Chereads / Hector I Love You / Chapter 29 - CHAPTER 28

Chapter 29 - CHAPTER 28

Puno nang pagka-sorpresa ang mukha ni tita Cecile nang magtungo ako sa kanilang unit. Alam kong hinahanap niya ako.

"Ara ano ba ang nangyayari sa iyo?" wika niya. May halong pag-aalala ang kanyang boses. "Isang linggo akong kinabahan sa iyo,"

Napangiti ako sa kanyang sincerity. "Sorry tita, nagpunta kasi ako nang Tagaytay,"

"Anong ginawa mo ba run? Luka luka ka talaga," natawa na ako. Kaylangan kong magsinungaling. "Sana sinabihan mo ako. Ang dami kayang naghahanap sa iyo,"

"Alam mo bang patay na ang daddy ni Eric," dagdag niya. Nagulat ako sa sinabi niya. "Madalas siyang natawag sa akin. Hinahanap ka niya, nag-aalala siya sa iyo kasi naka-off palagi ang phone mo,"

Napahawak ako sa aking sentido. Bigla tuloy akong nag-sisi dahil sa ginawa ko. Gusto kong mag-sorry kay Eric, ang laki kasi nang pagkukulang ko sa kanya this past few days.

"Ka – kamusta na siya ngayon? Sorry talaga tita,"

"Sa kanya ka mag-sorry, okay na siya sa ngayon. Na-aawa nga ako eh, kung pwede lang namin siyang puntahan ni ate sa states nagawa na namin pero hindi talaga pwede. Iniiwasan naming magkaroon nang tensyon sa kanyang lola,"

Yumuko ako and I felt down again. Nawalan ako nang sigla. "Ang laki ng kasalanan ko sa kanya ngayon. Sana mapatawad niya ako,"

Tinapik niya ako sa balikat. "Don't worry, uuwi na siya rito next week. Hindi galit yun, nag-aalala lang talaga sa iyo,"

Hindi na ako nakapag-salita pa. Nag flashback kasi ang mga nangyari sa akin sa mga nagdaang araw. Nakatingin lang ako sa may kawalan na para bang hindi nag-eexist si tita Cecile sa aking tabi. Ang bigat nang aking nararamdaman.

May napagdesisyunan ako kagabi at na-open ko ito sa kanya. Na ang totoo nito, naghahanap talaga ako nang makaka-usap ngayon.

"Tita baka mag-quit na ako sa aking radio program," sinabi ko ito sa kanya na para bang siya si mama. "Gusto kong mag-concentrate sa clinical works ko ngayon,"

Sumagot siya. "Kung yan ang makakabuti sa iyo, just go ahead,"

Natahimik na naman ako at natulala. Nagbalik diwa nalang ako nang hawakan niya ang kaliwa kong kamay, nakatitig pala siya sa akin.

"Ara magtapat ka nga sa akin. May problema ka ba?" na sorpresa ako sa sinabi niya. Hindi na rin ako nagtaka. Hindi ko na kasi kaya pang itago ang nararamdaman ko ngayon. "Hindi kasi nagsisinungaling ang mukha mo ngayon. Dumaan din ako sa ganyang punto nang buhay ko kaya alam ko iyan. Huwag kang mahiyang mag-sabi sa akin,"

Hindi na naman ako nakapagsalita at papaano ko nga ba sasabihin ito sa kanya, huminga ako muna ng malalim.

"Buhay siya," wika ko.

Kumunot ang kanyang noo. "Sino? Hindi kita ma-get?"

Napa-iyak na ako sa kanyang tabi. "si Hector – yung dati ko – na akala ko namatay na – buhay siya," putol-putol na ang aking pagsasalita. Napayuko ako at tinakpan ang aking mukha, hinawi ko ang aking buhok pa-itaas.

"Papaano nangyari? I'm sorry Clara yan ba ang dahilan kung bakit nawala ka nang isang linggo?"

"Hindi ko nga alam kung paano nangyari iyon pero sapat na ang nalaman ko na buhay siya at may amnesia. Si Marco, siya si Hector,"

"Hah? Nakakasiguro ka ba?" tanong ni tita Cecile. Lumaki ang kanyang mga mata. "Baka kahawig niya lang Clara, hindi maiiwasan iyon kung minsan,"

Kinuwento ko nalang lahat kay tita Cecile. Dinetalye ko ang bawat pangyayari sa mga nagdaang araw. Kung bakit ako nawala nang isang linggo at kung bakit umalis nalang ako bigla nang magtungo sa presinto. Siguro gagaan ang aking pakiramdam kapag kinuwento ko sa kanya ang katotohanan. Nakinig siya at yun ang nagustuhan ko sa kanya, hindi siya makapaniwala.

Hindi na kami maka-kibo sa isa't isa matapos kong mag-kwento. Kung tao nga lang ang kapalaran, makakatikim ito nang mga hindi magagandang salita sa aming dalawa ni tita Cecile. Kaaway na namin ito dahil hindi maganda ang ginawa niya sa amin.

