Chereads / Hector I Love You / Chapter 52 - EPILOGUE

Chapter 52 - EPILOGUE

Three years had passed, nakumpleto ko ang aking doctorate degree sa Australia. It was a sweet success kahit may naging malaking hamon. Ngayon, mas maraming opportunities ang magbubukas para sa akin.

"Kaylan pa dumating sila ate?" tanong ko kay mama. Nasa kabilang linya siya at nasa airport ako pauwi nang Pilipinas.

"Kahapon lang Ara, alam mo bang excited kaming lahat dito pagdating mo. I'm so proud of you anak,"

"Thanks ma! Na miss ko kayong lahat. Celebrate tayo pagdating ko huh,"

"Proud ako kasi nagkaroon ako nang isang anak na napaka-tibay. Natupad mo pa rin ang mga pangarap mo pagka-tapos nang lahat ng mga pagsubok na dumating sa iyo. Mana ka talaga sa akin,"

"Kayo talaga ma! Sige payag na ako sa sinabi niyong yan," Hindi ko mapigilang mapa-ngiti at the same time ma-iyak sa sinabi ni mama. "Off ko na to ma, patungo na ako nang departure area. Tawag nalang ako ulit kapag nandiyan na ako," dagdag ko.

Binaba ko ang phone after nang tawag at huminga nang malalim. Pinikit ko ang aking mga mata at muling gumuhit ang ngiti sa aking labi. Tama nga si mama, Malaki ang naitulong nang nangyari sa akin sa naging pagkatao ko ngayon. Nagsawa na siguro ang luha ko kaya heto, tuluyan ko na talagang nakalimutan si Hector. I never felt the pain anymore kung ma-alala ko siyang muli. Pakiramdam ko naging isang brand new na tao na ako.

Habang humahakbang ang aking mga paa patungong departure area, uuwi ako nang Pilipinas na limot na ang tungkol sa kanya. Isang taong naging parte nalamang talaga nang aking kahapon.

***

Binabagtas ko ang pasilyo nang ospital isang araw, kagagaling ko lang sa opisina nang director. Three days bago ako naka-uwi, ito kaagad ang una kong inasikaso. Muli akong magbubukas nang aking clinic sa ospital na ito.

Na-sorpresa ako nang humarang sa aking daraanan ang dalawang tao. "Eric, Melay, kamusta na kayo?"

Hindi ko inaasahan ang pagkikita namin dito. Karga ni Eric ang kanyang anak at after three years, wala na rin ang sakit maski ang guilty feelings nang makita ko siyang muli.

"Melric ang pangalan niyan, pinag-sama namin. Ang corny no, suggestion kasi niya yan," wika ni Melay.

Niyakap ko siya nang mahigpit at muling napalingon sa kanilang anak. Kahawig kasi ito ni Eric, para silang pinag-biyak na bunga.

"Congrats nga pala Ara. Big shot na tayo ngayon ah!" biro ni Eric. The way he said it nararamdaman kong maski siya, nawala na rin nang tuluyan ang sakit, pati na rin siguro ang galit.

Sumingit si Melay. "Uy, invited ka pala sa celebration mamaya,"

Kumunot ang aking noo. "Celebration?"

"Engagement party ni tita Cecile," sagot ni Eric.

Napa-nganga ako sa sinabi nilang dalawa. Nagkatinginan pa sila at parehong natatawa.

Nanlaki ang aking mga mata dahil hindi kasi ako makapaniwala. "Engagement party? Seryoso ba kayo?"

"Seryoso kami," napahagikgik si Melay. Biglang nagising ang kanilang anak at inalo ni Eric. "Sa Bellagua garden sa Ortigas, alam mo yun di ba...mamayang alas siete nang gabi. Naka-lagay na ang pangalan mo sa guest list,"

"Sige na maiwan ka na namin. May appointment pa kami sa pedia ngayon," putol ni Eric. They got distracted sa pag-iyak nang kanilang anak. They step away from me bago siya lumingon muli one last time. "Don't forget, alam ni tita na naririto ka na sa Pinas,"

Tumango nalang ako bakas pa rin sa mukha ang sorpresa. Iniwan nila akong mag-isa sa pasilyo. Na-miss ko si tita Cecile at kung ano man ang naging desisyon niya ngayon, I'm very happy for her. I wanted to see her so bad.

***

Six nang hapon naka-uwi ako nang aking unit ngunit nadatnan kong wala ang aking buong pamilya roon, pansamatala kasi silang nag-stay muna bago bumalik nang Canada. Tinawagan ko si ate sa kanyang phone at sabi niya nagpunta pala silang lahat sa mall.

