Chereads / Hector I Love You / Chapter 32 - CHAPTER 31

Chapter 32 - CHAPTER 31

Monday, nakatayo ako malapit sa main entrance nang ospital. Hinihintay ko ang isang taong hinanap ko pa dahil siya lang ang makakatulong sa aking mga pina-plano. May kaugnayan siya kay Hector noon.

Dumating siya at sinalubong ko kaagad. Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka, dahil matiyaga ko siyang hinanap thru social media.

"Wow, after so many years, na meet ulit kita Ara. Ang ganda mo pa rin," wika nito.

Ngumiti ako. "Ikaw talaga Pete hindi ka pa rin nag-bago," Si Peter Alcantara, isa sa mga malapit na kaibigan ni Hector noon.

Ka-brad niya ito sa kanilang fraternity, na-alala ko pa nang minsang pina-utang siya ni Hector sa enrolment namin noong college. Hanggang ngayon tinatanaw pa rin daw niya nang malaking utang na loob ang mga tinulong niya sa kanya. Hindi niya ito malilimutan dahil naging mabuti siyang kaibigan sa kanya. Nasaktan din siya nang namatay ito, pero ngayon, alam kong magugulat siya sa malalaman niya mamaya.

"Nagsasabi lang ako nang totoo. Kundi lang dahil kay Tor, niligawan na rin sana kita, joke lang, baka multohin ako nun," biro niya.

Natigilan ako at naging seryoso. Hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. "Kung alam mo lang Pete. Kaya kita hinanap, hihingi kasi ako nang tulong sa iyo. Sumama ka muna sa akin,"

"Oo nga pala, bakit nga ba?" taka niyang tanong. "Ano ang maitutulong ko?"

Hindi na ako nagsalita pa. Inaya ko siya, tumalikod ako at naglakad palayo. Ramdam kong sumusunod siya sa akin, kanina ko pa napapansing punong-puno nang pagtataka ang kanyang facial expression.

Narating namin ang laboratory department nang ospital. Naroroon si Hector para sa kanyang blood chemistry test. Sa Thursday na naka-schedule ang kanyang operasyon. Lumingon ako kay Peter at pinasilip ko siya sa malaking bintana nang kwarto.

Pinagmasdan ko ang kanyang reaction na nanlaki bigla ang kanyang mata. Bumaling siya nang tingin sa akin habang bakas ang pagka-gulat. Napahawak ang kaliwa niyang kamay sa kanyang dibdib.

"Si – si Tor ba yun? Papano nangyaring – "

"Oo Pete, si Hector yan. Buhay siya, meroon siyang amnesia,"

Nagpa palit-palit siya nang tingin, sa bintana at sa akin. "Pero papaano nangyari? Sino yung inakala nating patay?"

May pagkakataong na-uutal na siya sa pagsasalita.

Sumilip na rin ako sa bintana. "Mahabang kwento, basta. Bigla nalang nag-krus ang landas namin,"

Naka-higa si Hector sa may examination table at tinuturukan nang injection. Hindi niya kami napansin dahil pinaliligiran siya nang mga nurse at medical technicians. Naka-upo si Maya at kanyang anak ilang metro ang layo sa kanya. Nakatalikod sila sa direksyon namin.

Hindi ko magawang sumaya pero determinado akong maisakatuparan ang aking plano. Habang nakamasid kami sa bintana, nagsimula akong magkwento kay Pete. Kung papaano kami nagkita pati na ang tungkol sa kanyang amnesia. Hindi siya maka-imik sa kwento ko siguro hindi niya kayang ma-absorb ito sa ngayon.

"So papaano ako makakatulong?" tanong niya matapos kong magkwento.

"Pipilitin kong kontakin ang parents niya," sagot ko. Seryoso siyang nakikinig sa akin. Dama ko ang sinseridad niyang tumulong. "Ikaw ang magiging dahilan nang pagkikita nila. Sabihin mong aksidente mong nakita ang mga magulang niya. Pete, as much as possible huwag na huwag mo akong babanggitin sa kanya, lalo na sa kanyang asawa. Ayokong malaman niyang may kaugnayan ako kay Hector,"

Tumango si Peter at sumang-ayon. Tintitigan niya ako nang mabuti na maski siya binabasa niya rin ang aking facial expression. "Mahal mo pa rin ba siya?"

Huminga ako nang malalim at muling binaling ang aking paningin sa may salamin. "Oo Pete,"

Aminadong-aminado na ako ngayong hindi ko talaga siya kayang kalimutan.

"Pero wala na akong babalikan pa at tsaka natanggap ko na rin ang lahat," dagdag ko. Napigilan kong huwag umiyak sa kanyang harap. Tinaas ko ang aking kaliwang kamay at pinakita ang suot kong sing-sing. "And besides, malapit na akong ikasal,"

Lumingon ako sa kanyang muli, he pursed his lips. "I'm sorry Clara, sige, tutulungan kita. Pwede ko ba siyang lapitan?"

