"Pagka-uwi namin nang bahay, nagulat talaga ako. Kilala kasi niya ang anak namin. Nakakarinig daw siya nang boses nang bata sa isip niya, si Marco pala yun," wika ni Maya.
Magkaharap kami sa aking office table. Nasa treatment area si Hector at may examination siya sa akin ngayon. Sinulat ko sa journal ang sinabi ni Maya, magandang balita na nakikilala niya ang kanyang anak.
"Mabuti naman at may nakikilala siya. Maya kaylangan niyo nang mahabang sakripisyo at pag-unawa sa kalagayan nang asawa mo ngayon,"
"Bakit ganon doktora, palagi na siyang nakakalimot ngayon. Hindi na niya ma-alala kung ano ang nangyari kahapon,"
"May bagong amnesia na naman ang asawa mo. Ito ay anterograde amnesia, may short term memory siya. In other words, hirap na siyang bumuo nang bagong ala-ala kaya mabilis na siyang makalimot," huminga ako nang malalim. Napapadiin ang paghawak ko sa ballpen habang nakatingin kay Maya. "Maya huwag kayong magsawang paalalahanan siya palagi. Makakatulong iyon para mabawasan ang kanyang pagka-limot,"
Nakikita ko sa mga mata ni Maya ang labis na pag-aalala sa sinabi ko, paiba-iba ito nang direksyon. "Magiging baldado ba siya? Gagaling pa ba siya?"
"Makakapag-function pa rin siya sa pang araw araw na pamumuhay," hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay nang mahigpit na imbis na magtanim ako ng galit. Nakisimpatya pa ako sa kanya ngayon. "Base sa resulta nang test. Maraming normal sa kanyang katawan gaya nang kanyang motor skills pati pagsasalita. Ngunit may dalawang klase na siya nang amnesia,"
Nanlaki ang mata ni Maya. Alam kong hindi niya nauunawaan ang dalawang klase nang amnesiang iyon ngunit yung sinabi kong dalawa ay sapat na upang kabahan siya. "Doktora gawin niyo po sana ang lahat para bumalik sa normal ang ala-ala ng asawa ko. Ayokong nakikitang nagdurusa siya sa kalagayan niya ngayon. Mahal na mahal ko siya,"
Pinisil-pisil ni Maya ang aking kamay. Mahal na mahal niya si Hector, bakit para akong papatayin nang salitang iyon?
I casted out that thought away, I looked at the brighter side instead. Kaylangan kong maging masaya dahil kahit papaano ay minahal niya si Hector, higit pa sa pinakita kong pagmamahal sa kanya noon. Naki-usap ako kay Maya na kaylangan niyang maghintay sa reception area dahil one on one ang examination na gagawin ko kay Hector.
Magkaharap kami ngayong dalawa. Kung pwede nga lang sabihin sa kanyang "Kamusta ka na?" Nagkalaman ka na, siguro ang takaw mo nang kumain ngayon? Kasing gwapo mo ang anak mo. Hindi pa rin nawawala ang mannerism mo ganyan na ganyan ka pa rin.
Kung pwede nga lang sana, ngunit pinagmasdan ko ang kanyang mga mata. Nakatingin lang ito sa may kawalan.
Iniisip ko nga, sana kabaligtaran naman, na siya ang magtanong sa akin nang "Kamusta ka na?" Ngunit alam kong malabong mangyari iyon. Nag-exhale at inhale ako sa aking isip, hindi na naman normal ang aking heartbeat. Natutunan ko na ang breathing meditation recently, nakatulong naman siya kahit papaano.
"Kamusta Hector?" bati ko, in the professional tone of my voice.
Bumaling ang kanyang mga mata sa akin, para siyang batang naliligaw sa kanyang itsura. Kalmado na siya, I guess tuluyan na talagang nawala ang kanyang severe headache.
"A – ayos lang, bakit nga ba ako nandirito?" nauutal niyang sagot.
Normal ang speech niya pero may delay ito. Hinanda ko ang journal at binuksan ang voice recorder, subject ko siya sa aking case study.
"Sumasakit pa ba ang batok mo?" tanong kong muli.
"Batok? Bakit sumasakit ba?" I tried to analayzed his every word and tama nga ako magaling na siya sa parteng iyon.
"Naririto ka sa clinic ko ngayon Hector," wika ko. Kinikis-kis niya ang kanyang dalawang palad, malinaw na normal pa rin ang kanyang procedural memory. "Kagagaling mo lang sa isang brain surgery. Ako nga pala si dok Clara Montemayor ang psychologist mo,"
Nakatitig siya sa akin na tensyonado ang dalawang kilay at nag-puff pa ang lower eyelid, kung pwede ko nga lang haplusin iyon.
"May kilala akong Clara noon," sambit niya.
Sumeryoso ang aking mukha. Muli na namang bumilis ang tibok nang aking puso, nagkaroon ako bigla nang interes. Napalunok ako at pinilit na tumitig sa kanyang mga mata. "Sino si Clara?"
Hindi na naman siya makakibo. Napahilamos siya nang kanyang mukha. Hinawi niya ang kanyang buhok paitaas. "Crush ko siya,"
Unang pumasok sa isipan ko ang aking high school days. Bigla akong naging emosyonal, ayokong umiyak sa kanyang harapan. "Crush mo si Clara?"
Tumitig siyang muli sa akin. Binaling ko ang aking paningin sa ibang direksyon.
Imposible ito, meroon siyang declarative memory impairment kaya nga siya nagkaroon nang anterograde amnesia. Imposible ang recollection at familiarity dahil may retrograde din siya.
Napansin kong hindi nawawala ang kanyang paningin sa akin. Yumuko akong muli at nagsulat sa journal.
"Bumibilis ang tibok nang puso ko," sambit niya. natigil ako sa pagsusulat.
Inangat ko ang aking ulo at bumaling nang tingin sa kanya. Napahilamos na naman siya nang kanyang mukha, ginulo niya ang kanyang buhok. Nag-clear ako nang troat. "Relaks Hector. Huwag mong pilitin ang isip mong maka-alala,"
Gumagawa ako nang excuses dahil may plano ako. Ngunit hindi ko maiwasang hawakan ang kanyang kaliwang kamay. Napatitig siya bago bumaling nang tingin muli sa akin.
"Dok Ara!" nagulat ako sa pagsulpot ni Rachel sa may pintuan. Nagresponse rin si Hector.
Nabaling ako nang tingin kay Rachel. "Si Mrs. De Leon Nag collapse," bulalas niya.
Alsito akong napatayo. Tumakbo ako patungo sa reception area. Napatakip ako nang bibig nang makitang naka-bulagta si Maya sa sahig. Lumabas ako nang klinika at humingi nang tulong.