Chereads / Hector I Love You / Chapter 51 - CHAPTER 50

Chapter 51 - CHAPTER 50

Monday morning, pumasok ako ng aking clinic at nagtataka sa bungad ni Rachel sa akin. Ang ganda kasi ng ngiti niya.

"Dok Ara, may good news ako," na mas lalong nagpa-sorpresa sa akin.

Napa-ngiti na rin ako tulad niya kasi sa wakas may maririnig na rin akong magandang balita ngayon. During those past months kasi puro nalang bad news at nag-suffer ako rito.

Sumandal ako sa reception table. "At ano na naman yang good news na yan?" tanong ko sa kanya.

May kinuha siyang isang sobre at pinakita sa akin. "Look dok Ara, RMIT. Kadarating lang nito kanina,"

Napa-nganga ako nang aking bibig at nanlaki ang mata, hindi ako makapaniwalang tanggap na ako roon. R.M.I.T ( Royal Melbourne Institute of Technology ) isang university sa Australia, sinubukan kong mag-aplay dito ng aking doctorate degree program ilang buwan na ang nakaka-lipas.

Kinuha ko ang sobre kay Rachel at binasa ang liham na nakapaloob doon, tuwang-tuwa talaga ako habang binabasa ito. Dinikit ko pa ang sulat sa aking dibdib at napabulalas sa kaligayahan. "Lord! Thank you so much," paulit-ulit ko pang tinitignan ang liham.

"Dok Ara, ma mi-miss ko kayo," wika ni Rachel na naging emosyonal.

"Ano ka ba, tatlong taon lang akong mag-aaral dun. Babalik din ako...dito pa rin ako magtratrabaho. Pwede kitang I-assign sa ibang department pansamantala o kung gusto mo kay kuya Drei kita I-assign, crush mo yun di ba?"

Kinilig si Rachel na five years ang tanda ko sa kanya. "Dok Ara naman! Crush ko siya...slight lang. Huwag niyo po akong kalilimutan huh, gusto ko pa rin kayong maka-work. Ang bait niyo kasi sa akin,"

Niyakap ko siya habang hawak pa ang sulat, napalapit na ako sa kanya ng husto. Like an older sister to her.

Pareho kaming natigilan nang may pumasok mula sa pintuan. Hindi ko expect ang pag-bisita nilang iyon. "Mom, dad, napadalaw kayo. Kamusta na si Hector?"

Na-discharge na siya rito sa ospital at nakabalik na sa kanilang bahay sa Paranaque.

"He's fine hija," wika ni mommy Gloria. "Pumunta kami rito to invite you sana sa graduation ni Marco,"

Na-sorpresa ako sa sinabi niya, sa wakas natapos din ni Marco ang kanyang kindergarten. "Talaga! Good to hear that,"

"Request din yan ni Hector, na sumama ka," wika ni daddy Ben.

Hindi ko maiwasang ngumiti ng abot langit. Nabawasan na nga ang kanyang anterograde amnesia. Kapag nagpatuloy ang treatment baka magkaroon nang magandang resulta at makilala na niya ako nang tuluyan.

Sa mga nagdaang linggo palagi niya raw ako hinahanap which is a good sign of his memory recovery. Bigla tuloy akong kinilig kasi gustong-gusto ko iyon, yung palagi niya akong hinahanap. He is aware of my presence sa buhay niya ngayon at para sa akin hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataong ito.

Nag half-day ako sa trabaho at magkasama kaming lumabas sa ospital kasama nila mommy Gloria. Sabi nila kaya na raw bantayan ni Hector ang kanyang anak. Maski si Marco, nagpapakita na rin siya nang responsibility para sa kanyang ama.

We all walked in the parking area at napansin kong ang dilim nang kalangitan. Sumakay sa kanilang sasakyan sina mommy Gloria at pina-una ko na silang umalis, susundan ko sila kung saan sila pupunta.

Pagbukas ko nang pinto nang kotse bigla akong natigilan, may sumulpot kasing brown butterfly. Bigla akong kinabahan, nagtataka lang ako kasi halos buwan na rin ang nakakaraan at hindi na ako dinadalaw nang mga masamang panaginip ko noon.

Sumakay pa rin ako ng Honda accord at hindi na inusisa pa ito. Nakita kong bumukas ang bintana nang kanilang kotse na palabas na nang parking lot. Binuksan ko rin ang bintana sa left side ko at sumilip. "Ara, sumunod ka lang sa amin," sigaw ni daddy Ben.

I gave him an okay hand sign and they go away.

***

Tuluyan naging maulan ang pagtatapos nang graduation ceremony ni Marco, mabuti nalang sa isang auditorium ito ginanap. Ang sayang makakita nang tuwang-tuwang mukha nang mga magulang which brought me back at the day of my college graduation. Ang mga bata takbo rito at takbo roon na mga wala talagang muwang kung para saan ang okasyon.

"Ara sumama ka sa kanila, kukuhanan ko kayo nang picture," nagbalik diwa ako sa sinabi ni daddy Ben.

Sumama ako sa mag-aama, nasa lobby kami nang auditorium at hinihintay ang pagtila nang ulan. Nagdikit-dikit kaming tatlo, hinawakan pa ni Marco ang aking kaliwang kamay. Napapagitnaan namin siya ni Hector. I stared at him, mukha siyang tulala, nag-iisip ba siya? Nang tumigil ang ulan saka kami tumakbo palabas nang auditorium at nagtungo nang parking lot.

