Chereads / Hector I Love You / Chapter 35 - CHAPTER 34

Chapter 35 - CHAPTER 34

Bakas sa mukha ni kuya Drei na hindi niya maintindihan ang nangyayari sa akin. Sanay siyang nakikita akong walang suliranin sa buhay kaya nagulat siya nang makita ako sa ganoong kalagayan. He helped me to calmed down at ginawa ko iyon, pagkatapos saka ko kinuwento sa kanya ang isang parteng sarado sa kanyang kaalaman, ang aking nakaraan. Binuksan ko ito sa unang pagkakataon.

"Baka may kinalaman ang general anaesthesia sa nangyari sa kanya," kuya Drei explained.

Sinamahan ko kasi siya sa recovery suite ni Hector at sumilip kami sa glass window nang pintuan nito. He spoke to me in his professional slash colleague sense and I'm used to that way of his communication, ngunit bakas pa rin ang pagkamangha sa kanyang mukha habang nagsasalita.

"Inform natin si dok. Veloso, hindi ko kasi kilala ang general anaesthesiologist ng surgery team,"

"Huwag Ara, magiging eskandalo ito sa ospital natin," wika niya. Hindi ako makasagot. "Remember they are the best team of surgeons here. Baka isipin nilang sinisiraan natin sila," sa profession namin napaka-halaga nang kredibilidad. Baka sabihin nilang hinuhusgahan ko na ang kanilang kredibilidad kahit isang simpleng puna lang ito.

"Posible bang – makilala niya kaagad ako? Seven years siyang nagkaroon nang retrograde amnesia,"

I looked at kuya Drei and he took a deep sigh. Naglalakad kami pareho sa pasilyo at tumigil malapit sa elevator lobby. Nasa harap namin ang isang floor to ceiling na fixed glass window. Pareho naming pinagmamasdan ang natatanaw namin mula sa labas nito.

"Cognitive impairment is a normal case after surgery," baling ni kuya Drei sa akin. "Sabihin nalang nating may na disabled o na enabled sa kahit anong memory receptors sa kanya,"

"Hindi ko kayang tanggaping – nakilala na niya ako...ulit," walang buhay kong sambit.

Kinuwento ko sa kanya na siya si Marco de Leon at kung papaano nag krus ang landas naming dalawa. Sinabi ni kuya Drei sa akin na nagtatampo siya dahil ngayon ko lang ito isinawalat. Itinuring niya na kasi akong younger sister, sana raw noon pa niya nalaman ito para natulungan niya akong maka-cope sa aking mga pinagdadaanan.

All my life, I lived without that intention pero I guess kaylangan ko nga talaga nang mga taong makaka-usap at makikinig sa ganitong pagkakataon. Therapy siya at matagal ko na itong alam kasi pinapayo ko ito sa mga nagiging client ko noon. Ang tanga ko lang dahil hindi ko ma-apply itong therapy na ito sa sarili kong buhay.

"Kaya ka ba nag-quit sa radyo dahil sa kanya?" tanong niya sa akin. Tumango ako at parang gusto kong bumulalas muli nang pag-iyak, ang pait kasi.

"Ara, you can't hold on to something like this," dagdag ni kuya Drei. For the first time nagsalita siya sa akin sa tonong hindi ko kinagisnan sa kanya. Parang isang tunay na kaibigan, isang nakakatandang kapatid. "Ma-alala ka man niya ulit, wala ka namang babalikan pa sa kanya. I know it's hard to let go pero you have to. In the end everything will be okay, kailangan mo lang masanay,"

"I always trying to move on, day by day. Sinasanay ko na ang sarili ko. Kinakailangan kong maging matatag kapag nag-undergo na siya sa aking treatment – pero it's...just all coming back – I guess mahal ko pa talaga siya – bakit pa kasi nangyari ito sa amin,"

"And now you're playing the blame game with a nonexistent suspect. What a coincidence! Ang batikang radio dj noon na magaling mag-payo sa kanyang mga listeners yun pala nahihirapang tulungan ang sarili niya. Don't expect life to be fair, Ara – at alam mo sa sarili mong you dont deserve to suffer kaya may idea ka kung papaano mag-cope dito,"

"Yun nga ang masakit kuya, pang-expert level din ang binigay na pagsubok sa akin," bulalas ko. kaylangan ko na naman bang umiyak buong araw. "Hindi ko alam kung papano magsisimula sa treatment niya – hindi ko alam kung papano ako magtratrabaho...because i'm too scared – too cautious. Hindi ko alam kung kailangan ba niya akong ma-alala? Papano kapag nalaman ng kanyang asawa ang nakaraan namin? Papano kapag nalaman ni Eric about him? Those what if's are beyond my knowledge,"

Huminga si kuya Drei nang malalim. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa nang kanyang puting trouser. "Go on with the basics, gawin mo ito sa paraang kung papaano ka magtrabaho. Act normal, malaman man nila ang katotohanan tungkol sa inyo – at least that the right thing to happen. Walang mali sa katotohanan – soon everyone else will accept the fact and move on...relaks Ara! Hindi ka mamamatay sa gagawin mong yan," tinapik niya ako sa balikat.

