"Clara! Ikaw na ba yan? Look at you very successful ka na ngayon," bulalas ni daddy Ben nang makita niya ako after seven years.
Nasa gitna sila nang isang reunion nang madatnan ko silang lahat. Sa isang recovery suite naka-confine si Maya sa fourth floor.
Lalapitan sana ako ni daddy Ben nang pigilan siya ni mommy Gloria. "Dad yung pinag-usapan natin," sambit niya.
Nagkatinginan kami ni mommy Gloria at nangusap sa mga mata, lumungkot ang mukha ni daddy Ben. Mabilis kong iniba ang usapan. "Kamusta na po si Maya?"
"Bumubuti na siya doktora," pormal na sagot ni mommy Gloria. "May sasabihin mamaya ang doktor sa amin pag-gising niya. Kinuhanan kasi ulit siya nang test kahapon,"
"Ara, I'm sorry," singit ni daddy Ben. Sinagot ko siya nang isang ngiti.
Nasorpresa ako ng sumingit si Hector na may magandang ngiti rin sa labi. Tumayo siya sa couch. "Clara siya ang daddy ko," wika niya sa akin na parang bata.
Tumango ako at nasilayan ko na naman ang ngiti niyang iyon.
Pabugso-bugso ang short term memory ni Hector. Makikilala niya si daddy Ben for many hours, pinakamatagal na ang four hours. Pagkatapos nito hindi na niya ito kilala paglagpas nang mga oras na iyon. Ngunit mas mabuti na ang ganoon kaysa naman sa mga naitalang kaso na minuto ang pagitan nang kanilang short term memory.
Ngayon ko na-realize, kumpleto na naman ang kanilang pamilya. Sina Maya at Marco ang nadagdag. Natutuwa ako dahil naging maganda pa rin ang kapalaran sa kanila kahit papaano. Ngayong nabuo na muli sila, itutuloy ko na ang aking plano.
"Uhmm...bakit maingay?" nabaling ang atensyon naming lahat sa kama dahil nagising si Maya.
Napabulalas si Marco. "Mama gising ka na,"
Nabaling ang tingin ko kay Hector, sumeryoso kasi ang kanyang mukha.
"Sino siya?" tanong niya.
Sinagot siya ni mommy Gloria. "Siya ang asawa mo anak, si Maya,"
Nagkatinginan kaming tatlo nila daddy Ben na napa-iling nalang habang pinagmamasdan ang anak. Lumapit siya kay Hector at inakbayan ito, maluha-luha niya itong hinalikan sa noo.
"Anong ginagawa ko rito?" tanong ni Maya. Panay ang sulyap niya sa aming lahat.
Lumapit si mommy Gloria sa kanya. "Hija, nag-collapse ka kahapon. Sinugod ka namin dito,"
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" singit ni Hector. Lumapit siya sa tabi ni Maya, good sign ang pinapakita niyang self-awareness. Nasorpresa pa akong muli dahil hinaplos niya ang mukha nito.
Mangiyak-ngiyak tuloy si Maya, hinawakan niya ang kanyang kamay. "I'm okay pa,"
"Maya siya nga pala ang daddy ni Hector," wika ni mommy Gloria.
Nanlaki ang mata ni Maya at nabuhayan ang kanyang facial expression. Lumapit na rin sa kanya si daddy Ben na kinarga si Marco at pina-upo sa kanyang tabi sa kama.
Naiyak si Maya, alam kong maski siya masaya rin na makita ang pamilya ni Hector na kumpleto.
"Wag kang umiyak hija, baka ma-stress ka masyado," wika ni daddy Ben.
"Dad, natutuwa lang akong makitang kumpleto kayo,"
Napilitan akong lumabas nang kwarto. Deep inside of me, naiinggit ako kay Maya sa tagpong iyon. Dapat sana part ako ng family na yan pero ganon talaga ang buhay eh.
Mabilis akong naglakad palabas ng pintuan patungong hallway at alam kong hindi nila ako napansin. Ngunit hindi na mahalaga sa kanila iyon at isa pa, may agreement na kami ni mommy Gloria. Kaunti nalang at para na namang gustong bumagsak nang aking mga luha sa mata.
