Chereads / Hector I Love You / Chapter 48 - CHAPTER 47

Chapter 48 - CHAPTER 47

Nataranta kaming lahat at nagtulong tulong para hanapin si Marco sa buong vicinity nang lugar. Tumulong na rin sa amin ang security. Balisang-balisa na rin ako, kanina lang nasa loob pa siya nang kwarto, hindi man lang namin napansin na lumabas pala siya. Kung lumabas nga siya nang building natatakot akong mapahamak siya, malakas kasi ang ulan.

Napansin kong hindi mapakali si Hector na panay ang batok sa ulo, nasa loob kami pareho nang chapel kung saan nakaburol si Maya. Nagulat ako nang bigla siyang tumakbo. Tumayo ako at hinabol siya. Mas lalo akong nataranta nang bigla siyang lumabas at sinuong ang maulang kalsada. Tinawag ko siya pero hindi niya ako naririnig, wala akong nagawa kundi sundan nalang siya.

Unti-unti nang dumidilim sa labas mabuti na lamang isa-isa nang nagkaka-ilaw ang poste kaya nagkaroon kami nang liwanag kahit papaano. Ang lakas nang kabog nang aking dibdib kasi baka bigla nalang mahagip si Hector nang mga sasakyang dumaraan kahit sa gilid na kami nang kalsada tumatakbo. Kung saan man kami pupunta ngayon, siguro alam niyang naroroon si Marco pero papaano niya nalaman.

Hanggang sa makarating kaming dalawa sa isang playground. He stopped running at gayun din ako, sa di kalayuan, nakita namin si Marco na mag-isang naka-upo sa swing. Hindi niya iniinda ang malakas na ulan. Papaano ito nalaman ni Hector? Hindi ko alam kung instinct ba pero i'm amazed at nagawa niyang mahanap ang kanyang anak.

Napa-tingin ako kay Hector na tumakbo at lumapit kay Marco, nilapitan ko na rin sila. Niyakap niya ang kanyang anak.

"Papa, sabi ni mama pupunta raw siya rito. Maglalaro raw kami," dinig kong wika ni Marco.

Bumulalas si Hector nang pag-iyak. Mas lalo niya itong niyakap nang mahigpit. "Wala na siya! Iniwan niya na tayo,"

Napatakip ako nang bibig, nadurog ang puso ko sa sinabi niya. I think pain had brought us here, puso niya ang nagturo hindi ang kanyang isipan.

At si Marco, napaka bata pa niya para maranasan ang ganito kasakit. Wala akong nagawa kundi pagmasdan sila habang patuloy ang pagbuhos nang malakas na ulan sa paligid namin.

Inaya ko silang mag-amang bumalik na. Pagdating namin sa funeral homes, nanginginig kaming tatlo sa lamig. Nagulat ang lahat lalong-lalo na si mommy Gloria, inasikaso nila kami kaagad. Mabuti nalang may dinala akong extrang damit at since may banyo sa sleeping quarter malapit sa chapel ay agad akong nakapag-palit. Tumulong na rin ako sa pag-asikaso sa mag-aama, pareho kasi silang tulala. Natatakot akong baka bigla nalang lagnatin si Marco dahil ang tagal niyang nababad sa ulan.

"Hindi ko talaga alam kung papaanong namuhay sina Hector during those past years na wala tayong idea na buhay pala siya," wika ni mommy.

Naka-upo kami sa isang couch sa loob nang sleeping quarter. Pinagmamasdan namin sina Hector at Marco na natutulog sa kama.

"Sabi ni Maya noong nabubuhay pa siya. Naging Malaki ang epekto nang amnesia at sakit sa ulo ni Hector para mamuhay sila nang normal," wika ko. Umiiling si mommy Gloria. May hawak akong isang tasa nang mainit na tsaa at may nakabalot na twalya. "Palipat-lipat sila nang tirahan. Nang una ko palang makita ang anak niya, naging magaan kaagad ang pakiramdam ko rito, kasi para talaga siyang batang Hector,"

"Alam mo bang pineke nila ang kanilang marriage contract. De Leon ang apelyido ni Maya kaya dalawang De Leon ito. Hindi sila kasal at peke rin ang birth certificate nang apo ko," nasorpresa ako sa sinabi ni mommy Gloria. Nagawa nilang itago iyon sa loob nang pitong taon. Mabuti nalang nalaman kaagad ang tungkol kay Marco kasi mahihirapan siya kapag tumanda na ito. "Yan ngayon ang problemang inaayos namin ni Ben,"

