Two nang madaling araw, panay ang tunog nang doorbell sa pintuan, kabadong-kabado na ako. Narinig kasi ni Eric ang sigaw ni Hector kanina. Sa sobrang pagkataranta, hindi ko na-off ang tawag. Hindi ko alam ang aking gagawin ngayon, ayokong magpang-abot na naman silang dalawa, kawawa si Hector.
Nang lumalakas na ang ingay sa pinto, wala akong nagawa kundi buksan ito. Nakakahiya kasi sa mga kapitbahay at hindi titigil si Eric nito. Pagbukas ko nang pinto, nakatayo siya na namumula sa galit ang mga mata. Mas lalong dumoble ang nararamdaman kong kaba at takot.
Iniikot niya ang kanyang paningin sa loob nang unit at nang makita niya si Hector, saka siya humakbang papasok. Humagulgol ako ng iyak at niyakap ko siya nang mahigpit. "Please Eric, huwag, huwag mo siyang saktan," pagmamaka-awa ko.
Tuloy-tuloy lang si Eric na wala atang naririnig, mas lalo kong hinigpitan ang aking pagkakayakap. Iyak ako nang iyak kasi yun nalang ang naisip kong gawin. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang mga braso at kamay, sa galit habang ako, sa takot. Nababasa na nang aking mga luha ang parte nang kanyang dibdib, hindi ako bumitaw.
Mas lalo ko pang sinubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib hanggang sa tumigil siya sa paglalakad. Naramdaman ko ang paghinga niya nang malalim. Saka ako bumitaw habang patuloy sa pag-iyak. Nakatitig si Eric sa akin, napapahawak siya sa kanyang sentido.
Tumalikod siya at lumapit sa pinto, sinara niya ito ng dahan-dahan. Nagulat ako nang bigla niya itong sinuntok. Napasalampak siya sa sahig at bumulalas nang pag-iyak. Tinalikuran ko siya at lumapit kay Hector.
***
Paulit-ulit kong dina-dial ang number ni mommy Gloria pero not available na ito.
"Hector," wika ko, lumapit ako sa kanyang muli. "May alam ka ba kahit kaunting impormasyon sa sarili mo? Kung saan ka nakatira?"
Matipid siyang sumagot. "Huh," wala siya sa kanyang sarili.
Doon na ako kinabahan, kung negative ang psychosis at DID may idea na ako kung ano nangyari sa kanya.
"Inaantok ako," sambit niya muli. Tumango nalang ako.
Inalalayan ko siya pag-higa at tsaka kinumutan. Para siyang bumalik sa pagkabata, isang walang muwang na hindi alam kung sino siya. Doon ko lang ito naunawaan bigla, mas lalo akong nag-alala.
Hindi ko sinasadyang lingunin si Eric na nakayuko at panay ang iyak. I felt guilty and sorry na naman, kaylangan ko na talagang ipaliwanag sa kanya ang lahat. Nag-alala rin kasi ako sa kanya dahil yung kamao niya may dugo.
Nang makahiga na si Hector sa sofa, iniwan ko siya and I rushed to the toilet sa overhead cabinet. Kinuha ko ang aking first aid kit at tsaka nagtungo kay Eric. Umupo rin ako sa sahig paharap sa kanya. I clutched his left hand pero bumitaw siya sa akin sabay baling nang tingin sa ibang direksyon.
"Eric please," pagsusumamo ko. Namamaga na ang aking mga mata.
Bumaling si Eric nang tingin sa akin at tumitig bago niya ibigay ang kanyang sugatang kamao sa akin. I tended his wounded hands na hindi kami nagkikibuan. Hindi man lang siya ngumiwi sa sakit nang linisin ko ang kanyang sugat.
Natapos ang aking ginagawa at saka ko napansing kapwa na pala kami lumuluha. Hindi ako umalis sa kanyang tabi, sumandal din ako sa pader at pareho naming pinagmamasdan si Hector na natutulog.
We never talked for almost a minute, hanggang basagin niya ito. "Tell me Ara...sino siya sa buhay mo?"
"Long story Eric,"
"Then handa akong making,"
Napa-yuko ako at nag-ipon nang lakas nang loob.
"Seven years ago, dati ko siyang boyfriend," wika ko. Gusto kong mawala ang guilt sa puso ko. "He had an accident na inakala naming lahat na namatay siya but suddenly, bigla siyang nagbalik. Nagbalik siyang buhay ngunit burado ang ala-ala sa akin,"
"Do you still love him...huh?"
"No," sagot ko pero nagsisinungaling na naman ako eh.
Inangat ko ang aking ulo at napatingin sa kisame. I can't do this anymore, lumingon ako kay Eric. "Oo Eric – mahal ko pa siya,"
Bumulalas siya ng pag-iyak. He stood up, nagulat ako nang buksan niya ang pinto at lumabas. Hinabol ko siya at dahil wala pa ang elevator, nagtungo siya sa hagdan at bumaba. Sinundan ko pa rin siya, binagtas namin mula twentieth floor hanggang sa baba.
"Eric," walang tigil kong pagtawag ngunit hindi niya ako naririnig.
Nakalabas kami nang building at nagtungo siya sa kanyang ford ranger na naka-park sa di kalayuan. He never glanced back at me hanggang maka-pasok siya nang kanyang sasakyan. Pina-andar niya at hinabol ko siya nang wala sa sarili. Saka nalang ako tumigil nang hindi ko na kaya pang habulin ito.
Napa-yuko ako at humahangos. I break down, crying. Unti-unti nang lumayo ang kanyang sasakyan hanggang sa mawala ito sa aking paningin.
