Chereads / Hector I Love You / Chapter 23 - CHAPTER 22

Chapter 23 - CHAPTER 22

Lumabas kami at lumapit kay ma'am Yolly na isang social worker. Pareho sila ni tita Cecile na nasa fifties na, maikli ang kanyang buhok, pandak at payat. Malapad pa ang kanyang ngiti nang salubungin kaming dalawa.

Pinayagan kami nang security na papasukin silang lahat, nalaman na rin pala nila ang nangyari kaninang madaling araw. Pinagtitinginan kami mula lobby hanggang makasakay nang elevator at dahil kasi ito sa kasama naming pulis.

"Ma'am Yolly bakit po may kasama kayong pulis?" mahina kong tanong.

"Kailangan siyang ipa-blotter at ipa-kulong, seryoso kaya yung ginawa niya," paliwanag niya na malakas pa ang pagkakasabi. Na-tense tuloy ako. "Otomatiko tayong tatawag ng pulis kahit na simpleng pananakit lang yun. Pwede kasing maulit yun,"

Habang nilalakad namin ang hallway patungo sa unit nila Maya ay hindi maiwasang magkatinginan kami ni tita Cecile at kapwa mangusap sa mata. Kasunod namin ang dalawang lalakeng pulis. May kasama rin si ma'am Yolly na dalawang social worker, isang babae at lalake.

Kinakabahan na ako, dapat ko bang pagsisihan ito? Kinakausap ni tita Cecile ang mga pulis pati na rin ang part nila ma'am Yolly para hindi naman maging awkward ang sitwasyon. Halos pilit na ang aking ngiti kasi ang plano ko ay confrontation lamang walang warrant of arrest.

Kumatok ang isang pulis na Moreno at malaki ang pangangatawan sa pinto nang unit nila Maya. Kakausapin ko sana siya para ako muna ang unang kuma-usap sa kanila kaso biglang tumunog ang aking android phone, it was Rachel, my staff.

Bumaling ako nang paningin kay tita Cecile. "Tita tumatawag ang staff ko. Kayo po muna ang mag-assist sa kanila,"

Tumango siya at humiwalay ako sa kanila papasok sa unit nila tita Cecile. Nadaanan ko pa ang ilan sa mga kapitbahay na unti-unting naglalabasan para maki-usyoso.

I informed Rachel that I'm taking a half day for work. Nagbigay ako nang mga tagubilin para sa mga nakatakda sanang appointment. Napapabaling pa ako sa door na half close kasi may mga ingay na sa labas.

Nang matapos ang tawag, nakita kong naka-tayo si tita Cecile sa pintuan. Naka-silip siya sa pasilyo.

"Tita, ano na po ang nangyari?" I asked her.

"Ayun pababa na sila. Kusang sumama si Marco sa mga pulis, yung asawa ni Maya,"

"Marco?"

"Marco De Leon, yun din yung pangalan niya. Junior pala yung anak nila,"

Napakunot ako sa noo, bigla ko kasing na-alala ang pangalang iyon. Yung taong humingi ng tulong sa aking radio program na binigyan ko pa ng appointment ngunit hindi naman sumipot. Siya ba ito? O coincidence lang na pareho sila ng pangalan. Bigla tuloy akong naguluhan.

Kasi kung siya nga ito, hindi ako makapaniwalang ang lalakeng minsan ko nang nakitang naglalakad sa hallway na yan ay si Marco De Leon. Nag-krus ang aming landas nang hindi ko inaasahan at ngayon nagkaroon ako sa kanya ng malalim na kuryosidad. Ang tungkol sa sakit niya at kung bakit natatakot palagi ang kanyang mag-iina.

"Tita sundan natin sila. Samahan natin si Maya sa presinto," bigla kong wika. Nagtaka si tita Cecile at napa-kamot pa sa ulo.

Napilitan ko pa siyang napa-payag. Nakababa kami nang ground floor at naabutan nga namin sila pero paalis na nga lang ng gusali. Lumabas kami at nagtungo sa parking area kung saan naroroon ang aking Honda accord. Nagmamadali kaming sumakay ni tita Cecile at sinundan kung saan nagtungo ang dalawang police car.

