Pansamantalang natapos ang kaguluhan. Nabulabog talaga ang buong floor nila tita Cecile. Napabalik daw sa kanilang unit yung asawa nang babae pero may nagbabantay sa kanya. At nung kumalma naman daw ito napagdesisyunan nilang huwag nang tumawag nang pulis. Dahil maidadaan pa raw sa magandang usapan ang lahat. Pero mas minabuti nalang namin ni tita Cecile na manatili sa unit ang mag-iina.
Na-impressed ako sa ginawang pagtutulunagn nang kanilang mga kapitbahay. Alam naming problemang pam-pamilya iyon pero hindi ito tama sa mata nang batas. Ang domestic abuse ay isang krimen at hindi isang problemang pampamilya lamang. Kahit sino pwedeng make-alam dahil buhay ang nakasalalay dito. At yun ang pinaniniwalaan ko.
Na-alala ko na naman ang mukha nang asawa nang babae kung kaya't nagkaroon ako nang galit dito. Hindi ko mapapalampas ang kanyang ginawa, nagkaroon kasi ng trauma ang bata. I decided to report the incident sa kakilala kong taga-dswd at ginagawa ko ito bilang kapwa babae.
"Sino ang kina-usap mo Ara?" usisa ni tita Cecile. Hawak ko pa ang aking android phone at sinasara ang sliding window.
"Yung kakilala ko pong taga-dswd," bumulong ako sa kanya habang nakatingin sa direksyon nang mag-iina. "Pupunta sila rito. Balak naming sampahan yung asawa nang violence against women and children,"
Nagtimpla si tita Cecile nang pangatlong cup of coffee, hindi na kami nakatulog dahil sa nangyari. Four thirty na nang madaling araw at nanatiling naka-upo sa sofa ang ina na tulala. Katabi niya ang kanyang anak na natutulog.
Nagkatinginan muna kami ni tita Cecile bago namin siya nilapitan at kinausap. "Ako nga pala si Cecile at siya naman si Clara, actually psychologist siya. Baka makatulong siya sa inyo,"
Tumabi si tita Cecile sa babae habang sa single sofa naman ako malapit sa kanila. Inalok namin siya nang kape at pinatong sa table.
"Ako po si Maya at eto si Marco," malumanay niyang wika. Kalmado na siya nang kausapin namin. "Pasensya na huh, sa ginawa naming gulo ng asawa ko,"
"Maya, wag mong ipagsawalang bahala ang ginawa sa iyo ng asawa mo. Krimeng maituturing ang pananakit na ginawa niya sa inyo," matibay kong wika.
"Nag-talo kasi kami. Hindi niya sinasadyang masampal ako," paliwanag niya. hindi siya tumitingin sa amin. "Ngayon niya lang nagawa ito sa akin. Bigla na naman kasing sumakit ang kanyang ulo,"
Paos na ang kanyang boses at yung mata niya magang-maga. I stared at her with pity, bakit kaylangang may isang ina o babae ang makaranas nang ganito. Iresponsableng maitatawag at arogante ang kanyang asawa. Maski sa unang pagkakataon kong nakita ang kanilang anak, may takot na sa mukha nito.
"Mamaya pupunta ang kakilala kong taga-dswd dito. Kakasuhan natin siya ng violence against women and children," wika ko.
Pero biglang napabulalas si Maya nang iyak. "Huwag! Wag niyong gawin yan. Ayokong makulong ang asawa ko. Hindi niya talaga sinasadya yung nangyari kanina. Mahal na mahal niya kami sa totoo lang please! Nakiki-usap ako,"
Napatakip siya nang kanyang mukha at pareho kaming napakunot sa noo ni tita Cecile.
"Kung mahal ka niya bakit halos hindi ka na magkanda-ugaga sa paghingi ng tulong sa amin na akala mo papatayin ka ng asawa mo," asik ni tita Cecile. Nag iba ang tono nang kanyang boses.
"Kahit saang angulo mo tignan Maya," paliwanag ko. "Hindi talaga maganda ang ginawa ng asawa mo sa iyo, kahit hindi pa niya sinasadya,"
"May sakit kasi siya, hindi niya sinasadyang gawin yun. Hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay kahit kaylan pati na ang anak namin. Nagkataon lang talaga yung nangyari kanina dahil namimilipit siya sa sakit ng kanyang ulo,"
Duda ako sa sinabi niya kasi nung na-meet namin sila ni Eric sa elevator, takot na takot siya. Nagsisinungaling siya sa tingin ko. She is protecting her husband at minsan nangyayari talaga iyon kasi takot silang mawasak ang kanilang pamilya. For the sake of the children, for the sake of love, diyan tayo mahihinang mga babae.