"Ara pwede bang isabay mo si Hector. May makikisabay kasi sa amin," paki-usap ni mommy Gloria. Nagmamadali silang lahat pumasok sa sasakyan.

Hinawakan ko ang kamay ni Hector at inakay papasok sa kotse. Nauna nang umalis sina mommy Gloria at susundan ko ulit sila patungo sa isang fastfood restaurant na kung saan doon gaganapin ang isang munting celebration.

Sinimulan kong buksan ang makina at natigilan ako dahil narinig kong may hinuhuni si Hector. Nang pakinggan ko itong mabuti, graduation hymn ito. Napa-ngiti ako sa kanya at nag-drive na palabas nang parking lot.

"Masaya ka ba para sa anak mo?" tanong ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin at alistong sumagot. "Oo, kapag nakikita ko siyang masaya, masaya na rin ako,"

Naka-focus ako sa harap at sinusundan ang kotse nila mommy Gloria. Muli na namang lumakas ang pagbuhos nang ulan.

"Parang may na-aalala ako sa tunog na yun," sambit ni Hector.

He caught my attention at lumingon ako sa kanya saglit. "Anong tunog?" bago muling nag-focus sa daan.

"Yung kinakanta ko kanina. Parang kinanta ko na rin yun dati,"

Biglang bumilis ang tibok nang aking puso. Ang unang pumasok sa isip ko ay ang aking college graduation day, seven years ago.

"Sige Hector ulitin mo yung pag-huni mo," I asked him. Nasabik akong bigla. Unti-unti nang nagmamanifest ang kanyang nawalang retrograde memory, a good sign na gagaling siya.

Nagkaroon pa nang traffic sa dinaraanan namin kaya huminto kami pansamantala. Nawala sa aking paningin ang kotse nila daddy Ben pero alam ko naman ang lugar nang venue. Usad pagong ang sasakyan namin kaya ang atensyon ko naka-tuon kay Hector.

Humuni siyang muli nang graduation hymn, binabatukan pa niya nang mahina ang kanyang ulo. I took a deep breath habang pinagmamasdan siya. Bigla siyang tumigil at lumingon patungo sa akin, tumagos ang kanyang paningin palabas nang bintana.

Sinundan ko ang kanyang paningin at nalaman kong may aksidente palang nangyari kaya nagka-traffic. May isang kotseng naka-taob na umuusok pa, pagbaling ko nang tingin kay Hector hindi na matinag-tinag ang kanyang pagkakatitig dito.

Bigla nalang siyang sumigaw at nataranta ako. "Hector! Bakit? Anong problema?"

"Ang ulo ko sumasakit?"

I tried to calm down dahil alam kong wala na siyang occipital neuralgia. Could it be – nag manifest na nga nang tuluyan. May pagkakataon kasing lost memories will flashes in an instant. Hinawakan ko ang kanyang batok, naka-yuko kasi siya habang sinasambunutan ang sariling buhok.

Saka naman muling bumilis ang daloy nang mga sasakyan kung kaya't nabaling ang atensyon ko sa manibela. Nagkaroon pa tuloy ako nang panic attack, nalilito na kasi ako kung ano ang una kong aasikasuhin.

"Ang sakit nang ulo ko," daing ni Hector.

Ang kanang kamay ko nasa manibela ang kaliwa naman hawak ang batok niya. Lingon ako nang lingon habang nagmamaneho. "Hang on Hector, pupunta tayo nang ospital,"

Pagbaling kong muli sa kalsada, nagulat ako nang may isang sasakyang bigla nalang bumulaga sa harap namin. Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari dahil nagdilim nalang ang aking paningin.

***

One month later heto ako, nakatayo sa harap nang isang puntod, ang puntod ni Maya. Nilagay ko ang bouquet nang chrysanthemum sa harap ng kanyang lapida at pinagmasdan ito habang tumatagos ang aking paningin. Mamayang gabi, flight ko na patungong Australia para mag-aral. Ang bigat nang aking pakiramdam.

Bigla akong napahagulgol nang pag-iyak. "Maya...I'm sorry...I failed," lahat nalang nang naging goal ko para sa amin ni Hector, nauwi sa wala. "I always failed,"

Nang maka-uwi ako sa aking unit, namumugto pa ang aking mga mata habang nag-eempake. Tinulungan ako ni mama. Napa-uwi ko ang buong pamilya nang di oras matapos mangyari ang aksidente namin ni Hector. Mas pinili ni mama na magpa-iwan nang bumalik silang lahat sa Canada.

Tahimik kaming nag-eempake, hindi ko nga napansing pinagmamasdan niya ako habang nagtutupi nang damit.

"Ara, makakalimutan mo rin siya pagdating mo roon," wika niya na nagpabalik diwa sa akin.

Tahimik akong tumango, kaylangan ko munang pagdaanan ito. Lumapit siya sa akin, hinawakan niya ang aking mukha. "Ara naririto pa rin kami sa tabi mo. Na magmamahal sa iyo. Buhay pa rin ang pag-ibig diyan sa puso mo," niyakap niya ako nang mahigpit.

Muli akong umiyak, masakit kasi sumusuko na ako, masakit dahil hindi ko na panghihinayangan pa ang mga ginawa kong plano. Masakit dahil na-realize kong lahat ng mga ginawa ko para sa kanya, walang naidulot na maganda and in the end I had to let him go, for real.

"Hector, I'm sorry – sorry ulit," wika ko.

Dapat pala hindi ko siya minahal nang sobra, na halos naging sentro siya nang aking buhay. Ngayon parang habang buhay ata akong magdurusa sa muling pagkawala niya.