Chereads / Hector I Love You / Chapter 31 - CHAPTER 30

Chapter 31 - CHAPTER 30

Friday morning at sinamahan ko sina Hector kay dok Jeric. Lumabas na ang resulta nang kanyang CT scan.

"I found out that there is an inflammation in your occipital nerve," wika ni dok Jeric. Tinuturo niya ang mga imahe nang kanyang tomographic result. "At base nga sa sinabi mo sa akin na palagian ang pag-sakit diyan sa likurang bahagi nang iyong ulo. You are suffering occipital neuralgia,"

Bumaling nang tingin sa akin si dok Jeric. "Clara, kung makikita mo ang imahe rito. May gray matter sa kanyang hippocampus area. Malinaw na isang retrograde amnesia,"

Tumango ako kay dok Jeric. Tama nga ako nang teorya, kung hindi niya ako nakikilala ang retrograde memory niya ang nagkaroon nang diperensya. Ngayon, gaano kaya ka-extensive ang nawalang retrograde memory sa kanya?

Napansin kong napapakamot sa ulo si Hector at may namumuong tensyon sa kanyang kilay.

"Ahm, doktor. Ano po ba ang occipital neuralgia?" tanong ko kay dok Jeric. Bumaling ako nang tingin sa kanya habang napapalingon kay Hector. "Pasensya na po. Baka hindi nila maintindihan...masyado kasing scientific yung term niyo,"

Natawa si dok Jeric. "I'm sorry, sa madaling salita ang occipital neuralgia ay isang uri nang brain injury na nagmumula sa itaas hanggang sa ibabang bahagi sa likod nang iyong ulo. Nangyayari yan kapag yung mga nerves sa likod nang utak natin ay napuruhan dahil sa matinding pressure,"

Napahilamos si Hector nang kanyang mukha pero napapansin kong hindi niya pinahahalata ang pagiging aburido niya.

"Baka naaksidente ka Mr. De Leon? Base sa CT scan mo rito nagkaroon ka nang trauma,"

Napa-hawak na talaga si Hector sa kanyang ulo. Hinawi niya ang kanyang buhok pataas.

Sumingit na si Maya sa usapan at nakikita ko sa kanyang body language ang pagka-balisa. "Duktor, ano po ba ang dapat gawin ng asawa ko? May solusyon po ba?"

"Maraming pwedeng treatment pero ang pinaka maganda ay isang operasyon. He should undergo a decompression surgery,"

"Gagaling po ba ako riyan?" singit ni Hector sa boses niyang biglang nasabik.

"Yes, eto na ang pinaka mabisang solusyon. Hindi mo na kaylangan pang mag-undergo sa iba't ibang therapy. I can assure you na tuluyang mawawala ang severe headache mo,"

Napangiti ako kasi nabuhayan ang kaninang maligalig na itsura ng kanyang mukha.

Si Maya naman ang mukhang nag-alala ngayon. "Magkano po ba ang gagastusin sa ganoong operasyon?"

Huminga nang malalim si dok Jeric. "This is a very expensive procedure. Kaylangan niyo nang mahigit milyong piso but rest assured na eto na ang pinaka magandang treatment,"

Napa hawak si Maya sa kanyang sentido.

"Sige po dok. Payag akong ma-operahan," usal ni Hector. Hindi ako makakibo. Mas lalong nag-alala si Maya sa sinabi niya. "Bahala na kami sa bayad,"

Iniisip ko na gagastos talaga sila nang malaki sa operasyon. Pati tuloy ako naapektuhan sa problemang pampinansyal nila. I have my own savings pero naghahanda kasi ako sa aking doctorate study sa ibang bansa.

Sumagot si dok Jeric. "Well, I guess you have to pre –"

"Maibabalik po ba ang ala-ala ko kapag nawala na ang sakit nang aking ulo?" putol ni Hector.

"I leave that to dok Clara," sagot ni dok Jeric. Umayos siya nang pagkakaupo. "Sa totoo lang, wala namang necessary treatment para sa amnesia, doktora knows that. Kusa kang gagaling dito but since you will undergo a surgery, advisable pa rin na ma-monitor ka at magkaroon siya nang treatment program. Sa ngayon we need to treat your severe headache first kaya ihanda mo ang iyong sarili,"

Tumango si Hector at bumaling nang tingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya, nagkaroon siya nang pag-asa mula sa kanyang mukha kahit papano. Pero hindi maitatangging may bago siyang problemang kakaharapin.

***

Seven na nang gabi nang makabalik ako ng aking clinic. Pina-uwi ko na kanina si Rachel. Nasorpresa ako nang madatnan si Eric na naka-upo sa bench sa reception area, mag-isa lang siya sa loob. Nawala sa isip ko na susunduin pala niya ako. Nakipag-usap kasi ako kay dok Jeric ng matagal at pinag-aralan namin ang case ni Hector.

