Chereads / Hector I Love You / Chapter 28 - CHAPTER 27

Chapter 28 - CHAPTER 27

Sagad hanggang buto ang lamig nang hangin sa Tagaytay ngunit hindi ito alintana sa akin. Seven nang umaga, sakay ako nang bisikletang nirentahan ko pa sa hotel na aking tinutuluyan. Nung bata pa ako ganito ang aking madalas gawin kaya ngayon, na-miss ko talaga ito ng sobra.

Hindi ako napapagod kakapadyak kung saan man ako dalhin. Malamig pero pinagpapawisan pa rin ako sa aking suot na sweat shirt at biker short. Sa background, tanaw ko ang taal lake na unti-unti nang nakikita ngayon dahil kanina makapal ang hamog.

I stopped my pedal and climbed off the bike. Humihingal ako pero buhay na buhay ang aking sistema, dumadaloy nang maganda ang dugo sa aking katawan.

Umupo ako sa concrete barrier at pinagmasdan ang taal lake. Tumagos na naman ang aking tingin kung kaya't from my field of vision ay nawala ang magandang senaryo sa aking harapan dahil muli na namang naglakbay ang aking isipan.

***

"Mommy pupunta pa rin ako sa graduation mo," wika ni Hector. Nagmamaka-awa yung kanyang boses. Nakatalikod ako sa kanya at nakasandal sa kanyang pulang Toyota innova. "Kaylangan talaga ako nang frat namin, minsan lang kasi mangyari itong medical mission. Matagal ko nang gustong sumama rito,"

"Medical mission mong mukha mo," bulalas ko. Pinapahid ko ang luha sa aking mga mata. "May tatagpuin ka lang dun!"

Inis na inis na naman ako sa kanya. Hindi man lang ako ininform na aalis siya, ilang araw nalang kasi graduation day ko na. Ayoko siyang umalis, ang gusto ko kasing mangyari ay samahan niya ako sa araw na iyon.

"Pag hindi ka pa tumigil sa kasasabi mo niyan, gagawin ko talaga yan," banta niya sa akin. May halong galit na yung kanyang boses.

Natakot ako pero hindi ako nagpadaig. "E di gawin mo! Wala akong pake-alam. Break na tayo,"

"O di makipag break ka kung yun ang gusto mo!" bulalas niya. Napalingon ako sa kanya. Yung kanyang kilay salubong na at may namumuong tensyon. "Alam mo ang arte-arte mo! Ano pa ba ang kaylangan kong gawin para maniwala ka, please naman mommy, lawak lawakan mo nga ang pag-unawa mo, magtatapos ka nang psychology ang kitid-kitid nang utak mo,"

Pinahid kong muli ang aking luha. "Sumama ka sa medical mission mo kung doon ka masaya. Habang tumatagal unti-unti ka nang nawawalan nang oras para sa akin,"

"Kaylan! Kaylan ako nawalan nang oras para sa iyo. Tang ina! naman Clara anim na taon akong palaging nasa tabi mo,"

Humagulgol ako nang pag-iyak. I cupped my face with my palms. "Ayoko na Hector! Iwan mo na ako. Tapusin na natin ito," naglakad ako palayo sa kanya.

Narinig ko nalang sa di kalayuan ang pagsigaw niya at malakas na kalabog na para bang sinipa niya ang kanyang sasakyan. I never looked back hanggang makalabas ako nang unibersidad.

***

Muli akong nagbalik diwa. Napayuko ang aking ulo kasabay nang pagluhang muli nang aking mga mata. Yun kasi yung last time na nakita ko siya. After two days inamin ko sa aking sarili ang aking pagkakamali, that I acted immature. Alam ko na ang tungkol sa medical mission but I'm selfish, gusto kong ako lang ang priority niya sa araw na iyon. In my graduation day, I'm dying to see him and tell him I'm sorry.

Ngunit kung minsan may pagkakamaling mahirap nang itama. Kung kaylan huli na ang lahat. Magandang balita man ang nalaman ko ngayon pero bakit hindi ako masaya para rito. Bakit nagbalik yung sakit, nagbalik yung dati na ngayon kahit anong pilit kong ipamukha sa aking sariling panaginip ang lahat na buhay nga siya pero ang reyalidad pa rin ang mas nangingibabaw.

Hindi ko na nga matanggap sa sarili kong buhay si Hector, pano pa ngayong nalaman kong may amnesia siya, na may asawa pa at anak. Papaano napunta sa ganoong sitwasyon ang lahat. Na kung kelan nalimutan ko na siya nang tuluyan nagbalik siya na parang walang nangyari.

I am the center of my universe I always tell myself but I'm crumbling into pieces. Ang unfair kasi, ang daya, nakakahinayang talaga yung nangyayari sa akin ngayon.

Nag-leave na naman ako sa aking trabaho, yun nalang ang naisip ko ngayon paraan. Iniwan ko ang lahat nang mga taong nagmamahal sa akin, lalong-lalo na si Eric. Tiniis kong huwag sagutin ang mga tawag nito. Hindi ko kasi kayang magpanggap na maayos lang ako, hindi nga ako makapag isip nang tama.

I might suffer psychosis, hallucination and schizophrenia, ganoon ka over react ang iniisip ko ngayon. Kung pwede lang ihinto ang oras, kasi hindi ko gusto ang kapalaran ko ngayon. Ayokong magtuloy-tuloy ito, I'm tired of crying in pain pero may sarili atang buhay ang puso ko. Iiyak siya kung kelan niya gusto kahit nahihirapan na ako.

