Chereads / Hector I Love You / Chapter 44 - CHAPTER 43

Chapter 44 - CHAPTER 43

Tatlong buwan ang lumipas, pakiramdam ko yung nangyari kahapon ay isang masamang panaginip lamang. Tuluyan na talagang natuldukan ang kaugnayan ko kay Hector at nagka-ayos na kaming muli ni Eric.

Siguro ngayon, nasa mas magandang facility na si Hector para sa kanyang treatment. Makakasanayan din nila Maya at Marco ang buhay doon. Kapag na-aalala ko yung huling pagkikita namin sa ospital na isinigaw niya na na-alala na niya ang lahat, naniniwala akong natanggap na rin niya sa kanyang sarili na hindi na maari pang maging kami. We both move on para sa sarili naming future.

Nagpatuloy kaming muli ni Eric para sa mga plano namin, bago at hanggang sa matapos ang wedding. Kung ano ang mga balak namin kapag nagsimula na kaming bumuo nang isang pamilya. Hindi na namin inuungkat yun hindi magagandang nangyari a few months ago. Palagi kong sinasabi sa sarili ko, it was all my fault at wala talagang kinalaman si Eric dito. Binalik ko sa dati yung atensyong nawala sa kanya and kept going.

"Wala akong mapili tita, ano ba ang maganda sa tingin mo?" wika ko kay tita Cecile.

Naroroon ako sa unit nila. Nagtungo ako rito kasi my agenda kami ni tita Cecile na bumili nang gift para kay Eric, next week birthday na niya.

"Sus! Hindi naman maluho ang pamangkin ko Ara," sagot ni tita Cecile. Hawak ko ang tablet at naghahanap kami online. "Kahit simpleng regalo lang, okay na sa kanya. Ang mahalaga yung balak nating surprise party,"

"Ang totoo po niyan, wala ako maisip na idea. Yun kasi ang forte niya, baka hindi siya ma sorpresa,"

"Batukan ko pa siya kapag hindi siya ma-surprise, pilitin niya, nag-effort tayo run ah," natawa ako sa tono nang pananalita ni tita Cecile.

Napatitig ako sa tablet nang may lumabas nang imahe nang isang brown butterfly doon, sumeryoso bigla ang aking mukha. It looked very familiar, kinabahan nalang ako nang hindi ko maipaliwanag.

"Ang Mabuti pa, dun nalang tayo sa mall maghanap," sambit ni tita Cecile, nagbalik diwa ako sa sinabi niya and I gave her a forced smile on my face.

Tumayo ako nang biglang tumunog ang aking phone na naka-patong sa coffee table. I picked it up at nagtaka sa taong tumatawag sa akin. Si ma'am Yolly kasi ito at wala ata kaming napag-usapang appointment but I answered it anyway.

"Napatawag po kayo?" tanong ko agad sa kanya. Lumayo ako nang bahagya kay tita Cecile.

"Dok Ara, pwede ba kayong pumunta rito sa office namin ngayon?"

"Bakit po ma'am Yolly?"

"Kilala mo si Marco de Leon di ba?" bigla akong nanginig sa aking narinig.

Umurong ata ang aking dila dahil sa pagkabigla. "Natagpuan kasi namin siya kahapon sa Greenhills. Di ba may amnesia tong taong ito? Pwede mo ba kaming tulungan? Dinala namin siya rito sa opisina namin,"

Questions popped out in my mind, tama ba ako nang aking naririnig? Siya ba talaga yung tinutukoy niya? Baka nagkakamali lang siya. Nanghina ang aking tuhod at di ko maiwasang mapasalampak sa sahig, nabitawan ko pa ang aking android phone.

Lumapit si tita Cecile sa akin. "Ara anong nangyari? Bakit?"

Hindi ako makakilos, nahihibang na naman ba ako kaya parang si Hector ang tinutukoy niya at yun ang pagkakaintindi ko? I looked on my side dahil pinulot ni tita Cecile ang aking phone.

Siya ang sumagot. "Ninang niya to, may tsinek lang – " then it hit me all of a sudden.

Bigla kong inagaw ang phone kay tita Cecile. "Pupunta po ako diyan ma'am Yolly, antayin niyo po ako,"

Wala ako sa sariling tumayo at nagpaalam sa kanya. Nagmamadali akong lumabas nang kanilang unit at nagtungo roon.

***

Eight nang gabi at narating ko ang kanilang office na nasa loob ng compound nang city hall. Sarado na ang lahat ng mga opisina roon pero ma'am Yolly informed me na hihintayin niya ako.

Nasa loob ako nang aking Honda accord, tulala at paulit-ulit na tinatanong ang sarili. What if kung siya nga iyon? Pero imposible. Wala na si Hector pati na ang buo niyang pamilya dito sa bansa natin and mommy Gloria confirmed it.