Tumango ako habang pinipigilang huwag bumagsak ng tuluyan ang aking mga luha. Nakita naming palabas na sina Hector kasama ang kanyang mag-iina. Iniwan ako ni Peter at nagtungo sa direksyon nang pintuan. Nagkaroon ako nang pagkakataon na lumayo.

I ambled to the hallway habang pinapahid ang mga matang may tubig nang namumuo. Nagtungo ako sa rooftop nang ospital. Sumandal ako sa railings at tumatangong mag-isa.

"Don't worry Hector. Gagawin ko ang lahat para tulungan ka," I said to myself.

***

"Ara, kamusta ka na?" bati ni mommy Gloria. Nag beso-beso kami.

Kalalabas lang niya nang arrival area at nasa Naia terminal three kami. Sinundo ko siya and we exchange message thru text pagdating niya rito sa Pinas.

Napansin kong mag-isa lang siyang lumabas nang building. "Okay lang po mom. Si dad po?"

Tinulungan ko siyang magbit-bit nang isa niyang luggage bag. Nakatigil sa harap nang building ang Honda accord. "Maayos na siya. I guess naka move on na rin kami after all these years,"

Nang makasakay kami nang kotse, hindi muna kami lumabas sa vicinity nang airport terminal. Nag-stop kami sa isang parking area.

"Mom, may sasabihin po ako," kalmado kong wika. Napalingon si mommy Gloria sa akin. Bakas ang pagtataka sa kanyang facial expression. "Alibi ko lang yung tungkol sa engagement party. Matagal na pong nangyari yun. May dahilan kung bakit ko kayo pina-uwi rito sa pinas,"

Hindi siya sumasagot sa akin kaya ako na ang nag-initiate nang first move. Alam kong maraming katanungan ang maglalaro sa kanyang isipan. Kaysa mabalot kami nang katahimikan nang matagal, kinuha ko ang laptop sa backseat.

Huminga ako nang malalim at binuksan ito. Binuksan ko rin ang isang imahe at ginawa kong full screen. Binigay ko ang laptop kay mommy Gloria. "Mom pasyente ko ang lalaking ito ngayon,"

Napapalingon siya sa akin na parang gusto niyang magtanong pero tinuon nalang niya ang kanyang pansin sa screen. Bigla siyang napatakip nang bibig nang makita ang imahe. Nanginig ang kanyang kamay habang hawak ang laptop. Lumingon na naman siya sa akin and she is asking question through her eyes.

"Mom, buhay siya,"

Saka siya napa-bulalas. "To – totoo ba ito Clara? Is this some kind of a joke,"

Her voice cracked up, may namumuong luha sa kanyang mga mata. May pagkakataong napapahawak siya sa kanyang dibdib.

Kumuha ako nang picture ni Hector kasama ang kanyang mag-iina at sinabi kong kunwari gagamitin ko ito sa aking case study. Na ang totoo niyan ay ginamit ko ito ngayon, sa plano ko.

Lumapit ako kay mommy Gloria. "Totoo mom, buhay si Hector. May amnesia siya,"

"Oh my God," bulalas niya. Napa-iyak na siya at naapektuhan ako. "Papaano ito nangyari? Sino yung patay?"

"Mahabang kwento," I hold her hands, nanginginig pa rin ito sa nerbiyos. "Maski ako, hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. See the woman and the boy, siya ang asawa at anak niya,"

Tumutulo na rin pala ang mga luha ko sa mata. Tinitigan ako ni mommy Gloria, bigla siyang naawa sa akin. "Gusto ko siyang makita Ara,"

"Bukas po sasamahan ko kayo. Final test na para sa kanyang surgery,"

Muli na namang nagulat si mommy Gloria. "Anong surgery? Bakit anong nangyari sa kanya?"

"Nagkaroon siya nang brain injury, remember yung aksidente niya noon. Yung ang naging dahilan nang kanyang amnesia," paliwanag ko. I tried to hold my composure again. Wala na kasing tigil sa pag-iyak si mommy Gloria. "Kaya ko kayo pina-uwi rito sa pinas. Kaylangan niya kayo. Malaki ang gagastusin para sa surgery niya,"

"God ang anak ko! Bakit nangyari sa kanya ito? Bakit nangyari sa amin ito?"

Niyakap ko nang mahigpit si mommy Gloria. "Mom, calm down. Ma-aayos din ang lahat. Gagaling si Hector,"

Pinatuloy ko pansamantala si mommy Gloria sa aking unit. Kinuwento ko sa kanya ang pagkikita namin ni Hector kasama na rito yung binabalak kong pagtatagpo nila. Pina-alalahanan ko siya na kaylangan maipalabas na wala akong kinalaman doon.

Naki-simpatya si mommy Gloria sa nararanasan ko ngunit handang-handa siyang tumulong sa kung ano man ang binabalak ko. Binigyan ko siya nang pagkakataong ihanda ang kanyang sarili sa muli nilang pagkikita ni Hector. Sa pagkakataong ito, nakagaan ito kahit papaano ng aking pakiramdam. Sinabi ko sa aking sarili, isa itong pagtulong at labas na ang mga ala-ala ni Hector dito.