Umuwi ako na basang-basa, nalipasan na ako nang gutom pero hindi ko na iniisip iyon. Pinagtitinginan ako sa elevator nang mga taong aking nakasabay pero hindi ko sila pinapansin. I felt low na buong araw ata lumilipad ang aking isipan. Pinipilit kong huwag magkaroon nang mental breakdown.
Nakarating ako nang aking unit at kinuha ang phone sa white tote. Ang daming miss calls at text messages karamihan kay ma'am Yolly galing pero hindi ko ito sinagot. Pinatong ko ito sa coffee table.
Nagtungo ako sa banyo, nagbanlaw at nagpalit nang tuyong damit pagkatapos. I laid on my bed at yun lang siguro ang naging comfort ko at that moment. Nagmuk-mok ako maghapon hanggang sa makatulog ako.
Midnight, giniginaw na ako at sobrang init nang aking katawan. Tulog ako pero tears are falling down my eyes. I'm dreaming about him kung papaano niya hinahaplos ang aking noo at hinalikan ito nang mga panahong mataas ang aking lagnat. Sana totoo ito, sana nga.
Seven nang umaga nang magising ako at nanghihina ang aking buong katawan. Sinuot ko ang aking bathrobe pero giniginaw pa rin ako, pinatay ko na ang aircon. Masakit ang aking ulo pati na ang mga mata ko, magang-maga ito when I looked at my bathroom mirror.
Napagdesisyunan kong huwag nang pumasok sa trabaho ngayong araw. I tried to cook my breakfast dahil nakalimutan kong kumain kagabi. Fried egg, bacon and fried rice pero hindi ko rin naubos dahil bigla akong nawalan nang gana.
Uminom ako nang paracetamol at humiga sa sofa, nakatulog ako nang bahagya. Nagising akong pinagpapawisan at nawala pansamantala ang init nang aking katawan.
I grabbed my android phone, tuluyan na palang na low-bat ito, tinamad akong mag-charge. Yung landline ko panay din ang pag-ring pero ayokong sagutin ito. Ayokong makipag-usap sa ngayon. Buong araw akong nag stay sa aking unit at maya't maya ang aking pag-iyak. Nakakapagod na nga eh, pero hindi ko talaga kayang iwasan. Kapag na-aalala ko yung mukha niya kahapon lagi nalang may sakit akong nararamdaman dito sa aking puso.
Four nang hapon, tumutunog ang intercom pero hindi ko sinagot. Paulit-ulit ito pero nagmatigas ako hanggang sa marinig ko nalang na may kumakatok na sa pinto. Napilitan akong buksan ito. Tumambad sa aking harapan ang lady guard at si tita Cecile.
"Sabi ko na nga ba nandito ka eh, tinatawagan ka sa baba pero ayaw mong sagutin," wika niya. nagpasalamat siya sa lady guard na agad na umalis. Pumasok siya sa loob. "May problema ba Ara? Namumutla ka, at anong nangyari sa mata mo bakit namamaga?"
Sumagot ako nang pagarantal. Hindi ko kayang magpanggap na maging masigla. "Okay lang ako tita. Napadalaw ka?"
"Nagpunta kaninang umaga yung Yolly sa unit ko," sagot niya. Sinara ko ang pinto. "Sabi niya bigla ka raw umalis kahapon. Tapos tinawagan kita at tinext pa hindi ka sumasagot. Nag-alala kaya kami sa iyo. Ano ba ang nangyari?"
Hinawakan niya ako sa braso. Nagulat siya. "Hala Ara ang init mo. May lagnat ka ba?"
Matipid akong napa-ngiti. Yung reaction kasi niya exaggerated. "Uminom na po ako nang gamot, don't worry. Kaya ako biglang umalis kahapon kasi bigla talagang sumama ang pakiramdam ko," pagsisinungaling ko sa kanya.
Tumahimik siya at tinititigan ako. Yung kanyang facial expression may bahid nang pagdududa. Seriously? Ganoon ba kahalata sa mukha ko na may hindi magandang nangyari kahapon.
Huminga siya nang malalim. "I can't leave you here right now. Kaylangan mo ako ngayon. Look at you, namumutla ka talaga! promise,"
"Ikaw talaga tita, but thank you sa pagpunta mo ngayon. Kaylangan ko nga nang kasama," nagbago tuloy yung isip ko kasi yung sincerity niya para lang si mama.
Tumawag si tita Cecile sa dalawa niyang anak at nagbigay nang mga tagubilin. Nagluto siya nang arrozcaldo at mabuti nalang may stock ako nang chicken sa fridge. Yun ang naging dinner namin and nagustuhan ko talaga iyon. Bumuti kahit papano ang aking kalagayan.