Sumandal ako sa backrest at napa-pikit nang mata. I tried to compose myself, thinking of an appropriate reaction. Kaylangan ko nang lakas nang loob, sana mali si ma'am Yolly nang inakalang tao.

Inalis ko ang seat belt nang tumawag na naman siya sa akin. Bumuntong hininga ako, binuksan ang pinto nang sasakyan at lumabas. Sinagot ko siya habang naglalakad patungo sa kanilang office.

"Nagulat talaga ako doktora kasi muntik na namin siyang masagasaan nang aming sasakyan," paliwanag ni ma'am Yolly. Nanlaki ang aking mga mata. Si Hector nga, tanaw ko siya mula sa salaming bintana nang isang kwarto. Tulala lang ito. "Mabuti nalang namumukhaan ko siya pati na nang dalawa kong kasama, kina-usap ko siya kaso na-alala ko nga palang may amnesia siya,"

Bakit? Papaano nangyari ito? I wanted to break down and cry kasi mas nakaka-awa yung itsura niya ngayon.

"Kakausapin ko po ma'am Yolly," wika ko. Tumango siya sa akin.

Pumasok ako sa loob nang kwarto. At habang dahan-dahan akong napapalapit sa kanya, naisip kong muli yung nangyaring gulo sa ospital, yung sinabi niyang nakikilala na niya ako. Kakausapin ko siya, baka bumalik na nang tuluyan ang ala-ala niya sa akin.

"Hector...k – kamusta ka?" napukaw ko ang kanyang atensyon. Yung facial expression niya para siyang disoriented.

"Sino ka?"

I closed my eyes at huminga nang malalim. Pakiramdam ko, ibang tao ang kausap ko ngayon. Iba ang tono nang kanyang pananalita, tinitigan ko ang kanyang mga mata, wala itong buhay at nangangalo pa. Ano ang nangyari sa kanya ngayon? Bakit parang mas lalo atang lumala ang kanyang amnesia. Naramdaman kong pumasok na rin si ma'am Yolly na ngayon ay papalapit sa akin.

"Medyo kumplikado po ang amnesia niya ma'am Yolly," wika ko. Hindi na nagsalita si Hector. Nakatingin siya sa akin pero tumatagos ang paningin niyang iyon. Para siyang batang nawawala. "Hindi pa po tuluyang bumabalik ang ala-ala niya,"

"Oh my God! Talaga, kaya pala ganyan na siya ngayon, nakaka-awa naman,"

Ngayon gulong-gulo ako kasi papaano siya nauwi sa ganito, akala ko ba tuluyan na siyang lumayo. Muli kong sinubukang magtanong. "Kilala mo ba sina Gloria Villanueva? Si Maya de Leon?"

Hindi siya sumagot, isang blangkong titig lang ang binigay niya sa akin. Tensyonado ang kanyang kilay. Mas lalo akong nag-alala para sa kanya.

"Ma'am Yolly pwede ko ba siyang dalhin sa ospital ngayon? Okay lang ba?"

"Okay lang," sagot ni ma'am Yolly. "Kaya ko ni-request na ilagak dito, na-aawa kasi ako, since ikaw ang gumagamot sa kanya. Ikaw yung tinawagan ko. Sige doktora dalhin mo siya,"

"Salamat po, pasensya na huh,"

"Okay lang Ara, bakit ka nagpapasensya. Sana maibalik mo siya sa kanyang asawa at anak, baka hinahanap na siya. Mag-isa lang kasi namin siyang nakita,"

I'm calculating those words na binabanggit ni ma'am Yolly, naghahanap ako nang kasagutan sa mga oras na iyon. Ngunit naging isa itong mapanghamong pala-isipan hanggang sa makalabas kami nang opisina nila.

Kusa siyang sumama nang inaya ko, kasi nga hindi siya nagsasalita. May D.I.D na ba siya ngayon? Para kasi siyang batang kumilos na tahimik at behave na behave. Wala na ba siya sa tamang pag-iisip? Psychosis na ba ang nangyayari sa kanya? Kung ano-ano na ang pumasok sa aking isipan. Sinakay ko siya sa kotse at sa shotgun seat ko siya pina-upo. Kaylangan ko pa rin siyang kausapin kahit mukha siyang disoriented, I need an answer.

"Nagugutom ako," sambit niyang muli, sa wakas nagsalita rin siya.

Aware siya na may kasama ngayon at aware rin siya sa gutom which means okay pa ang kanyang declarative memory. Naisipan kong dumaan sa isang fast food restaurant at nag-order ako sa drive thru. Binigay ko ito sa kanya at mag-isa siyang kumain, normal siyang kumain.

Nagbaka-sakali akong magtanong muli. "Hector nakikilala mo ba ako?"

Lumingon lang siya sa akin bago niya muling pinagpatuloy ang pagkain. Naubos niya ang aking order, gutom na gutom talaga siya, gaano kaya siya katagal na hindi kumain? Gusto kong umiyak dahil sobrang na-aawa ako sa kanyang kalagayan.