Hindi ako kumibo pero sumang-ayon ako. Tama nga si kuya Drei, hindi ako mamamatay. Pero paulit-ulit naman akong masasaktan na unti-unti akong pinapatay. Bakit kung saan tayo mahina saka naman tayo mas lalong hinahamon nang kapalaran. Gaya nga nang madalas kong advise sa mga client ko noon, kaylangan kong pagdaanan ang lahat nang ito kung hanggang saan matatapos.

We both separate our ways pero sinabihan ako ni kuya Drei na ipa-CT scan ulit si Hector at tutulungan niya akong alamin kung may bago na naman ba siyang amnesia. Sumang ayon ako at nag-ipon muli nang lakas nang loob para ipagpatuloy ang mga plano ko.

***

Nagkita kami ni kuya Drei sa control room nang radiology department. Nakatayo kaming dalawa habang pinapakita nang radiologist yung imahe nang resulta nang ikalawang CT scan ni Hector.

"As you can see from his bilateral medial temporal lobes," turo ni kuya Drei sa imahe. "May abnormalities siya, a sign of anterograde amnesia,"

Huminga ako nang malalim. Nagkaroon na si Hector nang dalawang amnesia.

"Kausapin mo ang family niya na kaylangan natin siyang i-undergo sa maraming test ulit. Para malaman nating may iba pa bang naapektuhan sa kanya," dagdag ni kuya Drei.

Tahimik akong tumango. Naglalaro sa isip ko sa mga oras na iyon ay yung tungkol sa bigla nalang niya akong nakilala.

"Ara," nagbalik diwa ako, tinatapik na pala ni kuya Drei sa aking balikat. "Nandito lang ako. Call me kung kaylangan mo ako," ngumiti siya sa akin. Kahit titig lang ni kuya sa akin nararamdaman kong nauunawaan na niya ang pinag-dadaanan ko ngayon.

Humaba ang inilagi ni Hector sa ospital dahil nagkaroon muli siya nang maraming test. Pinaliwanag ko kaynila mommy Gloria ang tungkol dito at agad naman silang nakipag-cooperate. Hindi ko muna sinabi ang tungkol sa kanyang anterograde amnesia hangga't walang resulta ang lahat nang test.

Napansin kong palaging inaatake si Maya nang kanyang anxiety disorder dahil hindi na siya nakikilala ni Hector. Unti-unti siyang nangangayayat at halata sa mukha niya ang sobrang stress.

Naghahanda ako nang mga treatment program na maaring mag-undergo si Hector. I need a lot of expert na kakaylanganin ko para masuri pa siya nang mabuti. Napag-usapan namin ni kuya Drei na gawing confidential muna ang kanyang kaso sa ospital.

Ayokong magkaroon nang kontrobersya rito, kaylangan kong protektahan si Hector. Pinangako ko sa sariling, pagtutuunan ko nang pansin ang kanyang kalagayan ngunit tuloy pa rin ako sa pagtratrabaho. Hindi ko expect na magiging ganito ang mangyayari sa kanya. Pero naging maganda naman ang naging resulta nang kanyang surgery. Sabi niya bihira nang sumakit ang kanyang ulo.

Naka-usap ko rin si ma'am Yolly at inaya itong magtungo sa ospital. Pinakita ko sa kanya ang mga impormasyon at resulta tungkol sa kanyang surgery kasama na rito ang pagkakaroon niya nang panibangong amnesia. Kumbinsido na siyang huwag ituloy ang kaso ni Hector at nangako ring tutulungan ako.

Isa-isa kong nalaman ang result ng mga test ni Hector at ikinatuwa ko ito. Naging positive lahat dahil walang naapektuhan sa buo niyang katawan. Makakapag-function pa siya as a normal person.

Na-discharge siya sa ospital ngunit kaylangan niyang bumalik para sa kanyang rehabilitation therapy. After nang surgery hindi pa rin normal ang kanyang kilos. Saka ko sinimulan ang kanyang treatment nang maka-uwi na siya sa kanilang tahanan.