Chereads / Hector I Love You / Chapter 47 - CHAPTER 46

Chapter 47 - CHAPTER 46

Nagbalik ako sa burol at napansing nagkakagulo sa loob nang chapel. May kumpol nang mga tao sa pintuan, kumaripas ako nang takbo.

"Ano po ang nangyari?" tanong ko sa isang matandang babae.

"Naku anak, nagwawala si Hector sa loob,"

Nanlaki ang aking mga mata at nagmamadaling pumasok sa kwarto. Nadatnan ko sina mommy Gloria at daddy Ben na inaawat si Hector. Hawak pa niya ang isang vase nang bulaklak at binato ito kung saan. Nagkalat ang mga ito sa paligid malapit sa kabaong ni Maya.

"Sino ba ako!" bulalas ni Hector.

Dahan-dahan siyang nilapitan ni daddy Ben at niyakap nang mahigpit. "Anak tama na!"

Binabatukan ni Hector ang kanyang ulo. "Bakit wala akong ma-alala? Bakit hindi ko kayo kilala? Sino ba talaga kayo?"

Lumapit na rin si mommy Gloria sa tabi niya. "Anak ka namin Hector. Ako ang mommy mo, tahan na,"

Tumakbo ako patungo sa kanila at nabaling ang umiiyak na mukha ni mommy Gloria sa akin.

"Ara ano ba ang nangyayari sa anak ko?" bulalas niya.

Takot na takot ako kasi hirap na hirap si Hector. "Mom, gaya nang sinabi ko. Mas malala ang amnesia niya ngayon. Huwag kayong mag-alala maayos din ang lahat. Ilayo muna natin siya sa kabaong ni Maya,"

Siguro, naging bayolente ang kanyang reaksyon nang pilitin niyang magbalik-diwa at kumonekta sa nangyayari sa kanyang paligid. Nawala rin ba ang ala-ala niya tungkol sa pagkamatay ni Maya? Pero bakit nakakaramdam siya nang sakit. Nabigo siyang kilalanin ang lahat kaya mas lalo siyang naging aburido.

"Papa!" nabaling ang tingin ko sa pinto nang sumulpot si Marco.

I glanced back at Hector's direction at napansin kong bigla siyang bumitaw kay daddy Ben. Tumakbo siya kay Marco at niyakap ito. Automatic ang kanyang response, may natitira pa rin siyang declarative memory kahit papaano.

Niyakap ni daddy Ben si mommy Gloria, hinayaan nalang namin silang mag-ama. Nangungulila si Hector sa mga yakap niya and it's amazed me. Nag-iisip tuloy ako ngayon, saan kaya hahantong ang lahat, ano pa ang susunod na mangyayari?

***

Napagpasyahan kong manatili muna sa kanila nang matagal hanggang sa ma-ilibing si Maya. Kina-usap ko si Rachel na mag-leave muna ako, hindi ko alam kung gaano katagal. Gusto kong umalalay kaynila mommy Gloria para kay Hector. Sa mga susunod na araw, babantayan ko siya.

Kina-usap ko na rin si mommy Gloria na ipa-admit siya sa ospital kapag nailibing si Maya. Alam kong normal naman ang lahat sa kanya pwera nalang sa kanyang amnesia pero mas lalong mapag-tutuunan nang pansin ang kanyang treatment nang iba pang eksperto roon.

"Marco, gutom ka na ba?" tawag ko sa bata. Lumapit siya sa akin. My dala-dala akong supot na may lamang pagkain na binili ko pa sa malapit na fastfood restaurant. Kinuha ko ang hamburger at binigay sa kanya. Naupo siya sa aking tabi. "Kainin mo lang yan at kapag gusto mo pa, kunin mo itong isa sa supot,"

Tumango ito nang hindi kumikibo. Marco is such a sweet kid pero nakakaawa lang dahil sobra-sobra nang stress ang nararanasan niya sa kanyang mga magulang. Hindi ko malubos maisip kung papaano niya tinatanggap ang sakit na mawalan nang isang ina at nang isang amang may amnesia.