"Nakaka-awa talaga yung pamilya nila. Bakit pa kasi nag-sama nang pulis," kwento ni tita Cecile. Napa-buntong hininga ako habang nagmamaneho. "Alam mo ba lumuhod yung Marco sa harap nila at nagmamakaawa, iyak siya ng iyak. Paulit-ulit niyang sinasabi na hindi niya sinasadya yung ginawa niya kagabi,"

"Alam mo tita napaka powerful kasi ng violence against women and children, paglabag kasi ito sa karapatang pantao kaya nabibilang siya as crime against the people," paliwanag ko pero parang gusto ko talagang mag-sisi sa aking nagawa. "Kahit sino pwedeng mag sampa ng kaso sa asawa ni Maya. Kahit ayaw pa ni Maya na isang biktima. Wala siyang magagawa, dahil iyon ang batas na yun. Mahirap itong mabali,"

"Na-aawa ako kay Marco nakita ko yung sinseridad niya nung nagmamaka-awa siya. Niyakap pa siya ni Maya tsaka nung anak, wala kaming magawa. Sumakit nga yung ulo ni Yolly, kasi maski siya na-aawa rin,"

"Mabuti napa-payag nila yung Marco?" tanong ko.

Ano kaya ang kanyang sakit at nagawa niyang saktan ang kanyang mag-iina? Alcoholic ba siya? Gumagamit nang droga? Kasi yun ang maaring maging rason para maging bayolente ang isang tao. Mukha naman siyang walang mental illness sa kanyang itsura.

Nabaling ang aking atensyon nang sumagot si tita Cecile. "Kusa siyang tumayo at nagpa-posas sabi niya ginagawa raw niya iyon para mapatunayang hindi niya sinasadya yung ginawa niya kagabi. Pa-ulit ulit niyang sinasabi na mahal niya sila. Hindi ko na nga siya maintindihan kasi dinamayan ko na yung mag-iina, nag hi-hysterical na si Maya," umiiling siya habang nagkwe-kwento.

"Sa totoo lang nagalit talaga ako run sa asawa niya kagabi," pero tama naman ang ginawa ko kaya bakit pa ako mag-sisisi. Tama rin ang ginawa ni Maya na humingi nang tulong sa amin. Kung ano man ang nagawa nang kanyang asawa sa kanilang dalawa, deserve niya iyon. "Sana maunawaan ni Maya ang ginawa ko at tsaka balak palang naman kasuhan yung Marco,"

Natigil pa ang pagsunod namin kasi inabutan kami nang traffic pero alam kong sa presinto din nauwi ang lahat dahil may presinto sa dinaanan nang dalawang police car. After fifteen minutes nakarating kami sa presinto at nadatnang kinukuhanan si Maya nang statement nang isang pulis. Wala siyang tigil sa pag-iyak habang yakap ang anak na umiiyak din. Nasa tabi niya si ma'am Yolly at dalawa pa niyang kasama.

Nagulat pa ako sa aking narinig dahil kinulong kaagad nila si Marco. Nabaling ang paningin ni Maya sa akin pagpasok namin ni tita Cecile.

"Ikaw! Kasalanan mo to," asik niya.

Tinibayan ko ang aking sarili at hinarap ito. "Maya, patawarin mo ako. Ginawa ko lang ang tama,"

Hahawakan ko sana siya sa kanyang balikat ngunit tinabig niya ang aking kaliwang kamay.

"Tama si doktora," Segundo ni ma'am Yolly. Napa-tingin siya sa akin dahil sa ginawa ni Maya. "Para sa safety niyo rin ito nang anak mo. Hindi tayo nakaka-sigurado sa asawa mo,"

"Masaya ka na ba! Masaya ka na ba sa pangenge-alam mo," sagot niya muli sa akin.

Si tita Cecile ang umalma sa sinabi niya na tila hindi niya ito nagustuhan. "Hoy! Hija, pasalamat ka't pinapasok pa kita sa loob nang pamamahay ko kundi punching bag ang labas niyo nang anak mo,"

Inawat ko siya. Nagkatensyon pa tuloy kami. "Tama na tita,"

"Kasi naman pake-alamera pala ang tingin niya sa atin," bulalas niya. Naka-pamewang siya at salubong ang kilay. "Sana hindi na siya humingi nang tulong kung ganoon naman pala ang tingin niya,"

Nag-iisip ako kung papaano mapapalamig ang ganoong sitwasyon. Lumingon ako kay ma'am Yolly. "Ma'am, pwede ko ba kayong maka-usap? Tita Cecile samahan mo kami sa labas,"

Upang hindi lumala ang lahat, lumabas kaming tatlo malapit sa aking kotse kung saan ito naka-parada. Pina-iwan ni ma'am Yolly sa dalawa niyang kasama si Maya na kinukuhanan pa rin nang statement. Kanina habang nagmamaneho ako, an idea came out. Kaylangan ko lang humingi nang tulong kay ma'am Yolly. May naisip na ako kung ano ang aking gagawin.