Sa mga sumunod pang mga araw naging abala na ako sa aking klinika.
"Gusto ko kasing mag-kaanak na kami," wika nang aking babaeng client na nasa thirties na. Kaharap ko silang naka-upo sa sofa. Kasama niya ang kanyang asawa na naka-yuko dahil nahihiya. "Kaso pag tuwing magtatalik kami bigla nalang siya tumatakbo palabas ng kwarto, "
"Bakit ka napapatakbo?" I asked yung lalakeng asawa. Binaling ko ang paningin ko sa kanya. Pareho silang chubby, yung lalake skin head na may makapal na beard at eye glasses.
"Kapag kasi nagsimula na siyang mag-hubad," nag-clear siya nang throat. Namumula ang kanyang mukha pero pinipilit pa rin niyang magpaliwanag. "Bigla akong nahihilo at nasusuka. Nagiging hindi maganda ang pakiramdam ko, "
Sumingit ang asawa niyang babae. "Doktora five years na kaming palaging ganun. Minsan nga inaaway ko na siya at pina-aaming bading, "
Napansin kong two tone color ang cuticle nang babae, violet at yellow.
"Hindi nga ako bading!" malumanay na wika nang lalake. Malaking bulas siya at may tattoo pa sa braso.
Sinaway ko sila kasi nagkaroon pa ng tensyon. "Okay, wag po kayong mag-talo. Naniniwala ako kay kuya, "
"Bakit ka nasusuka? Nahihilo?" I asked kuya again. Humihinga siya ng malalim na kumukuha nang lakas nang loob para magpaliwanag. "I want an honest answer, "
"Pag nakikita ko yung ari niya. Nag-iiba yung pakiramdam ko," sagot nito. Nagulat ang kanyang asawa na napa-bilog ang bibig dahil sa kanyang sinabi.
Tumango ako, alam ko na kung bakit. "I see, palagay ko may Kolko phobia ka, "
"Kolko phobia?" tanong nang babaeng asawa.
"Uhm...Isang uri nang phobia na may kinalaman sa ari. Particularly sa ating mga babae," seryoso kong paliwanag. Hindi biro ang pinagdaraanan nang lalake sa kalagyan niyang iyan. "Kaylan pa ito nagsimula? "
"Nung grade six ako dok. Ara, unang tinuro sa amin ang reproductive organ. Palagi akong binibiro ng ate ko na may ngipin daw ang ari ng mga babae, "
"Vagina dentata, isang archaic myth na may ngipin ang female organ, "singit ko.
He paused for a moment at napahilamos nang kanyang mukha. "Na-alala ko ng makita kong nag-durugo ang shorts ng aking ate minsan. Tinakot niya akong may kinain daw ang ari niya, "
Tumawa nang malakas ang babae niyang asawa. "Papa! tanga ka na pala talaga kahit noon pa, "
Napatakip sa mukha ang lalake na pulang-pula. Huminga ako nang malalim, mas nakita ko ang struggle nang guy kaysa ang nakakatawang sitwasyon niya.
"Alam mo ate kahit nakakatawa ang nararanasan ni kuya ngayon. Problema pa ring maituturing iyan," paliwanag ko sa babae. Tumigil siya sa pagtawa. "Wala itong pinagkaiba sa ibang phobia na may malaking epekto sa buhay niya. Kuya may paranoia ka rin at yung trauma mo nung bata ang nag-inflict sa phobia mo na mas lalong nag-manifest. Ate unawain mo sana ang pinag-dadaanan ni kuya ngayon, "
Niyakap nang babae ang kanyang asawa nang mahigpit.
"May i-susuggest ako sa inyong sex therapist. Kilalang kilala ko ito kasi naging professor ko siya, matutulungan niya kayo lalo ka na kuya, na mapaglabanan mo yang phobia at paranoia mo," paliwanag ko. Binigyan ko sila nang calling card. "Huwag mo sanang ikahiya kung ano ang nararanasan mo ngayon dahil seryoso ang sakit na naidudulot nito sa damdamin mo pati na sa katawan mo, "
Sumingit ulit ang babae. "Gustong-gusto ko na po talagang magka-anak doktora, "
"E ano ang magagawa ko kung ayaw tumigas! "asik nang lalake.
"Pero mahal mo si ate?" I asked.
"Mahal ko siya dok. Ara, pero may sagabal kasi kaya di ko maibigay ang gusto niya,"
"Maraming paraan para magka-anak kayo," wika ko. "Ang maipapayo ko lang sa ngayon, ate, huwag mo sanang iiwan si kuya dahil lang sa kondisyon niya. Tulungan mo siyang paglabanan ito. Naniniwala akong magkaka-anak din kayo, "
Pagka-alis nang dalawa, tinawagan ko kaagad yung former professor ko na isang sex therapist. I talked to her about sa case nang mag-asawa and she is willing to help. After nang tawag, mag-isa na naman ako sa aking office.
