Chereads / Hector I Love You / Chapter 37 - CHAPTER 36

Chapter 37 - CHAPTER 36

Kausap ko si mommy Gloria sa aking android phone. One day bago mangyari ang pag-collapse ni Maya sa aking clinic ay gusto kong makibalita ukol dito. Hindi ko na nagawang ma-monitor yung nangyari sa kanya kasi saka naman ako nagkaroon nang maraming client. Isang gabi lang siyang na confine at na-discharge rin kinabukasan.

"She's fine na hija, over fatigue raw sabi ng doktor pero kukuhanan pa siya ng mga test, alam mo namang kulang-kulang siya sa tulog sa mga nakalipas na araw," paliwanag ni mommy. Eight nang umaga at tinawagan ko siya kaagad. "Sobra ang pag-aasikaso niya sa anak ko pati na rin sa apo ko. Hatid-sundo siya sa paaralan ni Marco, minsan nga na-aawa na ako eh!"

"Kailangan niyang magpa-hinga. Nakikita ko sa mukha niya ang sobrang stress. Nakakasama sa kalusugan iyon,"

"I always remind her – next week nga pala darating si Ben. Hindi na siya mapakaling makita ang anak niya kaya napa-aga siya. Matagal din niyang kinondisyon ang sarili to meet Hector once again,"

"Good to hear that mom – tulungan niyo si Hector na mag cope araw-araw. Ipa-alala niyo sa kanya ang lahat,"

"How about you? Should I remind him – of you?" hindi sinasadyang ma-itanong ni mommy Gloria sa akin.

I took a deep breath. "No mom, please huwag niyo akong babanggitin sa kanya lalo na kung naroroon si Maya,"

Para kasing unti-unti nang na-aayos ang kanyang recognition memory at hindi ako makapaniwala rito.

"Well, sige hija, I hope okay ka lang,"

"I will be okay mom. Don't worry po," sagot ko. I took a pause at bigla nalang may na-alala. "May iba pa bang kinuwento si Maya tungkol kay Hector?"

"About what? May dapat pa ba akong malaman?"

"Nung mga nag-daang buwan, na-involve si Hector sa isang kaso," ang pumasok sa isip ko ay ang blotter niya sa women's desk nang presinto. "Nakulong siya nang isang araw dahil hindi niya sinasadyang masaktan si Maya. Nandoon ako ng mangyari iyon. I'm sorry mom during that time I have no idea na si Hector pala iyon. Nagsumbong ako sa dswd kaya siya nakulong,"

Narinig ko ang pag-bulalas ni mommy Gloria sa phone. "Oh my God! I didn't knew that...mabuti sinabi mo sa akin Clara. Tell me kung saang presinto? Ako na ang bahala – may kakilalang lawyer si Ben – tamang tama pag-uwi niya rito aasikasuhin namin yan,"

"Mom kumalma lang po kayo – sasamahan ko kayong ayusin yan...patawarin niyo po sana ako. Ako kasi ang may responsable kung bakit siya nakulong. Huli ko nang nalaman na si Hector pala iyon – nag-sisi talaga ako, hindi ko inaasahan yung pangyayaring iyon. That incident brought me kung papaano napunta sa ganito ang lahat,"

"Kakausapin ko si Maya tungkol diyan," wika niya sa akin. Dinig ko pa ang kanyang mahinang pag-hikbi. "Salamat ulit Clara, don't worry naiintindihan ko ang sitwasyon mo,"

"

"Sa ngayon nagprisinta ako sa kakilala kong taga dswd na mag-undergo sa treatment si Hector kaya pinayagan siyang mapalaya pansamantala. I think sa sitwasyon niya ngayon malabo siyang makasuhan ng tuluyan,"

"His dad will have a lot of work to do pagdating niya. Huwag kang mag-alala Ara ang mahalaga ngayon ay buhay ang anak namin – wala ng mas gaganda pang balita rito,"

"Hey," singit nang isang boses sa aking likuran. Nasorpresa pa ako dahil biglang sumulpot si Eric. Akala ko kasi naka-alis na siya after niya akong ihatid.

Mabilis kong kinausap si mommy Gloria sa kabilang linya. "Mom bye na po, may bisita akong dumating," tinapos ko tuloy ang tawag nang hindi ko inaasahan.

