Natapos ang hapunan at nagustuhan ko ang niluto ni tita Cecile, It's a brown rice frittata. Nagkaroon tuloy ako nang curiosity dito. Lately kasi puro baking naman ang pinag-tutuonan ko nang pansin. Kaya gusto kong subukan muli ang main dishes.
I helped tita Cecile sa pagliligpit nang mga pinag-kainan. Kaming dalawa ang naiwan sa kusina at wala akong ibang masabi kundi purihin yung luto niya.
Sina Eric at Derek abala sa pag assemble nang drone na regalo ni tita Cecile sa kanyang panganay, dahil napili siya sa try out nang kanilang basketball team sa kanyang eskwelahan, grade twelve na si Derek. Si Hans naman nasa kwarto niya at gumagawa nang assignment, grade seven na ito at masipag daw mag-aral, parang siya ang male version ko noong elementary at high school.
Magkaharap kami ni tita Cecile at isang island module ang nasa pagitan namin. Naghuhugas siya nang plato habang kumakain naman ako nang yoghurt. Hindi ko maiwasang matanong ang tungkol sa kapitbahay nilang mag-iina. Bigla ko kasi itong na-alala at hindi ako mapakali sa inaasal nung bata.
"Alam mo Clara hindi kasi masyadong friendly yung pamilya na yun," wika ni tita Cecile. Nagsasabon siya nang plato. "Tsaka bago lang sila rito, "
"Naka-sakay kasi namin kanina sa elevator. Yung bata na-meet na namin before, "
"Ganun ba, nawiwirduhan nga ako sa kanila," binuksan niya ang gripo at nagbanlaw. "Kasi hindi sila pala-kaibigan dito at tsaka minsan nakakarinig ako ng mga kalabog at sigawan sa unit nila kapag napapadaan ako sa pasilyo. Gusto ko na silang katukin kaso nahihiya ako hindi kasi sila friendly, "
Sinalansan niya ang mga plato and I helped her to wipe the spoons and forks with towel. "Alam mo tita, hindi kasi ako mapalagay. Sa pangalawang beses ko na-meet yung bata. Parang may kinatatakutan. Naba-basa ko sa mga mata niya – something's wrong with that family,"
"Baby, ayan ka na naman," nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Eric. "Dealing with other people's business. Hindi ka naman nila kilala di ba. Hindi naman tayo pinapansin ng babae kanina, "
Kinuha niya yung bagong hugas na baso at kumuha nang tubig sa water station.
Sumingit si tita Cecile na mukhang kinilig na lang bigla ang tono nang boses. "Uy, kelan pa naging baby ang tawagan niyo?"
Lumapit si Eric sa akin at umakbay habang yung left hand niya hawak yung baso nang tubig. Naka-ngisi siya. "Kanina lang, "
"Alam niyo naman itong pamangkin niyo," hindi ko maiwasang hawakan ang kanyang baba at pisilin. "Masyado raw kasi kaming pormal kung pangalan namin ang itatawag namin sa isa't isa,"
Ngumiti si tita Cecile na nag wrinkle na yung ilong. "Next level na yang relasyong yan huh, hindi ako masyadong kinikilig sa inyo, "
Umalis kaagad si Eric matapos uminom. Binalik ko ang usapan tungkol sa mag-iina dahil bothered na talaga ako tungkol dito. Alam kong hindi ko sila kilala pero tuwing Saturday, public servant ako sa radyo and yung puso ko concern sa kanila.
"Nakita niyo na ba yung father nung mag-iina? "I asked tita Cecile again. Magkatabi na kaming naka-upo sa pantry pati siya kumakain na rin nang yogurt.