Saka ko palang naisipang mag-charge nang aking phone. Nang mag full battery ito, nasorpresa ako pagbukas. Hundred miss calls at thirty text messages, karamihan dito kay Eric. Napa-pikit ako nang aking mata at nag-alala sa kanya.
"Mamaya tatawag daw ulit si Eric sa iyo. Nag aalala sayo nang husto," wika ni tita Cecile. Hawak niya ang kanyang smart phone. Magkatabi kaming naka-upo sa sofa at nanunuod nang telebisyon. "Tawag siya nang tawag sa iyo pero off ang phone mo. Sinabi ko na sa kanya,"
"Tita huwag mong sabihing may lagnat ako ngayon. Ayokong ma-stress siya pati sa akin,"
Tumango siya at napa-buntong hininga. "Alam mo nagulat talaga sila sa ginawa mo kahapon. Bakit ba kasi nag-walkout ka nalang bigla?"
"Sumama po talaga yung pakiramdam ko,"
Pagsisinungaling ko ulit. Iniba ko pa ang usapan. "Matanong ko lang po. Sino ba yung kapitbahay ninyong skinhead na malaki yung katawan at may tattoo?"
"Si ano yun...si pastor Red," kinuha niya ang remote at pinahinaan ang volume nang telebisyon. "Bakit mo natanong?"
Pastor Red, Pastor siya, gosh, I wanted to slap my face. Nanghusga kasi ako nang kapwa.
"Akala ko siya si Marco," sagot ko. Natawa si tita Cecile sa akin. Hindi ako makatingin sa kanya nang deretso. "Nagulat kasi ako dahil ibang tao yung pinakita sa amin,"
"Mukha ba siyang nambubug-bog? Alam mo ako rin eh, nung una kong na-meet yun akala ko talaga pugante. Pasensya na sa word ko, pero mabait yun at sobrang matulungin. Nung time na aarestuhin si Marco, isa siya sa naki-usap sa mga pulis na huwag ituloy yung pag-aresto,"
Napa-iling ako dahil may natutunan na naman ako ngayon.
"Baka i-reschedule ko nalang ang appointment. Kakausapin ko pa rin si Marco," wika ko.
"Paano mo makaka-usap yung Marco eh! Pinayagan na siyang ma-piyansahan nang asawa. Naka-laya na siya," nagulat ako sa sinabi ni tita. "Alam mo may tililing ata yang si Maya, ang gulo-gulo kausap, at tsaka wala na rin sila sa kanilang unit ngayon,"
"Lumipat sila? Pero pansamantala lang yung paglayang yun. Naki-usap palang kami kay hepe na mag-uundergo siya nang treatment. Pwede pa siyang makasuhan,"
"Agad-agad daw silang umalis kagabi pagka-laya sabi ni don Brando, hay naku! Ewan ko ba sa kanila. Hayaan mo na, yun ang gusto nila eh, problema na nila yun,"
Nagsisi tuloy ako ngayon pero mas lalo lang gugulo ang aking sitwasyon kung bigla nalang akong bumigay sa lahat nang taong naroroon kahapon.
Muli kong naka-usap si Eric. Sinabi niyang magtatagal pa siya sa U.S, nababahala tuloy ako lalo. Mas lalo akong na-stress. Nag over react lang talaga siguro ako kahapon. Nag hysteria, kaya nag manifest ang mukha ni Hector kay Marco. Akala ko naka-get over na ako nang tuluyan sa nakaraan niya pero may sakit pa rin pala.
Forgetting him completely is like a battlefield. Laging may sinusuong ang aking nararamdaman. Mabuti nalamang nakilala ko sina tita Cecile. Parang siya ang tumatayong mother ko ngayon, nakakatulong talaga siya sa akin. Kapag naririyan sila sa tabi ko mas nag-fofocus ako sa relationship namin ni Eric.
Paunti-unti alam kong makakalimutan ko rin nang tuluyan si Hector. Magkahawig man sila ni Marco wala na ring saysay pa kung pipilitin ko pa ring mabuhay sa mga ala-ala nito. Patay na siya at tanggap ko na iyon.
Kinabukasan, I'm back at work pati na rin sa radio station. After nang pag-uusap namin ni tita Cecile, nag-meditate ako. Ni-reprogram ko ang aking pag-iisip, that I am still the center of my universe, that I deserve to live a happy life at sinabi ko ito nang paulit-ulit sa aking subconscious mind.
What the mind can conceived your heart will follow, at pinaniniwalaan ko ito. Hindi ko na inisip pang hanapin ang pamilya nila Maya. Taos man sana sa puso ko ang pagtulong pero hindi ko pwedeng panghimasukan ang kanilang naging desisyon. Mabilis ko silang kinalimutan at sa bandang huli nagising na naman ako mula sa isang bangungot.