Binigyan niya ako nang isang box nang tissue. Hinimas niya ang aking likuran, dama kong nauunawaan niya ang aking kalagayan ngayon.

"Ano na ngayon ang balak mo hija?" tanong niya.

"Kaylangan kong tuparin ang pinangako ko na haharap ako sa kanya para sa isang treatment,"

"Nag-aalala tuloy ako para sayo – kasi kapag gumaling siya at bigla nalang magpasyang bumalik sa iyo, baka mas lalong gumulo ang lahat. May pamilya na siya at malapit ka namang ikasal," bigla kong na-alala yung pagpunta ni Eric sa aking clinic at alam kong yun ang iniisip niya sa oras na iyon, ang masaktang muli ang kanyang pamangkin.

"Don't worry tita, tanggap ko na," wika ko. Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay. Ilang beses ko itong pinag-isipan nang umuwi ako sa aking unit. "Hindi na kaylanman maibabalik pa ang lahat sa dati. As much as possible hindi ako manghihimasok sa buhay pamilya niya ngayon, kapag nakilala niya ako. Tatanggapin namin nang maluwag sa puso namin ang aming magiging sitwasyon,"

"Ara, nandito lang ako. Kapag hindi mo na kayang lumaban sa pagsubok mo ngayon, kausapin mo lang ang ako,"

I pursed my lips at tumango. Napalingon ako sa kisame, hindi na kasi matapos-tapos ang pag-iyak ko. Pinahid kong muli ang aking mga mata. "Nung nag-balik siya, mas masakit. Sobrang sakit,"

Napahagulgol na naman ako. Naramdaman ko nalang ang kanyang mga yakap at na-alala ko si mama. Na sa mga mahihina niyang tapik sa aking likuran ay para akong batang pinapatahan.

"Iiyak mo lang yan Ara," mahina niyang wika. "Pero huwag mo sanang hayaang manghina ka nalang nang tuluyan. Magpakatatag ka, labanan mo yan,"

"Tita pangako mo po sa aking hindi ito makakarating kay Eric. Don't worry I will be okay,"

Ayokong madamay si Eric sa nangyayari sa akin ngayon at kaylangan ko rin itong maitago nang maayos kapag nagbalik na siya rito. Kaylangan kong tatagan ang aking kalooban dahil yun nalang siguro ang magiging huling baraha ko. Hindi ko hahayaang madurog nang tuluyan ang aking pagkatao, I must hang on kung hanggang saan ko kaya.

"I respect your decision, pero don't let him down. Huwag mo sanang pabayaan ang pamangkin ko,"

Bumitaw siyang mula sa pagkakayakap at tumango ako. Tumagos na naman ang aking paningin dahil muli na naman akong may na-alala.

***

"Anak, may bisita ka," wika ni mama.

Nagmamadali akong bumangon, inalis ko pa ang aking mga luha at inayos ang buhok. Maganda ang ngiti ni mama sa akin, tatanungin ko sana siya kaso bigla nalang siyang tumalikod at lumabas nang aking kwarto. Narinig kong pinapasok niya yung inakala kong bisita. Nagulat ako ng sumulpot siya sa may pintuan.

"Hector – daddy?"

Hindi ako makapaniwalang naka-tayo siya sa aking harap. Ngayon kasi ang nakatakda niyang flight patungong U.S. Nagtaka ako kung bakit hindi siya natuloy, okay na kasi yung kanyang petition papers.

"Bakit nandito ka? Akala ko ba – "

"Matagal na akong tumanggi sa aking mga magulang mommy. Hinayaan ko na silang umalis na hindi ako kasama,"

"Pero bakit daddy? Akala ko ba nag-aayos ka ng petition papers mo,"

"Nakapag-ayos ako pero itinigil ko rin," lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang aking mukha. "Mommy ayokong mawala sa tabi mo. Hindi ko kayang iwan ka,"

Para akong batang napahagulgol muli nang pag-iyak habang siya, tinawanan lang ako.

"Daddy thank you! Hindi ko rin kasi kaya," bulalas ko. Niyakap ko siya nang mahigpit and I don't want to lose him forever.

"Kahit anong mangyari. Walang iwanan huh! Magsasama tayo palagi at bubuo nang mga pangarap,"

It was the happiest moment of my life at walang sino man ang maaring humadlang sa pag-iibigan naming iyon. Hindi na talaga kami maipag-hihiwalay kahit kaylan pa man. Kung mayroon pang kaylan pa man.

Nagbalik diwa akong muli sa kasalukuyan habang umiiling. Bakit sa ganito natapos ang lahat? Bakit kaylangang dalawang beses mag-biro ang kapalaran? Na kahit ilang beses akong umiyak para sa kanya ay hindi na muli pang mabubuo ang kaylan man. I thought were invincible but here we are now.

"Hector, sayang," mapait kong bulong sa aking sarili.