"Si mom ba ang kausap mo?" tanong ni Eric. Nagtataka siya. He walked closer habang nakapamulsa ang kaliwang kamay, "Did I interrupted you?"

I bring out my best smile of relief. "No Eric, she's someone I used to know and I call her mom,"

"Sounds interesting, ginawa mo pa akong bisita sa kanya," naka-ngisi siya and I started to hate that doubt.

Bumuntong hininga ako. "Bakit ka bumalik?"

"I forgot this," may pinakita siyang boquet nang red roses na itinago pa niya sa kanyang likuran. "Happy monthsary!"

Napa-nganga ako kasi nasorpresa ako sa sinabi niya pati na sa bulaklak. "Naku! Thank you baby. Sorry hindi ko alam na monthsary pala natin ngayon,"

Ngumiti siya nang malawak sa akin. Nilapag ko ito sa aking office table. Hindi ko sinasadyang matabig ang journal na nakalagay sa gilid nang aking lamesa. Nahulog ito nang naka-buklat at si Eric ang pumulot.

"Sino si Hector Villanueva?" bigla niyang tanong. Nakatuon ang kanyang paningin sa journal.

"Uh...pasyente ko siya – medyo complicated yung kalagayan niya," sagot ko. Tumango siya nang hindi nagsasalita.

From his serious look nag shift ito nang isa uling malawak na ngiti. "I have to go. Marami pa akong gagawin sa studio," napakamot pa siya sa kanyang ulo.

I stood up at yumakap sa kanya. Amoy ko ang pabango niyang eternity. "Okay baby, ingat sa pag-drive, happy monthsary!"

Hinalikan niya ako sa noo. Binitawan ko siya and he left the room.

***

"M – Maya, akala ko nagpapahinga ka?" sorpresa kong wika.

Kagagaling ko lang sa cafeteria. Hindi ko inaasahan ang biglaan nilang pagpunta sa aking clinic. Silang dalawa lang ni Hector ang magkasama.

"Okay na ako doktora," naka-ngiti niyang sambit. Maputla pa rin siya at halatang nagpumilit na magtungo rito sa aking clinic. Napansin kong namumula ang kanyang mga mata. "Nag-punta kami rito kasi gusto ni Marco na mag-undergo sa occupational therapist,"

Nabaling ako kay Hector na naka-upo sa bench. Nakayuko siya pero may naririnig akong pag-hum. Nasa reception kami nang aking clinic habang si Rachel ay abala sa pakikipag-usap sa aming landline.

Bumaling ako nang tingin kay Maya. "Good to hear that, pero kailangan ko munang ma-contact si dok Carl yung occupational therapist. Pwede bang mag – " I stopped talking. Unti-unti ko kasing naririnig yung pag-hum ni Hector.

Kumakanta pala siya nang mahina. "Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig,"

Napakunot ako nang noo.

"Kagabi pa ganyan yan dok Clara," singit ni Maya.

Bumaling na naman ako nang tingin sa kanya. "Antayin niyo ako sa lobby kung okay lang,"

Tensyonado na ako dahil alam ko ang kinakanta niyang iyon. Napansin kong nakatingin siya sa akin nang mapabaling ako sa kanya saglit. Nagmamadali akong pumasok nang aking treatment area.

Lumabas ang mag-asawa nang aking klinika. Na confirmed kong naroroon ang occupational therapist na kakilala ko. Sinamahan ko sila na magtungo nang OTD. Pinakilala ko sila kay dok Carl at agad din akong umalis dahil nag-text si Rachel sa akin about sa bagong client.

"Clara," natigilan ako sa paglalakad palabas nang OTD.

Napalingon ako pabalik nang pintuan at nakitang nakatayo roon si Hector. Nanlambot ako kasi yung ngiti niya, yun yung kinagisnan ko dati.

"Salamat huh!"

Ilang minuto akong natigilan. Tumango ako ngunit saka ko na realize na wala na pala siya sa harap nang pintuan. Nag-iwan iyon nang malaking treat sa akin.

Hinding-hindi niya dapat ako makilala ngayon. Kaylangan ko muna siyang ma-ilayo bago pa niya ako makakilala. Unti-unti tuloy akong kinakabahan, mas lalo kasing naging kumplikado ang lahat ngayon.