"Kanina ka pa ba? I'm sorry," wika ko pagka-sara nang pinto.

"I'm here for almost two hours, but it's okay. Nauunawaan kita," tumayo si Eric at humakbang palapit sa akin.

Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Bumulong siya sa akin. "I miss you,"

"May meeting kasi ako kanina," nilagay ko ang aking kaliwang kamay sa kanyang pisngi. "I need a group of specialist para sa pasyente ko,"

Kaylangan kong magsinungaling sa kanya kung sino ang aking tinutukoy. Hanggang ngayon binabagabag ako nang kanilang financial problem. Gusto ko sanang tumulong pero wala akong maisip na magandang paraan.

Hinatid ako ni Eric pauwi sa aking condo. Sakay kami nang kanyang black ford ranger na bago niyang bili. Sa buong byahe, hindi ako makapagsalita. Dala-dala ko kasi yung aking worries para kay Hector.

"May problema ba? Tahimik ka masyado," nagbalik diwa ako sa sinabi niya.

Halata siguro sa mukha ko. Pinilit ko nalang ngumiti kahit papano. "I'm okay baby. Don't worry pagod lang ako,"

"Na-inform mo na ba ang parents mo tungkol sa magiging motif nang kasal natin?" dagdag niya.

Nagsisimula na kaming mag-plano para sa aming kasal. "Hindi pa nga eh, i'll inform them thru messenger bukas,"

Bigla nalang pumasok sa aking isipan sina mommy Gloria at daddy Ben.

"Saan mo gustong mag-dinner?" tanong muli ni Eric.

"Wag nalang, ihatid mo nalang ako. Sa unit nalang ako kakain. Gusto ko nang mag-rest nang maaga,"

Sumunod si Eric sa aking request. Pagkarating namin sa driveway nang building, I kissed him on his cheeks at nagmamadaling lumabas nang sasakyan. I rushed toward the condo lobby and never looked back at him. Nauunawaan naman siguro ni Eric kung bakit ako tumanggi. Halata na rin kasi sa aking mukha ang pagod.

I turned on the light, pagpasok ko nang aking unit. Nagtungo ako sofa at hinanap ang tablet. May connection pa pala ako kay mommy Gloria sa facebook. I felt a sudden eagerness na ipaalam sa kanyang mga magulang na buhay si Hector. Isang magandang balita ito para sa kanila. Ang mga magulang niya ang maaring sumagot sa kanyang operasyon, sa financial difficulties niya ngayon.

Nang ma-open ko ang wifi, pinindot ko agad ang app nang messenger. Pero bigla akong napa-isip, malalaman pala ni Maya ang kaugnayan ko kay Hector. Baka tanungin niya ako kung bakit ko kilala ang kanyang mga magulang. I made a promise to myself na hinding-hindi ako manghihimasok sa kanyang buhay ngayon. Mas lalo tuloy akong namroblema, there's got to be a way.

Quarter to twelve na nang gabi at hindi ako makatulog. Panay ang isip ko nang paraan kung papaano ko pagtatagpuin si Hector at kanyang mga magulang na magmumukha akong walang kinalaman dito.

Nagtungo ako sa sala at na-upo sa sofa. I looked at my book shelves, naghanap nang librong pwede kong basahin, tinatamad kasi akong mag-browse nang net. Kapag nakapag-basa ako nang book, madali na akong dalawin nang antok.

Instead napako ang aking mata sa photo album na ginawa kong patungan nang aking decor sa coffee table. Kinuha ko ito at binuksan, hindi ko maiwasang mapa-ngiti. Ilang years ko na nga palang hindi ito nakikita. Binaybay ko iyon at nakita ang aking mga pictures noong ako'y college pa.

Nagulat ako nang makitang may larawan pa pala akong naitabi na kasama ko si Hector. Pero siya kasi ang bumuo ng aking college days kaya hindi na rin ako nagtaka kung may makikita pa rin akong ganito. Hindi ko maiwasang malungkot, hinawakan ko ang larawan at pinagmasdan ng mabuti. Napa-iling ako at ngumiti nang ubod pait.

This picture was taken during my sophomore year in college, magkatabi kami ni Hector. Foundation day ito nang university at group picture iyon kasama ang ilan kong kaklase. Napa-singit nang di-oras dito ang dalawa niyang ka-brad sa frat. Bigla akong nangulila pero hindi ako umiyak sa pagkakataong ito. I closed the photo album at nagkaroon nang idea kung papaano ko maisasakatuparan ang aking pina-plano.