Salamat nalang talaga at nakikilala siya ni Hector. Yung pagiging tahimik niya, senyales na iyon nang traumatic experience. Ngayon, hindi lang si Hector ang gusto kong tulungan, pati na ang anak niya kasama na rin sina mommy Gloria.

"Ate Clara, kagabi po napanaginipan ko si mama," he spoke to me out of the blue habang ngumunguya. Nakinig ako sa kanya, I looked at his face, his face na may namamagang mata. "Naka-ngiti po siya sa akin,"

Hinaplos ko ang kanyang buhok. "Gustong sabihin sayo ni mama mo na mahal na mahal ka niya,"

Tumigil siya sa pagkain, napansin kong may namumuong luha sa kanyang mga mata. Para siyang matanda kapag umiyak, hindi siya bumubulalas gaya nang ilang bata. Niyakap ko siya nang mahigpit. "Alagaan mo ang papa mo Marco. Mahal na mahal kayo nang mama mo,"

I can't believe na nasabi ko sa kanya iyon. Mataas na ang respeto ko kay Maya ngayon kasi she showed me a different side kung papaano mahalin ang isang Hector.

Nagulat ako dahil nasa harap na namin si Hector na nakatayo, napa-lunok ako. Bigla siyang umupo at inalis ang luha sa mata ni Marco. "Huwag ka nang umiyak anak. Nandito na ako,"

Hinaplos niya ang maliit na mukha nito, gusto kong maluha kasi ang galing lang talaga, nagtira pa rin ang isipan niya kahit papano. Nang isang taong ma-aalala niya, ngayon, okay lang sa akin na hindi ako yun, tanggap ko na. Mas kaylangan ni Marco ang pagmamahal ni Hector ngayong may nawala na sa kanilang isa.

Niyakap niya ang kanyang anak habang tinititigan ako sa mata. There's a sparkle in his eyes habang gumuguhit ang isang ngiti, na para sa akin. I pursed my lips, it's okay Hector, don't try to remember me, I will be okay.

***

Huling araw nang lamay ni Maya at naging maulan pa. Six nang hapon at naging abala na sina mommy Gloria para sa mangyayaring libing bukas. Sa tulong nang kanilang mga kamag-anak ay nagsimula na silang mag-ligpit. Sabi niya, hindi man nila lubusang kilala si Maya ay awa nalang ang nagtulak sa kanila para ito'y paki-damayan.

And it broke my heart once again, knowing kung ano ang pinag-daanan ni Maya sa buhay. Ngayon, sana lang masaya na siya kapiling nang kanyang mga magulang kung nasaan man siya ngayon.

"Ara, maraming salamat talaga sa iyo," wika ni mommy Gloria. Nasa labas kami nang kwarto at naka-upo malapit sa pintuan. "Na-abala ka pa naming sa trabaho mo,"

"Mom! Ano ba kayo, okay lang. May pinangako ako di ba na babantayan ko si Hector, itutuloy ko ang treatment sa kanya. Don't worry hindi niyo ako na-abala,"

She held my left hand. "Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot sa sitwasyon natin ngayon,"

"Mom, huwag kayong mag-alala. Makaka-recover pa rin si Hector,"

"Naniniwala ako sa iyo Ara. Alam mo bang – " naputol siya dahil sumulpot bigla si Hector malapit sa amin. Humihingal siya na kagagaling pa ata sa pagtakbo, hindi siya mapakali.

Alistong tumayo si mommy Gloria at lumapit sa kanya. "Anak! Bakit? Anong nangyayari sa iyo?"

"Nawawala si Marco! Nawawala ang anak ko,"

Napatakip ako sa bibig, napalingon ako sa labas nang corridor na kinaroroonan namin. Mas lalo kasing lumakas ang ulan, nagkulay gray pa ang buong paligid.