Medyo nagtampo pa nga ako dahil hindi nila ako sinama pero na-alala ko ang tungkol sa engagement party ni tita Cecile kung kaya't nag-prepare nalang ako nang aking susuutin. Seven nang gabi raw magsisimula kaya kaylangan kong makarating agad doon. Pinili ko ang simpleng little black dress na binili ko pa sa Australia, ganito ang gusto kong subukang suotin ngayon since I'm already in my thirty.

I texted ate tungkol sa aking pupuntahan para pag-uwi nila, expect nilang wala ako rito sa unit. Natatawa pa nga ako kapag naiisip kong may engagement party si tita Cecile, aware kaya siya na may mag pro-propose sa kanya ngayon? Kinilig tuloy ako, may karapatan naman siyang lumigaya muli. Gaya ko, naniniwala akong liligaya rin ako balang araw.

Six fifty nakarating ako sa Bellagua garden. Nang makahanap ako nang parking space, nagmamadali akong bumaba at nagtungo sa gusali. Building iyon na maraming function rooms kaya kaylangan mong magtanong sa reception table kung saan yung function room na pupuntahan mo.

I asked a female receptionist at kinumpirma ang name ko sa guest list nang isang function room doon. Nang makumpirma ko, naglakad na ako patungo rito na nasa kabilang wing nang building. Habang binabagtas ang carpeted hallway, may isang batang bigla nalang humarang sa aking daraanan.

"Ma...Marco, anong ginagawa mo rito?" wika ko. Tumakbo siya at yumakap sa akin. I hugged him tight too in return.

Habang tumatagal nagiging kahawig talaga siya ni Hector. Na miss ko ang mukhang iyon pero ngayon, I'm strong not to cry again.

He grabbed my left hand. "Tara na po, nag-hihintay na sila sa loob,"

Ang pinagtatakahan ko, bakit siya invited? Malamang naroroon din sina mommy Gloria.

Inakay niya ako patungo sa isang malaking pintuan. Mas lalo akong nagtaka dahil madilim sa loob. May liwanag nang spotlight sa pinaka-sentro nang kwarto at doon ako dinala ni Marco. Bigla siyang tumakbo at naglaho sa dilim.

Bumilis tuloy ang tibok nang aking puso, napapahawak ako sa aking dibdib. Inikot ko ang aking paningin sa madilim na paligid, sumagi sa aking isipan si Hector at hindi ko maiwasang magbalik tanaw sa araw nang aksidente namin, three years ago.

Nakaligtas kami pareho sa aksidenteng iyon pero napagpasyahan nila mommy Gloria na bumalik nang U.S kasama si Hector at Marco. Sumuko ako sa kanyang treatment dahil naging madalian ang pag-alis nila. Nasaktan ako pero tinanggap ko pa rin ang sakit na mawala siyang muli sa aking buhay. Sa dami nang hindi magagandang nangyari sa amin, na-realize kong It's best for us to stay away from each other.

Nagbalik diwa ako nang biglang bumukas ang ilaw. Nagulat ako sa aking nakita, ang dami palang tao sa paligid. Naroroon silang lahat, ang mga taong naging saksi sa aking nakaraan.

Sina Melay at Eric pati ang kanilang anak, kasama nila ang buong barkada. Natanaw ko si tita Cecile na naka-upo sa isang sulok at na-iyak, katabi niya ang kanyang dalawang anak. Mas lalo akong naguluhan kasi hindi ko alam kung ano ang nangyayari talaga. Kasi naroroon din sina mama at ang buo kong pamilya pati na sina mommy Gloria. Si kuya Drei kasama ang kanyang asawa at anak. Mas lalo akong na-sorpresa dahil pati si Rachel, ma'am Yolly, Pete at Father Dan ay naroroon.

Lalapit sana ako pero sinenyasan nila ako at pinigilan. Mas lalo akong naguluhan at kinabahan, dumoble ata ang bilis ng pintig ng aking puso.

"Clara," bigla akong natigilan sa boses na iyon, pamilyar kasi ito.

Inikot ko ang aking paningin at nakitang nakatayo siya ilang metro ang layo sa akin. I told myself na hindi na ako iiyak dahil matagal ko nang inalis sa aking puso ang kahinaang iyon ngunit hindi ko ata kaya.

Napa-bulalas ako ng iyak. "Hector,"

Tumakbo ako at yumakap sa kanya nang mahigpit.

"Natatandaan mo ba ito?" nagtaka ako dahil may pinakita siyang nakatuping larawan. Nasa photo album ko ito kaya papaano ito napunta sa kanya.