Patungo sana ako sa elevator. "Dok Ara," nang mapatigil ako sa paglalakad dahil may tumawag ng aking pangalan.
Pinilit kong kontrolin ang aking emosyon at ngumiti sa kanya. "Dok David, hi, kinamusta ko lang yung patient mo," siya ang sumuri kay Maya kahapon.
"Kilala mo pala si Mrs. De Leon," sambit niya.
"Mrs. Villanueva dapat. Yun kasi ang apelyido nang asawa niya na patient ko, yung may amnesia,"
May kumurot muli sa aking puso dahil sa oras na ito – iniisip ko, dapat ako yun, si Mrs. Villanueva. Dahil sa ayokong bumigay nalang bigla sa kanyang harapan ay nagpa-alam na agad ako sa kanya.
"Dok Ara, may sasabihin – "putol na wika ni dok David. Kumaway ako sa kanya and I walked away from him fast.
***
Friday nang hapon, tinawagan ako ni mommy Gloria dahil gusto niya akong makita at maka-usap. Nagtungo ako sa suite ni Maya, nanatili pa kasi siya ng isa pang araw base sa sinabi ng kanyang doctor.
Si mommy Gloria lang pala ang mag-isang nagbabantay sa kanya dahil si Hector ay nasa kanyang occupational therapist. Kasama niya sina daddy Ben at Marco.
Pagpasok ko sa pinto, nadatnan ko si mommy Gloria na naka-upo at tulalang nakatingin sa direksyon ni Maya na tulog sa mga oras na iyon. Bumaling siya ng tingin sa akin ng maramdaman niya ang aking pagdating.
"Kamusta na po si Maya?" wika ko sa kanya. Since kaming dalawa lang, I talked to her in my usual way.
"She's fine, bukas baka ma-discharge na siya," ngumiti siya sa akin. Umupo ako sa kanyang tabi. "Ara thank you huh, dahil palagi ka pa ring nasa tabi ni Hector,"
"I wanted to see him – often," wika ko na bigla nalang akong nalungkot. "One last time,"
Ang hirap sabihin nang salitang iyon ngunit I'm stick with the plan.
May kinuha si mommy Gloria na maliit na paper bag sa kanyang tabi at binigay sa akin. Nagtaka pa ako ng abutin ko ito ngunit ng aking silipin ang laman, bigla akong nasorpresa. Nilabas ko iyon mula sa paper bag. "Mom, tinabi niyo pa talaga ito,"
Namuo ang luha sa aking mga mata. Eto kasi yung photo album na kumpleto ang picture namin ni Hector na magkasama noon. Binigay ko ito kay mommy Gloria nang mga panahong akala namin namatay siya.
Binuklat ko ito at yung picture naming dalawa noong high school ang unang bumungad. Napangiti ako ngunit pumatak ang luha sa aking mga mata, napatakan nito ang photo album. May mga larawan pang hindi na naidikit kung kaya't naka-singit nalang ito sa bawat pages.
"Tinago ko talaga yan kasi – it makes me feel happy. Yan ang pinagmamasdan ko kapag nangungulila ako sa kanya noon," sambit ni mommy Gloria. Napatakip ako nang bibig habang umiiyak. Ang lahat ng pinaka-masasayang sandali ng aking buhay ay naririto at nakakalungkot lang dahil, hindi na kasi maibabalik pa ang lahat nang ito. "Ibabalik ko na sayo yan Ara...throw it away if you want it. It's up to you – kung yun ang plano mo,"
I closed the photo album and curled it in my arms, dinikit ko ito sa aking dib-dib. "Mom – thank you for the memories – thank you for Hector. Hindi ko siya malilimutan,"
Inakbayan niya ako at hinimas ang aking balikat. "Tahan na Ara...you will always stay in our hearts. Napaka bait mo kasi sa amin,"
Natigilan kami nang biglang pumasok ang dalawang babaeng nurse. Pinahid ko ang luha sa aking mga mata.
"Ara, halika lumabas muna tayo," wika ni mommy Gloria. Tumango ako, we ambled out of the room at tumayo malapit sa may pintuan.
Niyakap ko si mommy Gloria nang mahigpit. Umiyak ako nang umiyak kasi magmula ngayon unti-unti ko nang kakalimutan si Hector sa aking isipan.