Bakit ka nagkakaganito Hector? Gusto kong ibulalas, kung pwede lang sana. Napagpasyahan ko tuloy na huwag nalang siyang dalhin sa ospital. Gusto ko siyang makasama, iuuwi ko siya sa aking unit.

***

"Sino ka ba?" tanong muli ni Hector sa akin.

Naririto na kami sa unit at naka-upo siya sa sofa na parang estatwa sa sobrang pagkaka-ayos. Nakakapag salita pa naman siya ng maayos ngunit hindi ko talaga mabasa kung ano ang nasa isip niya.

"Kaibigan mo ako," sagot ko.

Napansin kong naghilom na ang sugat sa kanyang mukha. Tumabi ako at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay. Naging manhid ata si Hector, wala kasi siyang reaksyon man lang.

Bigla akong napa-iyak at hindi ko na ito maitago pa. Niyakap ko siya ngunit wala akong marinig na tanong na kung bakit ako naiyak? Umiiyak ako ngunit walang nagpapatahan sa akin gaya nang ginagawa niya noon. Pakiramdam ko para akong nakayakap sa isang bagay.

Kahit masakit sa aking puso ay dapat matuwa pa rin ako ngayon kasi kasama ko na siyang muli. Kung noon puro larawan at ala-ala lang niya ang pumupuno nang tirahan kong ito, ngayon naririto siya sa aking tabi, buhay na buhay na kahit isa lamang akong estranghero sa kanyang paningin.

Pinahid ko ang luha sa aking mga mata at itinigil muna pansamantala ang aking pag-iyak. Tumayo ako at nagtungo sa cabinet, kumuha ako nang blangket at unan.

"Ang kati...gusto ko maligo," sambit niya nang magbalik ako.

Nabuhayan ako sa sinabi niya. Motor skills, kaya pa niyang mag-fuction na hindi kinakaylangan nang effort. Negative ang psychosis sa kanya. Inobserbahan ko ang kanyang mga kinikilos at sinamahan ko pa siya sa banyo. Kusa siyang naghubad ng kanyang pang-itaas pagpasok sa loob.

Na-alala ko yung damit na iniwan ni papa nang minsan silang magbakasyon dito sa aking unit. Bagong laba yun, ipapasuot ko muna sa kanya pansamantala. Hinanap ko ito sa closet sa bedroom.

Pagbalik ko sa banyo, nagulat ako dahil hubo't hubad na siya ngunit nagmistula siyang estatwa sa pagkakatayo. Binabatukan pa niya ang kanyang sentido. Huminga ako nang malalim, sinabit ko sa hook ang mga damit at pumasok nang banyo. Ako na mismo ang nagpaligo sa kanya.

Tumutulo ang luha sa aking mga mata nang hindi ko namamalayan. May pagkakataong niyayakap ko siya ng mahigpit.

Ang matitipunong bisig ni Hector. Ang katawang nagsisilbing proteksyon ko noon kapag yakap ako nito. Gumuhit muli ang aking sobrang pangungulila. Bakit kung Kaylan limot ko na, heto't isa-isa na namang bumabalik.

Matapos ko siyang paliguan, ako na rin mismo ang nagpunas nang tuwalya sa kanyang katawan. Para siyang batang paslit na wala pang kakayahan sa ganoong bagay. Dahil sa pagod niya siguro, mabilis siyang nakatulog sa sofa. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at hindi mapigilang haplusin ito. Seven years, ngayon ko lang muli itong nahaplos.

Twelve na nang gabi at hindi ako makatulog. Naka-upo ako sa sahig at nakasandal sa sofa kung saan natutulog si Hector. Hawak ko ang tablet at panay ang research tungkol sa kalagayan niya ngayon, gumagawa ako ng theory.

Maraming tanong ang hindi maalis sa aking isip kasi gusto ko siyang masagot lahat. Akala ko ba nasa amerika na sila? Papaano siya napadpad sa Greenhills? Alam ba ito nila mommy Gloria? Bigla ko siyang naisip kung kaya't dali-dali kong kinuha ang aking android phone sa coffee table. Tatawagan ko sana siya dahil hindi ko pa na de-delete ang kanyang number nang bigla itong mag-vibrate. Tumatawag si Eric sa akin.

Tumayo ako at nagtungo sa balcony saka ko ito sinagot. "Hello,"

"Baby, sabi ni tita umalis ka raw bigla kanina, bakit? May problema ba?"

"Uh – wala naman," pagsisinungaling ko, bumilis ang tibok nang aking puso. "Related lang sa work ko,"

Nagulat ako nang bigla kong marinig ang pagbulalas ni Hector. "Huwag mo kaming iwan!" bigla siyang nagising.

Nataranta ako, nagmamadali akong nagtungo sa kanya. Naka-upo siya sa sofa at humahagulgol sa pag-iyak.