Nagbalik ako nang aking unit, natutulog pa rin si Hector nang madatnan ko. Sumalampak ako sa sahig katabi niya, I stared at his face again. Mali bang tanggapin si Eric sa buhay ko? Sobra-sobra na ang pagsubok na ito. Hindi ko na naman nakayanan ang aking sarili kung kaya't mas lalo akong napabulalas nang pag-iyak.
"Bakit ka naiyak?" natigilan ako. Tinanong ako ni Hector.
Nagising ko pa ata siya. "W – wala naman, pasensya na,"
Bumangon siya mula sa pagkakahiga at umupo. "Pina-iyak ka ba niya?"
"Hin – hindi," nararamdaman niyang nasasaktan ako ngayon.
Umupo na rin siya sa sahig, sa tabi ko, mas lalo akong na-iyak. Kasi it's strange lang ng gawin niya yun, pero hindi na ito mahalaga. Niyakap ko siya nang mahigpit nang wala sa sarili. Niyakap niya rin ako pabalik, hindi ako makapaniwalang matapos ang mahabang taon, ay mayayakap ko siya ng ganito kahigpit muli.
***
Nakatayo kaming dalawa sa rooftop nang condominium building, inaya ko siyang magtungo rito. Parehas naming pinagmamasdan ang Ortigas skyline sa madaling araw. Ang tahimik at may malamig na hangin kaming nararamdaman, napaka-payapa nang buong paligid. Gusto kong gawin ito kasama siya hanggang sa sumikat ang araw.
"Dito ako pumupunta kapag malungkot ako – kapag na-aalala ko siya," usal ko.
Tahimik siya sa aking tabi ngunit hindi mukhang maligalig. Napa-ngiti ako, gusto ko siyang titigan sa mukha ng matagal, yung lagi kong ginagawa dati.
"Siya yung lalaking tumatambling kapag sobrang saya niya," wika ko. Kahit hindi niya ako naiintindihan. "Siya yung taong ang tanging pangarap sa buhay ay mapangasawa ako at magka-pamilya kami. Siya yung matulungin na kung minsan uunahin niya ang kapakanan ng iba bago ang kanyang sarili, gustong-gusto niyang sabay naming pinagmamasdan ang magagandang bagay sa paligid gaya ng paglubog ng araw. Minsan salbahe siya kapag may sakit ako pero kina-aaliwan ko iyon,"
Tumutulong muli ang aking mga luha. "Mahal na mahal niya ako noon – pero naka-limot na siya ngayon," paulit-ulit nalang ba akong masasaktan. "Nagbalik ka nga Hector. Pero maramot ka pa ring pinag-kait sa akin,"
Okay lang yun, hayaan ko nalang, at least kahit sa ganitong pagkakataon kasama ko siya ngayon.
"May nararamdaman akong masakit," sambit ni Hector.
Kunot noo akong natigilan sa sinabi niya. "Masakit?"
"May umiwan sa akin,"
"May umiwan sa iyo?" balik ko, hinahampas na naman niya nang mahina ang kanyang sentido. Hindi na siya kumibo kasi bumalik ang kalituhan nang kanyang pag-iiisip.
Kinuha ko ang aking phone sa bulsa at muling tinawagan si mommy Gloria. He is suffering from a traumatic experience at pala-isipan sa akin kung ano o sino ang tinutukoy niya. Ngayon may theory na ako kung ano talaga ang nangyari sa kanya. Napa-pikit nalang ako nang aking mga mata nang mag-ring sa kabilang linya, Salamat nalang talaga.
"Ara...mabuti't tumawag ka alam – " pinutol ko siya kasi napabulalas na ako.
"Mom, kasama ko si Hector ngayon. Pumunta po kayo sa unit ko," sunod ko nalang na narinig ay ang pagbulalas ni mommy Gloria sa kabilang linya. Bigla akong natuwa nang marinig kong muli ang kanyang boses.
Five nang umaga, nakarating sina mommy Gloria at daddy Ben sa aking unit. May alam ba sila na nagkakaganito si Hector ngayon? Pagbukas ko palang nang pinto, sinalubong ko agad sila ng isang mahigpit na yakap.
Namamaga rin ang mata ni mommy Gloria tulad ko, ilang araw na kaya sila naghahanap? Nakita ni daddy Ben si Hector, tumakbo ito patungo sa kanya at niyakap din ito ng mahigpit.
"Thank you, Ara," maluha-luhang wika ni mommy Gloria.
"S – sino ka?" narinig kong sabi ni Hector, bumaling ako nang tingin sa kanya.
Kumawala sa pagkakayakap si daddy Ben at nagtatakang lumingon sa akin. Inakay ko si mommy Gloria na bakas din ang pagtataka sa kanyang facial expression.
Lumapit kami pareho kay Hector. "Sila ang mga magulang mo Hector," wika ko sa kanya.
Nagpabalik-balik siya nang tingin sa kanilang dalawa. "Magulang?" tanong niya, tumango ako.
Napa-yuko si Hector at napahawak sa kanyang ulo. Napa-iyak muli si mommy Gloria, hindi na niya siguro makayanan ang pangungulila sa kanya kung kaya't pinulupot niya ang kanyang mga braso rito ng mahigpit.
Niyakap siya pabalik ni Hector kahit mukha siyang nalilito. Naiyak na rin si daddy Ben at sinaluhan silang dalawang mag-ina dahil nabigla rin siya sa kalagayan ng kanyang anak ngayon.