Kinabukasan nakita ko ang aking sariling naglalakad sa vicinity nang our lady of Lourdes church.

"Dok Ara?" dinig ko.

Huminto ako at lumingon sa aking likuran. Nasorpresa ako sa taong iyon. "Father Dan, kayo pala. Kamusta na po kayo?"

Isa siyang pandak na lalake at may katabaan. Sisenta na siya siguro ngayon pero hindi halata. Siya ang spiritual adviser nang radio station noon, may sarili siyang radio program pero nag-quit na siya ngayon. Mas tinuon niya ang kanyang sarili sa pagsisilbi sa kanyang kura paroko. Hindi ko akalaing matatagpuan ko siya rito.

"Eto maayos lang po. Salamat naman at napa-dalaw ka rito sa simbahan namin," sagot niya.

Lumapit ako sa kanya. "Hindi ko nga po alam kung bakit ako dinala nang mga paa ko rito,"

"Ah...isa lang ang ibig sabihin niyan," sagot niya. Lumingon siya sa kalangitan. "Alam niyang may dinadala kang problema ngayon,"

Na-uwi kaming dalawa sa tahimik na parte nang simbahan. Naka-upo kami sa antigong kahoy na bench.

"Bakit minsan hinahayaan niyang magbiro ang kapalaran sa atin," tanong ko. Hindi ko magawang sumaya sa bawat sandali nang aking buhay ngayon.

"Alam mo doktora, hindi naman nagbibiro ang kapalaran?" sagot niya sa akin. "Kung nagbibiro ito. Ang mabuhay pala sa mundong ito ay isang malaking kalokohan. Hindi ninais nang ating poong maykapal na gawing biro ang buhay natin. Nilikha niya tayong punong puno nang pagmamahal at seryoso siya rito,"

Tahimik lang ako, I guess I'm losing my faith in humanity. Kung totoo bang may Diyos o wala, pero sa mga oras na iyon, nakakagaan nang pakiramdam ang sinasabi ni father Dan sa akin.

"Bakit hinayaan niya akong mag-dusa sa isang taong akala ko'y patay na ngunit buhay pala,"

Tumutulo na pala ang aking luha, hindi ko na ito natago pa kay father Dan. Pinagmamasdan niya ako, ano kaya ang kanyang iniisip? Alam kong hindi niya ako nauunawaan pero kinakausap pa rin niya ako sa abot ng kanyang makakaya.

"Clara, hindi gusto nang ating poong maykapal na magdusa tayo. Nasasaktan tayo kasi tao lang naman tayo. Alam mo ba nang mga panahong iyan, nakikisimpatya siya sa mga kalungkutan mo. Kung pwede ka nga lang niyang yakapin kasi gusto niyang maging matibay ka sa mga pagsubok na binibigay sa iyo nang kapalaran. Umaalalay siya sa atin ayaw lang paniwalaan ito nang ating puso,"

"Ano po ang gagawin ko ngayon? Buhay pala ang taong inakala kong patay na. Yung puso ko punong-puno nang panghihinayang, ngayon ko lang kasi nalaman ang lahat. Hindi ko kayang tanggapin...kasi – ang sakit,"

"Clara, kapag may bumubulong sa puso mong dapat maging matibay ka. Kinakausap ka niya. baligtarin mo kaya ang nararamdaman mo, imbis na magpighati ka. Subukan mong sumaya dahil isa itong magandang balita. Huwag nating lunurin ang puso natin sa kalungkutan. Kapag may bumulong sa puso mo at kinakamusta ka, sagutin mo. Naririyan siya sa tabi mo, dinadamayan ka. Malay mo siya na rin ang gumawa nang paraan sa dapat mong gawin. Manalig ka lang sa kanya,"

***

Nagsimula nang sumilay ang liwanag nang araw mula sa balcony nang tinutuluyan kong hotel. Ang payapa nang buong paligid, nakikita ko nang muli ang taal lake habang pawala ang makapal na hamog.

Tulala akong pinagmamasdan iyon at bigla nalang akong napa-ngiti. A voice from within, gusto ko ang sinabi ni father Dan. Ngayon na realize kong hindi pala talaga tayo nag-iisa. My faith restored sa sinabi niyang iyon.

Sabi nga nila, mas malapit ang Diyos kapag tayo ay nanghihina o di kaya'y napipilayan. Kapag tayo'y nag-iisa, naroroon daw siya na gustong tumabi sa atin. Siguro nang mga panahong sinisisi ko siya, tinanggap niya lang iyon kasi nauunawaan niya ang sakit na nararamdaman natin sa buhay. That miracle truly happened if we are strong enough to survive the game of life.

Sumandal ako sa railings at pinikit ang aking mga mata. Huminga ako nang malalim at nalanghap ang sariwang hangin. Lumingon ako sa kalangitan, sa kulay kahel na unti-unti nang nagpapakita sa akin na para bang gustong sabihing, Clara habang may buhay may pag-asa. I pursed my lips at tumangong mag-isa.

Bukas babalik ako nang Maynila at napagdesisyunan kong tanggapin ang hamon. Tutulungan ko si Hector sa pamamagitan ng isang treatment tungkol sa kanyang sakit, kasama na rito ang usaping legal na maari niyang kaharapin. Kaylangan kong maging malapit sa kanyang pamilya. Handa na ako kung sakaling magbalik ang kanyang ala-ala. Sa ano mang maaring mangyari kapag nakilala niya ako. Sa pagkakataong ito hindi na talaga maibabalik pa ang lahat sa dati.