Chereads / Hector I Love You / Chapter 33 - CHAPTER 32

Chapter 33 - CHAPTER 32

Nagtipon tipon kami sa aking klinika, Monday nang umaga. Eto ang araw na itinakda ko para mag-kita sina mommy Gloria at Hector. Tumawag ako sa aking kakilala na nasa laboratory department at ni-request na papuntahin si Maya sa aking clinic.

"Papunta na siya rito, yung asawa ni Hector," wika ko. Kasama ko sina mommy Gloria at Peter. Naka-upo sila sa sofa. "Gusto kong makilala mo siya mom. Pete ikaw na ang bahalang magpaliwanag,"

"Kinakabahan ako Ara," sambit ni mommy Gloria. Yung hand gesture niya halatang hindi na siya mapakali. "Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin kapag nakita ko siya,"

"Naku ma'am kalma lang po kayo. Pati ako ninenerbiyos sa inyo. Wala pong sasalo sa inyo kapag pareho tayong hinimatay, joke lang po," biro ni Peter. Napangiti sa kanya si mommy Gloria.

Ilang minuto pa ay sumulpot na si Maya sa pintuan. Napatayo sina mommy Gloria at Peter nang makita nila ito.

"Good morning doktora," bati ni Maya. Nakatingin siya sa dalawang tao at nagtataka ang mukha. "Bakit mo ako pinatawag?"

Nilapitan ko siya at kalmadong nagsalita. "Maya may ipapakilala ako sa iyo. Huwag ka sanang mabibigla,"

Panay ang sulyap niya sa dalawa. Tensyonado ang kanyang kilay at sa tingin ko namumukhaan niya si Peter.

"Siya si Mrs. Gloria Villanueva ang ina nang asawa mo," napalingon si Maya sa akin at biglang baling nang tingin kay mommy Gloria.

"Ako nga pala si Peter Alcantara," singit ni Pete. Nakahinga ako nang maluwag nang segundahan niya ako. "Natatandaan mo siguro ako noong isang linggo sa labas nang laboratory department. Kilala ko kasi ang asawa mo. Kaklase ko siya nung kolehiyo. Hector Villanueva ang tunay niyang pangalan,"

Hindi ko inasahang bigla nalang lumapit si Maya at yumakap kay mommy Gloria. Bumulalas ito nang pag-iyak. "Salamat at nakilala ko po kayo,"

"Nasaan siya gusto ko siyang makita hija?" bulalas ni mommy Gloria.

Bumukas ang pinto at lumitaw mula roon si Rachel na may akay-akay na bata. "Doktora, hinahanap daw niya yung nanay niya?" tanong niya sa akin.

Nabaling ang paningin ni Maya nang makita ang anak. "M – Marco halika rito anak,"

Tumakbo si Marco patungo kay Maya na ngayon ay nakabitaw na kay mommy Gloria. Kapwa silang nagpahid nang mga luha sa kanilang mga mata. Nawala si Rachel at naglakad ako palapit sa kanila.

"Siya ba ang apo ko?" mangiyak-ngiyak na wika ni mommy Gloria. "Kahawig siya ni Hector,"

"Opo, Marco anak, siya ang lola mo. Ang mommy ni papa,"

Nahihiya si Marco magsalita kung kaya't si mommy Gloria na ang yumakap sa kanya. Huminga ako nang malalim sapagkat yung reaction ni Marco halatang walang alam sa nangyayari. Masaya ang nakikita kong eksena dahil sa wakas nag-tagumpay ako sa aking plano. Pero deep inside of me, masakit. Masakit dahil hindi naman para sa akin ang kaligayahang iyon. Ngunit hindi na ito mahalaga ngayon, ang mahalaga, may nagawa akong maganda para kay Hector.

Sama-sama kaming nagtungo sa laboratory department at pinuntahan si Hector. Akay ni Maya si mommy Gloria habang siya naman ang kanyang apo. May pagkakataong nagkakatinginan kami ni mommy Gloria at nangungusap sa mata. Parang gusto niyang sabihing, I'm sorry Ara, pero nginingitian ko lang siya. An assurance na I will be okay.

***

Kami ni Maya ang naunang pumasok nang laboratory.

"Saan ka ba pumunta? Iniiwan mo ako rito," asik ni Hector nang makita si Maya. Nang makita niya ako tila napahiya siya. Napahawak siya sa kanyang sentido.

"Sorry pa! galing kasi ako sa klinika ni dok Clara, pinatawag niya ako," paliwanag ni Maya. Nakaupo si Hector sa waiting lounge. Tumabi sa kanya ang kanyang anak. Nakatingin siya sa akin. "May ipapakilala ako sa iyo,"

Saka pumasok si Peter, nasorpresa si Hector nang makita niya ito.

"Teka parang nakita na kita," wika nito.

