Natapos ang holy week vacation at naka-uwi na ako sa aking condo unit. I decided to extend my leave sa aking trabaho pati na rin sa radio program ko. Gusto kong habaan yung panahong nilaan ko para makapag isip-isip.
At since wala naman akong magawa sa aking unit, napag-pasyahan kong mag general cleaning. Nagsimula ako sa closet sa kwarto na halos nagmistulan ng storage cabinet sa dami nang itinago ko rito. May naka-balumbong itim na eco-bag, nilabas ko ito at nasorpresa ng makita ang laman nito.
Sa sobrang busy ko sa mga nagdaang taon ay ngayon ko lang muling na-alalang may itinago pa pala ako ritong mga personal belongings ni Hector. Inalis ko ang mga laman nito at ang una kong nakuha ay ang kanyang chequered na polo shirt, regalo ko ito sa kanyang eighteenth birthday. Yung baseball cap niyang plane na royal blue, paborito niya itong suotin palagi.
Nakita ko rin yung sando shirt niyang jersey pati na yung jersey short. Hindi ko maiwasang haplusin ang tela nito na may nakalagay pa sa likod na Villanueva number thirty, ginamit niya kasi ito sa sportfest nang University namin dati. Naging basketball player siya nang dentistry department noon.
Bumaling ang aking mata sa isang paper bag na kulay yellow na katabi ng itim na eco bag. Kinuha ko ito at nalamang naroroon pa pala yung russ teaddy bear na niregalo niya sa akin. Nasa malinis na condition pa rin siya.
Napa-ngiti ako at hindi maiwasang ma-alala ang tungkol dito. Kinuha ko ang teddy bear at inipit sa aking dalawang palad, pinagmasdan ko ito. Hindi ko malilimutan ang araw na binigay niya ito sa akin.
***
"Bulaga!" bulalas ni Hector.
Sumulpot siya mula sa pintuan nang aking kwarto. Hawak niya yung russ teddy bear na ginagalaw-galaw pa niya sa ere. Nag-text siya sa akin na gumala kami kaso nagkaroon ako nang trangkaso. Na-basa kasi ako ng ulan ng biglang suspindehin ang klase at umuwi ako nang bahay na nag-commute lang.
Tinawagan pa niya ako at sinermonan na mas masahol pa sa aking mga magulang. Na dapat daw nagpa-sundo siya sa akin. Nung time kasi na yan umuwi siya nang Bulacan dahil nagbalik bayan sina mommy Gloria at daddy Ben.
Napilitan siyang lumuwas nang Maynila para lang makita ako. Akala ko pa nga aawayin niya ako dahil pinabayaan ko ang aking sarili but hindi ako makapaniwalang heto ang madadatnan ko, pagdating niya.
"Oh my gosh, si teddy," kahit nanghihina ako at mainit ang buong katawan ay nagawa ko pang ngumiti.
Kaylangan ko talaga siya ngayon and thankful ako dahil pumayag ang kanyang parents na bisitahin ako rito. Kinuha ko yung teddy bear pag-upo niya sa aking tabi, niyakap ko ito nang mahigpit as if I'm back from my five years old self.
"Minion ko yan mommy. Babantayan ka niya ngayon,"
Hindi niya ako pinagalitan at yung kanyang baritone voice may halong pag-aalala. Hinaplos pa niya yung aking buhok habang ako, nakatitig lang sa teddy bear at walang tigil ang pag-pisil dito.
Nabaling ang atensyon naming dalawa nang pumasok sa kwarto sina mama at ate Mia. "Hector anak, aalis na kami alagaan mo nang mabuti ang bunso ko huh," habilin ni mama.
Nagulat ako nang biglang tumayo si Hector at sumaludo pa. "Ma'am yes ma'am! Makaka-asa po kayo,"
Natawa tuloy sa kanya si mama habang ako naman napa-nganga.
Sumingit pa si ate Mia. "Siguraduhin mo lang private Villanueva dahil kung hindi may one hundred push up ka mamaya,"
Hindi na rin ako nagtaka kung bakit magkasundo sina ate at Hector pareho kasi silang may tililing sa ulo. "Ma'am yes ma'am. It is my sole duty to protect Miss Clarrissa Montemayor!"
"Okay carry on," wika ni ate Mia, I rolled my eyes sa kanilang dalawa. Si mama naman tawa lang nang tawa bago lumabas nang aking kwarto.
Si ate Mia nag-bigay pa kay Hector nang "I am watching you" sign, yun dalawang daliri niya naka point sa eyes niya.
Si Hector nakatayo pa rin at naka-salute, napa-iling nalang ako. Lumabas si ate nang kwarto na may dalang bayong. "Sarap niyong pag-untugin ni ate daddy,"
Tumabi siyang muli sa akin. "Don't worry mommy aalagaan kita ngayon,"
Hinalikan niya ako sa noo na nagpa-kilig sa akin, tumayo siya at lumabas nang kwarto. Nagtaka ako kung bakit. Nagbalik siyang may hawak na tray at naamoy ko yung lugaw, luto siguro ito ni mama. Lumapit siya at nilapag ang tray sa ibabaw nang aking study table. May kasama itong one glass of water at paracetamol.