"Hindi pala-kaibigan ang apo ko sa school niya hindi katulad ni Hector," dagdag ni mommy Gloria. Napangiti ako nang ma-alala ang dating Hector ngunit nalungkot bigla kasi malaki pala ang naging impact nang kanilang buhay sa psychological aspect ni Marco. "Kilala mo naman siya di ba,"

Nilapag ko ang tasa nang tsaa sa side table at hinawakan ko ang kamay ni mommy Gloria. "May kakilala po akong taga NSO mom. Pwede ko po kayong tulungan tungkol sa birth certificate ni Marco,"

Mommy Gloria pursed her lips and nod. Huminga siya nang malalim. "Nang mga araw na malapit nang matapos ang petition papers ni Hector. Alam mo bang ipinaglaban ka niya. Mas pinili ka niya kaysa sa amin kaya wala kaming nagawa kundi itigil ang petisyon,"

Those words broke my heart, kahit ngayong limot ko na ang mga ala-alang iyon ay kusa pa rin akong ibinabalik dito. May namuong luha sa aking mga mata pero mabilis kong iniba ang usapan. "Mom, alagaan niyo si Marco. Give him all the love and care – na hindi na ma-ibibigay pa ng kanyang ina, "

"Don't worry Ara – we will...pati na si Hector, "

Nagpaalam ako kay mommy Gloria at nagtungo sa banyo. I locked the door and stared at my reflection in the lavatory mirror. Bigla akong napatakip nang aking bibig, tumulo nang tuluyan ang aking mga luha.

Bakit kung Kaylan ipinaglaban ni Hector ang pag-ibig niya sa akin noon, mauuwi lang pala sa wala ang lahat. Ngayon, sayang lang kasi hindi na niya ito maaring gawin pang muli.

***

Kinabukasan, Friday, nailibing sa isang memorial park sa Paranaque si Maya. Kahit wala naman kaugnayan sa kanya ang mga taong dumalo ay naging malungkot pa rin ang buong paligid. Iyak nang iyak sina Hector at Marco.

Sinabi ni Hector sa akin na unti-unti na raw niya natatanggap sa kanyang isipan na asawa niya ang nilibing ngunit wala pa rin siyang ideya kung bakit siya namatay. I never left his side kahit hindi ko kayang makitang nasasaktan ito.

Matapos ang libing, nag-request akong manatili pa rin nang isang araw para makasama siya. Tumuloy ako pansamantala sa kanilang row house unit.

"Ara, itigil mo na muna yan. Halika na rito, kumain na tayo," wika ni mommy Gloria. Wala silang katulong kaya hands on sila ni daddy Ben sa pag-aasikaso sa dalawa.

Pinatay ko ang tablet dahil panay ang aking research tungkol sa mga treatment na gusto kong itulong sa kanila. Nagtungo ako sa dining table at nakita kong, kumpleto na pala silang lahat.

"Dito ka na umupo," na sorpresa ako nang sabihin iyon ni Hector.

Naka-ngiti siya habang inusog ang upuan, hindi ko maiwasang mapangiti na rin sa kanyang ginawa. Lately, napapansin kong palagi nalang siyang nasa tabi ko at kung minsan nahuhuli ko pang nakatitig sa akin.

Na sorpresa ako nang pagsandukan niya ako nang kanin. Nabaling ang aking tingin kaynila mommy Gloria at daddy Ben at abot langit ang kanilang mga ngiti. After seven years, muli akong naka-dama nang kilig kay Hector. Na para bang nagsisimula akong muli sa dati. Hinayaan ko siyang gawin ang mga bagay na iyon.

Ngayon, sigurado na ako sa aking magiging desisyon. Ayoko nang mawala pa ang mga ganitong sandali nang aking buhay, alam ko na kung sino ang nilalaman nang aking puso. Handa na akong pumili muli at hindi ko na ito pagsisisihan pa. Kung ito naman ang tama, handa ko itong paninindigan.

***

Monday morning, nagtungo ako sa studio ni Eric. Hindi ko expect na may iba pa pala siyang bisita.

"Melay," wika ko pagpasok. Nasorpresa ang kanyang mukha at alam ko kung bakit naging ganoon ang naging reaksyon niya.

"Ikaw pala Ara, kamusta ka na?" she asked me na parang ang pormal nang kanyang boses.

Walang bahid nang concern man lang sa nangyayari sa amin ni Eric but I answered anyway. "Eto okay lang – naririto ba si Eric? Gusto ko kasi siyang maka-usap,"

Mabilis siyang sumagot. "Wala siya – umalis daw," and I find it strange na para bang hindi niya ako kilala.

