata, kwarto kasi ni Hector yun.

Nagtago ako sa isang corner at sumilip, hindi niya ako napansin. Bumilis ang kabog nang aking dibdib at na-alala kong si Marco lang ang nagbabantay ngayon doon.

Nang mawala na si Eric sa akin paningin, kumaripas ako nang takbo patungo sa kwarto ni Hector. Takot na takot ako, papaano niya nalaman ang tungkol dito?

Pagpasok ko sa loob. "Ate Clara," masayang salubong ni Marco sa akin.

Nakahinga ako nang maluwag, naka-upo si Hector sa kama at ngumiti nang makita ako. Salamat nalang at walang nangyari sa kanya, ano ang ginawa ni Eric dito? Naging pala-isipan tuloy ito sa akin. Pinilit kong ngumiti at nagpanggap na hindi ko nalang siya nakita.

Tumakbo si Marco sa akin at yumakap. Umupo ako sa kanyang harapan. "Binantayan mo ba nang mabuti ang daddy mo?"

"Opo, mamaya darating na sina lolo at lola rito," naging masigla na si Marco after nang kanyang psychotherapy treatment, nakakatuwa lang dahil nakatulong ito nang malaki para sa kanya.

Tumayo ako at pinagmasdan si Hector na ang lawak talaga nang ngiti sa akin, yung dating ngiting nakikita ko sa kanya. Palapit na sana ako nang biglang tumunog ang aking android phone, tumatawag pala si Rachel.

Lumayo ako sa mag-ama at sinagot ito. "Dok Ara, may bisita kayo ngayon dito sa clinic," sagot niya.

Nagtaka ako. "Okay I'll be there in a minute,"

Natapos ang tawag at nag-paalam ako sa dalawa. Sakto namang dumating sina mommy Gloria at daddy Ben. Lumabas ako nang kanyang kwarto at nagmamadaling nagtungo sa aking clinic na nasa ground floor.

Nasorpresa ako pagpasok ko sa loob. "Melay napa-dalaw ka?"

Papalapit palang ako sa kanya nang bigla siyang tumayo at sinampal ako ng malakas. Nagulat ako sa kanyang ginawa, napalingon ako kay Rachel na bumilog ang bibig sa gulat.

"Melay bakit?" galit kong bulalas.

"Napaka-ramot mo – pinalaya mo na si Eric...pero bakit pumupunta pa rin siya sayo!" alam niyang nagpunta rito si Eric, naguluhan tuloy ako.

I tried to defend myself. "Tapos na kami kaya hindi ko alam yang pinag-sasabi mo. Hindi na kami nagkikita pa,"

"So – sorry dok Ara, ayaw kasing ipaalam ni sir Eric sa inyo," singit ni Rachel. Mas lalo akong naguluhan, hindi ko sila maintindihan. Ano ba ang pakay nila?

Biglang bumulalas nang iyak si Melay. "Ara buntis ako! Si Eric ang ama,"

Napatakip ako nang aking bibig. Tumakbo palabas nang clinic si Melay pero hinabol ko siya.

"Melay! Mag usap tayo please," tawag ko sa kanya. Naging tensyonado ako sa kanyang sinabi. Tumigil siya sa paglalakad at lumingon pabalik sa akin na humihikbi pa.

***

Naka-upo kami sa private garden nang ospital at parehas na naka-yuko. Inaalis ni Melay ang mga luha sa kanyang mga mata nang lingunin ko siya.

"Madalas maglasing si Eric recently," wika niya. Tahimik akong nakikinig. Ngayong napalaya ko na siya hindi na ako nakakadama ng kahit anong guilt. "At ikaw ang dahilan – dinadamayan naming siya palagi – madalas akong nasa tabi niya,"

She took a deep breath, ramdam ko ang hinanakit niya sa akin mula sa tono ng kanyang pananalita. "Nang minsang magkaroon nang inuman sa bahay. Nagpunta si Eric...iyak siya nang iyak...wala kaming magawa. Nagpaka-lasing siya nang sobra – since ako ang palaging uma-alalay sa kanya...napag-kamalan niyang ako – ikaw...alam mo ba yun! May nangyari sa aming dalawa nung gabing iyon,"

Isa lang ang pumasok sa aking isipan habang nakikinig sa kanya, wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko kay Eric.

Bumulalas muli nang iyak si Melay. "Alam mo bang kina-iinggitan kita. Malaki ang pag-hanga ko kay Eric – pero bakit ang ganung lalake binalewala mo lang,"

Hindi ko binalewala si Eric, minahal ko rin siya kahit papano. Kasalanan ko bang maging ganito ang tadhana naming dalawa.

"Kung alam mo lang ang pinag-daanan ko Melay," sagot ko sa kanya. "Nasa gitna ako nang dalawang lalakeng naging parte nang buhay ko at kaylangang isa lang ang aking piliin...hindi naging ganoon kadali ang naging desisyon ko,"

"Bakit hindi mo pinili si Eric?" tanong ni Melay na may halo namang sisi.

"Hindi siya ang totoong mahal ko,"

Hindi na siya kumibo pa, she should be happy about that. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Melay, alagaan mo si Eric...kung siya ang totoong laman nang puso mo. Mamahalin ka rin niya, mabuti siyang tao,"

Mas lalong napa-iyak si Melay. Niyakap niya ako nang mahigpit. "Oo Ara – mamahalin ko siya. Salamat at pinalaya mo na siya nang tuluyan,"

After nang pag-uusap naming iyon, nasorpresa ako nang sabihin sa akin ni Melay thru text message na tinanggap ni Eric ang kanyang pinagbubuntis. May rason na para makalimutan ako nang tuluyan ni Eric. Sana maging maligaya siya kay Melay, I respect him for being a true man na hindi tinalikuran ang responsibilidad. In the end each of us already moved on at nagpatuloy sa buhay.