Kahit si Peter biglang natigilan at napalingon sa akin. Lumapit pa rin siya kay Hector. "Brad, ako si Pete. Kilala kita kaklase mo ako nung college. Magkasama tayo sa fraternity,"

Umiikot ang mga mata ni Hector sa aming lahat bakas ang pagkamangha sa kanyang facial expression. Hinawakan ni Pete ang kanyang balikat. "Tor, kasama ko ang mommy mo. Nang makita kita nung nakaraang linggo, hinanap ko siya. Alam mo bang, akala namin, namatay ka,"

Nag-iba na naman ang itsura nang mukha ni Hector. Napahawak siya sa kanyang ulo at hinawi ang kanyang buhok paitaas.

Huling pumasok si mommy Gloria na mukhang hindi na mapakali. Pagkatapos nang maraming taon ay makikita niyang muli ang kanyang ka isa-isang anak na akala niya ay namatay. Gaya ko nagdusa rin sila ni daddy Ben sa akalang iyon.

Nabaling ang atensyon ni Hector sa pagdating niya. Niyakap siya nang kanyang ina nang sobrang higpit, mas lalo itong napa-hagulgol nang pag-iyak. "Hector anak! Ang mama mo ito,"

Nakatingin lang sa kawalan si Hector, blangko ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Hanggang sa magsalita siya nang walang buhay. "Bat kayo narito?"

Natahimik kaming lahat, bumitaw si mommy Gloria sa pagkakayakap. Nagkakatinginan kami ngunit bumabalik pa rin ang aming atensyon kay Hector.

"K – kilala mo ako anak?" tanong ni mommy Gloria, maski siya nagulat sa sinabi nito.

"Oo, sino ba naman ang hindi makakalimot sa inyo," wika ni Hector. Hindi siya nakatingin sa kanyang ina. Tensyonado ang kanyang kilay. "Kayo na mga magulang ko pa naman, na laging wala sa tabi ko. Pinabayaan niyo na ako di ba,"

The room went into silent, unti-unti na akong nagkaka-idea kung gaano ka extensive ang pagkawala nang kanyang retrograde memory. Napansin kong panay ang sulyap ni Peter sa akin. Gusto niyang magtanong dahil bakas ang kalituhan sa kanyang mukha.

"Anak! That was long time ago. Akala ko ba pinatawad mo na kami nang daddy mo," paliwanag ni mommy Gloria.

Hindi na talaga nakatiis si Peter naglakad na siya palapit sa akin. Kinausap niya ako nang masinsinan. "Ara, bakit kilala niya ang nanay niya pero ako hindi? Tsaka bakit niya ako natandaan last week kung may amnesia siya,"

"May retrograde amnesia siya Pete," paliwanag ko. "Nawala ang kanyang ala-ala matapos ang aksidente tapos nag-extend ito. Kasama sa mga nawalang ala-ala niya ay yung nasa kolehiyo pa siya at high school,"

Palungkot nang palungkot ang aking pagsasalita kasi sa dinami-dami nang pwedeng mawalang ala-ala sa kanya, yung nakaraan pa naming dalawa ang nawala.

"Natatandaan ka niya nung isang linggo dahil yung long term memory niya na isang declarative memory ay hindi nawala," dagdag ko. "May kakayahan pa rin siyang bumuo nang bagong ala-ala,"

Napa-kamot si Pete sa aking paliwanag pero tumango pa rin siya.

Nagsalita si Maya habang napapa-hawak sa sentido si Hector. "Pa, alam mo ang tunay mong pangalan?"

"Anak! Kilala mo pa pala kami nang daddy mo bakit hindi mo kami hinanap?" wika ni mommy Gloria.

Ginulo ni Hector ang kanyang buhok at bumulalas. "Dahil sawang-sawa na ako sa buhay kong ito!"

Tinakpan niya ang kanyang mukha nang dalawa niyang palad. Humihingal siya sa galit at pilit niyang nilalabanan ang kanyang nararamdaman.

Ako na ang siyang pumutol nang namumuong tensyon sa amin. "Pwede ko bang kausapin si Marco o si Hector na kaming dalawa lang,"

Sumunod sila sa paki-usap ko at sabay-sabay silang lumabas nang kwarto. Kami ni Hector ang naiwan sa loob nang lounge. Nakasilip silang lahat sa malaking salaming bintana.

"Bakit ka nagpalit nang pangalan Hector?" may inis sa tono nang aking pananalita at hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman.

Hindi ako tinitignan ni Hector. Salubong ang kanyang kilay at nag-puff na naman ang kanyang lower eyelid.

"Please, sagutin mo ako," dagdag ko. "Hindi kita matutulungang mapagamot kasi hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko at kung ano ang hindi. Maging tapat ka sana sa akin,"

Ngayon it all make sense na kung bakit noong kami pa ay napapansin kong walang pake-alam si Hector sa kanyang mga magulang. Halos ituring niyang mga magulang sina mama at papa noon. Palagi itong nakikitulog sa amin na akala mo walang pamilyang mauuwian. Hindi ako makapaniwalang naitago niya sa akin ang kanyang hinanakit sa kanyang mga magulang nang mahabang panahon.