Kinuha niya yung lugaw at na-upo muli sa aking tabi. "Taste test muna mommy,"
Tinikman niya yung lugaw habang busy naman ako sa pagkuha nang picture nang teddy bear sa flip phone. Almost five minutes ang ginawa kong pagkuha nang picture, napansin kong kumakain pa rin siya nang lugaw.
"Daddy, para sa akin ba talaga yan?" puna ko. Nanlaki ang mata ko dahil malapit nang maubos yung lugaw.
Ang lakas kaya niya kumain. "Ay! sorry mommy. Sarap kasi ng luto ni mama,"
I put down my flip phone at hinampas ko siya nang teddy bear. "Ikaw ang salbahe mo! May sakit na nga ako eh,"
Nakangiti lang siya habang iniiwasan yung patama nang teddy bear, inubos niya yung lugaw hanggang wala nang matira.
***
"Sorry huh, ginawa kitang pang-hampas kay Hector. Pasaway kasi siya,"
I stopped saying those words and came back from reality. Bigla akong natawa, kinakausap ko kasing mag-isa yung teddy bear.
Sumandal ako sa closet habang naka-upo sa sahig. Inangat ko ang aking tuhod at inipit sa aking mga bisig ang teddy bear. Umiiyak na naman ako.
Na-alala ko si tita Cecile, yung mga sinabi niya sa akin. She's right, sayang ang mga araw sa aking buhay na dapat masaya ako. Ngayon, unti-unti na akong napapagod, na nakikita ang aking sarili sa ganitong sitwasyon. Na iiyak kapag may na-alala, ganito na lang ba palagi.
Pinagmasdan ko ang teddy bear at tahimik na tumango. Nilapag ko ito sa sahig at lumabas nang aking kwarto. Naghanap ako nang itim na plastic bag sa aking kusina. Nagbalik ako nang kwarto at binuka ang plastic bag. Nilagay ko rito yung teddy bear, sinama ko na rin yung polo shirt, cap, jersey shirt and short. Lahat nang mga bagay na nagpapa-alala sa akin kay Hector ay nilagay ko roon.
I decided na itapon ang lahat nang ito, isasama ko na rin ang mga ala-ala ni Hector. Siguro, panahon na para magsimulang muli. Maikli lang ang buhay at gusto ko na muling lumigaya.
***
Nakatayo ako sa railings nang roof-top nang condominium building, sinandal ko ang aking mga braso. Nasa harap ko ang Ortigas skyline at ang asul na langit. Umiiyak pa rin ako sa sumandaling iyon. Ngunit sa isip ko, dapat eto na ang huli.
Sa huling pagkakataon, dinetalye ko sa aking isipan ang mukha ni Hector. I closed my eyes. Ang mapungay niyang mata kasabay nang pag-puff nang kanyang lower eyelid. Hindi nagsisinungaling ang mga matang iyon, madali ko kasing mabasa kung galit siya o masaya.
Ang ngiti niyang nagpapaligaya nang bawat sandali nang aking buhay noon. Pati na yung makapal niyang buhok na hinahaplos ko palagi kapag siya'y natutulog. Ang kanyang ilong, ang labi, sisimulan ko nang kalimutan ang lahat nang ito.
Hindi ako pwedeng manghinayang. "Hector, paalam,"
Pagkatapos nang pitong taon, ngayon ko lang nasabi ang mga salitang ito.
***
Sakay nang Honda accord, umalis ako nang condominium at nagtungo sa columbarium. Nakarating ako roon ten nang umaga at sobrang tahimik, amoy scented candle ang buong paligid.
Nilagay ko sa shelves sa ibaba nang lapida ang isang powder blue na kahon. Sa loob nito ang sing-sing at ang kanyang school ID. Tahimik akong naka-tayo.
Na-alala ko pa kung papaano ko pagmasdan si Hector kapag natutulog siya. Kung papaano ko haplusin ang kanyang mukha. Hindi ako makapaniwalang lapida na niya ang hinahaplos ko ngayon.
Bigla pa akong napapa-lingon sa hallway kasi pakiramdam ko may ibang tao roon. Inisip ko pang may multo ata kung kaya bigla akong natawa na sinundan nang isang pag-iyak.
"Hector nababaliw na ata ako?" mahina kong wika.
Lumabas ako nang columbarium at di maiwasang lumingon sa kalangitan. Kung nasaan man si Hector ngayon, sana masaya na siya. Na sana pinalaya na niya ako nang lubusan. Aminado akong hindi ko talaga siya malilimutan. Ngunit kaylangan ko pa ring magpatuloy sa buhay.