Tumunog ang aking android phone at nabasa ang text message ni kuya Drei. Nagtungo ako sa reception area. "Rachel may dumating ba na Marco de Leon? May appointment kasi sa akin yun, "
"Wala po doktora eh, "nag-taka tuloy ako. Yun yung taong humingi nang tulong sa radio program through our facebook live feed. I find it very weird pero binalewala ko nalang.
Nagbalik ako sa aking pwesto at sumalampak sa office chair. Uminat ako at minasahe ang aking sentido. Saka palang ako natawa nang ma-alala yung client ko kanina.
Nang ikutin ko ang aking office chair, nagulat ako sa taong naka-tayo sa aking harap. Abot langit ang kanyang ngiti at naka-pamulsa pa. Ang gwapo niya sa suot niyang burgundy long sleeve at dark blue maong.
"Eric kanina ka pa ba? "
"Something's funny? You don't need to call me Eric anymore. Para kasing ang pormal pa rin natin sa isa't isa, "
I giggled and sit straight onto my office chair. "Ano bang gusto mong itawag ko sayo? "
"Ano bang gusto mo? " lumapit siya and kiss me on my forehead.
"Hindi kasi ako creative eh, baby lang ang nasa isip ko, "
Ngumiti siyang muli at na-upo sa table. "Okay, I like it, baby, "
He leaned his head closer to my face at hinawakan ang aking baba.
"So saan tayo magdi-dinner? "tanong ko.
Ilang minuto nalang kasi uuwi na rin ako. Maaga siyang dumarating para ako'y ihatid. He told me na sa susunod na linggo ay makukuha na niya yung binili niyang kotse.
"Guess what! pinag-luto tayo ng dinner ni tita Cecile," wika niya. May hand gesture siya habang nagsasalita. "May natutunan siyang bagong recipe. She wanted you na kasamang tikman ang luto niya, "
"Really!" bulalas ko. Napa-tayo pa ako at minuwestra sa tiyan ang gutom. Natawa si Eric sa akin. "Kaka-excite naman bigla tuloy akong nagutom, "
Mas lumapit sa akin si Eric at niyakap ako nang mahigpit, our face were both inches closer. Bigla akong napa-isip at nabaling ang aking mata sa kanyang braso. Kaylan ko ba naramdaman ang ganitong klase nang yakap.
Parang kaylan lang kasi nang si Hector ang pumupuno nito. His face flashed in my mind again at na-alala ko ang matipuno niyang bisig. Bigla akong napa-ngiti.
"Tara na," sambit ni Eric.
Nagbalik diwa ako at napansing naka-yakap pa rin siya sa akin. Si Eric ang kasalukuyan ko ngayon and he is the reality. Inalis ko sa aking isipan ang mukhang iyon at hinawakan ang kanyang mga braso. Huminga ako nang malalim at tumango sa kanya.
***
"Nung college kasi kami isa yung phobia na yun ang natatandaan kong itinuro sa amin," kwento ko kay Eric. Nasa lobby kami nang tinitirahan nilang condominium building. Naghihintay kami nang elevator. "Hindi ako makapaniwalang magkakaroon ako nang kliyenteng may aktwal na ganoong condition, "
"That is the weirdest story I've ever heard today, "sambit niya na natatawa pa.
"I know right. Pero naaawa talaga ako sa lalake. I hope matulungan sila ng former professor ko, "
Bumukas ang elevator and we step inside. Pasara na sana ito nang may mag-iinang humabol. Alistong pinindot ni Eric yung open button. Pumasok yung mag-iina sa loob at pareho kaming na-sorpresa. Pamilyar kasi yung mukha nung bata sa amin.
Umakyat yung elevator at wala kaming kibuang apat. Napansin kong balisa ang mukha nang babae habang takot naman sa bata. Muli akong na-focus sa mata nang bata at napa-ngiti.
"Mommy natatakot ako," sambit nang bata.
Pinutol nito ang katahimikan namin, nagtaka ako sa sinabi niya. Napansin ko rin na sa parehong floor din ang punta nila. Bumukas ang elevator at na-unang lumabas ang mag-iina na nagmamadali pa.
"Wag kang mag-alala anak. Hindi galit si papa sayo, "niyakap nang babae ang kanyang anak at hinaplos ang buhok nito.
Natigilan kami pareho ni Eric and we both exchanged glances. Tumayo ang babae at inaya ang anak na tumakbo patungo sa kanilang unit. Sinundan ko sila nang tingin habang papalayo. Nagbalik-diwa ako nang pisilin ni Eric ang aking left hand, tulala na pala ako.
"Baby, we don't know them, "wika niya.
I glanced back at him at ngumiti. "I know, tara na! excited na ako, "
Nakarating kami sa main door nang unit nila tita Cecile, hindi ko maiwasang sundan pa rin nang tingin ang mag-iina. Nasa left side ang unit nila habang right side ang kaynila tita Cecile, mga three doors away.
Pumasok sila sa loob na bigla nalang sinara nang padabog. Umalingaw-ngaw ang ingay sa pasilyo, nagulat ako pati na si Eric na kumakatok sa pinto. Napukaw ang aking atensyon sa kanila. Hindi ko maiwasang mabahala.