Chereads / Hector I Love You / Chapter 20 - CHAPTER 19

Chapter 20 - CHAPTER 19

Nasorpresa ako dahil isang maingay na pagbati ang bumulaga sa akin nang araw na iyon.

"HAPPY BIRTHDAY! "

I thought isang simpleng dinner date lang ang pupuntahan namin ni Eric. We ended up sa isang resto-bar na hindi nalalayo sa aking condominium building.

Nung una, nagkaroon pa ako nang tampo sa kanya kasi akala ko he had no idea. He knew my birthday kaya nakakapagtaka lang na he treated me as if this day is just my ordinary day. Wala nga ring bumati sa akin sa buong barkada and even kuya Drei. Kaya hindi ako makapaniwalang na-setup niya ako. Oo nga pala mahilig siyang mag-setup, hindi ko kasi agad naisip iyon.

Hindi ako makapaniwalang naroon ang lahat nang mga taong malapit sa akin. Papaano niya kaya na-contact ang mga ito? Mas lalo akong na-sorpresa sa paglapit sa akin nang mga taong hindi ko expect na pupunta sa okasyong ito.

"Ma, pa, ate, kaylan pa kayo umuwi?" bulalas ko. Napatakip ako nang aking bibig. Gusto kong umiyak. "Ang daya niyo, hindi niyo ako sinabihan,"

"Hay naku, long story sister dear. Biglaan ito dahil diyan sa jowa mo," wika ni ate Mia. Niyakap ko siya nang mahigpit. Bumulong siya sa akin. "Infairness ang galing mong pumili. Bagay kayo and I'm happy for you, "

Sunod na sumingit ang aking parents. Biniro pa ako ni mama. "Happy birthday anak, madami kang dapat ipaliwanag sa amin ng papa mo, "

Niyakap ko sila nang mahigpit at sobra akong nangungulila sa mga yakap nila.

May cute na batang sumingit sa eksena namin at may dala pa itong regalo. "Si Caleb ba yan? Gosh ang cute nang pamangkin ko,"

Bumitaw ako kaynila mama at papa. Umupo ako at kinuha ang regalo, nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan. Hindi ko maiwasang kurutin ang kanyang chubby cheeks. Hindi ako makapaniwalang si baby Caleb naglalakad na, ang dami kong na-miss sa aking pamilya.

Tumakbo siya patungo kay ate Mia at nagtago na parang nahihiya pa. I stood up at nag-iisip, papaano na-contact ni Eric ang family ko? Papaano niya rin ito nakilala?

Hinanap ko siya sa paligid at nakita kong nanunuod siya sa isang sulok. Bakas sa ngiti niya na masaya siya para sa reunion namin ng aking pamilya. Gusto kong tumakbo patungo sa kanya at umiyak. Ngayon ko na-realize na tama nga ako sa aking naging desisyon. May mga rason pa rin talaga kung bakit kaylangan akong magpatuloy sa buhay. Eto na ang pinaka-masayang birthday ko after seven years and I'm glad Eric came into my life. Wala na akong mahihiling pang regalo kundi ang presence nilang lahat sa oras na ito.

Tita Cecile surprised me nang umawit siya sa stage with her guitar. Nagsalita siya after niyang mag-perform. "May we call on our birthday girl, Clara, punta ka rito sa stage. Dito ka umupo, "

Kinabahan ako sa sinabi niya, ano na naman kaya ang pakulong ito ni Eric. Umakyat ako nang stage at si tita Cecile naman ang bumaba. Takang-taka akong umupo sa bar stool habang umakyat naman sina Audrey at Lester.

Kinuha ni Lester ang gitara ni tita Cecile at na-upo sa stool ilang metro ang layo sa akin. Sa harap niya si Audrey na kumanta, pumalakpak ako nang kumanta siya.

wise men say, only fools rush in

but I can help, falling in love with you

I felt a pang of trepidation in my body. Hinahanap ko si Eric sa paligid pero wala siya.

take my hand, take my whole life too

but I can't help falling in love with you

Nagulat ako nang tumili ang lahat sa aking harapan. I glanced behind my back, nakatayo si Eric malapit sa akin. Tumigil si Audrey sa pag-awit gayun din sa pagtug-tog si Lester at bumaba sila nang stage. Kaming dalawa nalang ang naiwan ni Eric.