"Ganun ba, sige alis na ako,"

Lumabas ako nang kanyang studio at nagpasyang magtungo nalang nang aking clinic. Isang linggo kaming nawalan nang communication, pero desisyon ko naman iyon. Patungo ako sa parking lot nang bigla nalang may yumakap sa akin mula sa likod.

Nagulat ako at napatigil sa paglalakad. "Baby, I miss you...I'm sorry!"

Ang higpit nang pagkakayakap ni Eric, umiiyak pa siya. Napa-pikit ako nang mata at humarap sa kanya. "Eric let's talk" inaya ko siya sa aking sasakyan.

"Mababaliw ako ka-iisip sa iyo baby," malungkot niyang wika. I stared my eyes into vacant space. Nag-iipon kasi ako nang lakas nang loob. "Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko?"

"Eric may sasabihin ako sa iyo – " huminga ako nang malalim. Hindi ko siya tinitignan sa mata ngunit alam kong nakatingin siya sa akin. "Palagi na kasing hindi nagiging maganda ang nangyayari sa atin," alam ko sa sarili kong ako ang nagkulang. Yumuko ako and put my hands together. "Napag-isip isip ko – "

I made a long pause at dama kong, nakikinig siya sa akin. "I'm breaking up – tapusin na natin ito,"

Masama na kung masamang babae, nagpapakatotoo na ako. Siguro this is the only way na magawa ko ang aking goal ngayon. Ang tagal naming dalawang natahimik.

"Alam mo bang – " walang buhay na sambit ni Eric. "Birthday ko ngayon,"

Napa-pikit na naman ako nang mata, oo nga pala, hindi ko ito na-alala. Now I'm guilty again, siguro ngang tama lang ang aking ginawa.

"I'm sorry Eric – tapusin na natin ito. Wala nang mangyayaring kasal. Tignan mo, nasasaktan nalang kita palagi, hindi mo ba nararamdaman yun,"

Tinanggal ko ang sing-sing sa aking daliri at binalik sa kanya. Tumutulo ang luha sa kanyang mga mata, hindi niya ito inabot kaya nilagay ko ito sa bulsa nang kanyang polo shirt.

"Pero bakit?" wika niya. Humihikbi siya. "Nagpapaka-manhid naman ako ah kapag sinasaktan mo ako. Pero ang iwan ako – "

Napabulalas ako nang pag-iyak. "Mahal ko siya eh! Siya lang talaga,"

Bigla niya akong hinawakan nang mahigpit sa aking magkabilang braso, gusto niya akong yakapin at hagkan. Wala siya sa sarili dahil umiiyak siya. "Eric bitawan mo ako! Nasasaktan ako – lumabas ka nang kotse ko please – "

"Clara – I love you – huwag mong tapusin ito, hindi ko kaya,"

Bigla akong natakot kasi may force na ang paghawak niya sa akin. "Lumabas ka – please," bulalas ko.

Napilitang lumabas si Eric, pero nagulat ako nang hampasin niya ang bintana habang umiiyak. Sinara ko ang pinto at mabilis na pinatakbo ang sasakyan. Nanginginig ako sa takot habang ang bigat nang aking nararamdaman. Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng ganoong klaseng courage dahil sa mas mahal ko si Hector.

Nakita ko sa side mirror na hinabol pa niya ako pero nang binilisan ko ang pagpapatakbo, sumalampak siya sa konkretong kalsada at umiyak na parang bata. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko ito sa kanya. Breaking his heart for the second time at ako pa ang nakagawa nito.

Nang makalayo na ako nang building, itinigil ko ang sasakyan sa tabi nang isang sidewalk. Sumandal ako sa upuan at pumikit, naghalo-halo na naman ang aking emosyon.

Akala ko magiging okay na ang lahat ngayong matagumpay kong tinapos ang ugnayan namin sa isa't isa. Pero bakit mas lalo atang bumigat ang nararamdaman ko, minahal nga ako ni Eric pero hindi ko ito masuklian nang katapat na pagmamahal.

True love is honesty and I made an honest choice, na mas hindi ko pagsisisihan. Masaktan man ako sa nangyayari kay Hector ngayon pero siya talaga ang totoong nilalaman nang aking puso at isipan, noon pa, na kahit gumawa ako nang planong ilayo ko siya sa aking buhay ay daig ko pa ang paulit-ulit na pinapatay.

Sinubsob ko ang aking mukha sa manibela at humagulgol muli nang pag-iyak. Magiging okay din ako pagkatapos nito. Kaylangan ko lang kalimutan si Eric sa aking isipan nang tuluyan.