Chereads / Hector I Love You / Chapter 25 - CHAPTER 24

Chapter 25 - CHAPTER 24

Nakatayo ako sa puting pintuan, kunot ang aking noo at bukas sarado ang aking palad. Huminga ako nang malalim at hinawakan ang doorknob. Pagbukas ko, isang kawalang nababalutan nang puting usok ang aking nakita. Umiling ako at tumalikod pabalik sa loob.

Bigla nalang may yumapos sa akin nang napaka-higpit and i freaked out. Lalo na nang makita ko ang sunog na braso nito, nanlaki ang aking mga mata. Tumitili ako at nagpupumiglas, kinikilabutan ako, gusto kong masuka.

"Tama na!" pagmamaka-awa ko. Tumulo ang luha sa aking mga mata. Muli na naman akong napabangon mula sa pagkakahiga.

"Doktora! Anong nangyari?" dinig ko. Napatayo si ma'am Yolly sa pagkaka-upo at nagtungo sa akin, nag-aalala ang kanyang mukha.

I turned my head around at nasa loob pala ako nang isang kwarto. Naka-upo ako sa mahabang sofa, may malaking table ilang metro ang layo sa akin. Nakita ko si hepe na napa-tayo rin at nakatitig sa akin. Nasa loob pala ako nang kanyang opisina. Humupa ang kaba sa aking dibdib and learned that I'm having a bad dream again.

"O – okay na po ako," pagsisinungaling ko kay ma'am Yolly. I tried to fake a smile. "Pasensya na po. Ilang araw na kasi akong walang tulog,"

Binaba ko ang aking mga paa sa sahig, nakita ko ang aking flat shoes at sinuot. Umayos ako nang pagkaka-upo and brushed my hair with my fingers.

Pinilit kong magsalita nang maayos. "Nasaan na po siya? Pwede po bang ituloy na natin?" my heart is beating fast at hindi na ako mapakali, napapahawak ako sa aking sentido dahil ang gulo nang isip ko ngayon.

There is a thing called hyper familiarity syndrome kung saan nagiging pamilyar ang mukha nang isang complete stranger sa iyong paningin, kahit ngayon mo palang siya nakita. I'm asking myself, do I have one of these? Normal naman ang nararamdaman ko sa ngayon. Guni-guni ko lang ba ang nakita ko?

"Mag-hintay lang tayo dito dok Ara," wika ni ma'am Yolly. Inakbayan niya ako at hinimas ang aking braso. "Ipapatawag nalang nila tayo sa loob. Okay ka na ba talaga? Wag ka masyadong tensyonado, madaming pulis naman ang nagbabantay sa atin,"

I pursed my lips at tumango. Kaylangan ko siyang makita ulit.

Matapos ang mahigit ilang minuto ay muli kaming pinabalik. I walked slowly patungo sa kwarto at naroroon pa rin siya. Tanaw ko ang kanyang likod na nakadikit ang dalawang kamay na naka-posas. May dalawang pulis sa tabi niya na nabaling ang tingin sa akin.

Naunang pumasok si ma'am Yolly at may sinabi kay Marco pero hindi ko maintindihan. Bakit ang bigat nang pakiramdam ko? Bakit parang ayoko nang ituloy ito? Pero I need to talk to him, ako kasi ang nagplano nito. Tumigil ako pansamantala at nag-meditate, humugot ako nang lakas nang loob para magpatuloy.

Sa ikalawang pagkakataon muli kong nasilayan si Marco. Nakatitig na din siya sa aking, nawala ako sa aking sarili at nasambit muli ang pangalang iyon sa aking isipan.

Hector

Am I over-reacting, hindi kasi ako namamalikmata. Kahawig ni Marco si Hector. Bigla tuloy naghalo-halo ang aking emosyon. Hindi nagkakalayo ang kanilang facial features. Kahit pa may manipis na balbas at bigote ang lalakeng kaharap ko. O di kaya'y may laman ang mukha nito, maski ang mapupungay na mata niya, parehong-pareho talaga.

The tension marked in his brows. Ang pag-puff nang kanyang lower eyelids, napa-pikit ako, I miss this. Doon ko rin na-realize kung bakit pamilyar ang mga mata nang kanyang anak. Parang kakambal ni Hector ang aking kaharap pero nag-iisa lang siyang anak eh.

Lahat tayo may kahawig pero kung i-rarate ko ang pagkakahawig nilang dalawa, one hundred percent ito. And it's one in a million or a billion. Gosh! masyado lang siguro akong nagpadala sa aking emosyon kaya naiisip ko ito ngayon. Umupo ako at binalewala ang aking magulong pag-iisip.

Nagsalita siya sa akin na kalmado sa unang pagkakataon. "Ma'am nasaan po ang asawa ko? gusto ko silang maka-usap. Wala akong intensyong saktan siya,"

Pati boses niya kahawig, may hallucination ba ako? Napa-pikit ako nang aking mga mata. Na-alala ko pa nga yung glitch theory na napapanuod ko sa mga youtube videos, totoo ba talaga yun? Parang nararanasan ko kasi ngayon.