"Ano ba ang tungkol sa sakit niya Maya?" I asked her. Napansin kong iritado si tita Cecile sa kanya. "Baka makatulong ako,"
"Hay naku! Ang gulo-gulo mo kausap," asik ni tita Cecile. Kinuha niya ang box nang tissue malapit sa lamp shade at binigay ito kay Maya.
Kumuha si Maya nang tissue at pinahid sa kanyang mata. "Mahirap ipaliwanag, kaya please lang. Huwag na huwag niyo siyang kasuhan. Kailangan namin siya ng anak ko. Mahal na mahal namin siya,"
Hindi na ako makakibo habang napapakamot sa ulo si tita Cecile.
"Ma, bakit ka na naman na-iyak?" wika nang bata. Nagising ata ito sa iyak nang kanyang ina.
Bumangon ito sa pagkakahiga at niyakap ito ni Maya ng mahigpit. Hindi ko na alam kung papaano ko pa siya pakakalmahin. Naturingan pa man din akong Psychologist. Pero magkagayun pa man, hindi na magbabago ang naging desisyon ko.
Nagmamalasakit lang ako sa kanya, no women should suffer this kind of consequences. I don't care about the father. Hinanda ko ang aking sarili mamayang umaga.
***
Tulog ako pero unti-unting nagigising dahil may humahaplos sa aking mukha. Banayad ito kung kaya't hindi ko maiwasang mapa-ngiti habang pikit ang mga mata. Pagdilat ko, para akong binuhusan nang malamig na tubig. Naka-upo siya sa aking tabi at naka-ngiti.
"Hector!" bulalas ko. Hindi siya kumibo.
Tumayo siya at humakbang palayo sa akin. Bumangon ako at muli na namang na-sorpresa dahil nasa loob ako nang puting kwarto.
Naglakad si Hector sa puting pinto at binuksan ito. Nagmamadali akong tumayo sa puting kama. "Teka Hector! Huwag mokong iwan,"
Lumabas siya nang pinto at pilit kong hinabol. Sumara ang pinto pero binuksan ko pa rin ito. Pagbukas, bigla akong nagtaka dahil isang kawalang nababalutan nang puting usok ang aking nadatnan. Nagpalinga-linga ako sa buong paligid, gusto ko nang umiyak dahil nadismaya akong hindi na siya makitang muli.
Mula sa usok lumitaw ang isang sunog na tao at sinunggaban ako nang yakap. Mahigpit, na halos mabaliw ako sa takot. Tumili ako nang ubod lakas at saka ako napabalikwas.
Naka-upo ako sa single sofa at napagtantong binabangungot na naman ako. Nakatulog pala ako kahit sa maikling oras lang.
"Gising ka na pala," bungad ni tita Cecile.
Napansin ko ang blangket na naka-kumot sa akin.
"Tita, bakit? Anong oras na ba?" I asked her bago ako mahimasmasan.
"Eleven na," sagot niya. "Hay naku, yung mag iina ayun bumalik na sa unit nila, nasalisihan tayo. Hindi sinasadyang mapalabas ni Hans,"
Inalis ko ang blangket at bigla nalang hinanap ang aking android phone, nasa side table ito sa aking kaliwa. Kahit mahilo-hilo pa ako dahil sa biglang pag-gising ay pinilit ko pa rin tignan ang text messages.
"Naku tita! Kanina pa pala nag-text si ma'am Yolly," taranta kong wika. May limang text message ako at tatlong miss calls. "Yung kakilala kong taga-dswd. Nasa baba na raw sila. Samahan mo ako,"
"Ano ka ba naman Ara. Tara na bumaba na tayo," bulalas ni tita Cecile na nahawa na rin sa akin sa pagkataranta.
Nagtungo muna ako sa banyo para punasan ang aking mukha saglit at tsaka kami nagmamadaling lumabas nang unit. Mabuti nalamang walang tao sa elevator ngayon kaya mabilis kaming nakababa.
***
Tumatakbo kami sa main lobby nang gusali patungo sa main entrance. Sa malaking glass door natanaw ko na si ma'am Yolly. May kausap siyang security guard, kumaway siya sa akin nang makita ako. Bigla akong napahinto kasi may kasama siyang dalawang pulis. Wala kasi ito sa napag-usapan namin, may dalawang police patrol car pa sa driveway.
"Ara, bakit may kasamang pulis? Aarestuhin ba nila yung tatay?" tanong ni tita Cecile na medyo naguluhan din katulad ko.
Napa-kamot ako sa ulo. "Nagulat nga ako tita. Wala kasi sa usapan yan, bahala na nga,"
Pinagmasdan ako ni tita Cecile na kunot ang noo. Bigla tuloy akong nag-alinlangan, tama ba ang naging desisyon ko? Huminga ako nang malalim and brave myself to deal this.