Nagkaroon nang pansamantalang katahimikan at pinatay pa ata ang ilaw kasi nasa spotlight kaming dalawa. Inangat niya ang mikroponong hawak niya at huminga nang malalim. Nag-triple ang bilis ng pagtibok ng aking puso at umakyat ata ang dugo ko sa mukha.

"Clara, we've been together for just a short period of time. Pero para sa akin yung maikling panahon na iyon feels like a lifetime. I've been on the rough time of my life at akala ko nga habang buhay na akong magiging malungkot, "

Nagiging emosyonal ang kanyang boses, may luha na ang kanyang mga mata.

"Pero when you came into my life, you saved me, you changed everything. Yung happiness na nararamdaman ko ngayon gusto kong maging panghabang-buhay na. You might think why is it so early? Hindi na kasi ako makapaghintay. Hindi na kita pakakawalan pa. it sounds so selfish but the feeling is unexplainable,"

He paused for a moment and sigh. "I knew deep in my heart that you're the right person I wanted to spend my life forever. Let's build a dream together – "

Lumuhod siya sa aking harapan. "Marry me Clara?"

Umugong muli ang nakakabinging tilian. I covered my mouth dahil hindi ako makapag-salita. Pumapatak na rin pala ang luha sa aking mga mata ngunit sobrang saya ko at hindi ko ito maipaliwanag.

"Yes Eric," I blurted out.

Mas lalong lumakas ang tilian. Nilabas niya ang diamond ring at nilagay sa aking daliri. Niyakap ko siya nang mahigpit.

Alam kong maaga pa yung wedding proposal niya kasi kaylan lang naman kami nagkakilala. Pero habang buhay naman akong liligaya nito sa piling ni Eric. Para saan pa eh dito rin naman mauuwi ang lahat.

Natapos ang birthday celebration at masaya ang lahat para sa amin. Kahit maliit ang aking unit, doon ko pa rin pinatuloy sina mama. Ayokong sa hotel sila mag-stay dahil gusto ko silang makasamang lahat lalo na ang aking pamangkin. Kinuwento ko sa kanila ang story naming dalawa ni Eric and they were all happy. Panatag na silang iwan akong mag-isa rito sa pinas kasi natuldukan na nang tuluyan ang aking pagdurusa.

***

"Open your eyes," wika ni Eric.

Three nang madaling araw at naglaan talaga kaming dalawa nang oras para sa amin lang. Nasa roof top kami nang aking condominium building. Hindi pa pala tapos ang birthday celebration ko kasi this time para sa aming dalawa naman.

"Ano to?" I asked him pag-dilat nang aking mga mata.

Eric is a man full of surprises. Sa harap ko ay may love sofa na pinaliligiran nang mga scented candles. May teleskopyo ilang metro ang layo sa sofa.

Niyapos ako ni Eric from my back at nagsalita malapit sa aking tenga. "Candle light dinner sana ang una kong na-isip pero alam kong busog ka na. Kaya eto nalang, gusto kong busugin ang mga mata mo sa pag-star gazing natin. Sounds corny but it comes from the bottom of my heart, "

Natawa ako habang inaya niya akong umupo sa sofa. Eto yung paborito kong spot kasi tanaw na tanaw ang ortigas skyline dito. May mga building pang bukas ang ilaw habang sa itaas ay ang madilim na kalangitan na puno nang mga bituin. Tumabi si Eric at pareho namin pinagmasdan ang buong paligid with wonder, written all over our face.