"Nung nakaraang linggo magtatapon sana ako ng basura non. Nakita ko siyang naglalakad sa pasilyo. Gwapo sana siya pero napaka-serysoso, mukha siyang nakakatakot. Yung pagka seryoso ng mukha niya, yung tipong mananapak ng kahit sino. Pero pogi siya in fairness, "
Bigla siyang tumigil sa pagkain. "Clara, hija, bakit ba concern na concern ka sa mag-iinang iyon? "
Nakatitig siya sa akin na punong-puno nang pagtataka. I tried to explain about my concern with hand gestures. "Concern ako sa kinikilos nung bata. Mukha siyang stress, baka kasi magka-trauma. Delikado kasi sa development ng bata yung ganun, "
"Alam mo psychologist ka talaga, nababasa mo yung kilos nila. Kalimutan mo na yan, kung me hindi magandang nangyayari sa pamilyang iyon malalaman din namin sa buong floor, "
"Yeah, you're right tita," napabuntong hininga ako. Nag-flash na naman kasi sa isip ko yung mukha nung bata. "Pasensya na sa mga pinagtatanong ko, "
"Don't worry nauunawaan kita," tinapik niya ako sa balikat.
Nabaling ang aking paningin sa kanilang wall clock. Napa-bulalas ako. "Naku! Eight na pala. Kaylangan ko nang umuwi. May i-reresearch pa kasi ako para sa radio program ko bukas, "
"Alam mo ba avid listener na kaming lahat dito sayo," wika ni tita Cecile.
"Thank you tita, "niyakap ko siya nang mahigpit.
"Eric! Uuwi na ang baby mo," sigaw niya. Kumindat pa siya sa akin at bigla akong natawa. Napatakip ako nang aking bibig. "Ihatid mo na, "
Dumating si Eric na kumakamot pa sa ulo.
"Kailangan ba akong tawagin na parang bata, "protesta niya. He walked close to my side at umakbay.
Sinukbit ko ang aking cream tote sa balikat. "Tita salamat sa dinner. Masarap yung niluto mo. Turuan mo naman ako next time, "
"Sure, anytime Clara...dito ka na kasi mag-dinner palagi. Huwag nga kayo masyadong magastos sa pagkain sa labas, "
"Okay, tara na baby, "singit ni Eric.
Nakipag beso-beso ako kay tita Cecile. Nakita ko si Derek na nag-wave sa akin ng kaliwang kamay and I waved back.
Pagkalabas namin nang pintuan, nilakad namin ang hallway patungo sa elevator lobby. Habang nag-lalakad, may naririnig akong echo nang mga ingay at nagmumula ito sa unit nang mag-iina. Hindi ko maintindihan pero audible siya. I stopped and took a glanced at the door. Pero hinatak ako ni Eric sa aking right hand.
Naka-kunot ang kanyang noo. "Madalas yan baby. Don't mind it, tara na,"
Lumingon ako sa kanya at tumango. Nakarating kami sa elevator lobby at naghintay sa pagbukas nito. May narinig akong bumukas na pinto at hindi ko maiwasang hanapin kung saan. Nasorpresa ako dahil sa unit pala ng mag-ina nanggaling iyon.
Nanlaki ang aking mga mata nang iluwa mula roon ang isang lalake. Moreno ang kanyang balat at skin head. Matangkad siya at nakasuot nang red basketball jersey kaya napansin kong may kalakihan ang kanyang katawan. Naglakad ito at patungo sa direksyon namin. Nagtama ang aming mga mata at nakatitig siya sa akin nang malalim. It brings shivers to my body, nakita ko rin sa wakas ang mukha nang kanyang asawa.
"Baby, tara na, " Eric cut me. Nasa loob na siya nang elevator and I stepped in.
Habang sumasara yung elevator, dumaan sa tapat namin yung lalake at nakita ko siya nang malapitan. Patungo siya sa kabilang wing nang hallway at hindi niya kami pinansin. Pero napansin ko ang maraming tattoo sa kanyang biceps at braso. May tatlo siyang hikaw sa kaliwang tenga. May bigote siya at goatee, naka-kuyom ang kanyang palad.
Rumehistro sa utak ko ang takot. Tama nga ako, there is something wrong with that family. Mas lalo akong nabahala.