"Binigay ito ni Maya bago siya mamatay," kinuha ko ang picture. Second year college ako nito at magkayakap kaming dalawa. "Nang tanungin ko si mommy tungkol dito, sinabi nila sa akin na ikaw ay bahagi pala nang nakaraan ko. Bago ang aksidente natin naging pala-isipan ka na sa isipan ko. Pinipilit kong may ma-alala tungkol sa iyo kahit kaunti,"

Napapatakan na pala nang luha ko ang larawan. "Na-aalala mo na ba?"

"Patawad pero hindi Clara," napalingon ako sa kanya. "Sabi nang duktor na sumuri sa akin sa Amerika. Maaring hindi ko na maibabalik pa ang mga ala-alang iyon. Pero hindi na mahalaga yun sa akin ngayon. Nung nasa U.S ako, ikaw nalang ang palaging laman nang aking isipan – I'm in love with you Clara. Nahulog ang loob ko sa iyo dahil ang dami mong ginawa para sa akin,"

I chuckled while tears fall down my face, it was love after all.

"See this ring," napatakip ako nang aking bibig.

"Papano – "

"Binigay ni Eric sa akin. Kina-usap niya ako nang ma-admit ako sa ospital noon," ngayon malinaw na kung bakit bigla siyang nagtungo sa kwarto ni Hector noon, at kung bakit parang may taong sumusunod sa akin nang minsang magtungo ako nang columbarium. Napa-iling ako at nilingon si Eric sa di-kalayuan, yakap niya si Melay na parehong nakangiti sa amin. "Sabi niya matagal na raw niya akong kilala. Nagulat pa nga ako kasi may kasama itong school ID," tumango ako dahil malinaw na sa akin ang lahat.

Hinawakan ni Hector ang aking mukha. "Sabi ni Eric, pakasalan daw kita...dahil tayo naman talaga ang totoong itinadhana," muli akong humikbi.

"Sila Clara," turo ni Hector sa kanilang lahat. "Ang mga taong iyan...ang nagpa-alala sa akin, na minsan naging parte ka nang buhay ko,"

Kung set-up man ito at tinulungan nila si Hector na saulohin ang mga sinasabi niya ngayon, it doesn't matter. Ilang taon akong nag-dusa pero kami pa rin ang pinagtagpo nang Diyos sa bandang huli. Hindi na mahalaga pa kung hindi na niya ma-alala pa ang nakaraan namin. Ang mahalaga, minahal niya akong muli, nabuo muli ang aking pagkatao.

"Sabi nila mama Celia, etong sing-sing sana ang magiging daan para magsama tayo habang buhay," wika ni Hector. Hawak niya ang sing-sing. "Pero dahil daw sa aksidente ko noon...hindi na ito natuloy,"

Tango lang ako nang tango habang naiyak, pumapatak na rin ang kanyang luha sa mata. Hinawakan ko ang kanyang mukha at inalis iyon.

Na-distract kami dahil lumapit si Marco na may dalang mikropono. "Nakalimutan ko papa," wika niya.

Natawa ako kahit na lumuluha. Kinuha ni Hector ang mikropono at lumayo sa amin si Marco.

"Pero Clara, pwede pa naman mangyari yun di ba," nagsalita siyang muli hawak ang mikropono. Nakangiti ako na para bang siya lang ang taong nakikita ko. "Magsimula tayong muli. Tulungan mo akong buuhin muli ang mga ala-ala ko sa iyo. Pero sa pagkakataong ito – " he cleared his troat. "Magsasama na tayo habang buhay – pakasalan mo ako Clara,"

Hindi na siya lumuhod pa bagkus nilagay niya ang sing-sing sa aking daliri. May tumitili sa paligid pero hindi ko ito marinig masyado. Pansamantala akong nanahimik habang pinagmamasdan ang kanyang mukha.

Nagbalik ka na nga talaga Hector.

Huminga ako nang malalim. "Oo Hector...kung alam mo lang, kay tagal ko itong hinintay – akala ko hindi na mangyayari ito,"

Niyakap ko siya nang mahigpit at tuluyan na akong bumigay. Sa mga oras na iyon ayoko nang magsalita pa dahil wala na akong maisip na katagang maaring magpaliwanag sa aking nararamdaman. Hindi ako makapaniwalang ang lalakeng pinangarap ko, minahal, nawala, dinurog ang aking puso – ay muling nagbalik – para makasama ako habang buhay.

Siya si Hector, at siya ang totoong nakatadhana para sa akin, wala na akong mahihiling pa.

I looked at his face and open my mouth to speak again, pero natigilan ako. Wala na kasi akong masasabi pa. Sinabi ko nalang ang nilalaman nang aking puso, noon at magpa-hanggang ngayon.

"Hector – I love you,"

Hinalikan ko siya as I sealed my fate to him for eternity.

END.

Related Books

Popular novel hashtag