"I like it here," bulalas ko. Sumandal ako sa kanyang dibdib. "Thank you, baby. Kung alam mo lang sobrang saya ko ngayon, "

"Thank you rin kasi pumayag kang pakasalan ako. I promise Clara, magiging maligaya ka sa piling ko,"

Hinawakan niya ang aking baba at inangat ang aking mukha. He kissed me on my lips na nagsimula sa pagdampi hanggang ipasok na niya ang kanyang dila sa loob ng aking bibig. It brought a good sensation inside of me kung kaya't siniil ko rin siya nang halik.

Naramdaman kong ginagapang niya paloob ang kanyang palad sa suot kong sweater. From my tummy paakyat nang aking dibdib. Malamig ang simoy nang hangin sa kinalalagyan namin pero ang init nang aking pakiramdam. He licked my left ear hanggang sa marating niya ang aking leeg. Bigla nalang siyang tumigil.

"Bakit?" tanong ko.

"May butterfly na dumapo, ang wierd,"

Bigla ata akong natauhan kung kaya't tinulak ko si Eric palayo sa akin ng wala sa sarili. Binaba ko ang sweater na halos mahubad na sa aking katawan.

Napakamot si Eric at huminga nang malalim. He stood up at lumapit sa teleskopyo. "Halika rito baby, ipapakita ko sa iyo ang constellation na alam ko. Come, habang hindi pa nagliiwanag,"

Nagbalik-diwa ako kasi iniisip ko na naman yung paru-paro. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Sumilip pansamantala si Eric sa teleskopyo at sunod naman ako. Ginabayan niya ako kung saan ako dapat tumingin.

Narinig kong tumunog ang kanyang I-phone, dinukot niya ito sa kanyang bulsa. "May tumatawag sa akin from U.S, iwan muna kita,"

Tumango ako at sumilip muli sa teleskopyo. He walked away from me. Manghang-mangha ako sa aking nakikita. Kakaunti lang ang knowledge ko about constellation pero na appreciate ko pa rin ang ganda nang kalawakan.

Nagulat ako nang marinig ang boses ni Eric na parang nabigla, nabaling ang paningin ko sa kanya.

"Calm down, I said calm down!" bulalas ni Eric.

Hinahawi niya ang kanyang buhok at hindi mapakali. Binaba niya ang kanyang phone mula sa kanyang tenga pagkatapos nang tawag. Huminga siya nang malalim at napahawak sa kanyang sentido.

Nilapitan ko siya at niyakap. "May problema ba?"

"Isinugod sa ospital ang dad ko. Hindi ko na maintindihan yung pinagsasabi nang aunt ko sa kabilang linya. Umiiyak na kasi siya, "

Nagulat ako sa sinabi niya, pansamantala akong hindi nakapagsalita, maski siya nakatingin na rin sa may kawalan. Hinimas ko ang kanyang likod. "Anong balak mo ngayon?"

"We need to go there. I'm so worried about it,"

"Ikaw lang ang makakagawa niyan. Wala pa akong U.S visa mahihirapan tayo kapag aasikasuhin ko pa yun," paliwanag ko. Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang kamay. "Makaka-abala pa ako sayo. You have to leave as soon as possible, kailangan ka nila. Don't worry about me,"

Walang nagawa si Eric kundi ang magtungong mag-isa sa U.S. Nagpa-alam siya sa akin pati na kaynila tita Cecile, hinatid namin siya sa airport. Bakas sa mukha niya ang pagka-bahala at yung eagerness niya na makarating nang bansang iyon. Nalaman din ni tita Carol ang nangyari sa kanyang former husband pero wala kasi itong lakas nang loob para puntahan ito roon. She said, ipagdarasal na lang niya ang kalagayan nito.

Nag-file naman ako nang matagal na leave para makasama ang buong pamilya. Dinala ko silang lahat sa Busuanga gaya nang ipinangako ko noon. Sobrang na-miss ko talaga sila lalong-lalo na si Caleb, ako ang naging baby sitter niya nang magtungo kami roon.

On the next days, Eric and I lost in touch with each other. Ngunit nagbigay naman ito nang pagkakataon para sa personal naming obligasyon. Ako para sa aking pamilya at siya naman sa kanyang ama.