"Lumaki ako sa yaya ko nung bata pa ako," wika niya. Hindi pa rin siya nakatingin sa akin. Nakayuko siya at hindi ko alam kung nahihiya ba siya or walang ganang makipag-usap. "Madalas wala ang mga magulang ko lalo na't kapag may mga mahahalagang okasyon. Naka ilang birthday ako na palagi silang wala. Natatandaan ko pa na nagtapos ako nang elementary na tita at yaya ko lang ang kasa-kasama ko, kaya ng malaman kong nagka-amnesia ako sinamantala ko ang pagkakataon. Ayoko na silang makita pa. Pinilit kong magpalit ng bagong katauhan,"

Sinagot ko siya nang wala sa sarili. "Alam mo bang pitong taon kaming nag-dusa dahil sa pagkawala mo,"

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.

Kuyom ang aking palad pero napigilan ko pa rin ang aking sarili. Gusto kong bumulalas nang iyak ngunit hindi pwede sa pagkakataong ito. Huminga ako nang malalim, ang bilis kong natauhan.

"Kung may hinanakit ka pa rin sa magulang mo kalimutan mo na yun. Nakita mo ba ang kalagayan ng mommy mo, nang mawala ka, para na rin silang namatay, ganoon ka kahalaga sa kanila. Sana maunawaan mo iyon. Magulang ka na rin Hector,"

"Gusto ko munang gumaling sa sakit ng ulo ko," wika niya. Kapwa kami napalingon sa may bintana. Umiiyak pa rin si mommy Gloria habang yakap si Marco. "Hindi ko kayang kontrolin ang nararamdaman ko kapag nakikita ko sila o kung napatawad ko na sila noon. Bigyan niya muna ako ng panahon,"

"Ang mommy mo ang sasagot ng gastusin para sa operasyon mo. wala na kayong dapat pang ikabahala ng asawa mo,"

Tumango siya sa akin. Lumabas ako nang kwarto at pinapasok si mommy Gloria. Binigyan ko sila nang pagkakataong makapag-usap na silang dalawa lang. Sumama ang aking pakiramdam kaya nagpaalam ako kaynila Maya at Peter.

Naglakad-lakad ako at nakarating na naman sa rooftop nang ospital. Tulala akong nakasandal sa railings at nakatingin sa may kawalan. I thought I already had the strength to face him but still, I'm fragile like a child.

Bumigay na ako sa totoong nararamdaman ko. Mahal ko pa talaga si Hector, mahal na mahal. Ano ang gagawin ko ngayon dahil siya pa rin ang dinidikta nang laman ng aking puso.

***

Pinatigil ko si Eric sa palagiang pag-sundo nito sa akin, naawa na kasi ako. Madalas siyang maghintay ngayon ng matagal dahil sa mga nakalipas na linggo ginagabi na ako nang uwi palagi. Tutok ako sa kalagayan ni Hector habang patuloy sa pagtratrabaho. Marami akong sine-set na appointements.

"Susunduin kita mamaya baby," wika ni Eric. Nasa loob kami nang kanyang ford ranger. "Hindi ka na makakatanggi. Don't worry willing akong mag-antay,"

"Huwag na gagabihin ulit ako. Busy ka rin sa studio mo kaylangan ka nila. Don't worry about me,"

"Ikaw talaga, nag aalala na kasi ako. Sobra-sobra ang pagtratrabaho mo ngayon. Sige na para makatulog ka sa byahe,"

Hinalikan niya ako sa noo na biglang lumipat sa aking labi, hindi ako tumanggi. Mahina siyang nagsalita. "I miss you a lot,"

Naramdaman kong unti-unting bumababa ang kanyang labi patungo sa aking leeg. Hindi ko na ito nagustuhan pa. "Eric stop! Huwag dito please,"

Tumigil siya at bumaling sa manibela. Pansamantala kaming nabalot nang katahimikan.

"By the way, sama tayo sa tropa next week. They're going to Pagudpud," sambit niya.

"Alam mo namang busy ako," napahawak ako sa aking sentido. Nawalan na ako nang interes tungkol sa ganyan. "Ikaw kung gusto mo, sumama ka sa kanila,"

I glanced at him for a second at napansing nakatitig pala siya sa akin. "Mag-rest ka naman, dati di ba, mahilig kang sumama kapag toxic ka na sa work mo,"

"Iba kasi tong pasyente ko. Ngayon ang araw ng kanyang surgery, kailangan kong ma-monitor yun. I can't explain it, kailangan ko talagang pagtuunan ito ng pansin,"

Bumuntong hininga si Eric. "Haay! This is the first time na hindi kita kasama,"

"You will be in good company. Sina Melay na ang bahalang mag-alaga sayo,"

Napakamot siya sa ulo at ngumiti sa akin ngunit alam kong pilit iyon. Tumunog ang aking android phone at mabilis ko itong sinagot. Binuksan ko ang pinto nang kanyang sasakyan. Narinig ko siyang nagpaalam but I ignored him dahil sa tawag.

Nasa entrance na ako nang building nang muli akong lumingon pabalik nang pinanggalingan. Umalis na pala siya palabas nang vicinity. I stared at his car na nasa malayo na and gave myself a sorry sigh.