Sa loob ko, I tried to question my sanity but perfect ang aking mental states. Kahit seven years akong nag-dusa sa pagkawala ni Hector, pasado ang aking mental evaluation kaya nga ako natanggap sa ospital na pinapasukan ko. Bigla akong naka-dama nang pangungulila, I miss that tone of his voice.

"Ma – maayos sila. Sabi niya, may sakit ka raw?" pilit kong tanong. Kaylangan ko kasing ma-accomplish itong plano ko.

"Madalas po kasing sumakit ang ulo ko nitong nagdaang araw," wika niya. Napansin kong dahan-dahan niyang kinikis-kis ang kanyang mga palad, natulala ako. "Hindi ko maipaliwanag,"

Doon ko nalang biglang naramdaman ang kirot sa aking puso. Pati ba naman mannerism niya katulad din. Nanginig ang aking buong katawan. May namumuong luha na rin sa gilid nang aking mga mata. Bibigay na ata ako sa harap niya, sa harap nilang lahat. Tumayo ako nang wala sa sarili at tumakbo palabas nang kwarto. Lumabas na rin ako nang presinto.

"Doktora! Bakit? Anong problema?" boses ni ma'am Yolly iyon pero hindi ko siya pinansin.

Umuulan na pala sa labas, nagmamadali akong pumasok sa aking kotse. Nagmamadali ko itong pinatakbo at bahala na kung saan mapad-pad.

Tumigil ako sa isang junction nang mapansin kong nag-pula ang traffic lights. Ang tahimik nang paligid, yung lagaslas lang nang ulan ang aking naririnig. Tumigil ata ang pag-ikot nang mundo. Para akong nagbalik-diwa at naramdamang nag-iisa na naman ako. Pinikit ko ang aking mga mata at gumuhit ang mukha ni Marco sa aking isipan. Bakit? Bakit ko siya biglang naisip?

Umiiling ako at pinilit kong mag-isip ng ibang bagay. I concentrate on my breathing, inhale and exhale. Pero mas lalo lang bumibigat ang aking dibdib at hindi ko na talaga kaya. Napasubsob ako sa manibela at bumulalas nang pag-iyak.

Nahimasmasan nalang ako dahil sa mga katok sa bintana. Mula sa maulang paligid nakita ko ang traffic enforcer na nakasuot nang yellow raincoat. Sinesenyasan niya ako at doon ko narinig na marami na pala ang bumubusina sa aking likuran.

Pinihit ko ang manibela at pina-andar ang sasakyan. Bigla nalang sumagi sa aking isipan ang isang lugar na madalas kong puntahan noon, ang columbarium.

***

Narating ko ang columbarium habang walang tigil ang pag-ulan sa mga sumandaling iyon. Naglalakad ako sa hallway at dinig ko ang sarili kong yabag dahil sobrang tahimik. Walang taong dumadalaw ngayon kung kaya't kahit papaano may naramdaman akong pansamantalang kapayapaan.

Narating ko ang lapida ni Hector. Napansin kong nawala yung kahon na may lamang school ID at singsing. Pero hindi ako nakadama nang pagkabahala, ang dami kasing tumatakbo sa aking isipan. Hinimas ko ang makintab na lapida at pinagmamasdan ang kanyang pangalan. Patay ka na Hector di ba? Tumutulo ang luha sa aking mga mata.

Halos maraming buwan din ang nagdaan at hindi ko na ito nabibisita pa. Hindi ako makapaniwalang naririto na naman ako sa isang yugto nang aking kahapon. Yung kahapon kong ayoko nang balika pa. Hinayaan ko nalang na iiyak ang lahat at sa sobrang tahimik nang paligid nag-echo ito.

Lumabas ako nang gusali na tulala. Naglakad-lakad ako habang unti-unting nababasa nang malakas na ulan. Halos mag zero visibility ang buong paligid.

Nakita ko ang isang concrete bench at naisipan kong umupo. Nakatitig ako sa may kawalan and my mind is pre-occupied with memories. About the time when Hector sat by my side and all we did is to laugh all day.

Inangat ko ang aking ulo sa kalangitan. Sinalo nang aking mukha ang bawat patak nang ulang bumabagsak. Akala ko ba tapos na ang aking pagdurusa pero bakit mukha atang nagbibiro na naman ang tadhana. Pinalaya ko na ang nakaraan pero bakit muli itong nagbalik. Heto na naman ang sakit na nangungutya. Ang kalungkutang muli na namang nagtagumpay. Para ba akong nagkaroon nang kaaway na ngayon kaibigan ko na naman. Sa mga sandaling ito kasabay nang walang tigil kong pag-yak, parang dinadamayan ako nang langit. At least nararamdaman ko pa ring hindi ako nag-iisa ngayon.